Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Calamba City
Punta Integrated School
Purok 6, Brgy. Punta, Calamba City, Laguna

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 9
I. Maramihang Pagpipilian.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailan at kagustuhan ng tao.
Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng
prodyuser?

A. Demand B. Ekwilibriyo C. Produksiyon D. Supply

2. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapaliwanag ditto?

A. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer.


B. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
C. Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid.
D. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang mgakaroon ng gabay sa presyo ng bilihin.

3. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?


A. Dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba't ibang presyo.
B. Mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
C. Dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga konsyumer sa iba't ibang presyo.
D. Dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanyang
pangangailangan.

4. Ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa at pakanan o downward sloping. Ano ang ibig ipahiwatig
nito?
A. walang pagbabago sa presyo at demand
B. walang ugnayan ang presyo at demand
C. direktang ugnayan ng presyo at demand
D. salungat na ugnayan ng presyo at demand

5. Ito ang kaganapan na kung saan parehong nagtamo ng kasiyahan ang prodyuser at konsyumer.
A. pamilihan B. ekwilibriyo C. disekwilibriyo D. serbisyo

6.Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni Aling Rosa. Ano ang isinasaad ng sitwasyon?
A. surplus B. ekwilibriyo C. shortage D. scarcity

7. Ito ay nararanasan kapag ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
A. surplus B. ekwilibriyo C. scarcity D. shortage

8. Ang kurba ng supply ay gumagalaw mula ibaba, paitaas at pakanan o upward sloping. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Salungat na ugnayan ng presyo at supply. C. Walang pagbabago sa presyo at supply.
B. Direktang ugnayan ng presyo at supply. D. Walang ugnayan ang presyo at supply.
9. Nagbago ang presyo ng brand ng ballpen na binibili ni Alex. Dahil dito ay bumili si Alex ng lapis na mas mura. Ano ang
ipinapahiwatig ng sitwasyon?
A. Inferior Goods C. Substitute Goods
B. Complementary Goods D. Normal Goods

10. Ano ang tawag sa produktong sabay na ginagamit?


A. Inferior Goods C. Substitute Goods
B. Complementary Goods D. Normal Goods

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph
11. Mataas ang kita ni Angela. Dahil dito ay mataas ang demand niya sa karne ng baka. Ngunit dumating ang panahon
na bumaba ang kaniyang kita.Dahil dito ay tumaas ang demand niya sa sardinas. Ano ang tawag sa sardinas sa
sitwasyon na ito?
A. Inferior Goods C. Substitute Goods
B. Complementary Goods D. Normal Goods

12. Ano ang tawag sa pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto at serbisyo?
A. Price Floor C. Price Support
B. Price Ceiling D. Market Clearing Price

13. Ang perfectly inelastic ay may coefficient na zero (0). Ibig sabihin nito na walang magaganap na pagtugon ang
quantity demanded (Qd) kahit pa tumaas ang presyo (P), ano ang ipinapahiwatig nito?
A. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin bilhin.
B. May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit mataas ang presyo nito ay makakabili pa rin tayo
ng alternatibo nito.
C. May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mo pa rin bilhin sapagkat wala itong pamalit at ito ay
lubhang kailangan.
D. Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan, maaaring ipagpaliban muna
ang pagbili nito.

14. Alin sa mga sumusunod na larawan ang industriyang kabilang sa estrukturang oligopolyo?
A. B. C. D.

15. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng
nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa isa. Alin ito?
A. Maraming prodyuser at konsyumer.
B. Malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon.
C. May kakaibang produkto.
D. Malayang kalakalan sa pamilihan.

16. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na
palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.
B. Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser.
C. Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser.
D. Hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto.

17. Ano ang tawag sa lugar kung saan nagtatagpo ang mga konsyumer at prodyuser at nagkakaroon ng palitan ng
produkto sa pamamagitan ng itinakdang presyo?
A. Department Store B. Pamilihan C. Tiangge D. Talipapa

18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga produktong may price elastic?
A. bisquits B. bigas C. candy D. softdrinks

19. Sa anong uri ng pamilihan nabibilang ang abaka ng Bicol, dried fish ng Cebu at durian ng Davao?
A. Lokal B. Panrehiyon C. Pambansa D. Pandaigdigan

20. Ano ang tawag sa samahan ng mga oligopolista?


A. Alliances B. Kartel C. Price Take D. Trademark

21. Ano ang ibig sabihin ng simbolo /E/ > 1?


A. elastic B. inelastic C. Perfectly elastic D. Perfectly inelastic

22. Ano ang ibig sabihin ng simbolo /E/ < 1?


A. elastic B. inelastic C. Perfectly elastic D. Unitary elastic

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph
23. Ano ang ibig sabihin ng simbolo /E/ = 1?
A. elastic B. inelastic C. Perfectly elastic D. Unitary elastic

24. Ano ang ibig sabihin ng simbolo /E/ = 0


A. inelastic B. Perfectly elastic C. Perfectly inelastic D. Unitary elastic

25. Ano ang ibig sabihin ng simbolo /E/ = infinity?


A. elastic B. inelastic C. Perfectly elastic D. Perfectly inelastic

26.Talaan na ngpapakita ng ugnayan ng Qs at P.


