Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Her Baby's Daddy (One Shot)

by MissGMJ

Teaser:

"Mama, sya po ba ang daddy ko?" Maang na tanong sa kanya ng anak nya.

Sinamaan nya ng tingin ang lalaking kaharap nila. "Y-yes baby."

Ngumisi ito. "And I will going to marry your mom para complete na ang family
natin."

Paano nya ba sasabihin sa anak nya na isang coward ang ama nito?

Na takot ito sa responsibilidad?

Magagawa nya pa bang pagkatiwalaan ito ulit ngayon sa kabila ng pang-iiwan nito sa
kanya noon?

Her Baby's Daddy (One Shot).

=================

1 ~ Her Baby's Daddy

"XARRA, don't run baby baka madapa ka." Saway nya sa five years old daughter nya.
Kanina pa kasi ito takbo ng takbo simula ng dumating sila sa Park at kanina pa din
panay ang punas nya sa pawis nito.

"Mama dito ka po magplay tayo." Tawag nito sa kanya at hinawi ang buhok nito na
kumalat sa maliit na mukha nito. Nakangiti lang sya habang pinagmamasdan ang anak
nya. Halos isumpa nya na noon ang ama nito na hindi man lang nagawang magpakita sa
kanya matapos nyang sabihin na buntis sya.

"Sana hindi na magkrus ang landas natin Harper Salcedo." Usal nya at tumayo na mula
sa damuhan na may nakasapin lang na tela para upuan nila at lagyan ng mga pagkain
na dala nila ni Xarra.

"Halika anak pupunasan ko ang pawis mo." Tawag nya dito at agad naman itong tumakbo
papunta sa kanya. "God!" Bulalas nya at sapo-sapo ang kanya dibdib para kasing
huminto yung tibok ng puso nya ng muntik na itong madapa.

"That was close mama buti na lang magaling po ako magbalance." Proud na sabi pa
nito at bumungisngis. Kinarga nya ito at muling umupo kung nasaan ang pwesto nila.
Kinuha nya ang white towel na dala nya at pinunasan ang pawis nito pagkatapos ay
inayos ang pagkakatali sa wavy hair nito.
"Are you hungry?" Tanong nya. Tumango-tango ito. Kinuha nya ang dalang pagkain sa
basket sa tabi nya at naghain ng pagkain sa anak nya.

"Mama kailan ko po makikita ang daddy ko? Sabi ng mga classmates ko alien daw po
ako kasi wala akong daddy." Sumimangot ito habang ngumunguya ng pagkain.

Para naman tinusok ang dibdib nya sa sinabi nito. Alam nya na darating ang araw na
maghahanap talaga ito

ng ama, hinanda nya na ang sarili nya sa bagay na 'yon pero iba pa din pala talaga
kapag nandon ka na sa sitwasyon na 'yon.

Mahal na mahal nya ang anak nya kaya pati ang pagiging ama dito ay ginampanan nya
din pero hindi pala sapat iyon dahil alam nya sa sarili nyang kahit sobra-sobra ang
pagmamahal na ibinibigay nya kay Xarra ay darating at darating pa din sa point na
tanging si Harper lang ang bubuo sa kulang na piraso na wala sa anak nya upang
tuluyan na itong mabuo, maging kumpleto.

Hinaplos nya ang buhok nito. "Sorry anak ha kasi wala ang daddy mo pero promise ni
mommy hahanapin natin sya, okey? Smile ka na." Kasasabi nya lang kanina na ayaw
nyang makita si Harper pero para sa anak nya ay gagawin nya lahat para lang sumaya
ito. Kaya nyang itaya ang buhay nya para kay Xarra.

"Mama look may paparating po na handsome guy baka po pwede ko na sya maging daddy."
Parang mga bituin ang nagkikislapan sa mata ng anak nya. Sinundan nya kung saan ito
nakatingin at saan nakaturo ang isang daliri nito.

Malakas syang napasinghap ng mapagsino ang gwapong lalaking sinasabi ng anak nya
para itong male version ni Xarra. Limang taon silang hindi nagkita pero hindi pa
din ito nagbabago bagkos lalo lang itong gumwapo. Lumakas ang kabog ng dibdib nya
ng naglakad ito papalapit sa kanila.

"Hi." Bati nito na para bang hindi sila limang taon na nagkita. Inirapan nya ito
dahil bumalik na naman sa balintanaw nya ang ginawa nitong pang-iiwan sa kanya
bunga ng kapusukan nila noon.

