Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 1

3RD QUARTER

Pangalan: ___________________________________________________ Marka: _______

Panuto: Isulat ang tama dapat gawin at mali naman kung hindi.

_______1. Sinusunod agad ang utos ng mga magulang.

_______2. Umuuwi agad pagkalabas ng paaralan.

_______3. Tumutugon agad kapag tintawag ng lolo at lola.

_______4. Iniiwasang gawin ang mga ipinagbabawal ng mga magulang.

_______5. Kailangan pang bigyan ng pabuya kapag ginawa ang ipinagbibilin

ng mga kapatid.

_______6. Susunod agad sa utos ng lola.

_______7. Sasabihin sa mga magulang na iba na lang ang utusan .

_______8. Magbibingi-bingihan sa mga ibinibilin ng guro.

_______9. Tatakbo papalayo kapag tinawag ng nanay para hindi mautusan.

_______10. Sinusunod ang bilin na huwag umalis ng bahay nang hindi

nagpapaalam.

Panuto: Tukuyin kung ano ang tamang gawin sa sumusunod na mga sitwasyon.

Bilugan ang letra ng iyong sagot.

11. Tatlong beses ka nang nagpabalik-balik sa kuwarto ng nanay mo dahil

palagi siyang may pinakukuha sa iyo.

a. Magdadabog na ako dahil pagod na pagod na ako.


b. Susundin ko ang lahat ng inuutos ng nanay ko.

c. Hindi ko na iintindihin ang inuutos ng nanay ko.

12. Tinatawag ka ng tatay mo habang nanonood ka ng paborito mong

palabas sa telebisyon.

a. Magbibingi-bingihan ako.

b. Tatayo agad ako para malaman kung bakit ako tinatawag.

c. Patuloy ko pa ring panonoorin ang paborito kong palabas sa

telebisyon.

13. Madalas kang sinasabihan ng nanay mo na ayusin ang higaan

pagkagising sa umaga.

a. Iuutos ko na lang sa aming kasambahay ang pagaayos ng higaan.

b. Mamaya ko na aayusin pagkagaling sa paaralan.

c. Aayusin ko agad ang aking higaan pagkagising sa umaga.

14. Pinagbabawalan ka ng dentistang kumain ng kendi dahil nakasisira ito ng

ngipin.

a. Kakain pa rin ako ng kendi.

b. Iiwasan ko ang pagkain ng kendi.

c. Hindi ko sasabihin sa nanay ko ang sinabi sa akin ng dentista.

15. May tuntunin sa bahay ninyo na patayin ang ilaw sa inyong silid bago

matulog.

a. Pinapatay ko ang ilaw bago matulog.

b. Hinahayaan kong nakabukas ang ilaw sa aking silid.

c. Papatayin ko lang ang ilaw kapag nahuli ako ng nanay ko.


Panuto: Basahin ang sumusunod na usapan. Bilugan ang titik ng pangungusap

na tumutugon sa bawat tanong.

16. Aling Gelay: Alam mo na hanggang ikaapat ng hapon ka lamang

maaaring maglaro.

Iking: Pasensiya na po, Inay. Nalimutan ko ang iyong bilin.

Ano ang dapat gawin ni Iking?

a. Uuwi na siya sa tamang oras.

b. Magpapagabi na siya sa pag-uwi.

c. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.

17. Lola Cela: Tandaan mo, apo, ang pagsesepilyo ay mahalaga.

Nita: Lola, alam ko na po iyan.

Ngunit hindi pa rin sinunod ni Nita ang payo ng kaniyang lola. Ano ang

mangyayari kay Nita?

a. Masisira ang kaniyang mga ngipin.

b. Magiging malusog ang kaniyang mga ngipin.

c. Magiging maputi ang kaniyang mga ngipin.

18. Aling Naty: Carlo, itapon mo nga ang mga balat ng saging sa basurahan.

Carlo: Opo, Inay.

Basta na lamang inihagis ni Carlo ang mga balat ng saging sa

basurahan. Ang iba ay nakakalat sa sahig. Ano ang maaaring mangyari?

a. Maaaring madulas ang makatatapak sa balat ng saging na nasa

sahig.

b. Matutuwa ang nanay kapag nakita niya ang mga balat ng saging sa

sahig.
c. Sasang-ayon ang nanay sa ginawa ng anak na paraan ng pagtapon

ng basura.

19. Lolo Jose: Buboy bago ka maglaro basahin at sagutin mo muna ang iyong

modyul.

Buboy: Opo lolo.

Nagbasa at nagsagot ng modyul si Buboy ngunit hindi pa niya ito

natatapos siya ay naglaro na. Ano ang dapat gawin ni Buboy?

a. Maglaro maghapon at sa gabi nalang mag-aral.

b. Umuwi at tapusin muna ang pagsagot.

c. Ipasa ang modyul ng hindi tapos.

20. Aling Lita: Kiko, lagi mong uunahin ang pagkain bago ang panonood ng

telebisyon at paghawak ng cellphone.

Kiko: Pasenysa na po nanay, nalimutan ko po.

Ano ang dapat gawin ni Kiko?

a. Unahin muna ang pagkain.

b. Kumain habang nanonood.

c. Maglaro sa cellphone at kumain lang pag gutom.


TALUGTUG EAST CENTRAL SCHOOL
1st SUMMATIVE TEST IN AP 1

3rd QUARTER

TABLE OF SPECIFICATION

Learning Competency No. Of Items Item Placement

Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng


pagiging masunurin at magalang tulad ng:

- pagsagot kaagad kapag tinatawag ng


kasapi ng pamilya;
- pagsunod ng maluwag sa dibdib kapag 20 1-20
inuutusan;
- pagsunod sa tuntuning itinakda:
- tahanan
- paaralan

Prepared by:

You might also like