Group 1

You might also like

Download as odp, pdf, or txt
Download as odp, pdf, or txt
You are on page 1of 29

BATAYANG KAALAMAN

SA MAPANURING PAG
BASA
UNANG PANGKAT
Batayang Kaalaman sa Mapanuring
Pagbasa
" Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang
mabuhay." Winika ito ni Gustave Flaubert, isang
manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng
realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa
kanyang akda na Madame Bovary (1857). Sa
paglalarawan ni Flaubert, ang pagbabasa ay upang
mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang proseso ng
asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng
isang tao. 
• Mas malalim pa sa paglalapat o aplikasyon ang layunin ng asimilasyon bilang pina
kamataas na antas ng pagbabasa.  Sa pamamagitan nito, nababago ang pagdanas 
at paghulma natin sa reyalidad.

• Nalalaman natin ang ideyal sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba't ibang karanasan


ng tao at lipunan batay sa nababasa. Ganito ang nangyari kay Matilda, isang
batang mahilig magbasa mula sa kwentong pambata ni Raodl Dahl. Dahil sa
lawak at lalim ng pagbabasa ni Matilda sa murang edad pa lamang, natuklasan
na niya ang hungkag at mapanlinlang na pamumuhay ng mga magulang kung
kaya't napagdesisyunan niyang lisanin ang mga ito. Binago ni Matilda ang
kanyang kalagayan batay sa kung ano ang "Ideyal" na itinuro sa kanya ng
pagbabasa.
Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo
ng paraan ng ebalwasyon sa pagkatuto nito. Para sa isang mag-aaral na
panimulang nagbabasa, ang pag- alam sa kahulugan, kahalagahan, at
mga kasanayang matututuhan rito ay mahalaga upang maging mas
epektibo at makabuluhan ang kabuuang karanasan sa pagbasa. 
• KAALAMANG PONEMIKO

 Ang ponemiko ay syang nagsasaad ng tunog ng bawat unit ng
mga salita upang mas maintindihan at lubos na maunawaan
ang kahulugan ng mga salita. Dapat ang isang mambabasa ay
may kaalaman ng tamang ponemiko ng isang salita.
• PAG-AARAL NG PONOLOHIYA

Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay
kahulugan sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng
pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na
ponolohiya
• KATATASAN

Dapat ang mambabasa at alam ang katatasan ng salita dahil ito
ang nagbibigay tulay sa pagitan ng rekognasyon at
komprehensyon ng salita. Ito ay kailangan upang mabigyang
kahulugan ang salita.
• BOKABOLARYO

Hindi sapat alam ng mambabasa ang tamang pagbasa at
katatasan ng salita, mahalaga rin ang ano ang kahulugan ng
salita. Ang kahulugan ng salita ang siyang nagbibigay mensahe
sa iyong gustong ipahiwatig.
• KOMPREHENSYON

Ang komprehensyon ng salita ang siyang nagbibigay ng
kabuuang kahulugan at pagiiintindi ng iyong mensahe. Walang
saysay ang mga nakaraang proseso kung walang nakakaunawa
or komprehensyon sa salita. Kailangan may koneksyon tayo sa
ating binabasa upang mapaabot ang mensahe.

• Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang
pagbasa ay isang pro- seso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Ito ay isang kompleks na kasanayan na nanga- ngailangan ng koordinasyon ng iba't iba
at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. 


• Sa kahulugang ito,  mahihinuha na hindi lamang ang teksto ang pinagmumulan
ng kahulugan kapag nagbabasa ang isang tao, kundi ang iba pang posibleng
makapagpapalalim at makatutulong sa pag- unawa sa kahulugan. 


• Ang mga kaalaman na ito ay maaaring makuha mula sa pinakikinggan, nakikita,
at kabuuang pagdanas ng isang mambabasa sa reyalidad, lagpas pa sa
nababasa mula sa teksto
• Tiniyak nina Wixson et al. (1987) sa artikulong "New Directions in Statewide Reading Assessment"
na nailathala sa pahayagang The Reading Teacher ang mga pinagmumulan ng kaalaman sa pagbasa.
Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa, tinukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa. 

• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang m
akakuha at makabuo ng kahulugan. Mahalaga  ang interaksiyon sa pagitan ng tekstoat mambabasa na hinuhul
ma ng mga paniniwala, kaalaman,  at karanasan ng mambabasa at ng kultural at panlipunang  kontekstong ki
nalalagyan niya.

INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA

• Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa:


intensibo at ekstensibo. Mula sa kahulugan ng mga salita, mahihinuha na ang
intensibong pagbasa ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng
isang tiyak na teksto habang ang ekstensibong pagbasa naman ay may
kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales. Ang uri ng
intensibong pagbasa ay itinuturing na pinakahuli o dulong bahagi sa proseso. 
• INTENSIBO

Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kanyang aklat na
Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language
Pedagogy na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa
kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye
sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan,
implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
• Ayon naman kina Long at Richards (1987) sa kanilang aklat na Methodology in
TESOL: A Book of Readings, ang intensibong pagbasa ay detalyadong
pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro
kung paano ito susuriin. Madalas na tinatawag ding "narrow reading" ang
intensibong pagbasa sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa
ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya ay iba't iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat.