"Baby

umuwi na tayo." Ani nya sa anak at inayos na ang mga gamit nila.
"Baby? Your daughter?" Tanong nito na hindi nya pinansin. "Vhia answer me." Again,
she ignore him.

"Yes po mamang gwapo ako po si Xarra." At ang maganda nyang anak tumayo pa upang
makipagkamay dito.

Umupo si Harper upang magkapantay sila ng anak nya. "Nice name little girl. I am
Harper Salcedo."

Namilog ang mata ng anak nya at napanganga. "Same po tayo ng last name, I am Xarra
Ocampo Salcedo po." Tumalon-talon pa ito na akala mo ay naee-excite.

"Vhia let's talk."

"Wala tayong dapat pag-usapan Harper." Tumayo sya bitbit ang isang basket at sa
isang kamay nya ay hawak ang kamay ni Xarra. "Let's go baby." Nagbaba sya ng tingin
sa anak nya dahil pinigil nito ang kamay nya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa
kanilang dalawa ni Harper.

"Mama magtalk po muna kayo I can wait po."

Napabuntong hininga sya at tumingin sa lalaking pilit sinusupil ang ngiti sa labi.
Ang sarap lang kalmutin ng gwapong mukha nito.

"Hindi tayo dito mag-uusap." Nilagpasan nya ito at kinarga ang anak nya.

"Saan po kayo mag-uusap mama?" Tanong ni Xarra at ipinulupot ang dalawang kamay sa
leeg nya. "He looks like me po." Totoo naman iyon na magkamukha talaga si Xarra at
Harper.

"Sa bahay anak." Binuksan nya ang sasakyan at inalapag ito sa backseat, inayos nya
din ang seatbelt nito. Sya naman ay umikot na papunta sa drivers seat seat and
start the engine.

"Where to go?" Harper asked her. Nakatapat sa bintana nya ang passenger seat nito.
"Follow me." Sagot nya ng hindi man lang ito tinignan. Ilang minuto lang naman ang
layo ng bahay nila sa park

kaya mabilis silang nakarating. Hanggat maaari ay ayaw nya ng magkaroon ng


kaugnayan kay Harper kaya lang imposibleng mangyari ang gusto nya. Dahan-dahan
nyang binuhat ang anak nyang nakatulog na dahil sa pagod kakalaro. Dinala nya muna
ito sa kwarto nito at saka hinarap ang bisita nya na prenteng-prenteng nakaupo sa
single sofa.

"Xarra is my daughter." Its not a question, its a statement. Bakit ba ang lakas ng
loob nitong magpakita sa kanya? Makapal lang talaga siguro ang mukha nito.

"Yes you are her biological father but remember na hindi mo nagampanan ang pagiging
ama sa kanya because you're a coward, Harper."

"I'm sorry. Hindi pa ako ready that time you know how I love being a bachelor and
ayoko pang magkaanak I don't even want the idea of settling down."

"Sinabi ko bang pakasalan mo ako? Pinilit ba kita? Umalis ka kung kailan kailangan
kita, iniwan mo ako Harper." Umupo sya sa katapat na sofa nito. "Ano ba ang
kailangan mo bakit bumalik ka pa?"

"I want my daughter." Derektang sabi nito na para bang lahat ng karapatan sa mundo
ay nasa kamay nito.

Naikuyom nya ang maglabilang palad. "At anong akala mo ganon lang kadali iyon? Na
sa isang kisap mata lang ay makukuha mo na ang gusto mo?"

Ito lang ba ang dahilan kung bakit muli itong nagpakita sa kanya. Hindi nya kayang
mawala sa kanya ang anak nya at alam nya kung paano maglaro ang lalaking kaharap,
businessman ito kaya lahat ng alas na pwede nitong gamitin ay gagamitin nito sa
kanya. Matalino at tuso si Harper. Hindi sya makakapayag kung ano man ang gusto
nito mangyari.

"I have my rights because I am the father."

"Hindi
ko sinabing wala kang karapatan pero huwag mo naman gawin sakin 'to Harper, huwag
mong kunin sakin ang anak natin."

"Sino bang nagsabing kukunin ko sayo si Xarra?" Kunot-noong tanong nito.

"Kasasabi mo lang kanina, di ba?" Umayos sya ng umupo.

"Yes I want Xarra and.-"

"And what?" She cut him out. Dapat malaman nya na agad kung ano pa ang ibang gusto
nito para makapaghanda sya.

Mataman sya nitong tinignan. "I want you."

