ME Fil 6 Q1 0403 - SG

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

ARALIN 4.3

Sanggunian sa Pananaliksik
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Mga Sanggunian sa Pananaliksik 4
Diksiyonaryo 4
Tesawro 4
Ensiklopedya 4
Atlas 5
Almanak 5
Peryodiko 5
Pelikula at Pananaliksik 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 8

Dapat Tandaan 9

Mga Sanggunian 10
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Aralin 4.3
Sanggunian sa Pananaliksik

Lar. 1. Makikita sa silid-aklatan ang maraming sanggunian na maaring gamitin sa


pagsasaliksik.

Introduksiyon
Proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon o naglalayong masagutan ang
problema ang pananaliksik. Isa sa mga hakbang ng pananaliksik ay ang pangangalap ng
mga impormasyong makatutulong sa atin upang mas maunawaan pa ang isang paksa o
bagay. Subalit sa dami ng mga sangguniang maaring gamitin, nakalilito kung alin ang
uunahin at angkop na pipiliin. Gagabayan ka ng araling ito upang mas higit na magamit ang
iba’t ibang mga sanggunian ayon sa gamit nito.

1
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang gamit ng pananaliksik sa pag-unawa sa pelikula.
● Nakababanggit ng mga halimbawang sanggunian na maaraing gamitin sa
pananaliksik.
● Nasusunod ang mga hakbang sa pananaliksik.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nakagagamit ng pangkalahatang sanggunian
sa pagsasaliksik. (F6EP-Ib-d-6).

Simulan

Ang Pagsasaliksik

Ang silid-aklatan ay may malaking gampanin sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito
ang nagsisilbing sentro ng kaalaman at mga impormasyon na pinupuntahan ng mga mag-
aaral upang magbasa at magsaliksik mula sa iba’t ibang sanggunian. Ngunit sa
kasalukuyan, napakadali na ang manaliksik at mangalap ng impormasyon. Isang click o
type lamang sa Internet gamit ang web search engine ay makakukuha na ng impormasyon
at makahahanap na ng sagot sa mga katanungan.

Mga Panuto
1. Balikan at alalahanin ang mga panahong ikaw ay nananaliksik ng impormasyong
patungkol sa iyong takdang gawain.

2
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

2. Punan ang talahanayan ng mga sangguniang ginamit mo upang mangalap ng


impormasyon.
3. Sagutin ang sumusunod na tanong na kaugnay ng gawain.

Talahanayan 1: Ang Aking mga Sanggunian

Ang Aking mga Sanggunian

Sanggunian Gamit sa Pagkalap ng Impormasyon

Gabay na Tanong
1. Paano nakatulong ang mga sangguniang ito sa iyong pananaliksik ng mga
impormasyon?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang mga sangguniang maaring gamitin sa pagsasaliksik? Paano
nakatutulong sa isang indibidwal ang mapanuring pagkalap ng mga
impormasyon?

3
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Alamin Natin
pagkalap ng mga impormasyong may kinalaman sa
pananaliksik
isang paksang pinag-aaralan

mga aklat o babasahin na karaniwang unang binabasa


sanggunian upang makakalap ng mahahalagang detalye tungkol sa
isang paksa

Mga Sanggunian sa Pananaliksik


Mahalaga ang paggamit ng mga sanggunian sa pananaliksik. Maaaring makatulong ang mga
ito upang matagpuan ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa anomang nais mabatid na
kaalaman.

Diksiyonaryo
Ang mga impormasyong makukuha rito ay kahulugan, bahagi ng pananalita, baybay,
pagpapantig, at pinagmulan ng mga salita. Malalaman din kung sa aling bahagi ng
pananalita kabilang ang salita maging ang wastong bigkas nito.

Halimbawa: kum·pir·ma pnd. I-kum-pir-ma, mag-kum-pir-ma


1. magpatibay o magpatunay ng katotohanan o kawastuhan;
2. gawing balido ang isang bagay.

Tesawro
Ang tesawro ay nagsasaad ng mga impormasyong may kinalaman sa mga salitang
magkakasingkahulugan at mga salitang kasalungat.

Halimbawa: maganda, kasingkahulugan: marikit: kasalungat: pangit

Ensiklopedya
Ito ay aklat o kalipunan ng mga aklat na nagbibigay ng kaalaman sa lahat ng sangay ng
karunungan, kung saan ang mga lathalain ay inayos ng paalpabeto.

4
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Halimbawa: Ang biyolohiya ay isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng


buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang estruktura, mga
tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon, at taksonomiya.

Atlas
Ang atlas ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang lugar, gawa ng lawak, layo,
populasyon, anyong lupa, at anyong tubig.

