Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

YUNIT I : SALIGANG

KAALAMAN SA
MAIKLING KWENTO
JOHN HEL D. DUNTON
GEMAROSE O. OBUYES
ALMIE L. DELA CRUZ
ANNA MARIE P. DAPITON
LAYUNIN

a. Matatalakay ang kahulugan ng maikling kwento


b.Matatalakay ang kalikasan at mga ugat ng maikling
kwento
c. Mag-iwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa
d.Mag lalahad ng isang masidhi at nangingibabaw na
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwenyo

INTRODUKSIYON
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento ay
isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Deogracias
A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".
Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano
at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

ANG KALIKASAN AT KAHULUGAN


NG MAIKLING KWENTO
Kalikasan at kasaysayan ng maikling kwento – ang kuwento (buhat sa salitang
kastila na “cuento” ay anumang salaysay, nakalimbag man o hindi. Sa mga
Cebuano at iilonggo, kilala ito bilang “sugilan” ng mga pampango, at “sarita”
ng mga Iiloko. Bahagi ito ng tinatawag na katha o likhang-salaysay, maikling
kuwento ito ng kahulugan batay sa haba ng tesksto.
Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikling uri ng katha ay umiinog
sa iisang tema, tinatalakay ang piling mga tauhan at bihira ang kilos o
aksyon. Isa na rito ang pinakamatanda at pinaka maunlad na anyong
pampanitikan, ayon sa pagtaya ng mga kritiko at historyador. Madalas
tinatalakay lamang nito ang isang pangunahing pangyayari, tunggalian,,
tauhan at mayroong resolusyon o pagwawakas sa huli.
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat
ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga
pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y
patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi
maipaliwanag ng kaalaman

Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang


akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim
na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring
maganap.” Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag
din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
MGA ELEMENTO NG MAIKLING
KWENTO
Mayroong labing-isang element ang maikling
kwento. Ito ay ang mga sumusunod;

1. PANIMULA
2. SAGLIT NA KASILAHAN
3. SULIRANIN
4. TUNGGALIAN
5. KASUKDULAN
6. KAKALASAN
7. WAKAS
8. TAGPUAN
9. PAKSANG DIWA
10. KAISIPAN
11. BANGHAY
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO
1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at
suliranin

2. Gitna
Ang gitna ay binubuo ng saglit na
kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan

3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan
MGA URI NG MAIKLING
KWENTO
1. KWENTO NG TAUHAN
2. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY
3. KWENTONG BAYAN
4. KWENTO NG KABABALAGHAN
5. KWENTO NG KATATAKUTAN
6. KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI
7. KWENTO NG SIKOLOHIKO
8. KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN
9. KWENTO NG KATATAWANAN
10. KWENTO NG PAG-IBIG
MGA HALIMBAWA NG MAIKLING
KWENTO NA MAY ARAL
Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig
·Halaman ng Pagmamahal
·Ang Lugar sa Habang Panahon
·Nakalbo ang Datu

Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan


·Modelong Bata
·Ang Matalik na Magkaibigan
·Bagong Kaibigan

Maikling Kwento tungkol sa Pamilya


·Ang Mag-asawang Walang Anak
·Isang Aral Para kay Armando
Matulunging Bata

Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan


·Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
·Bakit Mataas ang Langit?
·Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas

Maikling Kwento tungkol sa Pangarap


·Si Mariang Mapangarapin
·Kapuri-puring Bata
·Pambansang Pintor
MITOLOHIYA

➤ Mayaman sa mga kuwento tungkol sa mabubuti at


masasamangispirituang katutubong mitolohiya.
➤ Mga "alalay ng mga Diyos natin ng paganismo, gaya
nina BathalaoAbba, pangunahin Diyos, Apolaki, Diyos
ng digmaan; Idiole, Diyos ng paggawa, atiba pa.
➤ Naniniwala din ang katutubong motolohiya sa mga
aswang, tiktik, tama- tama, tikbalang at salot at iba pa.

ALAMAT
Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulanng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay angmgaitong
mga pangyayari hinggil sa tunay na pinagmulan ng
mga tao at pook, atmayroong pinagbatayan sa
kasaysayan
KWENTONG BAYAN
Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa
mga likhang-isipnamgatauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan, katulad ngmatandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal
nababae.Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan
ng isang tiyak na pook orehiyonng isang bansa o
lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
PARABULA

Ay isang uri ng maikling kuwento na ang karaniwang


gumaganapaymgatao, Ito ay naglalarawan ng katutohan o
tunay na nangyayari sa atingbuhay. Ang parabula ay tulad
din ng pabula na kinapapalooban ng aral.
PABULA
Ito ay mga maikling kuwento na ang mga
tauhan ay mga hayopkungsaanay
napupulutan din ng mga magagandang aral
ng mga mambabasa.

ANEKDOTA

Ito ay maikling kuwento ng isang


nakakawilling insidente sa buhay
ngisangtao. Ang isang anekdota ay
isang maikling akda
MARAMING
SALAMAT!

You might also like