Napatayo sya ng tuwid. Paulit-ulit na umi-echo sa tenga nya ang sinabi nito.

"I want you Vhia and I want our daughter handa na akong magkapamilya." Tumayo din
ito at lumapit sa kanya. "Alam kong galit ka pa din sakin hanggang ngayon..." He
cupped her face. "I'm sorry for being jerk and irresponsible. Give me second chance
babe, please?"

Hindi nya alam ang sasabihin nya dito. Buong akala nya puro galit at sama lang ng
loob ang nararamdaman nya dito pero hindi pala, may bahagi pa din ng puso nya na
nagsasabing mahal nya pa din ito sa kabila ng ginawa nito sa kanya. Nagtatalo ang
isip at puso nya, natatakot sya na baka hindi ito totoo, na baka nananaginip lang
sya at pag-gising nya ay wala na ito sa harap nya. O kaya naman baka sinasabi lang
nito ang bagay na 'yon pero ang totoong pakay nito ay kunin sa kanya si Xarra at
ilayo sa kanya.

Umiling sya. "I know you Harper alam ko kung paano ka maglaro. You can leave now
dahil kahit anong sabihin mo hindi ko ibibigay sayo si Xarra. Excuse me." Akmang
tatalikod na sya ng pigilan sya nito

sa braso.

"Listen, I'm here to prove to you na nagbago na ako. I can stand with my own now
and can build a family. Si Xarra at ikaw ang gusto kong makasama please huwag mong
isipin na kukunin ko sya sayo dahil kayong dalawa ang kukunin ko. Marry me Vhia,
marry me." Frustration is evident on his voice.
Tumingala sya para kahit papano ay hindi tumulo ang butil na luhang gusto ng
kumawala sa mga mata nya. In other hand ay natutuwa syang marinig ang mga sinabi
nito dahil noon pa man ay pangarap nya ng makasal dito pero never syang nag demand
ng bagay na 'yon kahit pa nabuntis na sya nito. Para sa kanya kasi ang kasal ay
sagrado at para lamang iyon sa mga taong totoong nagmamahal.

"Y-you got to be kidding me."

Iniharap sya nito para makaface to face sya. Hinaplos nito ang pisngi nya. "I'm
serious here babe at kung hindi ka pa handa ay willing naman ako maghintay."
Ngumiti ito sa kanya at hinalikan ang tungki ng ilong nya. "I missed you, Vhia."
Hinapit sya nito kaya naman napasubsob sya sa dibdib nito. Kung miss lang ang pag-
uusapan ay sobrang miss na miss nya na ito.

"Mama bakit po naghahug kayo?" Maang na tanong ni Xarra habang pababa sa hagdan.
Agad syang kumalas kay Harper at nilapitan ang anak na pupungas-pungas pa.

Lumapit din sa kanila si Harper at kinarga ang anak nila. "How's your sleep little
girl?" Tanong nito habang inaayos ang buhok ni Xarra. The perfect picture of them
together at tiyak na tatalon sa tuwa ang anak nya kapag nalaman nito na

magkakaroon na ito ng daddy.

"Okey naman po. Tapos na po kayo magtalk ni mama?" Ginalaw-galaw nito ang dalawang
paa nito at sumubsob sa leeg ni Harper.

"Yes baby." Sagot nito.

"Anak huwag ka na magpakarga hindi ba big girl ka na?" Lalapit na sana sya upang
kunin ito kaya lang napahinto sya ng magsalita ito.

"My little brother na po ba ako mama? Nakagawa ka na po?" Maang na tanong nito
dahilan para mag-init ang magkabilang pisngi nya at lalo lang namula iyon ng tignan
nya si Harper na nakangisi sa kanya.

"Gagawa pa lang kami ni mama ng little bro.-" Pinandilatan nya ito ng mata. Bakit
ba nagagawa nitong buksan ang topic na iyon sa harap ng anak nila. Hindi yata
magandang ihemplo ito sa anak nya baka kung anu-ano lang ang ituro nito.

"Mama, family days po tomorrow sa school namin pero mama huwag na lang tayo
magpunta kasi ibubully lang po ako ng mga classmates ko doon." Ani ng anak nya at
ngumuso.

Mataman lang na nakatingin si Harper dito habang sya ay ngitngit ang kalooban kung
hindi lang sana sya tinakbuhan ng tatay nito ay hindi makakaranas ng pambubully ang
anak nya. Ang sarap talagang tsinelasin ni Harper.

