Professional Documents
Culture Documents
Ulat Papel Sa Filipino 167 Ikatlong Pangkat
Ulat Papel Sa Filipino 167 Ikatlong Pangkat
Ulat Papel Sa Filipino 167 Ikatlong Pangkat
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
MGA LAYUNIN
pag-aaral ni Rosario Alonzo.
Maiugnay ang Teoryang Akomodasyon at Language
code sa pag-aaral.
Nagagamit ang kaalamang ito mula sa pangkatang
gawain.
ng Pranses.
Ang gamit ng Filipino sa larangang akademiko ang pinaksa sa
pag-aaral ni Bautista (1992) na pinamagatang “Academic Writing
Filipino aspect Use in Psychology Theses" Sinuri niya ang genre ng
tesis sa sikolohiya at binigyan-tuon ang katangiang lingguwistiko ng
mga ito - ang verbal aspects. Sa tulong ni Dr. Virgilio Enriquiz bilang
espeyalistang importante, tinukoy ang mga tesis na mahusay na
naisulat sa Filipino. Ang mga pandiwang isinama sa pag-aaral na yaon
lamang nasa main clauses at ginamit ang T -unit (minimal terminable
unit, i-e., one main clause with all subordinate clauses attached to it)
sa pag-aanalisa. Ang mga rethprical section na pinagkunan ng t- units
ay ang sumusunod: abstract, introduction, review of related literature,
methodology, results and discussion, at recomendations.
Binilang ang mga pandiwa sa iba't ibang aspekto: perfective,
imperfective, contemplated, modal at infinitive. Nakita sa pagsusuri na
58% lamang ang may pandiwa. Ipinaliwanag ng mananaliksik na ang
ibang impormasyon tulad ng paglalarawan ay hindi nangangailangan
ng pandiwa. Sa pangkalahatang, nasusukat ang Abstract na aspetong
perfective dahil ito ang huling isinusulat na mananaliksik kahit na
siyang unang pahina sa mga tesis. Hindi ang paggamit ng perfective
at imperfective aspects sa Review of Related Literature, methodology
at recomendations.
Ayon kay Bautista nakita umano sa kaniyang mabilisan at
maaaring hindi pinong pag-aanalisa na ang pagpili ng aspekto sa
Filipino ay hindi kasinghirap sa pagpili ng English tense dahil mas
kakaunti ang proproblemahin at wala ng tinatawag na aspect
harmony.
Batay sa mga sulating pang-akademya, inilahad ni Cubar (1988)
ang ilang katangian ng wikang Filipino na ginagamit sa iba't-ibang
disiplina tulad ng antrololohiya, ekonomiks, fisheries, kasaysayan,
sikolohiya, pilosopiya, sosyolohikal, kemistri, fesika at panitikan
(kritisismo). Makikita rito na 1) ang pagpapahayag ay impersonal (hal.
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
inilagay (ng doctor) ang asido sa test tube.) 2) ang pandiwa ay nasa
pangkasalukuyan (hal. Pinalalamig ng tubig ang motor ng
nakararaming kotse.) 3) marami rin sa pandiwa ang nasa pasibong
tinig na kasama ng modal tulad ng maaari, dapat, puwede, atbp. At 4)
ginagamit ang relative clauses para maiwasan ang sunod-sunod na
maikling pangungusap. Ang impersonal passive ang pinakagamitin sa
mga suliranin mula sa iba't ibang disiplina tulad ng sumusunod:
Madalas talakayin ang...
Makatwirang ipagpalagay...
Kinikilala...
Ipinagpalagay...
Madalas pinagtatalunan...
Nakikita na...
Kinaugalian nang paniwalaan...
Dapat pansinin na...
Posibleng...
Maliwanag na...
Ipinakita na...
Sinabi ni Cubar na mahalagang malaman ng mga estudyante ang
mga ganitong angkop na lingguwistikong unit sa bawat larangan at
pinakagamiting estruktura sa iba’t-ibang disiplina. Sa pag-uugnay sa
mga particular na larangan at uri ng diskurso nagiging, mas
matagumpay ang pagkatuto ng wikang Filipino.