• EKSTENSIBO

Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isinasagawa upang
makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Dagdag
pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang
isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang
interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa
anomang asignatura. Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng
pagbasa ay upang makuha lamang ang "gist" o pinaka-esensya at kahulugan ng
binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang
kahulugan.
• Ayon kay Stephen Krashen (1995) sa pag- aaral niyang
"Free Voluntary Reading: Linguistic and Affective
Arguments and Some New Applications" na nasa
Second Language Acquisition: Theory and Pedagogy
nina Eckman et al., ang malaya at boluntaryong
pagbasa ay maaaring maging tulay tungo sa mas
mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa
wika. 

• Pinatunayan din ito ng empirikal na pananaliksik ni W
arwick Elley (1996) na "Lifting Literacy Levels in
Developing Countries: Some Implications from an
IEA Study,"
kung saan naging saklaw ng pananaliksik ang
210,000 mag- aaral, at 32 sistemang pang-
edukasyon sa buong mundo. ​
"Top Ten Principles for Teaching Extensive
Reading" 

• Sa pag-aaral na "Top Ten Principles for Teaching Extensive


Reading" nina Richard Day at Julian Bamford (2002),
tinukoy nila ang sampung katangian ng matagumpay na
programa sa ekstensibong pagbasa:
1. Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika (bokabularyo at gramatika) ng mga
mag-aaral.
2. Mayroong magagamit na sari-saring materyales sa iba't ibang paksa.
3. Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang basahin.
4. Nagbabasa ang mga mag-aaral ng napakaraming teksto hangga't maaari.
5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang-loob ng mambabasa,
pagkuha ng impormasyon, at pangkalahatang pag-unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbabasa at hindi ano pa mang grado o
premyo.
7. Mabilis ang pagbasa.
8. Ang pagbasa ay indibiduwal at tahimik.
9. Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasikhayan sa pagbasa.
Scanning at Skimming na Pagbasa

• Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng


pagbasa ngunit maaari ding ikategorya ang mga ito bilang
kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang
dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa
ekstensibong pagbasa.
• Scanning 
Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis
at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan,
petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang
angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam
o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.
• Skimming
Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang
kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas
kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang
paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan
ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito.
Antas ng Pagbasa
• Tinukoy ni Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa kanilang
aklat na How to Read a Book ang apat na antas ng pagbasa. Ito ay
ang primaryang antas (elementary), mapagsiyasat na antas
(inspectional), analitikal na antas (analytical), at sintopikal na antas
(syntopical) na bumubuo ng isang hakbang-hakbang na proseso.
Hindi maaaring umusad sa pinakamataas na antas (sintopikal)
hangga't hindi pinagdadaanan ang nauna o mas mabababang antas.
• Primarya
Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa.
Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto.
Itinuturing na magkakahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap para sa bagong
mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto. Nauunawaan lamang
ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula
sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito. Halimbawa, sa pagbasa ng isang maikling kuwento,
natutukoy ng mambabasa kung sino ang mga tauhan, katangian nila, setting, at ang mga
pangyayari sa kuwento, ngunit hindi niya mabubuo ang kabuuang interpretasyon nito. Sa antas na
ito, hindi rin agad nauunawaan ang metapora, imahen, at iba pang simbolismong ginamit sa akda.
• Mapagsiyasat
Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa pamamagitan nito,
nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto
ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong
basahin nang mas malaliman. Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
Tinitingnan ng mambabasa ang titulo, heading, at subheading. Pinapasadahan rin
niya ang nilalaman ng teksto upang maunawaan ang kabuuang estruktura nito.
Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi
lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinag- iisipan nang malalim para
magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi
maunawaan sa teksto.
• Analitikal
Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal
na pag- iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng
teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng
antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung
katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto. Upang
makamit ito, kailangang isagawa ng mambabasa ang
sumusunod:
1. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.

2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.

3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may-akda.

4. Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may-akda tungo sa pag- unawa ng


kabuuang teksto.

5. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda. Alamin ang argumento ng may-akda. 

6. Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng


teksto.

7. Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang
pagpapaliwanag ng may-akda.
• Sintopikal
 Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa
salitang syntopicon na inimbento at ginamit niya sa aklat na A
Syntopicon: An Index to The Great Ideas (1952), na
nangangahulugang "koleksiyon ng mga paksa."Tumutukoy ito
sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa
iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkaka- ugnay.
Narito ang limang hakbang tungosa sintopikal na pagbasa:
1. Pagsisiyasat. Mahalaga ang pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na Kailangan mong
tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-
aralan. Mula sa mga ito, kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may
kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaral. pagbasa.
2. Asimilasyon. Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng wika at
mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan. Sa
asimilasyon, nagdedesisyon ka kung susuhay sa mga naunang terminolohiya ng may-akda o
gagawa ng sariling kategorisasyon

3. Mga Tanong. Sa bahaging ito, tinutukoy mo ang mga katanungang nais mong sagutin na
hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda. Kailangang iba ang mga tanong
na ito sa mga suliraning binuo ng mga naunang eksperto.
4. Mga Isyu. Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo
mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang
akda tungkol sa partikular na suliraning ito. Kung malalim na naunawaan ang
pagpapaliwanag ng mga binasang akda, natatalakay mo nang maayos ang bawat panig at
nakapagbibigay ka ng sariling kongklusyon. Maaaring iba ang kongklusyon mo sa mga
nauna nang eksperto. Ito ang nagiging ambag mo sa pagpapa-unlad ng paksa. 

5. Kumbersasyon. Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi


ang pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestiyonable ang katotohanan. Ang
halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga
eksperto, kabilang na ang sarili. Sa kumbersasyon o pag-uusap, nag-aambag ka ng bagong
kaalaman na hindi inuulit ang sinabi ng mga naunang eksperto.

You might also like