"Bakit ka nila binubully an-baby?" He asked.

Tumingin sa kanya ang anak nya na wari bang itinatanong nito kung dapat bang
sabihin dito ang bagay na 'yon. Nagtatalo ang isip nya dahil ayaw nyang magmukhang
kawawa ang anak nya sa harap ng ama nito pero may choice ba sya? Dapat malaman din
nito ang kakulangan na idinulot nito kay Xarra at ang pagkakamali nito ng iwan sya
nito noon. Ngumiti sya sa

anak nya at tumango.

"Kasi po sabi nila alien daw po ako kasi wala akong daddy palagi lang po si mama
ang kasama ko sa school kapag may family days po." Her daughter wide her arms
motion her to carry her. Naglakad sya papalapit sa mga ito at kinuha ang anak nya,
hinalikan nya ito sa pisngi.

"Smile ka na anak hahanap tayo ng daddy mo para kumpleto tayo tomorrow."

"No!" Mariin na sambit ni Harper.

"Bakit naman?" Pagtataray nya dito at inirapan pa ito.

"Sasama ako bukas sa family day para hindi na mabully ang anak ko."

Namilog ang mata nya sa sinabi nito, he even emphasise the word anak. Kahit naman
nagpakita na ito sa kanila ay hindi pa din sya handa na ipakilala ito kay Xarra
pero ang kagustuhan ng anak nyang magkaroon ng ama ang nagtutulak sa kanya para
bigyan ng isa pang chance si Harper.
"Mama sya po ba ang daddy ko?" Maang na tanong sa kanya ng anak nya.

Sinamaan nya ng tingin ang lalaking kaharap. "Y-yes baby." Mamaya ay makakatikim
talaga sa kanya ito. Bata pa ang anak nila at baka hindi pa nito maiintindihan ang
mga nangyayari at kung bakit sila iniwan ni Harper. Ang gusto nya nga sanang
sabihin dito ay patay na ito kaya lang inisip nya paano kung dumating ang araw na
bumalik ito sa kanya, tulad na lang ngayon.

Ngumisi ito. "And I will going to marry your mom para complete na ang family
natin." And wink at her.

"Paano po kayo nakaalis sa tyan ng malaking shark? Sabi po ni mama kinain daw po
kayo ng

malalaking fish sa dagat." Gusto nyang matawa sa sinabi ng anak nya. Imbento nya
lang ang mga iyon para hindi na ito magtanong ng magtanong tungkol sa ama nito.

He clear his throat. "Baby magaling kasi si daddy at nilabanan ko lahat ng


malalaking shark sa dagat kaya nakaligtas ako." Sinulyapan sya nito na sinasabing
you have to explain something.

"Parang mga superhero po?" Muling kumislap ang mata ng anak nya.

"Tama ka anak superhero nga ako." Anito at nag-ala superman pa na pose ang anak nya
naman ay bumungisngis sa nakikitang kalokohan ng ama nito.

Gusto nya sanang sabihin May superhero bang duwag at tumatakas sa responsibilities?
Kaya lang ay huwag na dahil ayaw nyang sirain ang moment ng anak nyang magpakasaya.
Bumaba ang anak nya mula sa pagkakarga nya at kay Harper ulit ito nagpakarga.

"Daddy." Hindi nya alam kung tinatawag nito ang ama nito o pinag-aaralan lang ang
salitang iyon.

"Bakit anak?" Ang sarap pala sa pakiramdam kapag narinig mo ang salitang anak mula
dito. Sigurado sya na masayang masaya si Xarra ngayon dahil nakikita nya ang
happiness and contentment sa mga brown na mata nito.
"Dito ka na din po titira sa bahay namin? Para complete na po ang family natin para
po hindi na ako ibully ng mga classmates ko."

"Lilipat tayo ng bahay baby sa mas malaki at may playground din."

Itinaas ng anak nya ang magkabilang kamay nito sa sobrang excitement na


nararamdaman. "Excited na po ako daddy."

Sana huwag biguin ni Harper ang anak nila tulad ng ginawa nito sa kanya. Sya na
lang ang masaktan huwag lang ang anak nya dahil ngayon nya lang ito nakitang
sobrang saya kasama ang ama nito.

"Can I sleep here?" He asked her.

"Mama pumayag ka na po."

Mahina syang bumuntong hininga. Hindi nya kayang tanggihan ang anak nya. Tumango
sya bilang sagot. "Mama may costume po dapat bukas sabi ni teacher."

