Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan ______________________________ Baitang at Seksyon __________________Iskor ________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Isa sa mga kayarian ng salita na binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng iisang
salita.
a. Payak b. Inuulit c. Tambalan d. Maylapi
2. Ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinkilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
a. Banghay b. Kuwento c. Parabula d. Tula
3. Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga
paniniwalang panrelihiyon at katangian at kahinaan ng tauhan.
a. Tauhan b. Tema c. Tono d. Banghay
4. Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona.
Kakambal na lalaki ni Diana. Simbolo niya ang lyre at sisne.
a. Artemis (Greek) Diana (Roman) c. Apollo (Greek) Apollo (Roman)
b. Aphrodite (Greek) Venus (Roman) d. Hermes (Greek) Mercury (Roman)
5. Ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag sa sunod-sunod na
mga pangyayari.
a. Pagkukuwento b. Pagsasalaysay c. Paglalahad d. Pag-uunawa
6. Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.
a. Paglalahad b. Pang-ugnay c. Pang-ukol d. Pangatnig
7. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche.
a. Layon b. Tagatanggap c. Tagaganap d. Kagamitan
8. Mabuti bang taglayin ng tao ang katangian ng Diyos?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ng tao at Diyos
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa
9. Sa kuwentong Mensahe ng Butil ng Kape, Ano ang naging tugon ng anak sa kanyang ama…..
a. ako ay magiging carrots c. ako ay magiging saging
b. ako ay magiging itlog d. ako ay magiging kape
10. Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang tiwala”.
a. walang pag-ibig kung walang tiwala c. hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
b. titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala d. ang pag-ibig at tiwala ay
PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Para sa # 11-13
Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paninil ng mga mananakop ‘ginawa na ito nila Rizal at
Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang
ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan;
walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba.
Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang
bansang malaya.Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan,mulat ang
pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo para sa
ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang bayang nagbuwis na ng buhay para
sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahat.
- Pang. Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng
anibersaryo ng Araw ng Kalayaan
11. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang _______.
a. pagtuligsa sa mga mananakop
b. paghikayat sa madlang magkaisa
c. pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan
d. pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino
12. Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na _______.
a. pahalagahan ang ating kalayaan
b. magbuwis ng buhay para sa kalayaan
c. tungkuilin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan
d. maninidigan sa mga karapatan bilang bansang malaya
13. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga _______.
a. bayani b. kalayaan c. bandila d. bansa
“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
14. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?
a. nagsisisi b. nalulungkot c. nahihiya d. natatakot
15. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugan na _______.
a. Kakinisan b. kayamanan c. kagandahan d. Karupukan
16. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian
_______ ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
a. at b. kaya c. saka d. datapwat
17. __________ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
a. Pagkatapos b. Una c. At d. Dahil
18. __________ pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
a. Saka b. Pati c. Sapagkat d. At
19. _______ ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
a. Gayon din b. dahil sa c. at d. tapos
20. ________ atalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
a. Dahil sa b. upang c. kaya d.saka
21. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang tamang isulat na
ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala
22. Ito ay isang maikling sanaysay na nagtuturo ng kinikilalang moral na karaniwang batayan sa Banal na
Kasulatan.
a. Pabula b. Parabula c. Maikling Kwento d. Sanaysay
23. Sa parabula ang banghay ay_____________.
a. makatao b. piksyunal c. realistiko d. romantisismo
24. Ang parabula ay may mensahe na nakatago dahil sangkap nito ang ___________.
a. misteryo b. mahika c. kababalaghan d.sining
25. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. dagli b. alamat c. epiko d. mitolohiya
Panuto: Basahin ang sanaysay /pahayag at sagutin ang nakatakdang mga tanong.
Mayroong mga taong kahit kailan hindi mawawala sayo. Sila yung mga taong alam ang kahinaan mo
pero hindi nila gagawin ito para lang makalamang sayo.
Ang tunay na kaibigan yung mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil sa mayroon din silang
kanikanilang buhay, mararamdaman mo sila sa oras na kailangan mo sila. Nakakatuwa yung mga
kaibigan na biglang nagpaparamdam tila bang ang saya kasi hindi mo inaasahan na magiging ganun sila.
Ang tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema
kapag may problema ka.
Sila ang payong na sasalo sa ulan ng problema. Ang bangka na masasakyan mo sa agos ng problema.
Intindihin mo sila, para intindihin ka rin nila.
- Akda ni Rhadson Mendoza galing sa
MatabangUtak.net
26. Ano ang pinapaksa sa sanaysay na inilahad?
a. kasintahan b. tunay na kaibigan c. tunay kasangga d. pamilya
27. Ang tunay na kaibigan ayon sa sanaysay ay ang mga taong _______.
a. kasama sa anumang handaan c. masasabihan mo ng mga jokes
b. mauutangan mo kung wala kang pera d. masasandalan mo at masasabihan mo ng mga problema
28. Ang panghuling talata ng sanaysay ay napabilang sa bahaging______
a. panimula b. gitna c. wakas d.paksa
29. Ano ang tono ng sanaysay na iyong nabasa?
a. nagagalit b. naninindigan c. nag-aalala d. natatakot
30. Ano ang angkop na pamagat sa sanaysay?
a. Kaibigan b. Tunay na Kaibigan c.Kasiyahan d. Tunay na Buhay
31. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
a. tema b. panimula c. kaisipan d. sanaysay
32. Ang __________ ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa.
a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig
33. Ito ay elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
a. kaisipan b. tema c. himig d.damdamin
34. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang ___________ mismo ng may-akda sa akda.
a. Pag-iisip b. ideya c. pagsasalita d. opinyon
35. Ito ay tumutukoy kung ano ang mahalaga at kung anong aral ang makukuha sa isang kwento, at kung
ano ang naintindihan mo sa kwento.
a. pantulong na ideya c. pamagat
b. pangunahing paksa d. tema
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin ang kapareho o
kaugnay na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.
36. Ang aming kaklase ay maiingay kaya minsan napapagalitan kami ng aming guro.
a. malulungkutin b. magugulo c. matatalino d. masasayahin
37. Dahil sa bagyong Rolly ang aming paaralan ay lunod na sa baha.
a. lubog b. maputik c. marumi d. mabaho
38. Itinuturing na anak-pawis ang anak ng magsasaka dahil walang wala sila sa buhay.
a. maitim b. mabansot c.maawain d. mahirap
39. Hindi nilisan ng ibang taga-Marikina ang kanilang bahay dahil sa mayroon naman silang ikatlong
palapag.
a.sinukuan b. pinayagan c. iniwan d. tinantanan
40. Minsan ang mga babae ay sala sa init sala sa lamig kaya hindi sila mauunawaan ng kalalakihan
a. mainit ang ulo b. iyakin c. emosyunal d.pabago bago ang emosyon
Hanapin sa kahon ang angkop na kasingkahulugan/kahulugan sa sumusunod na pangungusap
_______41. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi
mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
_______42. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t
ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.
_______43. Malimit na sa pagmamasid niya sa babaeng Briton na siyang gumaganap ng ilang abang
pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang
kaniyang puso kapag naiisip ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng katuparan.
_______44. “O, kahabag-habag kong Matilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon
lamang, puwit lamang ng baso.
_______45. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa. Nalilito
Nagagalit Nagdadalawang isip Maginoo Kaawa-awa Saya Lungkot Ganda Karumal-dumal.

