Week 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

7

Journalism
Unang Markahan 1 – Modyul 1

Iba’t ibang uri at tungkulin ng

pamamahayag

Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ag iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
Journalism (Filipino) 7
Journalism Learning Kit
Iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6
Kalye Duran, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang P amahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng modyul kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Journalism Learning Kit na ito ay inilimbag upang magamit ng Rehiyon

6.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang

porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6.

Development Team of English Learning Kit

Writers: Angelie R. Ylayron, Maricel T. Mercines, Dona Mae B. Oira

Illustrators: Conrad Ladislee B. Tua III, Rodel S. Banday,

Armand Glenn S. Lapor, Mark T. Dasa

Layout Artists: Raffy S. Puod, Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas,

Division Quality Assurance Team: Celestino S. Dalumpines IV, Schubert Anthony C.

Sialongo, Aurelio D. Odiong

Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine,

Celestino S. Dalumpines IV, Nestor Paul Pingil, Felisa B. Beriong,
Corazon C. Tingson, Gaudencio C. Riego,
Schubert Anthony C. Sialongo, Aurelio D. Odiong,
Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas,
Marian Rose B. Sarmiento

Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ag iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Journalism Learning Kit na ito ay pinagtulungang dinesenyo, nilinang at
isinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sap ag-aaral.
Layunin ng Journalism Learning Kit na ito na gabayan ang ating mga mag-
aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayanan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Tagapangasiwa ng Kaalaman:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matugunan ang

pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga tagapangasiwa ng kaalaman, siguraduhin nating naging malinaw
ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matulungan ikaw, aming
mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ikaw ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ag iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
MAGSIMULA RITO!

Iba’t Ibang Uri at Tungkulin ng Pamamahayag

Umaga pa lamang, bukas na ang

telebisyon sa tahanan nina Ana,
nakaantabay ito sa telebisyon sapagkat
nais nitong manuod ng balita.
Natulala si Ana nang marinig niya
ang balita tungkol sa kasalukuyang lagay
ng panahon ganoon din sa pandemyang
bumalot ng kaba at takot sa mga Pilipino.
Maraming buhay ang nawala, maraming
pamilya ang apektado ng nasabing
pandemya. Mga bata, matatanda, mga
manggagawang pampribado at
pampubliko higit sa lahat mga mag-aaral.
Napuna rin ni Ana ang tungkulin ni
Mel Tiangco at ng ibang mga tagahatid
balita. Naisip niyang nasa panganib ang
kanilang buhay habang ginagampanan
ang kanilang tungkulin bilang isang
newscaster.
Ang modyul na ito ay naglalayong
mas palalimin pa ang iyong angking
kaalaman hinggil sa uri at tungkulin ng
pamamahayag na naglalayong
mapangalagaan ang karapatan at
kalayaang maghayag ng saloobin at
damdamin ng bawat Pilipino, at basehan
ng pagkakaroon ng pamahayagang
pangkampus. Nawa’y maging kapaki-
pakinabang ito sa iyo!

1
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
TARGET

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang:

1. Naipaliliwanag ng mag-aaral ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag.
(SPJ7TPM-Ia-2)

PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung tama
o mali ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa tungkulin ng pamamahayag.
Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay wasto at MALI.

1. Maging mata at tainga ng mambabasa.

2. Maging tagapaghusga

3. Gumanap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mambabasa

4. Tagapaglahad ng maling impormasyon

5. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap

BALIK-ARAL

Sa iyong nakaraang mga pag-aaral,

natalakay ninyo ang kahulugan ng
pamamahayag. Bago ka dumako sa
pangangalap ng bagong kaalaman, subukin
mo munang pagtagumpayang tapusin ang
inihandang gawain sa ibaba.

2
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
GAWIN

SUBUKIN NATIN!
Panuto: Ayon sa iyong sariling kaalaman, magtala ng limang tungkulin ng
pamamahayag at tatlong uri ng pamamahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

 ______________________________________________________________

TUKLASIN

Mahusay! Malinaw mong nailahad

ang mga tungkulin ng pamamahayag batay
sa iyong sariling pag-unawa. Gamitin ang
iyong kasagutan sa unang gawain upang
matugunan ng mga kasagutan ang
sumunod na mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

3
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
1. Para sa iyo, anong uri ng pamamahayag ang pinakamabisa? Patunayan.
2. Batay sa mga tungkulin ng pamamahayag na iyong naitala, nararapat bang
gumamit ng pahayagan ang mga mag-aaral? Bakit?
3. Paano ito nakatutulong sa mga Pilipino? Ilahad at magbigay ng halimbawa.

LINANGIN

Magaling! Nalihad mo ng maayos ang mga

uri ng pamamahayag at ang mga tungkulin nito.
Linangin pa natin ang iyong kaalaman hinggil
sa mga uri at iba’t ibang tungkulin ng
pamamahayag. Halika’t ating alamin.

Bilang isang mamamahayag na mag-aaral, nararapat na iyong matutuhan ang iba’t

ibang uri at tungkulin ng pamahayag .

ANG PAMAHAYAGAN

I. A. Pamamahayag (journalism) – iyong kaakit-akit na libangang pang-araw-araw

na taglay ng katotohanan ng buhay sa kasalukuyan; iyong nakalulugod bagaman sa
kalaunan ay nakapapagal din sa pakiramdam na siya’y kasangkot sa mga pangyayari,
na ang iba’y tunay na mahalaga sa ating sarili sa darating na salin lahi.