"Bibili tayo ng costume mo baby."

"Tayong tatlo po dapat ang naka costume daddy."

Alam nya iyon dahil nakalagay iyon sa card na ibinigay sa kanya ng anak nya nung
isang araw pa.

"Babe can we go to Mall now?" Tanong sa kanya ni Harper.

"Much better." Pagsang-ayon nya at tumayo na para kunin si Xarra na kanina pa karga
nito.

"Ayoko mama baka umalis si daddy." Nagpapasag pa ito ng kunin nya kay Harper. Ito
ang ayaw nyang mangyari, yung sobrang maattach si Xarra dito.
"Baby hindi ako aalis hindi ko na kayo iiwan."

Tinignan ito ng anak nila na para bang tinatantsa kung nagsasabi ba ito ng totoo o
kung papanindigan ba nito ang mga salitang iyon.

"I promise." He assure her. Tumango-tango si Xarra at nagpababa na. Hinawakan nya
ang isang kamay nito at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto nila. Kailangan nya
kasi itong bihisan.

"DADDY ito po ang bagay kay mama tignan mo po ang sexy." Xarra giggled. Inangat pa
nito ang above the knee dress na kulay white and silver combination at sigurado
syang magmumukha syang fairy

kapag sinuot nya iyon.

Ngumisi naman yung isa at tumango-tango. "Sige anak ipasukat na natin sa mama mo
para makita kung sexy talaga sya dyan."

Sinusubukan ba sya nito, kung oo pwes ipapakita nya lang kung ano ang talagang
kahulugan ng salitang sexy. Kahit naman nanganak sya ay hindi nya naman pinabayaan
ang sarili nya, well she was a model way back then and nag stop lang sya ng
mabuntis sya ni Harper at nagtayo na lang ng maliit na business, madami din syang
naipon na pera sa pagmomodelo at iyon ang ginamit nya pang gastos nila ng anak nya.
Kinuha nya ang damit sa anak nya at inirapan ang lalaki bago pumasok sa fitting
room at wala pang limang minuto ay lumabas na sya. She give him a smug face dahil
alam nyang nagagandahan ito sa katawan nya.

"Okey lang ba?" Kunyaring tanong nya pero bago pa sya lumabas ay tinignan nya na
maigi ang itsura nya sa salamin at masasabi nyang okey na okey sya sa suot nya.

Pumalakpak ang anak nya at tumingala sa ama nito. "Ang sexy ni mama ano po? Na-
inlove ka po lalo daddy?" Hindi nya inaasahan na sasabihin iyon ng anak nya. Hindi
nya ito tinuturuan ng mga in love in love na bagay dahil bata ito. At ang gago
tumango tango na halatang sumasang-ayon sa sinabi ng anak nila.

"Pwede bang ikulong na lang natin sya para hindi na sya makita ng ibang boys?"
Pakikipag-usap nito kay Xarra.

Nag-isip saglit ang anak nya at umiling. "Hindi pwede daddy kasi kailangan natin
sya bukas para complete ang family natin." Natawa sya sa sinabi ng anak nya. Wala
talaga itong kamuang-muang at sobrang inosente pa.

"Sa puso ko na lang ikukulong ang mama mo."

"Ang korny

mo daddy." Tuluyan na syang natawa at lumapit sa anak nya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito. "Ang cute cute mo talaga anak." Tumingin
sya kay Harper na nakanguso habang nakatingin sa kanilang mag-ina. "Anong
sinisimangot mo dyan?" Pakli nya dito.

"Wala. Okey na ba lahat ng kailangan nyo?"

"Hindi pa po kasi wala ka pang costume daddy."

Napapalatak ito. Kanina pa sila sa Mall at puro gamit nilang mag-ina ang
pinagbibili nito habang ito ay wala pa ni isang binili. Tumakbo ang anak nya sa
men's wear na puro costume din. Pilit inaabot nito ang white coat pero hindi nito
maabot dahil nasa itaas ito. Tumingin ito sa gawi nila na halatang nagpapatulong.
Naglakad papunta doon si Harper at kinuha ang three piece suit with black ribbon.

"Daddy ito na lang po ang suotin mo para ka pong prince."

He pursed his lips and rest his one finger under his chin. "Are you sure baby bagay
sa akin ito?" She rolled her eyes kasi naman lahat ng isuot nito ay bagay dito
tapos magtatanong pa ito ng ganon sa anak nila. Xarra nod her head and motioned him
to come closer to her and whisper. Kumunot ang noo nya dahil sa harap nya pa talaga
nagbubulungan ang dalawang ito.

