Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kevin & Ricelle

Ritu ng Sacramento ng Kasal


San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

PAGDIRIWANG NG BANAL NA
EUKARISTIYA
Namumuno: Magandang umaga po sa ating lahat. Tumayo po ang lahat para sa pasimula ng
pagdiriwang, awitin natin ang Pambungad na Awit……
Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.
Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
Bayan: At sumainyo rin.

PAGSISISI SA KASALANAN
Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat
gumanap sa banal na pagdiriwang.
Pari/Bayan: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong
nagkasala (ang lahat ay dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking
pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel
at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating
Diyos.
Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin sa ating mga kasalanan, at
patnubayan tayo hanggang sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan: Kristo, kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari: Manalangin tayo. Ama naming makapangyarihan, Iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay
maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na
1
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

buhay nina Kevin at Ricelle na ngayo’y umako sa banal na tipan ng kasal nawa’y
mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Namumuno: Magsiupo po ang lahat para sa Unang Pagbasa

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Genesis (2:18-24)
Sinabi ng Panginoon, “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at
makakatulong.” Kaya, lumikha Siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao at
ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang
magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop maging
maamo man o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.
Kaya’s pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha Niya ang isang tadyang nito
at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’s ginawa niyang isang babae at inilapit sa
lalaki. Sinabi ng lalaki,
“Sa wakas, naririto ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang
itatawag sa kanya sapagkat sa lalaki nagmula siya.”
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa,
sapagkat sila’y nagiging isa.
Ang Salita ng Diyos
Bayan: Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Tugon: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Namumuno: Mapalad ang taong sa Panginoo’y may takot/
Ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos/
Hindi siya magkukulang sa anumang kahilingan/
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.
Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Namumuno: Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga/
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya/
Ang sinuman kung Panginoon ay kusang susundin/
2
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Bahay niya ay uunlad at laging pagpapalain.


Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.
Namumuno: Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin/
At makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem/
Ang magiging iyong apo, nawa ay abutin/
Nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel.
Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Namumuno: Magsitayo po ang lahat bilang pagbibigay galang sa Ebanghelyo.

MABUTING BALITA
(JUAN 2:1-11)
Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Pari: Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin Siya sa
pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang
asawa sa kahit na anong kadahilanan?” Sumagot si Hesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa
Kasulatan na sa pasimula ay nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, “Dahil dito,
iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila ay
magiging isa. Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao.” – Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka Namin Panginoong Hesukristo.

Namumuno: Magsiupo po ang lahat.

HOMILYA
ANG PAG-IISANG DIBDIB
PAGSISINDI NG KANDILA
Namumuno: Inaanyayahan sina John Emerson Mundo at Mary Grace Santiago para sa
pagsisindi ng kandila.

3
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Mga Magulang: Mga kapatid, aming ikinagagalak na sa inyo’y iharap sina Kevin at Ricelle. Sa ating
sambayana’y tanggapin ninyo silang bukas-palad bilang magkaisang-dibdib mula
ngayon hanggang wakas.
Pari: Minamahal naming Kevin at Ricelle, sa Binyag at Kumpil, nakikiisa kayo sa buhay
at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan muli’t muli
kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama’y kusang-loob na
kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito at humihiling ng panalangin upang ang
inyong panghabangbuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon. At kayo
naman, mga kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para kina Kevin at Ricelle,
at bukas palad silang tanggapin bilang magkaisang dibdib sa ating Sambayanang
Kritiyano.
Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa
isa’t isa. Ricelle, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dibdib
si Kevin na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habang buhay?
Ricelle: Opo, Padre.
Pari: Kevin, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang dibdib si Ricelle
na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habang buhay?
Kevin: Opo, Padre.
Pari: (Kina Kevin at Ricelle) Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan sa
Simbahan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipinagkaloob ng Poong
Maykapal?
Kevin at Ricelle: Opo, Padre.

PAGTITIPAN
Pari: Minamahal kong Kevin at Ricelle, sa harap ng Diyos at ng Kanyang Sambayanan,
pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa banal na
Sakramento ng Kasal.
Kevin: Ricelle, sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan, tinitipan kitang maging aking
maybahay sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging
karugtong ng aking buhay ngayon at kailanman.
Ricelle: Kevin, sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan, tinitipan kitang maging aking asawa,
sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging karugtong
ng aking buhay ngayon at kailanman.
Kevin at Ricelle: Ama naming mapagkalinga, Ama naming tapat, pagpalain mo po kaming nag-
iisang palad; papagningningin mo po sa lahat ng oras ang pagsasamahan naming dalisay at
wagas. Sa puso’t diwa, lagi sanang magkaisa, at nawa’y maging matatag sa hirap at dusa, sa
ginhawa’t kaligayahan ay magsamahan, maging tapat sa pag-ibig ngayon at kailanman.

