Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Pangalawang Markahan – ANG MAKATAONG KILOS

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin
SDO Albay Schools Division Superintendent: Norma B. Samantela, CESO VI
SDO Albay Assistant Schools Division Superintendent: Wilfredo J. Gavarra
SDO Albay Assistant Schools Division Superintendent: Fatima D. Buen

DEVELOPMENT TEAM
Writers: Belinda S. Morata Ponso National High School

Content Editors: Sherwin Jay A. Aguilar Bonga National High School


Maria Theresa M. Marbella Daraga National High School

Language Editor: Ma. Dolores B. Castro Bonga National High School


Lay-out Editor: Sherwin Jay A. Aguilar Bonga National High School
Project In-charge : Judith P. Restubog EPS, EsP, SDO Albay

Quality Assurance Team:


Dr. Sancita Peñarubia Chief, Curriculum Implementation Division
Edison L. Mallapre EPS, LRMDS
Judith P. Restubog EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao
I. PANIMULA
“Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!”
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin nito? Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa
iyo lalo na sa mga gawaing humahamon sa iyong kakayahang tumugon dito?

Halika! Tahakin ang mo landas ng pagiging makatao sa pamamagitan ng mabuting opsyon.

II. LAYUNIN

Sa modyul na ito, inaasahan ang kabataang tulad mo na;

5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong
kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito.

III. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Bawat kilos ay pag-isipan, dahil ang bunga nito ay ating pananagutan. Tuklasin mo ito. Suriin ang
mga sitwasyon sa ibaba, tukuyin ang kilos na ginawa ng tauhan at ang kanyang pananagutan kung
mayroon man. Isulat sa journal ang iyong sagot.

1. Dahil sa COVID 19 pandemic, namigay ng tulong sa mahihirap na mamamayan ang


pamahalaan. Isa si Andrea sa mga benepisyaryong nakalista kaya pumila siya at
tumanggap ng ayuda kahit alam niyang nakatanggap na ang kanyang asawang si Seth
sa kabilang bayan.
2. Sinisiguro ni Carla na nakasuot siya ng face mask at may dalang home quarantine pass
bago lumabas ng bahay upang bumili ng gamot ng kanyang nanay habang umiiral pa ang
ECQ.
3. Nakalimutan ni Victor na i-set ang alarm clock. Nakahiga na siya nang maalala ito ngunit
hindi na siya bumangon pa. Alam niyang mahimbing siyang matulog at maraming
pagkakataon na siyang nahuhuli sa klase. Minsan nang hindi na siya nakapasok dahil
dito. Nangyari ang inaasahan. Mataas na ang araw nang siya ay nagising.

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa ginawang kilos ni Jasmin?
Masasabi mo bang naging mapanagutan siya sa kanyang kilos? Bakit? Isulat sa journal
ang iyong sagot.

Si Jasmin ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magtungo sa library
at magbasa ng mga paboritong dyornal. Sa kaniyang paglalakad, hindi
sinasadyang naririnig niya ang kwentuhan ng mga kaklase tungkol sa maagang
pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy
siya sa paglalakad patungo sa library.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 1
V. PAGPAPALALIM

Pagnilayan mo ang kaisipang ito at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ayon kay AGAPAY:

• Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa
mga susunod na araw ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa
sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay.

• Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

Ayon kay Aristoteles, may TATLONG URI NG KILOS ayon sa kapanagutan:

1. Kusang-loob - Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos
ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

Halimbawa: Ang isang guro sa sekondarya na gumaganap sa kanyang tungkulin.


Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo. Bumubuo rin siya ng
banghay-aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kanyang araw-araw na
pagtuturo. Naghahanda siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang
pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinisiguro niya
ring angkop ang mga pagsusulit bilang panukat sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pagsusuri: Ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol
sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito
isakatuparan at maging matagumpay ito.