Nalilito Nagagalit Nagdadalawang isip Maginoo Kaawa-awa

Saya Lungkot Ganda Karumal-dumal

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap. Letra lamang ang isulat sa patlang.
_____46. Labis ang poot ni Celso sa pagkakatuklas sa kanyang tunay na pagkatao.
a. takot na takot b. galit na galit c. nginig na nginig d. hibag na hibag
_____47. Kamukhang-kamukha niya nag lalaki sa bahay pawid.
a. magkakambal b. magkapatid c. magkahawig d. magkasuyo
_____48. May lihim sa pagkatao ni Celso.
a. tago b. bahid c. sikreto d. luklok
_____49. Nagtalusira ang ina ni Celso sa kanyang tatay.
a. tumalikod b. nagsisisi c. nakadarama d. nagtaksil
_____50. Ang Miliminas ay matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko.
a. makikita b. matutuklasan c. mapupuntahan d. mabakasyunan
“Maniwala ka sa akin, magagamot ng doctor ang katawan pero kailangan ng tao ang lunas pati sa
kanyang isip at kaluluwa.”
______51. Ipinahihiwatig ng matalinghagang pangungusap ang ________.
a. paghahanap ng tamang doctor na susuri sa sakit c. kapayapaan sa sarili
b. pangangalaga ng buong katauhan d. lunas sa anumang sakit
“Subalit mali ka! Puso mo’y tatagan at magtiwala sa Poong Maykapal, Bawat pagkabigo’y palapit na
hakbang sa kahit mahuli’y tiyak na tagumpay
______52. Ang larawang diwa sa binasang saknong ay pinatutungkulan ang isang tao na_______.
a. walang pangarap sa buhay c. ambisyoso ngunit nakaranas ng di magandang kapalaran
b. bigo at nawalan ng pag-asa sa magandang bukas d. may simpleng pangarap na buhay
Siya ay dakilang ilaw ng tahanan na siyang nagkupkop mula kamusmusan; Siya ang nagturo ng una kong
dasal, pag sinasambit ko’y kanyang katuwaan.
_______53. Ang larawang diwa na mabubuo sa saknong ay isang_____.
a. tagapag-alaga b. ina c. tagapagsanay d. guro
_______54. Umalis si Placido na nagpupuyos ang damdamin.
a. galit na galit b. nagdaramdam c. naghihinakit d. nagtitimpi
_______55. Inilahad ng testigo ang katotohanan sa hukuman.
a. iniisip b. sinabi c. sinuri d. kinalimutan

You might also like