Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Shyra Mae G.

Refil

Ang alamat ng Amythest

Matagal na panahon na ang nakakaraan, bago pa lamang ang mundo sa kabihasnan, simple lamang
ang pamumuhay ng karamihan sa bayan ng San Alfonso. May iilang nakaka angat angat ang pamum
uhay tulad na lamang ng pamilya ni Gabriel De Jesus, nag iisang anak nina Cristina at Antonio De Jesus.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang marangyang pamumuhay ng pamilyang ito, kung kaya sila
na lamang ang laman ng mga usap usapan sa kanilang bayan. Kung iisipin, walang magulang ang
gugustohing hindi maginhawa ang magiging buhay ng kanyang anak, kaya naman pusposan ang
ginagawang paghahanda ni Cristina at Antonio para sa kinabukasan ni Gabriel. Magandang edukasyon,
komportableng tirahan, magarbong pamumuhay at mga nakapaligid na mga babaeng galing din sa
magagandang pamilya na inaasahan ng kanyang mga magulang na balang araw ay kanyang
papakasalan. Komportable man ang buhay ni Gabriel ay hindi naman sya masaya, sa kabila kasi ng
mga materyal na bagay na kanyang nakakamit sa isang sabi nya lamang ay may isang bagay na alam
nyang makakasira sa relasyon nya sa kanyang mga magulang at tiyak na magiging dahilan na pag
usapan sila sa kanilang lugar. Si Tessa.

Taliwas sa estado ng buhay ni Gabriel, si Tessa ay napapabilang sa mahihirap. Sa kabila ng hirap ng


buhay, napalaki si Tessa na magalang, mabait, masunorin, mapagmahal at may takot sa Diyos,
kaakibat na rin ang mala anghel nitong ganda. Ganun paman at di naiwasan ni Gabriel na humanga sa
babaeng ito.

Dalawang taon ang nakakalipas mula noong unang nag krus ang landas ng dalawa. Dahil sa kabilang
bayan nag aaral si Gabriel at madalas din itong sinasama ng kanyang mga magulang sa mga bakasyon,
bihira lamang sya umuwi sa San Alfonso, gayun paman ay hindi sya masyadong pamilyar sa mga
pasikot sikot sa lugar na naging dahilan ng pagka ligaw nito. Malapit na mag takipsilim ngunit hindi pa
nakaka uwi si Gabriel, sa kabutihang palad ay nagkasalubong sila ni Tessa at tinulongan neto makauwi
si Gabriel, mula noon ay naging malapit ang dalawa hanggang sa kasalukuyan.

Sa edad na 19, edad kung kelan halos hindi mapigilan ang mga damdamin, tuloyan na ngang nahulog
ang loob nila sa bawat isa. Ang binatilyo na halos hindi maka tungtong ang paa sa kanyang sariling
bayan ay napadalas ang dalaw upang masilayan si Tessa. Tunay at malalim ang pagmamahalan ng
dalawa, ngunit sila ay maingat lalo na at isang maling galaw lamang ay maaaring makarating sa
magulang ni Gabriel ang mga palihim nilang pagkikita.

Sa ilalim ng puno ng mangga, madalas matatagpuan ang dalawa na masayang nag kukwentohan. Sa di
inaasahang pagkakataon ay biglang bumuhos ang ulan. Dali daling tumakbo si Gabriel at Tessa upang
mag pasilong. Ngunit sa kasamaang palad, nakasalubong nila ang sasakyan ng mga magulang ni
Gabriel. Nanlamig ang katawan ng dalawa lalo na’t hindi mapagkakaila na palihim silang nag tagpo na
silang dalawa lamang. “Gabriel, anong ginagawa nyo dito? Ang lakas ng ulan, pumasok na kayo.” ani
ni Cristina. Nag katinginan pa ang dalawa ngunit sumunod naman ang mga ito. Sa loob na sasakyan,
yakap yakap ni Tessa ang kanyang sarili dahil sa lamig at kaba na kanyang nararamdaman. Napansin ni
Gabriel na hindi komportable si Tessa, gusto nya itong lapitan upang maibsan ang lamig na iniinda
ngunit alam nyang nag mamatyag ang kanyang mga magulang. Ilang minuto ang lumipas, hindi na
kaya panuorin ni Gabriel na nangangatog sa lamig si Tessa kaya kanya na itong nilapitan kahit pa na
alam nya na ang pag lapit na ito ay ang mag kukumpirma ng kanilang relasyon sa harap ng kanyang
mga magulang.

”Saan ka nakatira hija?” tanong ni Antonio. “Sa unahan lang po ng palengke, sa may baboyan po.” Nag
aalangang sagot ni Tessa. Wala mang salita na binanggit ang mga magulang ni Gabriel, ngunit damang
dama ni Gabriel at Tessa ang tensyon sa loob ng sasakyan. Nang makarating sila sa tapat ng bahay ni
Tessa, binaba ni Cristina ang bintana at tiningnan niya ang bahay nina Tessa na para bang
hinuhusgahan nya ito. “Dito na ho ako Don Antonio, Senora Cristina, maraming salamat po sa pag
hatid.” magalang na sabi ni Tessa. Tiningnan sya ng matagal ni Cristina samatalang di man lang sya
nilingon ni Antonio. “Walang anuman, sana ito na ang huli nating pagkikita. Pwede ka nang lumabas”
mataray na saad ni Cristina “Ma!” protesta ni Gabriel, hindi na nagtagal si Tessa sa loob ng sasakyan,
bumaba na ito at patakbong pumasok sa kanilang bahay habang umiiyak.