4
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Ninong at Ninang: Minamahal naming Kevin at Ricelle, ang langit at lupa ay saksi sa inyong
pagtitipan. Sa ngalan ng sambayanang naririto, kami’y nagpapatunay na kayo’y mag-asawa
na sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Bukas-palad namin kayong tinatanggap at makakaasa
kayo sa aming tangkilik at panalangin.
Pari: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan ang pagtataling-puso na
inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA


SINGSING AT ARAS
Pari: Ama naming mapagmahal, basbasan mo’t lingapin ang iyong mga lingkod na sina Kevin at
Ricelle. Pagindapatin mo na silang magsusuot ng mga singsing na ito ay maging kawangis mo
sa Iyong
wagas na pag-ibig at walang maliw na katapangan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Ama naming maawain, basbasan Mo’t kupkupin ang Iyong mga lingkod na sina Kevin at
Ricelle. Pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayang sinasagisag ng mga aras na ito sa
ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Kevin: Ricelle, kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na
siyang sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo. Amen.
Ricelle: Kevin, kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang
sangla ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Amen.
Kevin: Ricelle, kailanma’y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking
pagpapahalaga at pagkalinga sa kapakanan mo (at ng ating mga anak). Sa ngalan ng Ama at
ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Ricelle: Kevin, tinatanggap ko ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong
paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

PANALANGIN NG BAYAN

5
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Pari: Mga minamahal na kapatid, manalangin tayo para sa Simbahan at para sa mga bagong mag asawa
na sina Kevin at Ricelle na sumasalamin sa pakikiisa ng simbahan, ang ating itutugon
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lector 3 : Para sa Simbahang Katolika na laganap sa buong mundo, para sa kanyang mga pastol lalo na
ang Santo Papa Francisco at para sa pamunuan ng ating bayan. Manalangin tayo.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lector : Para kang Kevin at Ricelle upang patnubayan sila sa pagpapanatili ng kanilang pag-iisang
dibdib magpakailanman. Manalangin tayo.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lector : Upang sila’y patnubayan at ilayo sa anumang masama, magpagaan sa kanilang pasanin at
bigyan ng kalakasan sa lahat ng pagsubok. Manalangin tayo.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lector : Para mga magulang ni Kevin at Ricelle upang maging kabahagi sila sa matibay na
pagsasamahan ng kanilang mga anak, at Makita sa kanila ang huwaran na magulang na
umaantabay sa kanilang pagsasama sa maka-kristiyanong pamamaraan. Manalangin tayo.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Lector : Sa ilang sandasli ng katahimikan, itaas natin an gating personal na kahilingan, gayundin an
gating panalangin para kina Kevin at Ricelle, ipaglaloob nawa sa kanila ang pagiging tapat sa
isa’t isa. Manalangin ta king Ginu.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Pari: Ama, dinggin mo ang aming mga pagsusumamo sa iyo. Bigyan mo kami ng sapat na lakas upang
magampanan naming tapat ang aming paghahanda. Maging mas taimtim nawa kami sa
pagdalangin at pagbubukas-loob sa bawat-isa. Hinihiling namin ito sa pa- mamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA
ANG PAGPAPATONG NG BELO AT
PAGLALAGAY NG KORDON

6
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Namumuno: Inaanyayahan sina John Kimber Pring at Sharmaine Tagalag para sa paglalagay
ng belo.

Namumuno: Inaanyayahan sina Brent Axel Francisco at Neslie Rose Sangcap para sa
paglalagay ng kordon (awitin natin ang awit sa pag-aalay).

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

Pari: Manalangin tayo mga kapatid upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos
Amang makapangyarihan.

Namumuno: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa Iyong mga kamay, sa kapurihan
niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan niyang banal.

Pari: Ama naming lumikha, iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog para sa pag-
iisang dibdib nina Kevin at Ricelle. Ang pag-ibig mong kanilang tinataglay ay loobin
mong kanilang maihandog sa Iyo sa kanilang pagmamahalan sa araw araw sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Namumuno: Amen.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT
PAGPAPASALAMAT
Pari: Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na Siya ay pasalamatan.
Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na Ikaw ay aming pasalamatan sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa kanyang pagkamatay at muling
pagkabuhay ang Iyong bagong tipan sa Iyong sambayanan ay naghahain sa amin ng Iyong
buhay at pakikipag-ugnayan bilang mga kasalo sa Iyong kadakilaang walang hanggan. Sa
dakilang pag-ibig na hain ng Iyong Anak pinagbubuklod mo ang mga magsing-ibig upang sa
pagsasama habang panaho’y mailahad ang Iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya kaisa ng
mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa Iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y
nagbubunyi sa Iyong kadakilaan.
(Aawitin ang Santo)

7
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat.


