Professional Documents
Culture Documents
Ang Filipino Sa Kurikulum... Modyul 3
Ang Filipino Sa Kurikulum... Modyul 3
Ang Filipino Sa Kurikulum... Modyul 3
Maraming depinisyon ang maikakapit sa wika. Bibigyang kahulugan natin ito bilang sining
ng komunikasyon sa malawak na pagtanaw nito, ang wika ay hindi lamang nakatuon sa anyo ng
pasalita o pasulat. Ayon kina Sampson ang wika ay isang obra-maestro ni Picasso, isang
komposisyon ni Beethoven, o di kayaý ang kahanga-hangang pagtatanghal ng mga dyimnast sa
olimpyada. Totoong ang wika ay “makikita” sa mga produkto ng pagsulat ng mga mag-aaral o
maririnig sa kanilang pagsasalita ngunit higit pa rito ang nasasaklawan nito.
Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa mga
nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matatas sa paglalahad ng kanyang mga
ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na
ilantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang “iparanas”sa kanila ang
tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain
ng tula na malalapatan ng himig, pasulatin ng isang maikling dula, paguhitin ng magagandang
tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan - lahat ng mga karanasang itoý magsisilbing
matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
Paano ba nililinang ang mga kasanayang pangwika? Laging isaisip na ang kasanayan sa
paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa
kung mabibigyan nang maraming mga kaklase. Samakatuwid ang isang klasrum na
nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong
nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga
kaklase, mga guro, mga awtor, at
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
Sa mga talakayan sa larangan ng pagtuturo ng wika, maging Filipino o Ingles man, palagi nang
nakasentro ang usapan sa mga guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Mayroon ngang
nabanggit tungkol sa mga mag-aaral subalit mga palipad hangin lamang. Sa katunayan, mas
mahalagang isipin muna natin ang tungkol sa mga batang ating tinuturuan:
Sino sila?
Saan sila galing?
Ano ang alam nila?
Anu-anong mga motibasyon nila sa pag-aaral ng wika?
Ano ang palagay nila sa wikang Filipino?
Paano sila natututo ng wika?
Una, hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang wika ang mga bata. May mga
patunay na marami rin silang pagsisikap na ginagawa upang matutuhan ang kanilang una at
pangalawang wika (Brown, 1994). Ang kaibahan sa pagkatuto ng wika sa pagitan ng mga bata at
may edad na mag-aaral ay nakabatay sa likas at natural na paraan ng pagsasalita ng mga bata at
kalimitang hindi nila binibigyang pansin ang anyo ng wikang sasabihin. Samantalang sa isang may
edad na nag-aaral ng wika, tahasang binibigyan niya ng pokus ang salitang bibigkasin at pinag-
iisipang mabuti ang anyo ng wikang kanyang sasalitain.
Ikalawa, may mga pag-aaral na nagsasabi na ang may edad ay may higit na kakayahan sa
pagtatamo ng pangalawang wika. Magagawa nilang makapagsaulo ng higit na maraming
talasalitaan kaysa sa mga bata. Maaari silang gumamit ng mga prosesong deduktibo at abstraksyon
sa pag-aaral ng balarila at iba pang konseptong panlinggwistika kaya sa kabila ng otomatikong
pagpoprosesong ginagamit ng mga bata sa pagtatamo ng wika, maaaring magkaroon sila ng
problema sa pag-aaral ng pangalawang wika.
Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang bago pa lamang nag-aaral
magsalita sa mga batang pre-
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
pubescent. Lumilitaw sa maraming pagkakataon na may mga batang totoong hirap sa pagtatamo ng
pangalawang wika dahil sa maraming kadahilanan. Pangunahin sa mga kadahilanan ay may
kinalaman sa mga salik personal, sosyal, kultural, at politikal.