Pangalan at IKAW
Batay sa kategoryang iminumungkahi nina Gregory at Carrol,
pagsasabi ng nakasulat ang pinag-aralan ni Bautista samantalang
nakasulat na babasahin naman ang pinag-aralan ni Fortunato (1993).
Sinuri niya ang limang kontemporanyong nobela bilang
"preliminaryong imbestigasyon sa pasulat na komponent ng paggamit
ng pambansang lingua franca". (Pansinin ang wikang pasulat ni
Fortunato tinatawag na De La Salle Style) Ang maaring tanong sa
pagiging di kasintunay ng pasalitang komunikasyon ng lengguwahe ng
literatura ay binigyan-sagot ni Fotunato sa pamamagitan ng pagsipi
kay Stubbs na nagsabing:
There are some obvious diferences between spoken and written
language, some quite fundamental. On the other hand, many features
of discourse organization operate equally in both spoken and written
languages: lexical and syntactic cohesion, propositional development,
implicature, and so on.
Ang mga diyalogo sa limang nobelang nasulat sa taong 1983-
1993 ang pinagbatayan ng pag-aaral. Ang limang ito ay: Bata, Bata...
Pa'no Ka Ginawa ni Lualhati Bautista (1983), Tutubi, Tutubi, H'wag
kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cnuz Reyes (1987), Kung
Daratnan pa Kitang Naghihintay ni Joi Barrios (1991). Kulay Dugo ang
Rosas ni Idgar Reyes (1991) at Bulaklak sa Putikan ni Ester Aragon
(1993). Nakita sa mga nobelang ito ang dalawang ng wika,
transaksyonal at interaksyonal sa speech na sinuri. Nakita rin ang
'varayti ng wika sa isang panahon, ang kasalukuyan’. Sa
pamamagitan ng tatlo sa limang tipo ng istilo mula kay Martin Jose,
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
hingi
Pakisuyo Paghi
hiling pakiusap ngi
ng
pabor
Pita pamanhik
pitihaya
samo
loob na grupo.
Sa pananaliksik ni Bernstein ay napansin niyang ang restricted
code ay ginagamit ng mga manggagawang uri. Di gaanong pormal
ang restricted code at may maiikling pariralang isinisingit sa gitna o
huling bahagi ng ideya upang matiyak ang pang-unawa dito. Ang mga
halimbawa ay "alam mo," "ang ibig kong sabihin," "tama?" "ok?", "sa
palagay mo," at iba pa.
Ayon kay Bernstein, ang isang taong nabibilang sa manggagawang
uri ay nakikipagkomunikasyon gamit ang restricted code na resulta ng
kanyang mga kinalakhang kondisyon at prosesong panlipunan. Ito ang
nakikitang dahilan sa korelasyong nangyari sa uri ng pamumuhay at
mababang performans sa mga pangwikang sabjek ng mga mag-aaral
na nakita sa mga pananaliksik na ginawa ni Bernstein na nabanggit sa
unahan.
Ang elaborated code. Hindi ipinagpapalagay sa elaborated code na
ang nakikinig ay kabahagi ng mga hinuha o pang-unawa ng mga
kaalamang alam ng nagsasalita kaya higit na eksplisito, lubos at
masusi ang uri ng komunikasyong nangyayari at mensaheng
ipinaaabot sa nakikinig. Hindi kailangang intindihin sa loob ng mga
pangungusap ang kahulugang nais ibahagi ng nagsasalita o kunin ang
implikasyong ipinahahayag ng mga pangungusap sa elaborated code.