A. Demand Schedule B. Supply Function C. Supply Curve D. Supply Schedule

27. Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng Qs at P.


A. Demand Curve B. Supply Function C. Supply Curve D. Supply Schedule

28. Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng Qs at P.


A. Demand Curve B. Demand Function C. Supply Curve D. Supply Function

29. Talaan na ngpapakita ng ugnayan ng Qd at P.


A. Demand Curve B. Demand Function C. Demand Schedule D. Supply Schedule

30. Grapikong paglalarawan ng ugnayan ng Qd at P.


A. Demand Curve B. Demand Function C. Demand Schedule D. Supply Curve

31. Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng Qd at P.


A. Demand Curve B. Demand Function C. Supply Curve D. Supply Function

32. (Analohiya) Demand : Konsyumer ; Supply ____________________


A. Konsyumer B. Negosyante C. Pamilihan D. Prodyuser

33. (Analohiya) Maraming Prodyuser : Monopsonyo ; Iisang Prodyuser : ____________________


A. Kartel B. Monopolyo C. Oligopolyo D. Tiangge

34. (Analohiya) Pinakamataas na Presyo : Price Ceiling ; Pinakamababang Presyo : ____________________


A. Price Freeze B. Price Floor C. Price Tag D. Price Take

35. (Analohiya) Qd > Qs : Shortage ; Qs > Qd : _____________________


A. Ekwilibriyo B. Price Hike C. Scarcity D. Surplus

36. (Gamitin ang demand function na Qd = 1000-20P) Ang presyo ay 5.


A. 600 B. 700 C. 800 D. 900

37. (Gamitin ang demand function na Qd = 1000-20P) Ang presyo ay 15.


A. 400 B. 500 C. 600 D. 700

38. (Gamitin ang demand function na Qd = 1000-20P) Ang presyo ay 25.


A. 200 B. 300 C. 400 D. 500

39. (Gamitin ang demand function na Qd = 1000-20P) Ang presyo ay 35.


A. 50 B. 100 C. 200 D. 300

40. (Gamitin ang demand function na Qd = 1000-20P) Ang presyo ay 45.


A. 100 B. 200 C. 300 D. 400
41. (Gamitin ang supply function na Qs = 0+20P) Ang presyo ay 10.
A. 200 B. 300 C. 400 D. 500

42. (Gamitin ang supply function na Qs = 0+20P) Ang presyo ay 30.


A. 450 B. 500 C. 550 D. 600

43. (Gamitin ang supply function na Qs = 0+20P) Ang presyo ay 50.


A. 1000 B. 1150 C. 2000 D. 2150

44. (Gamitin ang supply function na Qs = 0+20P) Ang presyo ay 70.


A. 1400 B. 1410 C. 1420 D. 1430

45. (Gamitin ang supply function na Qs = 0+20P) Ang presyo ay 90.


A. 1800 B.1820 C. 1840 D. 1860

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph
46. Nagkakaroon ng surplus sa pamilihan kapag ipinatupad ng pamahalaan ang price support. Ito ay ginagawa upang
_______________.
A. tulungan ang mga mamimili
B. tulungan ang mga middlemen
C. tulungan ang maliliit na magsasaka
D. tulungan ang mga dayuhang negosyante

47. Nagkakaroon ng krisis sa bigas bunga ng ________________.


A. pagtaas ng presyo C. kakulangan ng pondo sa agrikultura
B. sunod-sunod na kalamidad D. pagtatago ng bigas ng mga kartel

48. Ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis ay nagbubunga ng ___________________.


A. kaguluhan sa ekonomiya C. kawalan ng tiwala ng tao sa pamahalaan
B. pagtitipid ng mamamayan D. pagpoprotesta ng iba’t ibang sector ng pamahalaan

49. Ang pamahalaan ay kailangang makialam sa pagpepresyo sa pamilihan upang ___________________________.


A. maiwasan ang pang-aabuso ng tao C. maisaayos ang presyo ng mga produkto
B. magampanan ang kaniyang tungkulin D. matulungan ang mahihirap na mamamayan

50. Ano ang ibinubunga ng pagpapatupad ng price control ng pamahalaan?


A. nagkukulang ang produkto C. nagpapanic-buying ang mga tao
B. nagsasara ang mga negosyo D. nagkakaroon ng espekulasyon ang mga tao

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph
Key to Correction

1. D 21. A 41. A
2. D 22. B 42. D
3. C 23. D 43. A
4. D 24. C 44. A
5. B 25. C 45. A
6. A 26. D 46. C
7. D 27. B 47. D
8. B 28. D 48. D
9. C 29. C 49. D
10. B 30. A 50. A
11. A 31. B
12. B 32. D
13. C 33. B
14. A 34. B
15. C 35. D
16. C 36. D
17. B 37. D
18. C 38. D
19. B 39. D
20. B 40. A

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph
Inihanda ni: ROBELYN B. MANUEL
Guro I

Iwinasto ni: SUSANA M. ALCANTARA


Ulong Guro III

Binigyan pansin ni: IMEE P. ALDEA


Punong Guro II

Address: Purok 6, Brgy. Punta Calamba City Laguna


Telephone Number: (049) 549-6384
Email: 301525@deped.gov.ph

You might also like