Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Life as 360°

 
 2/2/2023
As I look up from my desk I see a teacher named Vince, a short-black haired handsome
man in front of the classroom. 

"Gagawa kayo ng autobiography that consists of 400 words minimum as your


Performance Task." He said.

As I was listening to his discussion on what an autobiography is, I learned that it is a


story about yourself that you are going to write. It starts on your name, when you were
born, and until the present time. 

5 p.m.
Opening the door to the room sitting down the chair and holding the pen I mutter:

"Who am i?"

My name is Cyril J. Maron and they sometimes call me Cy. We lived in 268 Libsong
East, Lingayen Pangasinan before but now, which was 2022 and I started grade 10, we
moved to Dagupan and found a place there to stay. I was an only child and I found it
very boring when I'm alone in the house when my parents go to work. That's why I and
my cousin which is also my best friend and childhood friend always played in the past
and we had a great relationship until now. My father's name is Crispin N. Maron III, and
my mother's name is Jacquelou B. Jimenez. The reason why my mother does not have
my father's last name is because my mother and father got divorced when i was 7 or 8
years old. When I was a kid, I was always stubborn and naughty so there was one time
when we were inside the classroom and I got bored tapos nag rocking chair ako ayun
natumba ako patalikod tas pinagtawanan nila ako HAHA. Mayroon ding one time na
dahil hindi ko alam tumae ng mag-isa, nakatae ako sa school HAHA let me recount it.
Nung nasa loob kami ng classroom, siyempre gumagawa sana ako ng mga kailangan
kong gawin, kaso hindi ako makafocus dahil natatae na ako. Sabi nung kaklase ko
"Bakit parang ang baho?" Sabi naman nung isa "Amoy tae yun ah, ikaw ba yun Cyril?"
tapos ayun WAHAHA oo, nakatae ako nung elementary at pagtapos nun, lagi akong
binully. Simula kinder until grade 6 I stayed sa iisang school at yung mga kaibigan ko
simula nung kinder mostly nag stay na rin kagaya ko at ang hobby ko noon ay kapag
free time sa school, maglalaro kami ng kung anong sports na pwde laruin, maaaring
habulan ito, tagu-taguan etc. Sa bahay naman ang madalas kong ginagawa ay ang
homeworks. After ko umuwi ng school, diretso na ako agad sa pag gawa ng assignment
at after naman nun ay manunuod ako ng movies nung bata pa ako. Ang ginagawa ko
naman kapag vacation ay mag gala kasama magulang ko at mag tambay lang sa bahay
dahil wala pa akong gadget noong bata pa ako. Nakakamiss noong bata pa ako, lalo na
nung magkasama pa kami na buong pamilya dahil pagkatapos nun, it was all loneliness
that I felt, naalala ko lang noon na ang saya saya ko pa at honor student ako nung buo
pa magulang ko, now, minsan nalang ako makafeel ng genuine happiness and peace
dahil tambak sa schoolworks and PT's. So, pagkastart ng High School, dahil need ko
makaexperience ng mga ibat ibang bagay sa HS, dinecide ng magulang ko na lumipat
ako ng SCC. I've been studying in the SCC for 3 years already and ang masasabi ko
lang is I made new and good friends at nag-eenjoy ako and di ko regret na lumipat ng
school.

G10
Dahil nagkacovid noong 2020 ay isha-share ko ang mga ginawa ko noong may online
class. Dahil nga bulakbol ako dating may online class ay lagi akong napapagalitan. Ikaw
ba naman laging hindi pumapasok sa zoom meeting tapos bigla-bigla ka nalang
magigising kasi panay mention at chat si teacher na pumasok na daw kami, naalala ko
lang na ang baba ng mga nakukuha ko sa exam at ang nakukuha kong grade dahil
minsan na nga lang ako pumasok ay kapag may exam pa kumukuha ako ng sagot sa
google tapos di ko rin makalimutan yung mga nagagalit na mga teacher sa amin na
mga hindi pumapasok at yung mga tinatawag para sa recitation ay bigla biglang nagle-
leave. Wala eh, mahina sila, bat pa kailangang mag leave sa zoom meeting eh kung
tatawagin ka, naging hobby ko kasi kapag tatawagin ako mag cha-change name ako ng
"Reconnecting..." para lang hindi ako matawag tapos sabay leave. Ito rin yung dahilan
kung bakit lagi akong nasesermonan ni mama HAHA. So after all those, syempre
ngayong Grade 10 ay maayos naman na buhay ko, bumawi ako sa academics,
nagkaroon ako ng maganda at sobrang talino na crush (malapit na kami maging
magjowa) and I pretty much changed my life. Dati, puro lang ako kagaguhan at
kalokohan, pero I was also tired of it and during that time, wala pa akong goal and then
ayun, I just decided na pagod na ako makitang disappointed si mama sa grades ko,
gusto ko yumaman, etc and that's what happened. I created a plan and that is magiging
doctor ako, magiging successful ako sa business na itatayo namin, I will strive to reach
the top of the top sa badminton and whilst doing that, sana makamit ko lahat ng iyon ng
kasama ko pamilya ko, ng ligtas sila at walang sakit. Ito ang aking buhay at ang title nito
ay "Life as 360°" dahil kagaya ko, na nasa rock bottom simula nung iniwan kami ng
tatay ko at puro ako kalokohan noon, naniwala ako na kung ikaw ay mababa ang
grades mo, pangit ang mga nangyayari sayo, ang resulta lamang nito ay kung ano ang
mga resulta ng mga desisyon mo noon. At ang maganda doon, dahil ikaw ang may
hawak at control sa buhay mo, ikaw din ang makakapagpabago nito.

You might also like