Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
sa
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
A AaALinggg:
Napahahalagahan ang Magaling at
Matagumpay na mga Pilipino.

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikatlong Markahan – Modyul 2 : Napapahalagahan Ang Magaling At
Matagumpay Na Mga Pilipino
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Norma A. Montepalco MT II

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo kung paano mapapahalagahan


ang mga magaling at matagumpay na mga Pilipino.

Mahalagang makilala natin sila upang malaman natin kung paano


sila nagtagumpay upang magsilbing huwaran at ating tularan ang kanilang
mabubuting katangian na naging susi ng kanilang tagumpay. Lahat tayo
ay gustong magtagumpay at maging mabuti ang buhay. Mag-aral tayo ng
mabuti, maging isang mabuting mamamayan at alamin ang mga
mabubuting katangian ng mga Pilipino tungo sa tagumpay.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang maunawaan mo kung


paano magkaroon ng kaalaman, at kakayahang unawain kung paano:

1. Napapahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa


pamamagitan ng: (MELC 6, LC 5, EsP6ppp-111c-d-35)
1.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino. (MELC 6.3, LC 5.3)

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Nakikilala ang mga magagaling at matagumpay na Pilipino


2. Nakapagbibigay ng mga ilang paraan kung paano tularan ang mga
mabubuting katangian na magiging susi ng pagtatagumpay.
Magaling at Matagumpay na mga
Aralin
Pilipino, Pinapahalagahan at
1 Hinanangaan ko

Simulan
Sino sino ang ating kapwa Pilipino ang kilala dahil sa angking galing
at nagtagumpay sa larangan na kanilang kinabibilangan? Sino sino naman
ang mga nakilala hindi lamang dito sa ating bansa kung hindi sa buong
daigdig dahil sa angking talino sa musika, sayaw, palakasan, panitikan,
sining , negosyo at pamahalaan?

Gawain 1: Saang Larangan Sila Kabilang!


Panuto: Isulat ang sagot sa notebook kung saang larangan nabibilang ang
mga sumusunod na mga kilalang Pilipino.
1. Corazon C. Aquino, Rodrigo Roa Duterte
2. Gloria Diaz, Megan Young
3. Manny Pacquiao, Eugene Torre
4. Fernando Amorsolo, Carlos “Botong” Francisco
5. Lea Salonga, Pilita Corales

Gawain 2 Kilala Mo ba Sila!


Panuto: Kilalanin ang mga Pilipinong naging tanyag sa buong mundo dahil
sa kanilang kahusayan. Isulat ito sa notebook.

1. Siya ang naglilok ng “Oblation” sa Universidad ng Pilipinas.


______________________
2. Ang tinampok na Miss World 2013 ay si ________________________.
3. Ang lumikha ng tanyag na Spoliarium ay si __________________________.
4. Siya ang unang Pilipino na naging Pangulo ng United Nations Security
Council. _____________________
5. Ang sumulat ng Marcha National Filipina ang musika ng Pambansang
Awit ng Pilipinas. ________________________
Lakbayin

Maraming Pilipino ang naging tanyag at nagpatanyag sa ating bansa


sa iba’t ibang larangan tulad ng musika, sayaw, eskultura, sining at
panitikan. Maging ang mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat ay
malaki ang maitutulong sa kabuhayan ng Pilipinas. Bilang mga Pilipino,
Maipagmamalaki nating marami sa ating kapuwa Pilipino ang may
natatanging talento at kakayahan na nagbibigay –puri sa atin sa buong
mundo.
Sa pamamagitan ng angking galing, may mga natatanging Pilipino na
kayang palaguin ang isang maliit na negosyo, maging isang mahusay na
pintor o di kaya’y magaling na musikero. Mayroon naman na ang husay ay
naipapamalas sa larangan ng politika at mayroon namang sa larangan ng
agham nakilala. Tunay na katangitangi ang maraming Pilipino at dapat
lang na sila ay ating pahalagahan at hangaan at gawing modelo o sila’y
ating tularan ng kung ano ang gusto nating marating sa ating buhay.
Ating tatandaan “Ang kahusayan at kasipagan ay katangi-tanging
susi sa tagumpay ng Pilipino.” Isang bagay lang sana’y huwag nating
inaalis sa paghanga at pagpapahalaga sa isang tao: siya ay hindi perpekto
at tulad nating lahat mayroon din siyang pagkukulang.
Sa araling ito, muli nating balikan ang ilang Pilipinong naging
produktibong mamamayan ng bansa dahil sa kanilang kontribusyon sa
lipunan. Inaasahang mapahahalagahan mo ang mga pangyayari at
kontribusyon ng marami pang Pilipino na naging daan ng pag-unlad ng
bansa.