-Huddleston

Sinasaklaw ng pamamahayag ang lahat ng uri ng bagay sa pamamagitan ng

balita at punang nakararating sa madla; lahat ng nagaganap sa mundo, kung ang mga
pangyayari’y nakawiwili sa madla; lahat ng kaisipan, gawa o kilos at mga diwa na
pinasisigla ng ganitong pangyayari ay nagiging sanligan ng mga mamamahayag.

-F. Fraster Bond

4
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
B. Pamahayagang Pangkampus (Campus Journalism) – iyong kawili-wiling
gawaing pampaaralan ng mga kaanib sa patnugutan gaya ng pangangalap,
pagbubuo at paglalahad ng mga balita; pagsulat ng mga editorial, pitak at mga
lathalaing pampanitikan ang pagwawasto ng mga kopya o sipi, pag-aanyo,pagsulat
ng ulo ng balita, pagwawasto ng pruweba tungo sa hangaring makapagpapalabas ng
isang pampaaralang pahayagan.

- DCS, Manila

II. Saklaw ng Pamamahayag (Scope of Journalism)

1. Pasulat – pahayagan, pulyeto,magasin,aklat (Print Media)

2. Pasalita – radyo,karaniwang pabalita,komentaryo (Broadcast Media)
3. Pampaningin - telebisyon, pelikula,Betamax

III. Tungkulin ng Pahayagan (Functions of a Newspaper)

1. Maging mata at tainga ng mambabasa (Information function)

2. Maging tagapagturo (Education function)
3. Pumuna ng balita sa pamamagitan ng mga tudling at pitak (Interpretation
function)
4. Tagapaglahad ng mga kuro-kuro (Opinion moulder)
5. Maging tagapaglibang o tagaaliw (Entertainment function)
6. Gumanap bilang tagapag-alaga ng karapatan ng mambabasa (Watchdog
function)
7. Bilang talaan sa mga mahahalagang pangyayaring naganap (Documentation
function)

Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo

Para sa Mag-aaral, Guro at Tagapayo
2003 Edisyon
CECILIANO-JOSE CRUZ

5
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
TANDAAN

Ikaw ay nalalapit nang matapos sa

pagsagot sa modyul na ito. Naitalakay ang
Iba’t Ibang uri at tungkulin ng
pamamahayag. Naisa-isa moa ng iba’t
ibang uri at tungkulin ng pamamahayag.
Ngayon ating balikan ang kabuUan ng
iyong natutuhan.

Bilang isang mamamahayag na mag-aaral, ang iba’t ibang uri ng

pamamahayag ay nararapat na iyong malaman upang matukoy ang ginamit na
midyum sa paghahatid ng balita, ganoon din ang tungkulin ng pamamahayag upang
malaman ang dapat at hindi dapat isulat sa isang pahayagan maging ang mga ang
katangiang dapat taglayin ng isang mamamahayag.

PALALIMIN

GAWAIN: SURIIN NATIN!

Panuto: Buksan ang iyong radyo o telebisyon at makinig sa isang programa nito
partikular sa programa ng pagbabalita. Mula rito, susulat ka ng isang
masusing pagsusuri hinggil sa mga tungkulin ng pamamahayag na iyong
napagmasdan. Gawing batayan ang nakalaang gawain sa ibaba. Kopyahin
ang pormat sa iyong sagutang papel at sagutan ito.

6
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
PAMANTAYAN SA PAGSUSURI

PAMAGAT NG PROGRAMANG NAPAKINGGAN O NAPANOOD:

___________________________________________________________________

ISTASYON NG NAPAKINGGAN AT NAPANOOD NA PROGRAMA:

___________________________________________________________________

ISYU O BALITANG SINURI (POKUS SA ISANG ISYU LAMANG)

___________________________________________________________________

NATUKOY NA URI AT MGA TUNGKULIN NG PAMAMAHAYAG

URI NG PAMAMAHAYAG NAPUNANG TUNGKULIN NG
PAMAMAHAYAG

REKOMENDASYON/KOMENTARYO SA NAPAKINGGANG PROGRAMA:

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
REFLECT
REPLEKSIYON

Binabati kita! Napagtagumpayan mong

matapos at masagutan ang mga gawaing
inihanda para sa araling ito. Ngayon, iyong
balikan at pagnilayan ang iyong mga
natutuhan.

Gawain: Speech Balloon ng Natutunan!

Panuto: Iguhit ang speech ballon at ilahad ang iyong natutuhan sa araling ito sa
pamamagitan ng pagdudugtong ng mga pangungusap na nakasaad sa loob nito.

Napag-alaman kong … Masasabi kong …

Natuklasan kong…

8
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
ILAPAT

Sumulat ng pampahayagang pangkampus. Ang mga pangyayari kailangan na

naganap noong nakaraang taong panuruan at ilahad ang tungkulin ng pahayagang
sinulat.

______________________________________________________________

KARAGDAGANG GAWAIN

Bumuo ng isang sanaysay na naglalahad sa mga uri ng

pamahayagan at mga tungkulin nito. Isulat ang iyong gawain sa papel
lamang.

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

9
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
GLOSARI

Pamamahayag, Pamahayagan - journalism

Pamahayagang Pangkampus,
Pampaaralang pamahayagan -Campus Journalism
Saklaw ng Pamamahayag -Scope of Journalism
Tungkulin ng Pahayagan -Functions of a Newspaper
Pasulat –Print Media

Pasalita –Broadcast Media

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsusulit
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

10
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)
SANGGUNIAN

Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo

Para sa Mag-aaral, Guro at Tagapayo
2003 Edisyon
CECILIANO-JOSE CRUZ

Http://classroom clipart.com

11
Journalism (Filipino) 7
Competency: Naipaliliwanag ang iba’t ibang uri at tungkulin ng pamamahayag
(SPJ7TPM-Ia-2)

You might also like