elementarya pa lamang at ngayon ako ay isa nang high school student na. Sa bagong chapter na ito ng aking buhay ay mayroon namang maraming pagbabago, kabilang na dito ang ang aking pagiging teenager o ang pagbibinata.
Salahat ng mga pagbabagong ito, mapa pisikal man, mental, sosyal, o
emosyonal na aspeto, ako ay nagpapasalamt sa aking mga magulang dahil nan diyan sila palagi upang ako ay patnubayan at turuan kung paano ko ito pinamamahalaan. Kabilang na dito ang palagi kong pagtatanong sa kanila sakaling ako ay naguguluhan sa mga ito. Sinisiguro ko ang pagsasabi at hindi paglilihim sa kanila lalo na sa aking ina dahil siya ay aking bestfriend. Inaalagaan ko rin ang aking sarili sa pagiging conscious sa aking looks gaya ng pagsisiguro na maayos at malinis ang aking pananamit, hindi na palaging naglalaro ng masyado gaya noong ako ay elementary pa lamang, at pagkain ng masustansya gaya ng prutas at gulay.
Sa aspetong sosyal, ako ay nakikihalubilo ng aking kapwa teenager at
nakikipagkaroon ng bonding kung may time. Sa aspetong emosyonal, hindi ako naglilihim sa aking mga magulang. Nagsasabi ako ng aking mga nararamdaman. Sa ispirituwal naman, sumasama ako sa aking pamilya sa pagsisimba at ako ay nagdadasal na ako ay gabayan ng Diyos. Pilit ko ding ginagampanan ang aking mga gawain at responsibilidad gaya ng pag-aalaga sa aking mga kapatid dahil ako ay isang Kuya. Ang mga ito ang aking simpleng pamamaraan kung paano ko i-handle ang aking sarili bilang isang teenager.