Harper grin at her. Tinaasan nya ito ng kilay at bumalik na sa fitting room. Ilang
oras pa lang nagkakasama ang mag ama pero parang nakukuha na agad nito ang kiliti
ng anak nila. Ito ang nagbayad ng lahat ng pinamili nila at nag grocery din sila
kahit sinabi nyang huwag na but he insisted. Sa restaurant na din sila nag dinner
at parang gusto nyang sungkitin ang mga mata ng mga babaeng napapatingin
sa kasama nila. Harper is really a good catch, he's a tycoon businessman and nalink
na din ito sa iba't-ibang babae at ngayon hindi sya sure kung single ba ito or
hindi pero feeling nya ay single ito ngayon.

"Doon ka sa guess room matulog." Ani nya kay Harper ng nagpupumilit itong tumabi sa
kanilang mag-ina habang si Xarra ay pinagmamasdan lang silang dalawa.

"Bakit hindi po pwede si daddy matulog katabi natin mama? Bakit po?" Nilingon nya
ang anak nya nakatayo sa tabi ng ama nito at pareho pa itong naka pangtulog na,
bitbit ni Harper ang isang unan nakaputing sando ito at blue pajama ang anak nya
naman ay naka all pink, nag-aayos kasi sya ng higaan nila.

Ano ba ang sasabihin nya sa anak nya? Ayaw nya kasing makasama sa iisang kwarto ang
lalaki, naiilang sya. Kinarga nito ang anak nila at bigla na lang humiga sa kama.
Bumungisngis si Xarra dahil nagbounce pa ito sa malambot na kama. See, hindi nya
kayang supilin ang mga ngiting iyon sa anak nya at yumakap pa ito kay Harper.

Kahit ayaw nya ay napilitan na din syang humiga pinag-gigitnaan nila si Xarra.
Hinalikan nya ito sa noo.

"Goodnight baby." Umayos ito ng higa paharap sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Goodnight mama." Tumingin ulit ito kay Harper at hinatak ang braso nito papalapit
dito para yakapin sya nito at imbes na ang anak lang nila ang yayakapin nito ay
pati sya ay nadamay. Para-paraan talaga ang isang ito. Hinalikan nito sa noo si
Xarra at nilapit din ang mukha nito sa kanya.

"Daddy ang bigat mo po." At ang maganda nyang anak ay hinila ang braso ng ama nito
dahilan para maglapat ang

labi nilang dalawa.

Ang tagal na ng huling maramdaman nya ang labi nito at nakakatawa lang isipin na
hindi nagbabago ang kiliting dulot non sa kanya. Ang kaninang dampi lang sana ng
labi nila ay biglang lumalim na pati sya ay nadadala sa halik na ginagawa nito sa
kanya. Naputol lang ginagawa nila ng itulak ito ng anak nila.

"Naiipit po ako daddy." Reklamo ni Xarra. Agad syang nag-iwas ng tingin para hindi
nito mapansin ang pamumula ng mukha nya sa pagsagot sa halik nito.
"Goodnight Vhia." Harper smile at her. Ipinikit nya na lang ang kanyang mata at
niyakap ang anak nya kahit nagkakabanggaan na ang braso nila ng ama nito.

ISANG mahihinang tapik sa pisngi nya ang gumising sa kanya.

"She's awake she's awake." Xarra said excitedly.

"Good morning babe." Dalawang nakangiting tao ang bumungad sa kanya ng magmulat sya
ng mga mata. Nasisinagan na din sila ng sikat ng araw mula sa nakabukas na bintana
at hinahangin pa ang puting kurtina na nakasabit doon.

"Ano oras na ba?" Bumangon sya at umupo nasa harap nya ang dalawa na nakatunghay sa
kanila at parehong nakaligo na din ang mga ito.

"Time to wake up mama kasi po ngayon na ang family day sa school."

Mabilis syang tumayo at nagtungo sa banyo, napasarap ang tulog nya at nakalimutan
nya na may pupuntahan pala sila. Quick shower lang ang ginawa nya at binalot ang
sarili ng roba at puting towel na ipinulupot nya sa ulo nya. Lumabas sya sa banyo
at sinamaan ng tingin si Harper ng nakangisi sa kanya na para bang hinuhubaran sya
sa paraan ng pagtitig nito sa buong katawan nya. Tanging roba lang ang nagsisilbing

takip nya sa hubad nyang katawan. Nakaupo lang ang anak nila sa edge ng bed at
hawak ang cellphone ang daddy nito siguro ay may nilalaro. Lumapit sa kanya si
Harper at sya naman ay napaatras huwag lang itong gumawa ng kalokohan dahil
masasaktan nya na talaga ito, isa pa nasa paligid lang ang anak nila.

