Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Chris Armand N.

Santiana

12 STEM Diamond
“Midnight Sun” (2018)

Replektibong Sanaysay

“Even though our time was short, the stars have been burning for every moment of it.” Sa
bawat segundong magkasama ang dalawang tao, buong pusong dinadama ang pagkakataong
mahagkan at mayakap siya dahil hindi sa lahat ng oras nandiyan siya para silayan ka.

Maraming aral ang aking natutunan ng pinanuod ko ang palabas na Midnight Sun noong
2018, isa sa mga paborito kong panuorin mula noon hanggang ngayon. Noong unang beses ko
itong pinanuod, umiyak ako dahil sa mensaheng hatid nito sa mga manunuod.

Sa bawat segundong lumilipas habang tutok na tutok ako sa pagnunuod ay unti-unti kong
naiintindihan ang reyalidad ng buhay. Tulad na lamang ni Katie Price na ginampanan ni Bella
Thorne, isang dalagang mayroong delikadong sakit ang xeroderma pigmentosum o XP, isang
sakit kung saan ang balat ng isang tao ay sensitibo sa ultraviolet light. Kapag ang taong maY XP
ay matutukan ng kahit katiting na liwanag galing sa araw ay malaking posibilidad na magkaroon
ng kanser sa balat.

Sa kabilang banda, mayroong pagmamalabis ang paggaganap ng palabas kung saan


pinapalaki ang panganib sa sakit ni Katie kung saan kahit katiting liwanag lamang mula sa araw
ay magkakaroon siya ng fatal neurodegeneration.

Noong ako’y bata pa, mayroon akong asthma kaya minsan lamang ako pinapalabas sa
bahay tulad na lamang ni Katie kung saan wala siyang mga kalaro na iba at tanging tatay niya
lamang at best friend ang nakakausap at kasama. Hindi rin siya nag-aaral sa isang paaralan at
kumukuha lamang ng mga kursong online. Ako ay lubos na nalungkot dahil sa kanyang
sitwasyon, sino ba namang bata ang magiging masaya kung walang kalaro? Ngunit isang araw,
Nakita niya ang isang lalaki na palaging dumadaan na naka skateboard sa kanyang bintana. Dito
nagsimula ang kanyang pag-abang kay Charlie.

Si Katie tulad ko ay mahilig mag gitara at sumulat ng kanta kaya tuwing gabi ay palagi
siyang nagpapaalam sa kanyang ama upang mag busking sa labas ng istasyon ng tren at doon
siya napansin ni Charlie. Mahilig ako maggitara at sumulat ng kanta, may isang tao akong
hinahangaan na ginagawan ko ng kanta ngunit hindi ko masabi na gusto ko siya dahil ayon sa
aking narinig mayroon na siyang ibang nakakausap. Kaya, hanggang ngayon nakatago lamang
ito pero kapag may oras, kinakanta ko ito kasabay ng magtugtog ng aking gitara.

Hindi ko mawaring isipin na ang pagmamahal nila Katie at Charlie sa maikling panahon
pagkakilala ay nagmahalan sila. Ngunit, dumating ang eksenang aking tiantakutan noong
nalagay sa panganib ang buhay ni Katie ng maarawan siya. Lubos akong nabahala kung paano
ang kakahinatnan ng kuwento ngunit patuloy ko pa ring pinanuod. Sa bawat ekseneng
pinapalabas ay unti-unti ko ng nararamdamang ang bigat sa damdamin dahil sinusulit na lang
nila ang maliit na oras na mayroon sila dahil wala ng pag-asa at medikasyon ang
makakapagaling kay Katie dahil marami na siyang komplikasyon at sintomas dahil sa kanser.

Sa bawat araw na kanilang sinasaluhan ay lubos nilang sinulit. Buong tapang na isinugal
ni Katie ang kanyang buhay at hinarap ang liwanag ng araw. Dito ako lubos na humanga sa
kanya, ng makamtan niya ang kalayaang kanyang inaasam. Kalayaang hanggang ngayon ay
aking kinikimkim dahil hindi pa ako handing harapin ang sitwasyong aking kintatakutan.

“And if you need me, all you have to do is look up. And remember, I love you.” Ito ang
mga huling katagang sinambit ni Katie kung saan bumuhos na ang lahat ng emosyon. Ang mga
tala na lang sa kalangitan ang tanging nagsisimbolo at paalala hindi lamang kay Charlie kundi ng
mga manonood. Paalalang nagpapahiwatig ng pagmamahal, na kahit wala na ang taong ito sa
ating tabi ang mga alaala na binuo ay mananatili habang buhay.

Kaya, bilang tao, hangga’t nandito pa sa ating tabi ang ating mga mahal sa buhay ay ating
bigyan pansin at sulitin ang bawat pagkakataong pwede pa natin silang mahgkan at mayakap
dahil hindi sa lahat ng oras nandito sila. Ang buhay ng tao ay mayroong hangganan, kaya ating
pahalagahan ang bawat sandaling nabubuhay tayo rito sa mundo. Tulad na lamang ni Katie na
kahit siya ay nawala, ang kanyang mga masasayang alaala na nabuo kasama si Charlie ay
mananatili habang buhay.

You might also like