Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa pananaliksik, ang mga

respondente, ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at ang mga

pamamaraang pang-istadistika na ginamit sa pagpapahalaga sa mga nakalap na datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik.

Ayon kay Bernales et.al, (2016), ang deskriptib-analitik na pananaliksik ay isang disenyo ng

pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa

ng pananaliksik.

Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang epekto ng Synchronous at

Asynchronous Class bilang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa aspetong Sikolohikal.

Mga Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral ng Batangas State

Pinili ang mga respondente sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang stratified

random sampling ay ang paghahati-hati ng iba’t ibang kategorya ayon sa kasarian, edad, pangkat

at track ng mga mag-aaral.

Sa kabuuan, may tatlumpung piling mag-aaral na respondente ang pag-aaral na ito. Pansinin

ang talahanayan sa ibaba.


Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente

Pangkat ng mga Respondente Bilang Bahagdan

ARC-3101 5 12.5%

ARC-3102 5 12.5%

ARC-3103 5 12.5%

ARC-3104 5 12.5%

ARC-3105 5 12.5%

ARC-3106 5 12.5%

ID-3101 5 12.5%

ID-3102 5 12.5%

BFAD-3101 5 12.5%

Kabuuan 40 100%

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik

ay naghanda ng sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri

ang positibo at negatibong epekto ng Synchronous at Asynchronous Class bilang paraan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa aspetong Sikolohikal.

Ang sarbey-kwestyoneyr na ginamit sa pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang bahagi: ang

unang bahagi ay tungkol sa propayl ng mga respondente samantalang ang ikalawang bahagi ay

tungkol sa epekto ng Synchronous at Asynchronous Class bilang paraan ng pagkatuto ng mga

mag-aaral sa aspetong Sikolohikal.


Tritment ng Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang

panangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang

pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at

kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat

pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang

pagta-tally at pagkuha ng porsyento o bahagdan lamang ang ginawa ng mga mananaliksik.

Ginamit ang mga sumusunod na pormula:

P = x × (100)

kung saan ang P = porsyento

x = bilang ng mga respondenteng sumagot sa partikular na aytem

n = kabuuang bilang ng mga respondente

Pormula ng weighted mean:

Weighted mean = Σ(x/n)

kung saan ang x = bilang ng mga respondenteng sumagot sa partikular na aytem

n = kabuuang bilang ng mga respondente


Pagpili ng Interpretasyong Berbal

Rate Interpretasyong Berbal Saklaw

4 Lubos na sumasang-ayon 3.26-4.00

3 Sumasang-ayon 2.51-3.25

2 Hindi sumasang-ayon 1.76-2.5

1 Higit na hindi sumasang-ayon 1.00-1.75

Font: Times New Roman

Font size: 12

Line spacing: 2.0

Page orientation: Portrait

Page size: 8.5 x 11

Margins: T, B, R = 1 / L = 1.5

You might also like