Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Cabrera, Jheanelle L.

BS Criminology 4 Section 2
Gawain Bilang 6: Maikling Kwento
Ang mahiwagang bulaklak ng matandang babae
Noong unang panahon, may isang matandang babae na may magandang hardin
ng mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa mga mangingisdang
naninirahan sa kalapit baryo. Madalas na bumibisita ang mga mangingisda at kanilang
mga pamilya sa matandang babae upang magbigay ng isda kapalit ng ilang
magaganda at mababangong bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan ang
matandang babae dahil palaging nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang
magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag aalaga sa tanim. Sinubukan nilang
tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala siyang kasama.
Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila ang
magandang hardin. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot. Nakita
sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit
nitong anyo.
Dahil sa kalupastanganan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap. Noon
din ay nagbago ang anyo ng dalawa at naging paru-paro. At nakita lamang ng
taumbayan na may kakaibang kulisap na aali-aligid sa mga bulaklak.

TAUHAN
Matandang babae
Mga mangingisda
Mag-asawa
PUNTO DE VISTA
Ito ay isang uri ng kwentong piksyunal na kapupulutan ng aral.
BANGHAY
Ang kwentong ito ay tungkol sa matandang babaeng may magandang hardin na
kinagigiliwan ng mga mangingisda at pamilya nito. Isang araw ay may mag asawang
pumitas ng bulaklak ng walang pahintulot ng matanda na syang ikinagalit nito.
TAGPUAN AT KALIGIRAN
Sa hardin ng matandang babae
TUNGGALIAN
Dahil sa kaluapstanganan ng mag-asawa at panlalait ng mga ito ay nagalit ang
matanda at isinumpa silang maging paru-paro.
TEMA
Paghingi ng pahintulot at huwag manlait ng kapwa.

You might also like