ME FIL 6 Q1 03 - Basahin Natin at Sagutin Natin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino

Baitang 6 • Yunit 3: Alamat


Alamat ng Halibut

Sa isang isang liblib na lugar na malapit sa dagat ay may nakatirang mag-asawa na ang
apelyido ay Halibut. Kilala sila sa kanilang kayamanan at kasikatan dahil sa kanilang
angking malawak na karagatan. Punumpuno ito ng iba’t ibang yamang-dagat lalo na kung
tag-araw, subalit tila abusado ang mag-asawa sa paggamit ng mga pinong lambat at
dinamita na siyang ikinasisira ng buong karagatan. Ginagawa nila ito para kumita ng mas
malaki kaysa sa karaniwan. Isang maaliwalas na umaga, sa dakong tipunan ng mga huli,
naroon ang mag-asawa. “Hanguin na ninyo ang mga lambat. Siguraduhin ninyong walang
matatapon kahit isang isda,” utos ng asawang lalaki sa kanilang tauhan. “Opo. Saan po
namin ilalagay?” tanong ng isang kargador. “Sa malaking lalagyan sa dako roon,” sabay turo
ng asawang babae. “Sa iba naman ay ipagpatuloy ang paghahakot ng mga nahuli para
kumita tayo nang doble.”

Sinusunod ng mga kargador ang mga utos ng mag-asawa. Kahit na tirik ang araw ay pilit pa
rin silang pinagtatrabaho ng mag-asawa. Kadalasan ay nagugutuman ang mga trabahador
habang ang mag-asawa ay nakapuwesto sa isang magandang lugar at pinagsisilbihan ng
inuupahang kasambahay. “Kailan kaya tayo magiging ganiyan? Sana, dumating ang
panahong hindi na tayo magtatrabaho sa kanila at may sari-sarili na tayong lambat at lugar
na mapangingisdaan,” wika ng isang trabahador. “Nais kong magtrabaho nang malinis mula
sa kung ano ang ibinibigay lamang ng ating karagatan.” “Tama ka. Subalit sino ang
makikinig sa ating mga hinaing at pangarap kung hindi tayo lamang. Masasama ang ugali
ng ating mga amo na halos hindi na tayo pakainin nang tama at patayin ang karagatan para
lamang sila ay kumita,” ani ng isang trabahador. “Sana ay pakinggan ang ating mga
pangarap. Nawa ay tubuan ng awa ang mag-asawang iyan sa ating nayon,” wika ng unang
trabahador. “Tila malabo ang iyong nais. Subalit wala namang imposible sa mga naiisip
natin,” sabi ng ikalawang trabahador. Naging karaniwan na ang ganitong trabaho sa mga
nasasakupan ng mag-asawang Halibut. Kahit na nagkakasakit ang kanilang tauhan ay pilit
nilang pinapapasok ang mga ito at sinasabihang binabayaran naman sila kada araw.
Dumating ang araw na halos hindi na kaya ng nayon ang ginagawa ng mag-asawang
Halibut sa kani-kanilang asawang nagtatrabaho sa kanila. Subalit wala silang magawa dahil

1
Filipino

Baitang 6 • Yunit 3: Alamat


masyadong makapangyarihan ang mag-asawa. Walang nagtatangkang kalabanin at tutulan
sila. Umaasa na lamang ang mga tao sa lugar na iyon sa isang himala mula sa Bathala.
Narinig ni Bathala ng Karagatan na si Amanikable ang daing ng buong nayon. Pinagmasdan
niya ang ginagawa ng mag-asawa sa kanilang mga manggagawa, gayundin sa karagatang
sakop nila. Hindi natuwa si Amanikable sa kaniyang nasasaksihan. “Masyado na kayong
abusado sa inyong lugar,” wika ng Bathala. Umahon ang Bathala mula sa dagat at
nagpanggap na isang matandang lalaki. Tumungo siya sa lugar ng mag-asawa.

“Mga anak, nais ko sanang humingi ng kaunting tulong sa inyo. Sana ay bigyan ninyo ako ng
kaunting huling isda mula sa malawak ninyong ari-arian,” wika ng nagpapanggap na
Bathala. “Itay, hindi ka namin puwedeng bigyan ng isda! Kailangan naming kumita. Ang
ibibigay namin sa iyo ay kabawasan sa kita namin,” wika ng lalaki. “Sana pakinggan mo ang
kumakalam na sikmura ng aking pamilya. Kahit isa o dalawang piraso ay malaking bagay na
sa amin.” “Huwag kayong makulit! Kapag sinabi kong hindi ka bibigyan, hindi talaga!” sabay
tulak ng lalaki sa matanda na siyang ikinasubsob nito sa buhanginan.

Tumayo ang matanda at tiningnan sila nang masama. Nakita ito ng mga manggagawa at
nakaramdam sila ng awa sa nangyari sa matanda. “Simple lamang ang hinihingi ko sa inyo
mula sa pag-aari ko. Ito ay babawiin ko na! Isinusumpa ko kayo, na kayong mag-asawa ay
hahalik at magtatago sa buhanginan!” galit na sambit ng matanda. “Hindi kayo mabubuhay
sa lupa para hindi na kayo makapanakit!”

Umalis ang matanda patungo sa karagatan. Nasaksihan ng lahat ang paglakad ng matanda
sa ibabaw ng katubigan at biglang naglaho. Nakaramdam sila ng kakaibang kapangyarihan
mula sa kanilang nasaksihan. Kinaumagahan, sa tabing dagat, kung saan sila nagtatrabaho,
ay nagtataka ang mga trabahador. “Bakit wala na sila rito. Nasaan ang mag-asawang
Halibut?” tanong nila sa isa’t isa. “Tila sila ay nawawala?” ani ng isa pang trabahador. Hindi
nila namalayan ang pagbalik ng matanda sa lugar na iyon. Unti-unti itong nagbago ng anyo
na ikinatakot ng mga trabahador. “Huwag kayong matakot. Ako si Amanikable, ang diyos ng
karagatan. Sa inyo na ang ari-ariang ito. Paghatian at pakinabangan sana ng inyong nayon!”
wika ng Bathala. “Pinarusahan ko na ang mag-asawa!”

2
Filipino

Baitang 6 • Yunit 3: Alamat

Tuwang-tuwa ang mga manggagawa sa kanilang narinig mula sa Bathala. Hinayaan sila ng
Bathala na pakinabangan ang lugar na iyon. Sa unang paglalambat ay nakahuli sila ng
kakaibang isda. “Halibut!” sigaw ng trabahador na siyang kumalat na sa buong nayon.

Sagutin Natin

1. Ano ang katangian ng mag-asawa?


2. Sino ang nagbigay ng parusa sa kanila?
3. Kinalauna’y anong nangyari sa mag-asawa?

3
Filipino

Baitang 6 • Yunit 3: Alamat

You might also like