Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Narito ako ngayon sa
inyong harapan upang buong puso na ibabahagi ang kalikasa. Ang aking simpleng talumpati ay hatid na dapat pangalagaan ang ating kalikasan. Ang kalikasan ay mapagkukunan ng mga likas na yaman. Ito ay isa sa pinakamagandang regalo ng Panginoon. Mapagkukunan natin ito ng mga pagkain tulad ng mga prutas at gulay. Ang kalikasan ay sariwa rin sa iba’t ibang mga mineral. Pero, ano ngayon ang nangyayari sa ating mundo!? Nasisira ang kalikasan dahil sa illegal na gawain ng mga tao. Tumingin kayo sa paligid!? Nasaan na ang dating saya!? Lalong nararanasan ang pagbabago ng klima dahil sa pagpuputol ng mga puno. Imbes na mag away ay magtulungan tayo. Isaisip natin na tayo ang nakikinabang sa kalikasan. Misyon at tungkulin natin ito! Umpisahan natin na magtanim ng puno, itapon ang mga basura sa tamang lalagyan, at magtulungang linisin ang mga yamang dagat. Ako, Ikaw, at tayong lahat maging responsible sa ating kalikasan sapagkat dito tayo nakikinabang. Kaya, Tara Na!