Halimbawa: Marinduque bilang lugar na pinag-ugatan ng Wikang Tagalog.

Almanak
Nakasaad sa almanak ang mga impormasyon tungkol sa anibersaryo, paglubog at pagsikat
ng araw, kabilugan ng buwan, maging impormasyon ukol sa politika, kawilihan, isports,
relihiyon, at iba pang nangyari sa loob ng isang taon.

Halimbawa: Ang “Old Farmer’s Almanac” na naglalaman ng astronomikal na datos


at iba pang kaugnay na kaalaman.

Peryodiko
Ang peryodiko ay naglalaman ng balita, impormasyon, o patalastas tungkol sa isang lugar o
espesyal na paksa. Maaaring maglabas ng bagong isyu sa bawat araw, linggo, buwan, o
taon.

Halimbawa: Dalawang gradweyt ng West Visayas State University, College of


Agriculture and Forestry (CAF) nanguna sa June 201 Agriculture Licensure
Examination. (Source: The Forum, June - October 201, p. 1, translated.)

Pelikula at Pananaliksik
Talakayan

5
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang gamit ng mga sumusunod na sanggunian:
a. diksiyonaryo
b. almanak
c. tesawro
d. atlas
e. ensiklopedya
f. peryodiko
2. Paano nakatutulong ang iba’t ibang sanggunian sa iyong pananaliksik?

Subukan Natin

Panuto: Punan ang kahon ng angkop na sanggunian na iyong gagamitin sa tinutukoy sa


bawat bilang.

1. Mga bansang kabilang sa Europa at populasyon nito

2. Mga tampok na balita sa partikular na araw

3. Kahulugan ng salitang dapithapon

6
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

4. Joe Biden, bagong pangulo ng Amerika

5. detalyadong impormasyon tungkol sa mga aktibong bulkan sa mundo

Isaisip Natin
Panuto: Gamit ang iba’t ibang sanggunian, mangalap ng impormasyon upang masagot ang
bawat bilang. Tukuyin kung ano ang ginamit na sanggunian sa pananaliksik. Gamitin ang
talahanayan sa ibaba.

Tanong Uri ng Sanggunian Sagot

Ano ang pinakamalaking bansa


sa Hilagang Amerika?

Ano ang kahulugan ng salitang


taimtim?

Ilang rehiyon ang bumubuo sa


bansang Pilipinas?

Ilan ang populasyon ng


bansang Japan?

Sa anong pamilya ng mga


hayop nabibilang ang mga
buwaya?

7
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Pag-isipan Natin
Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Tukuyin kung anong uri ng
sanggunian ang gagamitin sa pananaliksik ng impormasyon na makikita sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa patlang.

diksiyonaryo ensiklopedya atlas


almanak peryodiko tesawro

________________ 1. Detalyadong impormasyon tungkol sa 5G infrastructure

________________ 2. Distansya, lawak at lokasyon ng bansang Pilipinas

________________ 3. Kasalungat ng salitang kapighatian

________________ 4. Kahulugan at tamang baybay ng salitang nakakapagpabagabag

________________ 5. Pinakatampok na pelikula noong 2015

________________ 6. Babasahin na dyornal sa Filipino

8
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Dapat Tandaan

● Ang atlas ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng


mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong-lupa na matatagpuan sa
isang lugar.
● Ang diksiyonaryo ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig,
at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng
iba’t ibang mga kahulugan ng isang salita. Nakahanay nang paalpabeto ang mga
salita rito.
● Ang almanak ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na
kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng
anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at
pagbaba ng tubig, at iba pa.
● Ang ensiklopedya ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng
ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito
ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o
pangyayari.
● Ang peryodiko ay naglalaman ng balita, impormasyon, o patalastas tungkol sa isang
lugar o espesyal na paksa. Maaaring maglabas ng bagong isyu sa bawat araw, linggo,
buwan, o taon.

9
Filipino

Baitang 6 • Yunit 4: Maikling Pelikula

Mga Sanggunian

Mangahis, Josefina. 2015. Sanghaya 5: Wika at Pagbasa sa Filipino. Quezon City: C&E
Publishing, Inc.

Marasigan, Emily. 2013. Pluma: Wika at Panitikan sa Mataas na Paaralan. Quezon City: C&E
Publishing, Inc.
Paz, Irene. 2013, Agosto 8. “Pangkalahatang Sanggunian.” Slideshare. Inakses noong Pebrero
2, 2022 sa https://www.slideshare.net/irenepaz1/pangkalahatang-sanggunian .
Taruc, Zendel Rosario. Sanghaya 6: Wika at Pagbasa sa Filipino. Quezon City: C&E Publishing,
Inc., 2015.

10

You might also like