Pinapangalagaan Mo Ba Ang Iyong Mga Kamay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAKATI DEVELOPMENT CORPORATION

Celadon Park Tower 2 Project ISO ISO


Cert No:
OHSAS
Cert No:
9001:2000 14001:1996 Cert No:
18001:1999
CI/1012I CI/1012I CI/1012I

SAFETY TOOLBOX MEETING

PINAPANGALAGAAN MO BA ANG IYONG MGA KAMAY

Anuman ang iyong trabaho pipefitter, scaffolder, millwright, steelworker, welder o office worker, ang
dalawang kamay mo ang pinaka-importanteng puhunan. Kada taon maraming manggagawa ang
nagsisi dahil sa pagdaranas ng malubhang pinsala sa kamay. Kung ang lubos na pag-iingat, pag-
aaral sa bawat gawain, pagsunod sa mga itinakdang paraan sa ligtas na paggawa, paggamit ng
"protective guards", gloves at iba pang pansariling gamit pangkaligtasan ay maari mong mailigtas ang
iyong mga kamay sa pagkasugat o posibleng pagkaputol.

Marami parin sa atin ang nagbabakasakali sa mali at bulok na sistema ng pagtatrabaho. Pagkatapos
na makaranas ng kapinsalaan ng mga kamay atsaka pa lang maiisip kung ano ang kamalian at
epekto sa kanya. Hihintayin pa ba natin na maaksidente o mawalan ng kamay para lang matauhan
tayo at matuto sa tamang paraan ng paggawa. Ang bawat-isa sa atin ay may walong daliri at
dalawang hinlalaki at alin man dito ay hindi maaaring mapalitan sa hardware, shoala department
store o saan man pamilihan. Kung ikaw ay hindi kumbinsido na walang pwedeng ipalit sa orihinal na
kagamitan, subukin mong ipaliwanag sa kahit na sino kung paano mo itatali ang 'yong sapatos kung
ikaw ay walang kamay at higit sa lahat paano mo hihimasin ang panabong mo kung ito'y
nagbabargas? Mahirap ba na protektahan ang ating mga kamay ? kasama common sense lang 'yan
o sa madaling salita " gamitin mo ang utak mo".

Narito ang ilan mga gabay na maaring makatulong upang protektahan ang mga kamay :
- Inspeksyunin ang mga kagamitan o makinarya bago gamitin upang masiguro kung ito ay
nasa maayos o ligtas na kalagayan.
- Gumamit ng tamang pansariling gamit pangkaligtasan - gloves, guards at iba pa.
- Laging gumamit ng gloves upang maging proteksyon sa sobrang init, acid, caustic, oil at
matatalas na bagay. Huwag gumamit ng gloves kung nagtatrabaho sa umaandar na
makinarya.
- Huwag alisin ang protective guards at maging handa mula sa pagkaipit mula sa mga bagay
na gumagalaw.
- Siguruhin na patay ang linya ng mga makinarya at power tools equipment bago ito
kumpunihin o linisin.
- Iwasan ang pagsusuot ng alahas tulad ng singsing, bracelet at relo ganundin ang maluluwag
na damit kung nagtatrabaho malapit sa umaandar o moving machine parts.

"INGATAN ANG MGA KAMAY , ITO ANG PINAKAMABISANG


KASANGKAPAN"

You might also like