1. Intelektwal na Pag-unlad
Dahil sa ang mga bata (humigit kumulang hanggang edad labinsiyam) sa ganitong edad ay nasa
yugto pa rin ng tinatawag ni Piaget na concrete operations, dapat lamang na isaalang-alang ang
kanilang mga limitasyon. Ang mga tuntunin at mga paliwanag tungkol sa wika ay kailangang
gamitin nang may ibayong pag-iingat. Hindi masyadong pinahahalagahan ng mga bata sa ganitong
yugto ng paglaki ang nosyon ng mga edad ng “kawastuhan” at lalong higit na hindi nila
mauunawaan ang mga pagpapaliwanag ng tungkol sa mga konseptong panlinggwistika. May ilang
mga tuntunin para sa mabisang pagkaklase:
Isang kapansin-pansing kaibahan ng mga may edad sa mga bata ay ang tagal ng panahon ng
kanilang pagkawili. Mahalagang maunawaan ng guro ang kahulugan ng tagal ng panahon ng
pagkawili. Paupuin mo ang mga bata sa harapan ng TV na ang palabas ay paborito nilang cartoon at
asahan walang tatayo ni isa man sa kanila hanggang hindi natatapos ang palabas. Kaya’t hindi ka
maaaring magbigay ng isang paglalahat na maikli lamang ang tagal ng panahon ng pagkawili ng
mga bata. Mangyayari lamang ang maikling panahon ng pagkawili kung ang pagkaklase ay
nakasasawa at walang kabuhay-buhay. Dahil mahirap minsan ang paksang pinag-aaralan sa wika,
tungkulin mong gawin itong kawili-wili, buhay, at masaya. Paano mo ito gagawin?
“Sakit sa ulo” ang tawag ng ilang guro sa mga mag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang
yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi, at kakikitaan ng maraming pagbabago sa kanilang anyong
pisikal at intelektwal. Ito ang edad tungo sa pagbibinata at pagdadalaga. Samakatuwid, kailangan
ang isang tanging set ng mga konsiderasyon kung ang ganitong pangkat ng mag-aaral ang iyong
tuturuan. Bagama’t kakaunti kung mayroon man tayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga
mag-aaral sa ganitong edad, makabubuti siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang ilang paalala.
1. May kakayahan na ang mga mag-aaral sa ganitong edad na gamitin ang mga proseso sa
abstraktong pag-iisip kaya’t maaari na silang ilayo nang unti-unti mula sa kongkretong
paglalahad ng mga gawain tungo sa sopistikadong pagpoproseso ng mga kaisipan subalit
mahalaga pa ring isaisip na ang pagtatagumpay sa anumang gawaing intelektwal ay
nakasalalay sa antas ng kawilihan o atensyong ibinibigay rito; kaya nga kung ang isang
mag-aaral ay maraming pinagkakaabalahan tulad ng barkada, pagpapaganda sa sarili, disco,
parti at iba pa, ay maaaring
2. Ang tagal o haba ng kanilang pagkawili (attention span) ay tumatagal na rin bunga ng
kagustuhan ng kanilang pag-iisip subalit maaari itong maging panandalian din dahil sa
maraming pabago-bagong nagaganap sa pag-iisip at buhay ng isang tinedyer.
3. Maglaan din ng iba’t ibang input na pandamdam (sensory input) sa mga pagkakataong
kailangan ito ng mag-aaral.
4. Tandaan palagi na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng
kanilang pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibo sa kanilang mga naririnig na puna
lalo’t higit tungkol sa kanilang pagbabagong pisikal, mga emosyon at kanilang kakayahang
pangkaisipan. Isa sa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralang sekundarya ang
mapanatiling mataas ang pagpapahalagang pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa
pamamagitan ng mga sumusunod;
Hindi basta ginagaya ng mga bata ang wikang kanilang naririnig. Pinipili at inaakma nila
ang kayarian ng mga bahagi ng pananalita na makahulugan sa kanila.
Ang mga bata ay active learners at hindi passive learners.
Sinusuring maigi ng mga bata ang wikang naririnig at pinipili nila ang bahaging may
kahulugan sa kanila.
Ang intonasyon ng wika ang unang hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili
nila ang salita at mga hulwaran ng mga makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede.
Sa simula ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng mga pangngalan, pandiwa, at
pang-uri.
Ang mga salitang
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
pangkayarian o function words ay sa bandang huli na natutunan.
Ang modelong ilalahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng pagkatuto ng wika na
konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman, 1976, Brown at Bellugi, 1961). Sa
modelong ito ang pagkatuto sa wika ay hinati-hati sa iba’t ibang yugto.
Kakikitaan ito ng pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga batang pumapasok sa mas
mataas na yugto bago pa man nila namaster ang mas mababang yugto ng pagkatuto. Ang
pangyayaring ito ay may kinalaman sa kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa
bawat yugto ay may kalkulasyon lamang.
