Professional Documents
Culture Documents
Ponemang Suprasegmental Banghay Aralin G
Ponemang Suprasegmental Banghay Aralin G
FILIPINO VII
Mala-masusing Banghay-aralin
(60 minuto)
I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mag-aaral na:
A. Napipili ang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap;
B. Napaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang
suprasegmental at di berbalna palatandaan; at
C. Naibibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/ awiting
panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan sa pamamagitan ng
paglalapat ng ponemang suprasegmental;
II. Paksang-aralin
A. Paksa:
Ponemang Suprasegmental
B. Sanggunian:
Setubal, J., & Choa, J. H. (2016). Pinagyamang Wika at Panitikan 7.
120 Rada Corner Legaspi Street, Legaspi Village, Makati, 1229 Metro
Manila: Diwa Learning System Inc.
Kagamitan: Laptop, ppt, google drive at zoom app.,
C. Code: F7PS-IIIa-c-13
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagtatala ng Liban (Pagtawag isa-isa sa mag-aaral)
2. Balik-Aral
Pagbabalik aral sa mga Kaalamang Bayan.
1. Ano-ano ang mga kaalamang-bayan na natalakay? Magbigay
ng halimbawa.
• Tugmang de gulong
• Palaisipan
• Tula/Awiting Panduyo
• Bugtong
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
B. Pagganyak
Panuto: Basahin pahayag batay sa bantas na gamit. Pagkatapos ay
basahin muli ang pahayag na walang damdamin o buhay.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag nang
walang anumang damdamin?
2. Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag.
C. Pagtatalakay ng Aralin
Ponemang Suprasegmental ay ang pag-aaral ng diin, pagtaas-
pagbaba ng tinig (tono o punto), haba at hinto (juncture). Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin o intension ng
pahayag o nang nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang
suprasegmental.
Halimbawa:
a. kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
2. Haba
Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u)
ng bawat pantig. Maaring gumamit ng tuldok upang ipakita
ang haba ng pagbigkas.
Halimbawa:
a. bu.kas = nangangahulugang sa susunod na araw
bukas = hindi sarado
b. tu.bo = pipe
tubo = sugarcane
3. Diin
Tumutukoy ito sa bigat ng pagbigkas sa isang pantig ng
salitang binibigkas. Ang diin ay tinutumbasan ng tuldik. Ang
mga sumusunod ay apat na diin sa Filipino.
Halimbawa:
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig
dalaga nanay
lalaki kanluran
sarili matahimik
talo malumay
Halimbawa:
batì dalamhatì
batà talumpatì
labì dambuhalà
sukà mutà
Halimbawa:
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig
tabkó mapaypáy
bató bulaklák
sulú alagád
malakí alitaptáp
Halimbawa:
dukhâ salitâ
kaliwâ butikî
sampû panibughô
pô apatnapû
4. Antala/Hinto (Juncture)
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensahe. Maaring gumamit ng
simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling
( - ) upang ipakita ang paghinto.
Halimbawa:
Hindi, siya ang kababata ko.
(Pinatutunayang siya ang kababata ko)
Tanong:
1. Ano ang maaring mangyari kung sakaling mali ang paggamit sa mga
ponemang suprasegmental?
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
D. Aplikasyon
1. Isahang Gawain
Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa linya ang tamang
salitangpupuno sa diwa ng mga pangungusap.
/bu.ka/bu.kas/,
bu.hay/, /buhay/
sa.yah/, /sayah
2. Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat
pangkat magkakaroon ng sabayang pagbigkas ng mga
sumusunod:
Palaisipan (Pangkat 3)
Guro: Sa taas ng bubong,may tandang, saan
mangingitlog yung tandang?
Pedro: Sa taas ng bubong po.
Juan: E, hindi naman nangingitlog ang tandang eh.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
PAMANTAYAN
Wasto ang pagkakabigkas ng mga salita 5
Angkop ang damdamin at lakas ng 5
boses sa pagbigkas
Kabuoang Presentasyon 15
E. Paglalahat
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang
suprasegmentalat.
____________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_______________.
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Edukasyon
Kampus ng A. Mabini, Daang Anonas, Sta. Mesa, Lungsod ng Maynila
F. Takdang-Aralin
Panuto: Gawin ang mga sumusunod.