Sa elaborated code ay inilalahad ang lahat, hindi dahil mas mabuti ito,
kundi kailangan ito upang maintindihan nang lubos ang lahat ng
ipinaliliwanag o sinasabi. Kailangan ang elaborasyon sa
pagpapahayag dahil ang mga sirkumstansya ay hindi nagbibigay ng
laya sa nagsasalitang paikliin ang kanyang sinasabi. Mas mabisa ang
elaborated code sa mga sitwasyong walang nauuna o kabahaging
pang-unawa o kaalaman, kung saan higit na kailangan ang masusing
paliwanag. Kung ang nagsasalita ay may sinasabing bagong ideya sa
isang taong ngayon lamang niya nakadaupang-palad, kailangan
siyempreng mag-usap sila gamit ang elaborated code.
Nakatatayo sa kanyang sarili ang elaborated code, kompleto at puno
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
KABUUAN 50
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
PAGTATAYA
I. Multiple choice
(Pagsusulit) 1. Ang ____ ay mas malaki kaysa diyalekto.
a.varayti
b.varyasyon
c.wika
2.) Ang _______ na tinatawag na wika ay mas maraming aytem
kaysa sa diyalekto.
a.varyasyon
b.varayti
c. wika
3.) _______ ay isang wika na bumuuo sa lahat ng diyalekto nito
tulad ng Filipino sa Metro Manila.
a.Pilipinas
b.Filipino
c.Pilipino
4.)Bagama’t sa pananaw ng mga _______ ay walang wikang
mataas o mababa.
a.Sosyolinggwistika
b.Ethnolinggwistika
c.Lingguwistika
5.) Hinati ni ______ ang varayti ng wika sa dalawang malaking
uri.
a. Catford
b. Gregory
c. Carrol
6.) Ang mga ___________ ay binubuo ng mga idyolek at
diyalek.
a.Varayti
b. Varyasyon
c. Varayting permamente
7.)_______ naman yaong varayting batay sa lugar, Panahon at
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
katayuan sa buhay.
a. Dayalekto
b.Idyolek
c.Ekolek
8.) Ang ______ ay varayting kaugnay sa higit na malawak na
panlipunang papel.
a. mode
b. register
c. estilo
9.) Ang ______ ay maaaring pormal, kolokyal at intemeyt.
a. mode
b. register
c. estilo
10.) Ang _____ o yaong kaugnay sa midyum na ginagamit,
maaaring pasalita o pagsulat.
a. mode
b. register
c. estilo
II. Matching Type
11. Permanente para sa tagapagsalita/tagasalita
12.Diyalekto at Diatypes
13. Paggamit ng Filipino sa Klasrum
14. Academic writing in Filipino:Aspect use in pshychology
theses.
15. De la Salle Style
16. Ang empirical na pag-aaral ng speech act sa konteksto.
17. The Elaboration of a technical Lexicon of Filipino.
18.Oral Discourse
19.Teoryang Akomodasyon
20.Language code
a. Fortunato (1991)
b. Bautista (1992)
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
c. Cubar (1989)
d.Gregory at Caroll
e. Catford
f. Basil Bernstein
g. Howard Giles
h. Dela Peña (1984)
i. Santiago Alfonso (1979)
j. Librando (1987)
TALASAGUTAN Pagganyak
1.VARYASYON
2. VARAYTI
3. ROSARIO I. ALONZO
4. AKOMODASYON
5. LANGUAGE CODE
6. TEORYA
7.CONVERGENT
8. DIVERGENT
Pagtataya (Identipikasyon)
I.Multiple choice II. Matching Type
1. c 11. e
2. b 12. d
3. b 13. c
4. c 14. b
5. a 15. a
6. c 16. j
7. a 17. i
8. b 18. h
9. c 19. g
10.a 20.f
MGA REPERENSYA
Atkinson, P. (1985). Language, Structure and Reproduction: An
Introduction to the Sociology of Basil Bernstein. London:
ULAT-PAPEL SA FIL167
CSSH-ABFIL
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Methuen.
Boylan, Patrick. (2001). Accommodation Through a Transformasson of
Consciousness
Nasa Koch K. at T Muggin Globalisation, Foreign Languages and
Intercultural Learning, Proceedings of the First SIETAR-UK
Conference.London: South Bank University
Brown, Douglas B. (1994), Principles of Language Learning and
Teaching 3 ed. New Jersey: Prentice Hall Regents