Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Filipino

Baitang: Siyam (9) Linggo: Ikalawa (2) Kuwarter: Ikatlo (3)

I. Layunin: Nasusuri ang elemento ng elehiya batay sa:


-tema
-mga tauhan
-tagpuan
-mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon
-wikang ginamit
-pahiwatig o simbolo
-damdamin
MELCs Code #: F9PB-IIIb-c-51

II. Paglalahad ng Aralin:

Ang Elehiya o dalitlumbay ay uri ng tulang liriko tungkol sa pananangis o pag-alaala


sa yumaong mahal sa buhay. Ang himig ay mapagtimpi, mapagmuni-muni at di
masintahin.
Batay sa uri ng paksa nito, ang pagpapahayag ng damdamin ay higit na personal at
ang himig nito ay matimpi o mapagmuni-muni. Para sa makatang nagsusulat nito, isa
itong paraan upang mabawasan ang paghihinagpis , mapaghilom ang mga sugat bunga
ng pagkakawala ng isang minamahal, o paggunita sa alaala ng kanilang pinagsaluhan.
Ito ay binubuo ng sumusunod na elemento:

Tema- paksa o kabuoang kaisipan


- Pinagbabatayan nito ang kaalaman ng nagsulat kaugnay sa buhay at mga
pangyayari na may kaugnayan sa pagyao ng taong pinag-aalayan nito.

Halimbawa: kalupitan ng sundalo sa mga mamamayan ng Palestino


Pagmamahal ng magulang sa anak
Pagbibigay ng halaga sa kaibigan

Tauhan- taong pinag-aalayan o pinatutungkulan ng elehiya


Halimbawa: Ang aking lolo
Tagpuan- lugar o panahon ng pinangyarihan sa tula
Halimbawa: isang gabi sa kabundukan
Panahon kung saan nagaganap ang demolisyon
Mga kaugalian o tradisyon- gawi ng pinag-alayan ng tula o mga gawi ng lipunang kanyang
ginagalawan
Halimbawa: Paglilinang at pagbubungkal ng lupa
Wikang ginamit

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Pormal- salitang istandard


Impormal- madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag-uusap

Halimbawa: kendi mula sa candy (impormal)


Buldoser mula sa bulldozer (impormal)
Simbolismo- mga simbolo ng ideya o kaisipan na nagpapasidhi sa guni-guni ng mga
mambabasa
Halimbawa: ‘balabal ng aking lolo’- karanasan ng kanyang lolo
Damdamin- nararamdaman ng makata sa pagpanaw ng pinag-aalayan ng tula
Halimbawa: lungkot at pagbabalik-tanaw sa magagandang alaala ng makata
sa kanyang lolo
Aral- mahahalagang mensahe na nais iparating ng may-akda
Narito ang isang halimbawa ng elehiya:

Huwag aglahin ng mapaglunggati ang kanilang buhay,


ang mumunting galak at ang aba nilang kalagayan
ni huwag uyamin ng mapagsang-ayon o larawan lamang
ang talang maikli ng maraming nalagak sa hukay.

Ang pagmamalaki at pagpapalalo sa tungkulin


ang madlang kariktan na dulot ng ganda’t kayamanang angkin,
ang lahat na iya’y may iisang wakas lamang na hihintin
ang landas ng puso’y landas patungo sa libing

Magagawa pa kaya ng marangyang tumba’t bantayog


na buhay ang papagbalikin sa
katawang lupa ang kanyang nanaw?
Ang piping alabok kaya’y magising pa
sa tawag ng dangal,
maaliw pa kaya ng puring matabil
yaong kamatayan

-pinagkunan: Crisanto, Rivera “Panitikang pambata”

III. Pagsasanay :
A. Panuto: Basahin ang Elehiyang para kay Lola . Suriin ang bawat elementong matatagpuan
dito gamit ang gabay na tanong sa ibaba.

Elehiya para kay Lola


Lubos na pighati ang naramdaman
Sa mensaheng iyong ipinadala
Na ako’y lilisanin na
Papunta sa lugar na milyon-milyon ang distansya

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Mga alaala iyong iniwan


Pait ang dulot tuwing natakbo sa isipan
Hindi pa rin makapaniwala
Na ikaw ay lumisan na
Mainit at mabibigat na luha
Ang nagmistulang sagot sa iyong mensahe
Ibig kong ikaw ay manatili pa
Ngunit naisip kong oras na para magpahinga ka

Ilang araw ang lumipas simula ng iyong paglisan


Ako’y unti-unting nakabawi at ang lungkot ay nabawasan
At aking natanggap na ikaw ay alaala na lang
Lola, mahal na mahal kita
Salamat sa alaalang walang hanggan.

-Pinagkunan: (scribd/uploaded by Catherine Rivera)

TANONG:
1.Ano ang tema ng binasang tula?
2.Ano ang damdamin at tono na nakapaloob sa tulang binasa? Magbigay ng patunay.
3.Paano ipinadama ng may-akda ang kanyang pagdadalamhati sa tula?
4.Magbigay ng mga simbolo o pahiwatig na ginamit ng may-akda sa tula.
5.Paano inilarawan ng may-akda ang mga alaalang iniwan sa kanya ng kanyang ina?

B. Panuto: Basahin ang tulang LUHA at suriin ito batay sa sumusunod:


Tema
Tono/ damdamin
Mga kaugalian o Tradisyon
Imaheng nakapaloob
Uri ng tula

LUHA
Ni Hazel Beran

Mga patak ng aking luha, hindi ko mabatid


Sa iyong maamong mukha, ako’y nakamasid
Hawak ang mga alaalang, iyong ibinigay
Samantalang puso ko, ay nagluluksa ng tunay

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Pangungulila ko, ba’t di ka naglalaho?


Mahirap nang pigilan, ang sakit sa aking puso
Pilitin kong maghangad, ng panibagong tayo
Sadyang huli na ang lahat , upang tayo’y muling magtagpo

-brainly.ph/question/1194749

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang elehiyang “ Elehiya kay Y” ni Rolando A. Bernales at suriin ito
batay sa mga elemento nito.

Elehiya kay Y
ni Rolando A. Bernales

Ang dilim sadya ay nagluluwa rin ng lagim,


Tiyak di mo nahiwatigan ang banta ng himbing
Di lamang pala tubo’t puhunan ang sa iyo’y mananakaw
Pati pala buhay sa iyo’y biglang maaagaw.

Sabagay, pati buhay ay iyong pinuhunan


Upang ika’y makapagtatag ng puwang sa lipunan.
Tila hindi lamang ang imbot ng hangarin,
ang nag-udyok sa mga ganid na salarin
kundi maging ang palasak na paniniwala
Na ikaw, dahil bakla, ay sadyang mahina.

Ngunit hayaan mong sa iyo kami manghiram ng lakas,


Upang dangal ay maibangon sa gitna ng pandarahas.
Hayaan mong sa iyo kami manghiram ng buhay
Upang aming maigiit ang pagkilalang pantay-pantay.
Sa isang tulad mong kanilang kinikitil,
Libo ang iniluluwal na di na pasisiil!

1.Tema
2.Tono
3. Kaugalian o Tradisyon
4. Wikang ginamit
5. Simbolo o mga Pahiwatig

Sorsogon City, Sorsogon


Telefax No. (056) 421-5896
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph

You might also like