Sa Larangan ng Pagpipinta
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Siya ang pintor ng mga larawan at tanawing
Fernando Cueto pambaryo ng Pilipinas.
Amorsolo Mahusay at dalubhasa sa paggamit ng liwanag sa
aspeto ng sining.
Ang kanyang mga gawain ay puno ng adhikain ,
makabayan at puno ng kasaysayan . Dahil sa
kanyang kahusayan sa pagpinta, sya ay tinaguriang
“Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas”.
Carlos “Botong” Kilala siya sa mga pinta niyang miyural o mga
Francisco pintang larawan sa mga bato. Ang mga halimbawa
nito ay matatagpuan sa Manila City Mall, Manila
Hotel at Our Lady of EDSA Shrine sa Lungsod ng
Pasig.

Naging Pambansang Alagad ng para sa Sining noong


19 76.
Juan Luna Isang pintor, eskultor, at aktibista noong panahon
ng reboluyon noong ika 19 na siglo . Naging tanyag
siya dahil sa obra niyang Spoliarium noong `1884.

Sa Larangan ng Musika
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Jose Palma Ang naglapat ng titik ng pambansang awit
Julian Felipe Ang sumulat ng Marcha National Filipina , ang
musika ng Pambansang Awit ng Pilipinas
Antonio Molina Tinaguriang “Pambansang Musikero ng Pilipinas” at
lumikha ng “Hatinggabi” para sa biyolin at
“Malikmata” para sa piyano.
Jovita Fuentes Kilalang mang-aawit ng opera at nagtamo ng
pangalawang karangalan sa Pambansang Alagad ng
Sining para sa Musika
Pilita Corales Tinaguriang “Asia’s Queen of Songs”
Lea Salonga Siya ay nakilala sa The King and I ng Repertory
Philippines noong siya’y pitong taong gulang pa
lamang. Sa edad na sampung taon, inirecord ni Lea
ang awiting “Small Voice”. Iyon ang naging simula ng
kanyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at
mang-aawit sa Pilipinas.

Sa Larangan ng Sayaw
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Francisca Reyes Nagsaliksik at nag-aral siya tungkol sa iba”t ibang
Aquino sayaw ng mga Pilipino sa buong kapuluan.
Ipinagkaloob sa kanya ang National Artist Award
dahil sa malaking ambag niya sa larangan ng sayaw
at
maging mga larong Pilipino.
Liza Macuja-Elizalde Ang prima ballerina ng ating bansa ay nakilala
dahil sa kahusayan niya sa pagsayaw ng ballet.
Nakapagtanghal na siya sa iba’t-ibang panig ng
mundo.

Sa Larangan ng Paglililok
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Guillermo Tolentino Siya ang gumawa ng monumento ni Andres Bonifacio
(1890-1976) sa Caloocan at sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Tanyag din sa kanyang mga likha ang “Oblation” sa
Unibersidad ng Pilipinas at ang selyo ng Republika
ng Pilipinas.
Sa Larangan ng Panitikan
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Francisco Balagtas Sumulat ng Florante at Laura at Ibong Adarna
Severino Reyes “ Ama ng Dulang Tagalog”
Aurelio Tolentino Sumulat ng dulang “Kahapon, Ngayon at Bukas.
Sila ni Lope K. Santos , Iningo Ed Regalado ay
mahuhusay na nobelista
Amado V. Hernandez Isang mahusay na makata, mandudula at nobelista
Carlos P. Romulo Unang Asyano na naging Pangulo ng United Nations
Security Council

Sa Larangan ng Pagandahan at Palakasan


Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Gloria Diaz Nagwagi bilang Miss Universe noong 1969
Margie Moran Nagwagi bilang Miss Universe noong 1973
Megan Young Nagwagi bilang Miss Universe noong 2013
Lydia de Vega Mercado at Mga Kampeon sa Track and Field
Elma Muros
Eugene Torre Mga Kampeon sa Chess
Efren “Bata Reyes Kampeon sa Bilyar
Eric Buhain at Akiko Mga Kampeon sa Paglangoy
Thompson
Manny Pacquiao at Mga Kampeon sa Boksing
Nonito Donaire

