Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARMENT OF EDUCATION
Region IV- A CALABARZON
Division of Laguna
District of Santa Cruz
LAGUNA SENIOR HIGH SCHOOL
Santa Cruz, Laguna
PANGHULING PAGSUSULIT
PANGALAWANG MARKAHAN
Filipino sa Piling Larang
I.Panuto: Ang sumusunod na mga pahayag ay nagsasaad ng mga pahayag ay nagsasaad ng mga
dapat tandaan sa pagsulat ng isang Katitikan ng Pulong.Isulat ang BP kung ito ay isinasagawa Bago
ng Pulong, HP naman kung Habang isinasagawa ang Pulong, at PP kung Pagkatapos ng Pulong.
____1.Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
____2.Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
____3. Itala lamang ang mahalagang ideya o puntos.
____4.Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong.
____5.Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong.
____6. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
____7. Itaya at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyuhan.
____8. Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto nito.
____9. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
_____10. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy
kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.

II. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


11. Listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pulong.
a. Pulong c. proposal
b. Bible study d. Agenda
12. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.
Makikita rin ditto ang petsa, ang lokasyon at maging oaras ng pagsisimula ng pulong.
a. Heading c. pagbasa at pagpapatibay
b. Mga kalahok d. usaping napagkasunduan

13.Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang
pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.
a. Heading c. pagbasa at pagpapatibay
b. Mga kalahok d. usaping napagkasunduan
14. Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga ito.
a. Heading c. pagbasa at pagpapatibay
b. Mga kalahok d. usaping napagkasunduan
15. Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
a. Heading c. pagbasa at pagpapatibay
b. Mga kalahok d. usaping napagkasunduan
16. Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
a. lagda c. iskedyul
b.pagtatapos d. pabalita
17. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kukuha ng katitikan ng pulong
at kung kalian ito isinumite.
a. lagda c. iskedyul
b.pagtatapos d. pabalita
18. Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano na
gawaing ihaharap sa tao o samahang paguukulan nito siyang tatanggap at magpapatibay
nito.
a. panukalang proyekto c. katitikan ng pulong
b. agenda d. pulong
19. Mga tiniponh larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maglahad ng konsepto.
a. photo essay c. katitikang ng pulong
b. lakbay sanaysay d. agemda
20. Ang sulating ito ay maaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyan pansin
ditto ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamayan sa isang particular na
komunidad.
a.. photo essay c. katitikang ng pulong
b. lakbay sanaysay d. agenda

III. Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat na tandaan sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay at Mali naman kung hindi ito ang tamang tandaan sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay.
__________21. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat nasa ikalawang panauhan.
__________22. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang
paglalakbay
__________23.Mahalagang mailahad ang reyalisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.
__________24. Hindi kailanganag maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng
ganitong uri ng sulatin.
__________25. Maaring gumamit ng tayutay o idyoma sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay.
__________26. Kailangang may isang pokus ang bubuoing sulatin.
__________27. Sa lakbay-sanaysay, makakatulong kung makukuha ng litrato ng lugar, tao, o
pangyayari upang maisama sa bubuoing sulatin.
__________28. Kailangang maisaalang-alang ang layunin o dahilan kung bakit at para saan
ang gagawing lakbay-sanaysay.
__________29. Nangangailangang magtala ng mahalagang detalye at kumuha ng mga larawan
para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
__________30. Mahalagang taglayin ang isang susulat ng lakbay-sanaysay ang sapat na
kasanayan sa wika.
__________31. Ang akademikong sulatin ay isang pagsulat na naglalayong maglahad ng mga
impormasyon na binabahagi sa mga taong bumabasa nito.
__________32. Ang photo essay ay nakikilala sa tawag na sanaysay ng larawan.
__________33. Ang agenda ay listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.
__________34.Ang panimula o introduksyon ang maghihikayat sa mambabasa sa kanilang
interes na basahin ang sulatin.
IV. Panuto: Ayusin ang tama at sunod-sunod na bahagi ng Katitikan ng Pulong. Isulat ang
numero 1, kung ito ay ang unang bahagi, kasunod na iba pa.Bilang 1-8 ang ilalagay ng
numero.
_________35.Heading
_________36. Lagda
_________37. Pabalita o Patalastas
_________38. Iskedyul ng susunod na pulong
_________39. Mga kalahok o dumalo
_________40. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
_________41. Action Items o Usaping napagkasunduan
_________42. Pagtatapos
V.Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa ng mga pamagat ng mga sulatin. Isulat ang
letra ng tamang sagot na nasa kahon kung saan ito naangkop.(letra lamang)
A.Pang-araw-araw na Gawain
B.Pang-akademikong Gawain
C.Pang-kalakal o bisness
D.Pang-institusyong gobyerno

______43.Pagsusuri ng Pagbaba ng presyo ng langis sa Pandaigdigang Merkado


______44.Pag-aaral patungkol sa Wika Noon at Ngayon
______45.Ang Teknolohiya sa Pag-aaral
______46.Pamamaraan sa Pag-aayos ng Kagamitang Pambahay
______47.Pagsasaliksik Patungkol sap ag-iimbak ng Pagkain
______48. Ang Pagtuklas ng Gamot sa Covid-19
______49.Komparatibong Pag-aaral sa Pampubliko o Pambribadong Paaralan
______50.Pananaw ng mga Magulang Patungkol sa Pag-aaral Online

You might also like