Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na


nagngangalang Venus. Siya ay matuwain at mapagmahal sa mga bata. Lagi niyang
kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Sa lahat ng oras ay nakasukbit sa balikat ni
Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag tumama sa puso ng isang tao ang palaso
ay natututong umibig ito. Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni
Kupido si Venus. Nag-alala ang anak at kinalma ang kalooban ni Venus. Naunawaan ng
ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na lang siya magpapagaling. Nagpasya si Venus
na pumunta sa Daigdig upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating niya roon ay
isang ubod ng kisig na lalaki ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig
ay pangangaso. Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa
bandang huli, naging hilig narin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. At
tuluyan silang naging magkatipan. Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na
uuwi muna sa Bundok Olimpos upang dalawin ang anak at ang iba pang diyos at
diyosa. “Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sa pangangaso habang ako’y
wala,” paalala ni Venus. “Huwag kang mag-alala mahal kong Venus, mag-iingat ako
dahil magkikita pa tayo!” ang sagot nito. Palibhasa’y hilig at likas talaga sa kanya ang
pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na pumunta sa gubat at manghuli ng baboy-
ramo. Sa kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at siya ay nilapa. Wala nang
lakas si Adonis nang tigilan ng hayop. Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali
itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niya ng naghihingalo ang kasintahan. Tumangis
siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng katipan. Ginamit niya ang kanyang
kapangyarihan at ginawa niyang napakagandang bulaklak ang dugong tumapon sa
kanyang kasintahan. Mula noon, ang mga rosas ay sinasabing ang dugo ni Adonis na
simbolo ng pagmamahal.

You might also like