"B-bakit?"

"Wear this." Inabot nito sa kanya ang isang kulay itim na underwear and brassier. A
sly smile appear on his lips. Hinablot nya dito at telang iyon at pumasok muli sa
banyo. Natampal nya ang noo ng makalimutan ang damit na susuotin nya. Muli syang
lumabas at medyo wala ng masyadong kaba sa dibdib nya dahil kahit papano ay hindi
na sya hubad.

"Hintayin nyo na lang ako sa labas." Ani nya at naglakad sa wardrobe nya para kunin
ang binili nilang dress. Nakabihis na kasi ang mag-ama nya. Kinarga ni Harper si
Xarra na hindi maalis ang mata sa cellphone na hawak nito. Hanggat maaari ay ayaw
nyang pagamitin ng mga gadgets ang anak nya, paminsan-minsan siguro ay pwede pero
hindi palagi. Mas gusto nya pa din na puro books lang ang madalas nitong
pagkaabalahan para mas lalo pa itong madaming malaman.

"Teacher ito po ang daddy ko." Hinila ng anak nya ang ama nitong ang gwapo gwapo sa
suot nitong white suit, he is not a prince charming type but he looks like one
right now. Umarko ang isang kilay nya ng ngitian ito ng matamis ng teacher ng anak
nya alam nyang dalaga pa ito.

"Ang gwapo po ng daddy ko teacher di ba?" Ang lawak lawak ng ngiti ng anak nya na
nakatingala sa dalawa. Proud na proud pa itong ipakilala si Harper pati sa mga
classmates nito.

"Yes Xarra gwapo

nga si Mr. Salcedo." Tumikhim sya para naman mapansin ng mga ito ang presensya nya.

"Magstart na po tayo kung maaari lang po ay magpunta na po kayong lahat dito." Ani
ng host na nasa gymnasium ng eskwelahan. Ilang minuto pa ay nag-umpisa na ang kung
anu-anong palaro at pati ang anak nya ay nakisali na din.

"Mama sali tayo." Pamimilit sa kanya ni Xarra, sock race ang next na game at
kailangan alin man sa bawat magulang ay sumali kasama ang anak nila. Ayaw nya sa
mga takbo-takbo.

"Tayo na lang sumali baby kasi pagod na si mama." Harper save her butt. Tumalon-
talon ang anak nya na mukhang maliit na diwata sa pangingin nya. Naka kulay white
and silver gown din ito at kumikinang din ang suot nitong gladiator sandals pair
with her, pareho sila ng suot. Nakapusod ang buhok nito at may maliit na korona sa
ulo habang sya ay hinayaan na lang na nakalugay ang kanyang buhok.

"Tanggalin ko muna iyang pakpak dyan sa likod mo anak." Lumapit ito sa kanya at
tumalikod. May maliit kasi na pakpak na nakalagay sa likod nito at may hawak din
itong silver wand.
"Good luck." Ani nya sa dalawa.

"Wala bang good luck kiss?" Hirit ng gwapong lalaki na nakanguso na. Inambahan nya
ito ng kanyang kamao na ikinatawa lang nito. Nakaisa na sa kanya ito kagabi and
that's enough.

Inihanda nya na ang dala nilang camera na nakasukbit sa leeg nya. Panay ang kuha
nya ng litrato at natatawa din sya Dahl ang saya pagmasdan ng mag-ama nya habang
tumatalon-talon.

"Go baby!" Sigaw nya. Kahit

mapaos sya ay okey lang dahil sulit naman ang pagsigaw-sigaw nya dahil ang mag-ama
nya ang nanalo.

Lumapit ang mga ito sa kanya at puro pawis kaya agad nyang kinuha ang towel sa bag
nya at pinunasan ang anak nya.

"Ang galing ng baby ko." Pinisil nya ang pisngi ni Xarra at pinunasan ang mukha
nito.

"Ako din." Dumukwang sa kanya si Harper. Pinaikutan nya ito ng mata pero pinunasan
din ang pawisan nitong mukha na tumutulo pa pababa sa leeg nito. Nakapikit pa ito
kaya naman napagmasdan nya muli ang mukha nitong ilang inch lang ang layo sa kanya.
Those thick lucious eyebrows and pointed nose makes him more attractive. Maganda
ang ratsada ng mukha nito kaya walang duda kung bakit kanina pa sulyap ng sulyap
dito ang ibang kababaihan na nandon din. May hiwa din ito sa chin na namana ng anak
nya.

"Mama." Napaigtad sya sa tawag sa kanya ni Xarra kaya naman dumampi ang labi nya sa
labi ni Harper kasabay non ay ang camera flash sa gawi nila.

"Isa pa baby." Utos nito sa anak nila at hinawakan sya sa likod ng ulo nya para
lang muling halikan. Pinagtutulungan sya ng mag-ama nya at kuhang-kuha ng anak nya
ang kalokohan ng ama nito. Gusto nyang sambunutan si Harper dahil nagpalakpakan ang
mga naroon. Nahihiya tuloy sya. Ngumisi ang anak nya at dali-daling kumandong sa
ama nito at kinalikot ang camera na hawak nito.

"Daddy look." Medyo inangat pa nito ang hawak at parang gusto ng idukdok sa mukha
ni Harper ang bagay na 'yon. Kung kislap lang ng mata ang labanan ay isang daang
porsyento ang pusta nya na mananalo

ang mag-ama sa kinang ng mata ng mga ito.

Masayang natapos ang family day sa school ni Xarra at ang maganda pa ay may picture
na silang tatlo na magkakasama. May family tree na din na gagawin ang anak nya.

"Saan tayo pupunta? Naliligaw ka yata." Sabi nya kay Harper dahil mali ang daan na
binabagtas nito pauwi.

"Sa bahay."

"Mali ka ng daan Harper."

"Sa bahay ko sa bahay natin." He emphasise the word natin. Ano bang gustong
mangyari ng lalaking ito sa kanilang mag-ina at basta-basta na lang ito
nagdidisisyon ng biglaan. Sinilip nya ang anak sa backseat na natutulog pa din.

"Bakit doon? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" Inis na tanong nya at naiinis
na talaga sya dito.

"Ang ibahay ka." Simpleng sagot nito habang sya ay nagkandaloka-loka na ang mga
laman loob nya dahil sa sinabi nito. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya
para syang naeexcite and felt nerveos at the same time. "Marry me Vhia just say
Yes." Sinulyapan sya nito at kinuha ang kamay nya.

"I don't know what to say." Lutang pa ang utak nya sa nangyayari.

"Just say Yes babe."

She took a deep breath and stare at her daughter again. Gusto nyang mabigyan ng
kumpletong pamilya ang anak nya at kung magpapakasal kay Harper ang solusyon doon
ay gagawin nya total aminin nya man o hindi ay talagang mahal nya pa din ito. Ilang
taon man ang lumipas ay hindi nawala ang feelings nya para dito at sana ay ganoon
din ito sa kanya.

"Do you love me?" Mahinang tanong nya. She wants to make sure na kahit papano dapat
ay mahal sya nito bago sya pumayag na pakasalan ito.

Natawa ito pero nagsalita din. "Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko para sayo
Vhia at sa maniwala ka o hindi ay ikaw lang ang laman ng puso ko sa nakalipas na
limang taon." Kinikilig sya sa mga sinasabi nito dahil alam nyang totoo iyon.

"Pero madami kang naging babae, paano mo maipapaliwanag sa akin ang bagay na 'yon?"
Pangkakastigo nya dito.

"I am just a man at may pangangailangan din ako sana naiintindihan mo Vhia."
Tumango lang sya. Wala naman syang magagawa dahil nangyari na iyon. "Say yes babe.
Please?"

Gusto nyang matawa dahil nagpapacute pa ito sa kanya. Hindi na sya magpapatumpik-
tumpik pa. "Yes I will marry you Harper Salcedo." She smile sweetly.

Iginilid nito ang sasakyan at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. "I love you."
At siniil sya ng halik napakapit sya sa balikat nito at sinagot ang halik nito ng
puno ng pagmamahal.

Dumating na yung hinihintay nya, yung hinihintay nila ng anak nya na sana bumalik
sa kanila si Harper at ito sila ngayon, masaya at kumpletong pamilya.

The end.

<3 <3

A/N: Iniwan ka man ng taong mahal mo at mahabang panahon man na nawala sya sayo
kung talagang mahal ka nya babalik at babalik sya. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin
nya.

You might also like