Sa Larangan ng Agham at Teknolohiya


Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Leonardo Sarao Nilikha nang ang jeep na pampasahero
Benjamin Almeda Sr. Nilikha niya ang de-kuryenteng kudkuran ng
niyog at bread toaster
Gregorio Zara Nakaimbento ng TV –telephone na maaring
magkakitaan at mag-usap ang nagatatawagan
Rodolfo Viescas Nakaimbento ng multicooler fan

Sa Larangan ng Paggawa
Kilalang Pilipino Deskripsiyon
Overseas Filipno May mga Pilipinong pinili ang maghanapbuhay
Workers(OFWs) sa ibang bansa. Ang tawag sa kanila ay
Overseas Filipno Workers(OFW)
Nakilala sila sa iba’t-ibang panig ng mundo
dahil sa kanilang husay, kasanayan, at
kasipagan sa kani-kanilang mga larangan at
propesyon . Dahil dito, maraming kompanya ang
nagnanais na magkaroon ng mga Pilipinong
manggagawang doctor, nars, inhinyero,
karpintero at guro. Marami ring Pilipino ang
nakapagtayo ng mga negosyo at nagkaroon ng
matataas na pwesto sa malalaking kompanya at
tanggapan sa ibang bansa.

Maraming Pilipino ang nagbigay ng mahahalagang kontribusyon sa


iba’t-ibang panig ng daigdig. Bilang Pilipino, ipagmalaki natin ang mga
kababayan na nagbigay dangal at karangalan sa iba’t-ibang panig ng
mundo sa iba’t-ibang larangan. Malaki ang naging kontribusyon ng mga
manggagawang Pilipino na iangat ang karangalan ng bansa sa
pamamagitan ng pagpapakita ng husay at tamang gawi sa paggawa.

Galugarin

Gawain 3 “Tama Ba O Mali?”


Panuto: Sa inyong sagutang papel isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay
totoo, MALI kung hindi.
1. Maraming Pilipino ang naging tanyag at nagpatanyag sa ating bansa sa
iba’t ibang larangan tulad ng musika, sayaw, eskultura at iba pa.

2. Maipagmamalaki nating marami sa ating kapuwa Pilipino ang may


natatanging talento at kakayahan na nagbibigay –puri sa atin sa buong
mundo.

3. Mag-aral ng mabuti, gamitin ang inyong angking galing, maging masipag


upang magtagumpay katulad ng maraming Pilipino.

4. Tunay na katangitangi ang maraming Pilipino at dapat lang na sila ay


ating pahalagahan at hangaan at gawing modelo sa ating buhay.
5. Ipagmalaki natin ang mga kababayan na nagbigay dangal at karangalan
sa iba’t-ibang panig ng mundo sa iba’t-ibang larangan.
6. Maraming manggagawang Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa bansa
sa pamamagitan ng pagpapakita ng husay at tamang gawi sa paggawa.
7. Nagsanay ng mabuti si Glenah sa pag-awit. Naging inspirasyon niya ang
kanyang mga magulang at ang mang-aawit na si Lea Salonga.
8. Hindi naniniwala si Ferdie na sa pamamagitan ng pagpapakita ng husay
at tamang gawi sa paggawa tayo ay uunlad.
9. Sinusunod at pinapahalagahan ni Cristy ang pangaral ng kanyang mga
magulang na magsipag at mag-aral ng mabuti upang makamit ang
tagumpay.
10. Laging nagrereklamo sa hirap ng trabaho ang binatang si Arman.
Walang pagtitiyaga kaya laging napapagalitan.

Palalimin

Gawain 4: Sagot ko, Ipapaliwanag Ko!

Panuto: Basahin ang sumususunod na sipi mula sa mga natatanging


Pilipino . Tingnan kung ano ang sinasabi tungkol sa nagsasalita.
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

“Upang magtagumpay ang ating bayan ,


kailangang magpakabayani ang mga
karaniwang mamamayan. Kailangang
magpakabayani tayong lahat.”

Jesse M. Robredo

Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal

Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod


bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa
administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang
kamatayan noong 2012.