”Ano ibig sabihin nito Gabriel?!” Galit na tanong ni Cristina. Hindi sumagot si Gabriel, naka tanaw lang
ito sa labas ng bintana. “Lahat ng kailangan mo, edukasyon, pera, luho binibigay namin sa iyo tapos
papatulan mo lang ang maruming babaeng yun?” “Hindi sya marumi!” sagot ni Gabriel. Hindi na nito
kinaya ang mga masasakit na salitang binibitawan ng kanyang ina kay Tessa. Mabigat ang pakiramdam
ni Gabriel buong byahe papunta sa kanilang bahay, nang makarating na sila ay nais pa mag sermon ni
Cristina ngunit wala nang gana si Gabriel at tumalikod na ito. Dahil sa bastos na asal na pinakita ni
Gabriel, napasigaw sa galit ang ina nito. “Sana mamatay na yung babaeng yun para tuloyan na kayong
di mag kita!”

Lumipas ang ilang linggo na hindi nagkikita si Tessa at Gabriel, pinagbawalan ng mga magulang ni
Gabriel si Tessa na makipag kita sa anak nila. Lingid sa kaalaman ni Gabriel na mula ng huli nilang
pagkikita ay nagkaroon si Tessa ng malubhang sakit. Akala ng ina ni Tessa ay simpleng trangkaso lang
dahil sa ulan ngunit tumagal ito ng ilang linggo. Sa loob ng ilang linggong di pagkikita ni Gabriel at
Tessa, ginawa ni Gabriel ang lahat makita lang ang kanyang nobya, nag padala ng sulat, nag hintay
mag damag sa labas ng bahay ni Tessa. Ngunit lumipat na pala ito dahil sa takot sa pamilya ng mga De
Jesus. Lumipas ang mga buwan, pabalik balik si Gabriel sa kanilang tapuan, nag iiwan ng mga sulat
nagbabakasakali na mabasa ito ni Tessa o dumalaw ito ngunit wala.

Walong buwan ang lumipas, walong buwang pangungulila ni Gabriel sa nobya nang bigla nyang
mabalitaan sa mga tao sa palengke na pumanaw na ang dalagita. Hindi maka paniwala, pumunta si
Gabriel sa kanilang tagpuan upang makapag isip isip at ibuhos ang sakit na nadarama at pati narin
sariwain ang alaala ni Tessa. Sa kalagitnaan ng kanyang pag luluksa, may napansin syang makinang na
halos matabunan na ng lupa. Kinuha nya ito at pinagmasdan. Isang bagay na kulay lila at makinang
ang tumambad sa kanya. Isang mamahaling bato. Sa hindi mapaliwanag na pangyayari, maaaring dahil
sa pagmamahal at pangungulila na nararamdaman ni Gabriel, nasilayan nya ang mukha ni Tessa sa
repleksyon ng bato kung saan dapat mukha ni Gabriel ang naroon. Hindi nya mapigilang isiping isa
itong senyales na ibinigay ni Tessa upang ipakita at ipadama na ayos lang sya saan man sya naroon.
Dinala ni Gabriel ang bato sa kanilang bahay at itinabi ito at tinawag nya itong Tessa bilang alaala ng
kayang nobya na kahit tila nakalibing na sila sa lupa ng kahirapan ay nagagawa parin nitong ipakita
ang kinang at ganda ng kalooban nya.

Itinago ni Gabriel ang bato ng maraming taon, nakapag desisyon sya na hangga’t nasa kanya ang bato
ay ibig sabihin nuon ay di parin sya binibitawan ni Tessa. Lumipas ang taon at tumandang binata si
Gabriel, nagkaayos man sila ng kanyang ina, hindi parin nya maalis ang bigat sa damdamin na kung
pumayag lang sana si Cristina na maging masaya sila ni Tessa ay malamang masaya sila hanggang
ngayon.

Sa edad sa otsientay siete (87), pitong dekada mula nang magkakilala sila ni Tessa, pumanaw si
Gabriel sa kanyang mahimbing na tulog, yakap yakap ang bato na kanyang nahukay at
pinaniniwalaang mensahe ni Tessa. Nang matagpuan ang kanyang katawan, marami ang namangha sa
bato na pagmamay ari ni Gabriel, may iilang nakaka alam na “Tessa” ang tawag ni Gabriel sa batong
iyon. Pero dahil kinumpiska na ito ng mga otoridad kinailangang palitan ang pangalan ng mineral na
iyon, pero bilang respeto sa alaala ni Gabriel De Jesus at Tessa, imbes na “Tessa” ay tinawag na itong
“Ametess” o “Amythest” sa ingles. Simbolo ng kakaibang ganda at patuloy na pagkinang kahit ano pa
ang sitwasyon sa buhay, kahit nag mula ka pa sa ilalim ng lupa.

You might also like