Pivot Class: kalimita’y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o
ikalawang posisyon. Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang
ikalawa ay iyong isa pang salita at tinatawag itong open class. Hal. “Kain Mommy,” “KAin baby,”
Kain ato”
Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong
kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa mga bagay, pangyayari at
mga tiyak na pangalan ng mga ito.
Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig ang mga tanong na “Ano to?”
“Ano yan?” at maraming “Bakit.”
Upang hindi “malunod” ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita, iwasan ang
pagbibigay na maraming impormasyon at unawaing mabuti ang mensahe ng batang nagsasalita.
Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.
Ikaanim na Yugto:
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
MALIKHAIN
Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika.
Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng
loob dahil nagagawa na nilang magsalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa
paligid.
Sa mg natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng:
1. Pag-ugnay (pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita)
2. Pagpapatibay (anumang positibong papuring gaganyak sa isang bata upang ulitin ang
anumang tugon)
3. Panggagaya (paggagad sa anumang tunog na naririnig sa matatanda)
4. Elaborasyon (pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap)
Tatawagin nating simulaing "kognitib" ang unang set dahil ang mga ito'y may kaugnayan sa mga
tungkuling mental at intelektwal.
1. Otomatisiti.
b. Mabisa at mabilis na paglayo sa pokus na anyo ng wika ang binibigyang-diin patungo sa pokus
na ang sentro ay ang layunin sa paggamit ng wika.
Implikasyong Pangklasrum
at porma ay maaaring
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
makahadlang sa katatasan sa pagsasalita.
b. Ang mga aralin ay dapat nakatuon sa gamit ng wika na siyang tunay na diwa ng kontekstong
dapat na mararanasan sa loob ng klasrum.
c. Hindi agad natatamo ang otomatikong pagpoproseso sa wika. Matiyaga ang guro habang unti-unti
niyang sinasanay ang mga mag-aaral na maging matatas sa pagsasalita.
2. Makabuluhang Pagkatuto
Implikasyong Pangklasrum
b. Sa tuwing maglalahad ng bagong paksa o tapik, sikaping maiugnay ito sa dating alam ng mag-
aaral upang maging makabuluhan ang kanilang pagkatuto.
3. Pag-asam ng Gantimpala
Implikasyong Pangklasrum
b. Himukin ang mga mag-aaral na igalang ang kakayahan ng bawat isa sa pamamagitan ng
pagbibigay suporta sa anumang gawain.
d. Magpakita ng kasiglahan sa
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
pagkaklase sa lahat ng pagkakataon.
4. Pansariling Pangganyak
5. Strategic Investment
Noong mga nakalipas na dekada, ang tanging binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay kung
paano maipapaangkin sa mag-aaral ang wika.
Ang mga pamaraan, batayang aklat at mga balangkas pambalarila ang kinikilalang mga
pangunahing salik sa matagumpay na pagkatuto. Dahil sa mga pananaliksik at pag-aaral sa wika,
binibigyang pokus na ngayon ang mga mag-aaral sa pagtuturo. Ang mga "paraan" na ginagamit ng
mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika ay kasinghalaga rin ng mga paraan na gınagamit ng guro. Ito
ang tinatawag na simulaing Strategic Investment.
Dumako naman tayo sa mga simulaing ang pokus ay ang emosyon ng tao sa set ng mga
simulaing pandamdamin, titingnan natin ang damdaming pansarili, ang pakikipag-ugnayan sa mga
tagapagsalita ng wika at ang mga ugnayan sa pagitan ng kultura at wika.
1. Language Ego
Isinasaad ng simulaing ito na habang natutuhang gamitin ng tao ang wikang pinag-aralan,
nagkakaroon din siya ng bagong paraan ng pag-iisip, pakiramdam at pagkilos na katulad ng taong
nagsasalita ng target na wika. Ang bagong language ego na kakabit ng wikang pinag-aaralan ay
lumilikha sa mag-aaral ng pagiging mahina ang kalooban at laging mapangatwiran.