1. Ano ang ibig sabihin ni Jesse Robredo tungkol sa pagiging isang mamamayang
Pilipino?
Karapat-dapat ba siyang tularan? Ano ang gagawin mo?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

“Nagpapasalamat ako sa Diyos sa


pagiging Pilipino ko. Nagpapasalamat ako sa
Diyos sa pagiging kaisa ninyo.”

Corazon C. Aquino

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak


bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 – 1 Agosto 2009)
na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-
isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok
sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992). Tinagurian siyang Ina
ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya
sa Pilipinas.
Corazon C. Aquino
Ika-11 Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Pangulo ng Ika-apat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika

Nasa puwesto
25 Pebrero 1986 – 30 Hunyo 1992

2. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Pangulong Corazon C. Aquino? Bakit siya


nagpapasalamat? Dapat mo ba siyang tularan? Ano ang gagawin mo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
“Nais kong matulungang
matuto ang iba, dahil minsan
din akong naging mahirap at
nagsikap ako upag magkaroon
ng karunungan.”

Socorro C. Ramos

Socorro Ramos

Si Socorro Ramos ay isang negosyanteng Pilipina. Sya ang chairman at


nagmamamay-ari ng National Book Store – ang pinakamalaking pamilihan ng
aklat sa Pilipinas.

3. Ano ang layunin ni Socorro Ramos ? Ano ang kanyang ginawa upang
magkaroon siya ng karunungan? Dapat mo ba siyang tularan? Sa panahon
ngayon ng pandemyang Covid 19, ano ano ang mga dapat mong gawin upang
magkaroon ka ng karunungan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)


Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa
Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
talagang naaayon naaayon ang ngunit hindi tiyak
Nilalaman
ang nakapaloob nakapaloob na ang ilang
(5 puntos)
na kaisipan sa kaisipan sa nakapaloob na
sagot. sagot. kaisipan sa sagot.
Sukatin

I. A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap tungkol sa mga


magagaling at matatagumpay na mga Pilipino. Piliin ang titik ng tamang
sagot .
1. Alin sa mga sumusunod ang binigyang-diin ni Fernando Amorsolo sa
kanyang mga ipininta?
A. Pagkanasyonalismo
B. Makabagong panahon
C. Pagmamahal sa kapuwa
D. Katutubong pambaryong tanawin
2. Ano ang pinatunayan ng mga Pilipina sa pandaigdigang timpalak
kagandahan?
A. Kayang maging tanyag ng mga Pilipina sa anumang larangan.
B. Sa larangan lamang ng kagandahan nakikilala ang mga Pilipina.
C. May kapangyarihan ang mga kababaihan sa anumang larangan
D. Matalino, maayos at may pagpapahalaga ang mga Pilipina sa
bansa, sa kapwa at sa kanyang sarili.
3. Maraming Pilipinong manlalaro ang nakilala at tumanyag sa buong
mundo dahil sa kanilang angking kakayahan at lakas . Kung ikaw ay isang
manlalaro, paano mo paghahandaan ang sasalihan mong laro?

A. Pauunlarin at lalo akong magsasanay upang makamit ang


tagumpay.
B. Iisipin ko na lamang na mananalo ako sa larong sasalihan.
C. Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
D. Hindi na lamang ako sasali sa laro?
4. Paano mo ipakikita ang angking kakayahan tulad ng mga natatanging
Pilipino?

A. Sasali ako sa mga timpalak na angkop sa aking kakayahan.


B. Lalo akong magsisikap na paunlarin ang aking talento o
kakayahan
C. Susundin ko ang nais ng aking mga magulang na sumali sa
anumang larangan.
D. Ipagwawalang- bahala ko na lamang ang aking talent dahil
mahirap at magastos ang lahat.

5. Paano ipinakikita ng pamahalaan ang patuloy na suporta sa mga


natatanging Pilipino?

A. Paggagawad ng mga parangal at pagkilala sa kanila.


B. Pagkakaloob ng mga benepisyo sa mga natatanging Pilipino at sa
kanilang pamilya.
C. Patuloy na pagpapadala ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng
mundo at pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa
D. Patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa bansang
maraming Pilipino

B. Panuto: Kilalanin kung sinong matalino at matagumpay na Pilipino ang


tinutukoy sa pangungusap . Isulat ang titik ng tamang sagot.
6. Nagsaliksik at nag-aral siya tungkol sa iba’t -ibang sayaw ng mga
Pilipino sa buong kapuluan. Ipinagkaloob sa kanya ang National Artist
Award dahil sa malaking ambag niya sa larangan ng sayaw at maging sa
larong Pilipino.
A. Francisca Reyes Aquino B. Liza Macuja –Elizalde
C. Jovita Fuentes D. Regine Velasques
7. Ang kanyang mga gawain ay puno ng adhikain , makabayan at puno ng
kasaysayan . Dahil sa kanyang kahusayan sa pagpinta, sya ay tinaguriang
“Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas”.

