Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Schools Division of Cauayan City

VILLA CONCEPCION NATIONAL HIGH SCHOOL


Villa Concepcion, Cauayan City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Quarter 3, Week 5-6 (March 7-11 & 14-18, 2022)

Name: _______________________________________________Grade/Section: ___________________

MELCs: EsP9KP-IIIe-12.1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa


paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.
EsP9KP-IIIe-12.2. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa
pamantayan at may motibasyon sa paggawa.

I. PANGUNAHING KONSEPTO:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Ano ang kasipagan?


• Ito ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad.
• Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao.
Palatandaan ng Kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali
sa kanyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kanyang
gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan, lakas at
panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan
ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso
sa kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya
ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang
gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung
minsan ay higit pa na kung minsan maging ang gawain ng iba ay kanyang ginagawa.
Hindi na kailangang pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na
gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Ano ang katamaran?


• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain. Ang
katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao
upang siya ay magtagumpay.
Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok nang may kahinahunan at hindi nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid ay hindi
siya dapat panghinaan ng loob at kinakailangan niyang magpatuloy at maging matatag.

Ano ang pagtitipid?

• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.


• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi
upang higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung
ano ang mayroon ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating pangangailangan
sa takdang panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang
huwag itong mawala.
Kahalagahan ng pag-iimpok
1. Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao.
Mahalaga na may emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon
mula rito.
2. Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay ay bahagi ng ating kaganapan
sa buhay.
3. Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay
kakayanin mo pa ang magtrabaho. Kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at
hindi opsiyonal. -Francisco Colayco

I. MGA GAWAIN
**Gumamit ng malinis na papel para sa iyong mga sagot.
Gawain 1: Maramihang Pagpipili
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at negatibo sa isang gawain.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain,
kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,
mahabang pasensiya, katapatan at disiplina.
_____ 2. Si Jonelle Adrian ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain
at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa
kasipagan ang taglay ni Jonelle Adrian?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
_____ 3. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may
kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi
_____ 4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok b. Pagtitipid c. Pagtulong d. Pagkakawanggawa
_____ 5. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay
Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro c. Para maging inspirasyon sa buhay
b. Para sa mga hangarin sa buhay d. Para sa proteksyon sa buhay
Gawain 2: Pagkilala
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________ 1. Ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad.
__________ 2. Ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
__________ 3. Ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
__________ 4. Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
__________ 5. Paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Gawain 3: Pagsasabuhay
1. Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-
araw at kung ito ay natutupad nang may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang
kung paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.
Natupad ba ang mga Gawain na
Mga Gawain
may Kasipagan at Pagpupunyagi
Oo Hindi
1
2
3
4
5

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong gawain? Naging masaya ka ba?
2. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili? Alin sa mga katangian ang iyong tinataglay?
3. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi at mayroong pagtitipid?
Ipaliwanag.

II. FEEDBACK O KOMENTO


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Prepared by: Checked by: Noted:

HERMINIA C. PARALLAG GLORIA A. PEPAÑO MAYLA G. CARDENAS


Subject Teacher Subject Coordinator Principal II
Prepared by: Checked by:

HERMINIA C. PARALLAG GLORIA A. PEPAÑO


Subject Teacher Teacher III/Subject Coordinator

Recommending Approval: Verified by:

FLORENTINO R. RUGNAO MAYLA G. CARDENAS


Head Teacher III School Head

You might also like