Implikasyong Pangklasrum
b. Ang mga teknik na ginagamit sa pagtuturo ay kailangang may sapat na hamon sa kaisipan subalit
hindi naman makalulunod sa damdamin ng mag-aaral.
c. Upang maisaalang-alang nang lubos ang language ego, kinakailangang alamin ng guro kung:
Implikasyong Pangklasrum
a. Magbigay ng sapat na kapanatagan ng loob sa mga mag-aaral, pasalita man o sa ibang paraan.
b. Ihanay o pagsunud-sunurin ang mga teknik mula sa madadali patungo sa mahihirap na gawain. .
a. Lumikha sa mga mag-aaral na subuking masalita ang wika at mahimok silang sumagot anumang
oras nilang naisin.
b. Maglaan ng mga teknik na tuwirang hahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral. Gawin ito nang
may katamtamang kahirapan subalit hindi naman lubhang napakadali.
c. Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng "pakikipagsapalaran" sa pag-aaral ng wika upang di
isipin ng iba na kahit ano na lamang ay maaari nilang ibulalas.
Implikasyong Pangklasrum
a. talakayin ang pagkakaiba ng mga kultura at bigyang-diin ang kaisipang “Walang kultura na mas
higit kaysa ibang kultura”. Pahalagahan din ang kaisipang ang pag-unawa sa kultura ng mga taong
gumagamit ng target na wika ay mahalaga sa pag-aaral nito.
b. Ituro ang konotasyong pangkultura ng wika lalo't higit iyong may kinalaman sa aspektong sosyo-
lingguwistika.
c. Isama sa inyong mga teknik ang mga gawain o kagamitang naglalarawan ng kaugnayan ng wika
at kultura.
d. Salain at iwaksi ang mga gawain, kagamitan at mga teknik na makasasakit, ng damdamin dahil sa
pagkakaiba ng kultura.
Simulaing Linggwistik
Implikasyong Pangklasrum
Sikaping maganyak ang mga mag-aaral na mag-isip nang tuwiran sa target na wika upang
maiwasan ang pagkakamali na bunga ng katutubong wika.
b. Interlanguage
Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon
upang makilahok sa iba't ibang uri ng mga gawaing komukikatibo. Ganyakin din ang mga mag-
aaral na makipagsapalaran habang unti-unti nilang nasasalita ang wikang pinag-aaralan. At higit sa
lahat, sa simula pa lamang kailangang mayroon na silang sariling istratehiya upang magawa nilang
mapunan ang mga di-maiwasang pagkakataong mangangapa sila sa paggamit ng wika.
Binibigyang -halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng
mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang
pangangailangan at interes. "Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang
sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika nang
natural at hindi pilit.
Simulaing Sosyo-Kultural
Simulain ng Kamalayan
Simulain ng Pagtataya
Simulain ng Pananagutan
Masasalamin sa katauhan ni Mrs. Quirino ang likas niyang pagmamahal sa mga bata, ang
masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung makakapasok ka sa loob ng
kanyang klasrum, makikita mong masasayang gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa
isang sulok ng klasrum na tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na
kanilang babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulat sa kani-kanilang desk.
May mga bata ring gumagawa kasama ni Mrs. Quirino. Sa isa pang sulok ng klasrum ay makikita
ang tatatlong batang sumusulat ng isang kwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa isa pang
Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirino. Ang mga bata ay
malayang nakakagawa ng mga gawaing di alintana ang pagkakamali. Hindi rin sila natatakot na
sumubok ng mga gawaing bago sa kanilang pananaw. Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong
kaligiran ay basta na lamang nagaganap. Si Mrs. Quirino ay isang master titser. Kilala niya ang
kanyang mga mag-aaral at iginagalang niya ang kanilang pagkakaiba-iba. Ginagamit din niya ang
kanyang napag-aralan sa paglaki at pag-unlad ng mga bata at isinasaalang-alang ang mga teorya sa
pagkatuto upang makalinang ng isang kaligirang komportable ang mga bata at naroon ang sigasig sa
pagtuklas ng karunungan.
Isinasaalang-alang din ni Mrs.Quirino ang dignidad ng bawat bata at naroon parati ang
respeto sa kanyang tinuturuan. May sapat din siyang kamalayan sa mga mag-aaral hinggil sa
kaibahan ng lalaki sa babae at tinitiyak niyang magkapantay ang mga hamon at mga batang
mapanukso o iyong mga napang-aapi ng kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang kung
kailangan at palagi niyang inuulat sa kanila ang progreso sa pag-aaral ng kanilang anak.
Kataka-taka bang isipin kung maraming magulang ang nangangarap na magkaroon sana ng
clone si Mrs.Quirino sa darating na araw. Kaya mo iyan! Lamang, bukod sa likas mong hilig sa
pagtuturo ay lagi mong isasaisip ang mga mahahalagang bagay upang mapagtagumpayan ng mga
bata ang lahat ng kaalaman sa pagkatuto na iyong inihanda. Nasa ibaba ang ilang kaisipang dapat
mong balik-balikan lalo na’t mapapansin mong manamlay ang mga bata sa kanilang pag-aaral.