2. Di kusang-loob- Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.


Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.
Halimbawa: Si Arturo ay maglilingkod sa lokal at pambansang eleksyon. Binulungan
siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng
“dagdag-bawas”. Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin.
Sa kabila nito, ginawa pa rin niya ang pabor na hinihingi sa kanya bagaman labag ito
sa kanyang kalooban dahil pinangambahan niyang baka matanggal siya bilang
miyembro ng Board of Election Inspector (BEI) kung hindi niya ito susundin.

Pagsusuri: Ang isinagawang kilos ay naisakatuparan bagaman labag sa kalooban ng taong


gumanap nito. Ito ay dahil may takot niya na matanggal sa kaniyang posisyon bilang miyembro ng
BEI kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary). Malaya siyang nagpasya sa
piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain.

Sa sitwasyong ito, may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa kahit pa


labag ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kulang ng pagsang-ayon at
pagkukusa.

3. Walang kusang loob- Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa
kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang
pagkukusa.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 2
Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang
pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang
pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa
kanyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat.
Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya ang dalaga nang hindi sinasadya dahil
iyon ay isang manerismo lamang dulot ng kanyang kondisyong pangkalusugan.

Pagsusuri: Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, hindi paraan ng


pagpapahayag ng pagkagusto sa dalaga ang kanyang pagkindat. Sa kaniyang pagkilos, makikita
na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga kung kaya ang
kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong gawin ang kaniyang naisip dahil
iyon ay kaniyang manerismo lamang dulot ng kanyang kondisyong pangkalusugan.

Makataong Kilos at Obligasyon

Ayon kay Santo Tomas: “Hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado
lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng
tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na
layunin.”

Halimbawa: Ang isang matandang hindi kakilala ay inalalayan mo sa pagtawid sa kalye. Kung
hindi mo siya tinulungan, maaaring mahagip siya ng mga sasakyan. Samantala, ang pag-akay
mo sa kanyang pagtawid ay nakasiguro kang maayos ang kanyang kalagayan.
Ayon kay Aristoteles, may eksepsyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may
kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito.

Apat na elemento ng makataong kilos:

1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa


kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos, nasa kanya ang
kapanagutan ng kilos.

Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng
aralin ay nagdulot ng mababang marka, maaaring isisi ito sa iyo.

2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot


ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang
kaisipan at katuwiran.

Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang
makapangopya sa panahon ng pagsusulit.

3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo:

- Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa
iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?

-Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip?

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 3
-Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan
ng iba?

Halimbawa: Sa kagustuhan mong makabili agad ng pangangailangan sa bahay, nagpumilit kang


pumasok sa grocery kahit wala kang face shield.

4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang


makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat
ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.
Halimbawa, sa patuloy mong pag-aaral, pinaka prayoridad mo ang makapagtapos ng hayskul.
Sa pagtupad ng pangarap na ito, mas minabuti mong isantabi ang pakikipagrelasyon at
pagbababad sa social media upang makamtan ang iyong minimithi.

Sagutin ang sumusunod. Gawin ito sa iyong journal.

1. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan? Ipaliwanag.

2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit?

VI. PAGSASAPUSO

A. Patalasin ang iyong isip. Kayang-kaya mong gawin ito!


Suriin ang mga sitwasyon at sabihin kung tama o mali ang pasyang ginawa. Pangatwiranan ang
iyong sagot at isulat ito sa iyong journal.

1. Sinabi ng iyong matalik na kaibigan na lalayas na siya sa bahay nila at titira na lamang sa
bahay ng kanyang kasintahan. Palagi raw siyang pinagagalitan ng kanyang mga magulang.
Mabuti pa raw ang mga magulang ng kanyang kasintahan dahil sila ay mababait. Tama ba
ang kanyang pasya? Pangatwiranan.

2. Bumagyo nang malakas at suspendido ang klase. Nagkataong pumasok kayong tatlo ng
iyong mga kamag-aral. Pinalinis sa inyo ang cabinet ng inyong guro. Nakita ninyo ang
napakaraming papel kaya inilagay ninyo ang mga ito sa mga sako. Nagugutom na kayo kaya
naisip ng isa mong kamag-aral na ibenta na lamang ang mga nalikom na sako ng papel.
Tama ba ang kanyang pasya? Pangatwiranan.

B. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili sa pag-aaral ng modyul na ito?


Ipagpatuloy ang panimulang pangungusap. Gawin ito sa iyong journal.
Natuklasan ko sa modyul na ito na __________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Ano ang nabuo sa inyong isipan tungkol sa araling tinalakay?
Sumulat ng isa o dalawang pangyayari sa iyong buhay na kinakailangan mong maging
mapanagutan sa iyong pagpapasya.

Gamit and iyong pansariling karanasan, patunayan na gamit ang katuwiran, sinadya mo ang iyong
makataong kilos. Isulat ang iyong sagot sa isang talata.
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 5, ph. 11 / 14

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 4
VII. PAGSASABUHAY

Naiisip mo na ba na bawat kilos na ginawa mo ay pananagutan mo anuman ang bunga nito? Sa


pamamagitan ng paglalahad ng iyong sariling karanasan, patunayan na gamit ang katuwiran,
sinadya mo ang iyong makataong kilos . Isulat sa journal ang iyong sagot.

VIII. PAGTATAYA

Binabati Kita! Natapos mo na ang modyul na ito. Subalit tingnan natin ng iyong kakayahan sa
pamamagitan nito:

Patunayan sa sumusunod na kilos na ginamit ng tao ang kanyang katwiran upang mapanagutan
ang kawastuhan at kamalian nito. Isulat ito sa iyong journal.

1. Pagtulong sa mga street children.

2. Pagpili ng track sa Senior High School.

IX. KASUNDUAN

Pag-aralan ang dalawang uri ng kilos ayon kay Agapay.

SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Modyul

Project EASE –Edukasyon sa Pagpapakatao IV, Modyul 5

X. SUSI SA PAGWAWASTO

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Bilang KILOS PANANAGUTAN
1 Hindi niya ipinagtapat na nakakuha Ang pagtatago ng katotohanan ay may
na ng kaparehong ayuda mula sa katapat na kaparusahan at nagbubunga
pamahalaan ang kanyang asawa. ng kahihiyan.
2 Pagsuot ng face mask at
Tama ang kanyang kilos kaya wala
pagdadala ng home quarantine
siyang pananagutan dito.
pass.
3 Tinamad siyang bumangon kahit Ang palaging pagiging huli o pagliban
naalala siya na dapat niyang i set sa klase ay magdudulot ng hindi
ang alarm clock para di siya magandang epekto sa kanyang pag-
mahuli sa pagpasok. aaral.

B. Pagpapalalim
1. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan?
3 Uri ng Kilos
1. Kusang loob –Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon kaya pananagutan
niya ang kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob – May kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
3. Walang kusang-loob – Walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon walang
pananagutan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 5
3. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karadapat-dapat panagutan?
Bakit?
Kusang loob dahil ang kilos na ito ay may kaalaman at may pagsang-ayon lubos
niyang nauunawaan ang kanyang ginagawa kaya may pananagutan siya sa kahihinatnan
nito.

RUBRICS para sa PAGTATAYA


KRAYTIRYA 15 10 5
Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng 3 Nakapagbigay ng 2 Nakapagbigay ng 1
patunay sa bawat patunay sa 3 kilos. patunay sa 2 kilos. patunay sa 1 kilos.
kilos na inilahad
Malinaw atmaayos Hindi masyadong Nakalilito ang Hindi akma ang
ang pagkasunod malinaw ang pagkakasunod- katwiran sa sitwasyon
sunod ng pagkasunod sunod ng sunod ng
presentasyon ng ideya. presentasyon ng
katwiran. katwiran.
May kongretong Naipakita ang Hindi masyadong Walang solusyong
plano ng solusyon gagawing paraan sa malinaw ang inilahad.
kaugnay ng pagsasakatuparan ng solusyong inilahad.
sitwasyon. solusyon.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 6

You might also like