Pari: Ama naming banal, Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan kaya’t sa pamamagitan ng iyong
Espiritu gawin Mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging katawan at
dugo ng aming Panginoong Hesukristo. Bago Niya pinagtiisang kusang-loob na maging
handog, hinawakan Niya ang tinapay, pinasalamatan Ka Niya, pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
“Tanggapin ninyong lahat ito at kanin;
Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.”
Gayundin naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan Niya ang kalis, muli Ka Niyang
pinasalamatan, iniabot Niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:
“Tanggapin ninyong lahat ito at inumin;
Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan,
Ang Aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin
ninyo ito sa pag-alala sa Akin.”
Namumuno: Magsitayo po ang lahat.
Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
Bayan: Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay. Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.
Pari: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng Iyong
Anak kaya’t iniaalay namin sa Iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na
nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y Iyong minarapat na tumayo sa harap mo para
maglingkod sa Iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa
pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ama, lingapin Mo ang Iyong simbahang laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-
ibig kaisa ni Papa Benito na aming Papa at ni Jose na aming Obispo at ng tanang kaparian.
Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling
mabubuhay gayundin ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa Iyong
kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa Iyong buhay na
walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng
lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugod-lugod sa Iyo, maipagdiwang
nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal Mo sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming
Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya, ang lahat ng parangal at papuri ay sa
Iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin ng lakas-loob:
8
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

(Aawitin ang Ama Namin)

PAGPAPANALANGIN SA MAG-ASAWA
Pari: Mga kapatid, halina’t ipanalangin sa Ama nating banal ang mga bagong kasal na
nangangakong magmamahalan bilang mga magkasalo sa Katawan at Dugo ng Poong mahal.
Ama naming banal, nilikha mo ang tao bilang lalaki’t babaing Iyong kalarawan upang sa
kaugnayan sa pag-iisang dibdib ay maisakatuparan ang Iyong layunin sa lupaing ibabaw.
Ama naming mapagmahal, niloob Mong sa pamumuhay ng mga mag-asawa sa
pagmamahalan ay mabanaagan ang tipan ng Iyong paghirang na Iyong minarapat ipagkaloob
sa Iyong sambayanan upang ang ipinahihiwatig Mong lubusan ay maglahad ng pag-isang
dibdib ni Kristo at ng sambayanan kaya naman hinihiling naming sina Kevin at Ricelle ay
gawaran ng pagbabasbas ng Iyong kanang kamay. Ipagkaloob Mong sa pagsasama nila
habang buhay kanilang mapagsaluhan ang pag-ibig Mong bigay at sa isa’t isa’y kanilang
maipamalas ang Iyong pakikipisan sa pagkakaisa ng damdamin at isipan. Bigyan Mo rin sila
ng matatag na tahanan. Marapatin Mong mapuspos ng pagpapala ang babaing ito na si
Ricelle, upang bilang asawa ni Kevin (at bilang ina ng mga anak nila) kanyang maganap
nang may pagmamalasakit ang tungkulin sa tahanan. Gayundin naman, pangunahan Mo ng
Iyong pagbabasbas ang lalaking ito na si Kevin upang kanyang magampanang marapat ang
tungkulin ng asawang matapat ni Ricelle (at amang maaasahan ng kanilang mga anak). Ama
naming banal, pagbigyan mo sila sa pagdulog sa Iyong hapag bilang mga pinagbuklod sa
pag-ibig na wagas upang kanilang mapagsaluhan ang piging na di magwawakas sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN
Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi Mo sa Iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniwan Ko sa
inyo. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.” Tunghayan Mo ang aming
pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at
pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Bayan: At sumainyo rin.
Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
(Aawitin ang Kordero ng Diyos)
Namumuno: Magsiluhod ang lahat.

PAGSASALO
9
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang
mga inaanyayahan sa kanyang banal na piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita Mo lamang ay
gagaling na ako.

AWIT SA PAKIKINABANG
PAG-IHIP SA MGA KANDILA
Jay-r Bulanadi at Michaela De Guzman
PAG-AALIS NG KURDON AT BELO
Kim Cedrick De Guzman at Maria Sofia Salas
Gerald Muje at Nicole Santiago

Namumuno: Magsitayo ang lahat.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Pari: Ama naming mapagmahal, patibayin nawa ng paghahain na aming ginanap at pinagsaluhan
ang pagtataling-puso nina Kevin at Ricelle.
Ang bigkis ng pag-ibig na Iyong ibinigay ay patuloy nawang humigpit at tumibay sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS
Pari: Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal, mamuhay kayong lagi sa pag-ibig at katapatan.
Ricelle, pag-ibig mo’y patunayan sa pagiging butihing maybahay na may pananampalataya,
kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.
Kevin, maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa
kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan.

MARINGAL NA PAGBABASBAS
Pari: Ang Diyos Amang makapangyarihan ay siya nawang magbigay ng kagalakang dulot ng mga
anak na sa inyo’y sisilang at ng kanyang kasiyahan ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: Ang Bugtong na Anak ng Diyos ay siya nawang sa inyo’y tumuwang sa kahirapan at
kaginhawahan ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

10
Kevin & Ricelle
Ritu ng Sacramento ng Kasal
San Luis Gonzaga Parish, Sta. Cruz Poblacion, San Luis, Pampanga
March 19, 2022 at 10:00 AM

Pari: Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulot ng pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Pari: At kayong lahat na nagtipun-tipon dito ay pagpalain nawa ng makapangyarihang Diyos Ama,
Anak at Espiritu Santo.
Bayan: Amen

PAGHAYO
Pari: Taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan ni Kristo.
Bayan: Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT
PAGLALAGDA NG KONTRATA

------- WAKAS ------

11

You might also like