Professional Documents
Culture Documents
PAGBASA AT PAGSUSURI - 3rd Quarter Exam
PAGBASA AT PAGSUSURI - 3rd Quarter Exam
PAGBASA AT PAGSUSURI - 3rd Quarter Exam
− Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isanasagawa upang
makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
− Dagdag pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihan na ayon sa kaniyang interes
o mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anumang
asignatura.
− Layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makakuha ng gist o
pinaka-esensiya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang kahulugan.
− Mauunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga espesipikong
detalye na nakapaloob dito.
Skimming (Pinaraanang Pagbasa)
Ang pinakamabilis sa pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o
magasin, sa pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago ito basahin nang tuluyan, sa
paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik, pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa
nilalaman at iba pa. Sa pamamagitan nito, ang mga propesyonal tulad ng doctor, abogado,
inhinyero, propesor, at manunulat ay nakahahabol sa pagbasa ng mga makabago at
napapanahong pangyayari sa kani-kanilang larangan. Ito’y isang kasanayang kailangan
madebelop nang mabuti sa pamamagitan ng pagtitiyaga at pagsasanay.
Scanning
Ang paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Dito, hindi na hinahangad na
makuha ang kaisipan ng sumulat. Ang mahalaga’y ang makita ang hinahanap sa madali at
mabilis na paraan
Halimbawa:
Paghahanap ng numero sa telepono
Paghahanap ng kahulugan ng isang salita.
____________________________________________________________________________
Date: January 26, 2023
ANTAS NG PAGBASA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK