Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Chapter II

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas


Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto. Sa mahigit na
pitong libong pulo mayroon tayo, higit sa apat na raang iba't ibang dayalekto o wikain ang
ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging
napakahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa't isa. Nagkatoon tuloy tayo ng suliranin sa
pagkabuklud-buklod at pagkakaisa.
Kung tutuusin, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating
pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa nang malawak na
wikang nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino (Bisa, et al., 1983:4).
Ang mga ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng magigiting
nating ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at kung bakit ito nilinang at
patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay
nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama at kautusan na ipinalabas ng iba't ibang
tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang Pambansa.
Pag-aralan natin ang ilan sa mahahalagang batas, kautusan, proklama o kautusang ito:
1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: "ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika," (Seksyon
3, Artikulo XIV)
1936 (Oktubre 27)- Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng
isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
1936 (Nobyembre 13)- Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na
lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
Ang mga naging tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang sumusunod:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino
man lamang
2.Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto;
3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
1937 (Enero 12) - Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa, alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt
Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333,
Ang mga nahirang na kagawad ay ang sumusunod:
Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo
Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad
Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad
Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad
Sa mga kagawad na hinirang ng Pangulo, dalawa ang di-nakaganap ng kanilang
tungkulin, sina Hadji Butu at Filemon Sotto. Ang una'y dahil sa pagpanaw at ang huli'y tumanggi
dahil sa kanyang kapansanan. Sila'y pinalitan kaya't nagkaroon ng mga pagbabago sa kabuuan
ng Surian ng Wikang Pambansa.
Dahil dito, hinirang ni Pangulong Quezon ang mga sumusunod na kagawad:
Lope K. Santos (Tagalog)
Jose 1. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
Nang si Lope K. Santos ay nagbitiw sa kanyang tungkulin, si Inigo Ed., Regalado ng
SWP ang ipinalit ni Pangulong Quezon upang gumanap bilang kagawad
1937 (Hunyo 18) - Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang
seksyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184.
1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas
Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang
resolusyon na roo'y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon
sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa Pangulo
ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30) - Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa
pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong
Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito'y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita'y hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga
di-Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos: 59.6% sa
Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 46.6% sa Hiligaynon, 39.5% sa Bikol, 31.3% sa Ilokano at
iba pa.
Alinsunod pa sa taya, ang mga pangunahing wika natin (Cebuano, Hiligaynon, Samar,
Leyte, Waray, Bikol, Ilokano, Pangasinan at Kapampangan) ay may aabot na siyam hanggang
sampung libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan.
Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog na siyang naging
batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humigit kumulang na 5,000 salitang hiram sa
Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Intsik at 3,000 sa Malay. Ang bilang ng mga salitang iyon sa
mga wikang banyagang nabanggit ay matatagpuan din sa lahat halos na talatinigan ng iba pang
wikain sa Pilipinas.
Ayon din sa Surian ng Wikang Pambansa, mayaman daw ang Tagalog sapagkat sa
pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga salita niyon.
Napakadali ring pag-aralan ang Tagalog. Pinatuttmayan ito ng karanasan na kahit hindi
pormal na pinag-aralan, maraming Pilipino ang natuto agad ng wikang Tagalog. Madali nilang
nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman ng mga Tagalog na pangungusap sa
pagsubaybay sa takbo at agos ng mga pangungusap.
Hindi lamang mga Pilipino ang nagsasabing madaling matutuhan at maunawaan ang
Tagalog. Kahit ang mga nagsipandayuhan sa ating bansa nang mga unang panahon at ngayon
ay madaling nakauunawa't nakapagsasalita ng Tagalog.
1940 (Abril 1) - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang-
pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diskyunaryo at isang Gramatika ng Wikang
Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo. 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa.
Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang
pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at patakaran sa
pagpapaunlad ng kautusang ito.
1940 (Abril 12) Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusang Pangkagawaran: ito'y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng
Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay
sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) - Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa
iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.
1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsusog sa Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa pamamagitan nito'y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13
hanggang ika 19 ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng
kaarawan ni Quezon (Agosto 19).
1959 (Agosto 13) - Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma'y tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
1967 (Oktubre 24) - Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap
(Blg. 96), na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
ay papangalanan na sa Pilipino.
1968 (Marso 27)- Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96, at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip
ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
1968 (Agosto 5) - Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang
Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
1968 (Agosto 6) Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-
aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
1969 (Agosto 7) - Ang Memorandum Blg. 277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap
Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan
sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na
idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang
lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang
Pambansa.
1970 (Agosto 17) - Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang
Memorandum Sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang
mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o
kontrolado ng pamahalaan.
1971 (Marso 4) - Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang
Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni
Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1971 (Marso 16) Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at
nililiwanag ang kanyang mga kapangyarihan at tungkulin.

Ang mga kagawad ng Surian ay kumakatawan sa sumusunod na mga pangunahing


pangkat linggwistika: Bikol, Cebuano, mga wika ng mga minoryang kultural, Hiligaynon, Ilokano,
Kapampangan, Pangasinan, Samar Leyte at Tagalog na binubuo ng sumusunod:
Direktor Ponciano B.P. Pineda (Tagalog), Tagapangulo
Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano), Kagawad
Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon), Kagawad
Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte), Kagawad
Dr. Clodualdo H. Leocadio (Bikol), Kagawad
Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan), Kagawad
Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango), Kagawad
Dr. Mauyag M. Tamano (Tausug; mga wika ng mga minoryang kultural), Kagawad
Pangalawang Direktor Fe Aldave-Yap, Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap
Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagkaroon ng sumusunod na mga kapangyarihan,
tungkulin at gawain:
1. Maghayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa
mga pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng
linggwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Wikang Pambansa;
2. Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa;
3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya o ano mang kasangkapang
linggwistik ayon sa mga pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng
ensayklopidya;
4. Magpanukala at maghayag ng mga patakarang pangwika na naaangkop sa
progresibong pagpapaunlad ng edukasyunal, kultural,
5. Sosyal at ekonomikal ng bansa; Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing
isyung may
6. Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga
aklat, pamplet at katulad ding babasahin sa Wikang Pambansa sa uri at obrang orihinal;
at kinalaman sa Wikang Pambansa;
7. Isagawa ang iba pang kaugnay ng gawain.
1971 (Hulyo 29) - Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa, Agosto 13-19.
1972 (Disyembre 1) - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Panlahat Blg. 17, na
nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at gayon din sa mga
pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon
ng Saligang d Batas noong Enero 5, 1973.
1972 (Disyembre) - Nag-atas ang Pangulong (Blg. 73) Ferdinand E. Marcos sa Surian ng
Wikang Pambansa na ang Saligang Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng may
limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas
(Artikulo XV, Seksyon 3.
1973 Sa Saligang Batas, Artikulo XV, Seksyon 3. ganito ang sinasabi:
"Ang Saligang-Batas na ito ay dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na mga
Wikang Opisyal, at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit sa limampung
libong taong bayan, at sa Kastila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Inglese
ang mananaig.
Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na
makikilalang Filipino."
1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula
sa taong aralan 1974-1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa mga tadhana ng
Saligang-Batas ng 1972.
1978 (Hulyo 21) - Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng
kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semestre ng taong-aralan
1979-1980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng
anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso,
maliban sa mga kursong pagtuturo sa labindalawang (12) yunit.
Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa
mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong aralan 1983-1984.
Kalakip din sa kautusang ito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga
guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo ng Pilipino sa
pandalubhasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura.
1986 (Agosto 12) Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na
kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang
pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Dahil dito,
ipinahayag niya na taun-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng
pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing na Ama ng Wikang
Pambansa, ay Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng
mga mamamayan sa buong bansa, sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga
paaralan at gayundin ng mga lider ng iba't ibang larangan ng buhay.

1987 (Pebrero 2) - Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Artikulo XIV, Seksyon 6-
9, nasasaad ang sumusunod:
Sek. 6, Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum. ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Ano ba ang pormal na deskripsyon ng FILIPINO bilang wikang pambansa?
Muli tayong sumangguni sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ganito ang
batayang deskripsyon ng FILIPINO:
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga
wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika
para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag"
1987 Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon Kultura
at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda
sa patakarang edukasyong bilinggwal.

Tungkulin ng patakarang edukasyong bilinggwal na pahusayin ang pagkatuto sa


pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng
edukasyon gaya ng hinihingi ng Konstitusyong 1987; palaganapin ang Filipino bilang
wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag
ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng
wikang Filipino. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino
ang Ingles at bilang di- eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.
Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating Surian ng
Wikang Pambansa), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda
ng bagong alpabeto at patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.
1988 (Agosto 25) - Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang
hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.
1989 (Setyembre 9) - Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng
DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na
gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1990 (Marso 19) - Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon,
Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na
gamiting ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa
bayan natin.
1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining
ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina) at
Filipino 3 (Retorika).
1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041
na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at nagtatagubilin sa iba't ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,
ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino
at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay- alam ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortografiyang
Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng
mga pananaliksik, pag-aaral. konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga
bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino ng taong 1987.

Reference:
Bernales, Rolando A. et. al. (2009). Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino.
105 Engineering Road, Araneta University Village, Potrero, Malabon City

You might also like