A. Guillermo Tolentino B. Fernando Cueto Amorsolo

C. Julian Felipe D. Antonio Molina


8. Isang pintor, eskultor, at aktibista noong panahon ng reboluyon noong
ika 19 na siglo . Naging tanyag siya dahil sa obra niyang Spoliarium noong
`1884.

A. Juan Luna B. Victorio Edades

C. Carlos “Botong” Francisco D. Fernando Cueto Amorsolo

9. Sino ang kilalang mang-aawit ng opera at nagtamo ng pangalawang


karangalan
sa Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika?
A. Antonio Molina B. Pilita Corales

C. Jovita Fuentes D. Julian Felipe

10. Siya ang sumulat ng Marcha National Filipina, ang musika ng


pambansang awit ng Pilipinas.

A. Pilita Corales B. Julian Felipe

C. Jovita Fuentes D. Antonio Molina

II. Panuto : Nais mo rin bang makilala ka bilang isang magaling at


matagumpay na Pilipino? Sa lahat ng mga Pilipinong iyong nabasa at
napag-aralan , sino sa kanila ang gusto mong tularan upang ikaw ay
magtagumpay? Bakit?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________

RUBRIK SA PAGSAGOT NG TANONG (WRITTEN OUTPUT)


Napakahusay Mahusay Nangangailangan pa
Pamantayan ng Kasanayan
4–5 2–3 1
Napakahusay at Mahusay at May kahusayan
Nilalaman
talagang naaayon naaayon ang ngunit hindi tiyak
(5 puntos)
ang nakapaloob nakapaloob na ang ilang
na kaisipan sa kaisipan sa nakapaloob na
sagot. sagot. kaisipan sa sagot.

Sanggunian:
Gloria A. Peralta, Ed. D. at Zenaida Ylarde (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6
(Batayang Aklat),pp.80-87; Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City Philippines

Eleanor D. Antonio et al (1994) Sambayanang Pilipino Batayang Aklat sa Sibika at Kultura


Ikalawang Baitang pp.235-236 REX Book Store 84 P. Florentino Street , Quezon City

Ma. Corazon V. Adriano et al (2015) Araling Panlipunan 4

Batayang Aklat pp. 390-397, Vival Group Inc, DepEd-IMCS , 5th Floor , Mabini Bldg. Deped Complex,
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Mga Larawan at mga impormasyon tungkol kay Jesse Robredo, Corazon C. Aquino at Socorro
Ramos ay Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang Ensiklopedya, https://tl.//wikipedia.org/wiki
Talaksan: , https://www.wikiwand.com /tl/Pangulo ng Pilipinas

Sanggunian

Gloria A. Peralta, Ed. D. at Zenaida Ylarde (2016) Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6
(Batayang Aklat),pp.80-87; Vibal Group, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City Philippines

Eleanor D. Antonio et al (1994) Sambayanang Pilipino Batayang Aklat sa Sibika at Kultura


Ikalawang Baitang pp.235-236 REX Book Store 84 P. Florentino Street , Quezon City

Ma. Corazon V. Adriano et al (2015) Araling Panlipunan 4

Batayang Aklat pp. 390-397, Vival Group Inc, DepEd-IMCS , 5th Floor , Mabini Bldg. Deped Complex,
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Susi ng Pagwawasto

Simulan
Gawain 1
1. Pamahalaan
2. Pagandahan
3. Palakasan
4.Pagguhit
5.Pag-awit
Gawain 2
1. Guillermo Tolentino
2. Megan Young
3. Juan Luna
4. Carlos P. Romulo
5. Julian Felipe
Galugarin
Gawain 3
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Mali
Palalimin
Gawain 4
Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos sa mga kasagutan sa mga tanong.
1. ______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
Sukatin

IA I. B.
I.d 6. a
2. d 7. a
3. a 8. a
4.b 9. c
5. d 10 . b
II. Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos sa mga kasagutan sa tanong.

You might also like