A. Panlabas na Motibasyon (Extrinsic Motivation) na bunga ng mga salik eksternal gaya ng:
pagkagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino ang sinasalita.
Integratibong motibasyon ang tawag dito;
pag-asam na makatuntong sa isang kolehiyo o pamantasan o di kaya’y pagkakaroon ng isang
trabaho na mataas ang pasahod dahil sa alam na wika. Motibasyong instrumental ang
tawag dito; at
pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pagkilala mula sa kapwa mag-aaral o mga
guro.
B. Motibasyong Intrinsik (Intrinsic Motivation) – ito’y likas na kagustuhan sa pagkatuto ng
isang wika. Halimbawa,
Fil 110 - Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Tagapaglinang ng Kurso: Prop. Anazel Vergara-Palomar, LPT, MAT
ang isang mag-aaral na galing sa isang pamilyang may positibong saloobin sa wikang
Filipino ay maaasahang magkakaroon ng ibayong interes sa Filipino at magkakaroon ng
pagkagusto upang masterin ang wika.
Tanggapin natin na sa mga klaseng ating tinuturuan, may mga mag-aaral na mataas ang
motibasyon sa pag-aaral at mayroon namang halos ay walang interes sa pag-aaral. Ang totoo, mas
madaling turuan ang klaseng mataas ang antas ng motibasyon sa pag-aaral. Kaya nga, kailangang
pagsikapan ng guro na magkaroon ang klase nang higit na mataas na motibasyon sa anumang
gawain sa pag-aaral. Sa ganitong kalagayan, kailangan ang angkop na pagpukaw sa kawilihan ng
mga mag-aaral, paggamit at pagpili ng mga kagamitang panturo na kanilang kalulugdan. Laging
isaalang-alang ang iba’t ibang pangangailangang pangkaisipan at pandamdamin ng mga bata lalo’t
higit ang kanilang layuning mapagtagumpayan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatakda ng
mga mapaghamon subalit reyalistikong mga gawain upang mapagtagumpayan ang layunin.
Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng wika.
Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaaring maging
sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-aaral ng wika.
Maraming tungkulin o “papel” na ginagampanan ang guro sa loob ng klasrum. Ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:
Pagbibigay impormasyon at paglalahad ng kaalaman;
Paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang natamong
kaalaman;
Pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at
nakawiwiling gawaing magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang natutuhan;
Pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-aaral ang
gawain sa isang kagiliran na walang pangamba o pagkabahala;
Binibigyang-sigla ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga papuri
(“Magaling ang iyong sagot, sige ipagpatuloy mo”). Ito’y nagbibigay ng lugod sa mga bata
dahil kinikilala ang kanilang kakayahan sa klase; at
Palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.
Lalong magiging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung may kabatiran at
nauunawaan niya ang mga katangian ng kanyang mag-aaral. Sa isang pag-aaral nina Rubin at
Thompson (1983), nagtala sila ng mga katangian ng isang magaling na estudyante ng wika. Ito ay
ang mga sumusunod:
Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-aaralan at sinusubukan
niya ang mga ito sa pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng mga impormasyon sa
Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanang mas higit na gusto ng mga
estudyante sa kanilang pag-aaral .Si Willing (1988 at binanggit kay Nunan, 1991) ay nagsabi na ang
isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang mga gustong istilo sa pag-aaral ng mga estudyante
ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa isang pag-aaral
ni Willing, nagawa niyang pagpangkat-pangkatin ang mga mag-aaral at inuri niya ito sa apat na
kategorya. Nagtala rin siya ng mga pinapaborang istratehiya sa bawat uri ng mag-aaral.
Mga Sanggunian:
Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/ sa Filipino. Mga teorya, Simulain, at
Istratehiya. Mutya Publishing House, Inc. Malabon City
Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Mga Teorya, Simulain, at Istratehiya.
Grandbooks Publishing, Inc. Metro Manila.
Villafuerte, Patrocinio V. at Bernales, Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika.
Mutya Publishing House, Inc. Malabon City.
www.scribd.com/doc/.../Ang-Kurikulum-Na-Filipino
http://www.rabernalesliterature.com/?p=881
Inihanda ni: