Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

GEC 210- Philippine Popular Culture

Balik-aral sa Bahagi ng Pananalita

Gng. Rowenalyn Palos-Sagun,


LPT, MAE-Filipino
Dalubguro
I. Pangngalan (Noun) – mga pasalitang
simbolo ang tinutukoy ay tao, hayop,
bagay, pook o pangyayari.
Hal. Guro, Maria, Tagpi, Monggol,laruan,
Pilipinas, kasalan
KLASIPIKASYONG PANSEMANTIKA
A.1.Pangngalang Pantangi
-kapag tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook o
pangyayari. Hal. Hon. Mayor Rolen Paulino Jr., Olongapo City, Filipino
A.2. Pangngalang Pambalana
- pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa
pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba
pa at tumutukoy sa pangkalahatang diwa.Hal. Bag, sapatos,
toothpaste
II. PANGHALIP (Pronoun)

Bahagi ng pananalitang binubuo ng mga salitang


ginagamit na panghalili sa mga pangngalan.
Hal. Kami, ako, siya
URI NG PANGHALIP
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
- Panghalili sa ngalan ng tao
- ang mga panghalip na panao ay may tatlong panauhan: (1) unang
panauhan, (2) ikalawang panauhan, (3) ikatlong panauhan.

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo,
siya, kanila, siya, kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)


- Tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao at bagay na
itinuturo.
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan, niya, ayan, hayan, diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
-panghalili sa ngalan ng tao,bagay na ginagamit sa pagtatanong

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)


- Sumasaklaw sa dami, kaisahan at kalahatan

Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang, isa,


balana, tanan
III. PANG-URI (Adjective)
Ang Pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng
tao, hayop, bagay, lunan na tinutukoy ng pangngalan o
panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.

Halimbawa: Ang bata ay matalino


Siya ay matalino
- Salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan na
tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa: Ang bata ay masunurin.
Siya ay matalino .
KAYARIAN NG PANG-URI

A. Payak
- Kung binubuo ng likas na salita lamang o morpema.
Halimbawa: Mainit ang ulo ng taong gutom.
B. Maylapi
- kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi;
Halimbawa: Napakataas ng bundok ng aming inakyat.
C. Inuulit
- Salitang ugat o salitang maylapi na inuulit.
Halimbawa: Ang ipin niya ay putting-puti.
Maliliit ang bunga ng mangga
D. Tambalan – kung binubuo ng dalawang salitang
pinag-isa.
Halimbawa: taus-puso, biglang-yaman, kapit-tuko
IV. Pandiwa (Verb)

-salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa isang


lipon ng mga salita. Sa pananaw na istruktural, ang
pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng impleksyon
nito sa ibat-ibang aspekto ayon sa kilos na isinasaad
nito.
ASPEKTO NG PANDIWA

A. PERPEKTIBO
- Kapag ang kilos ay nasimulan na at natapos na.
Halimbawa: nagsaliksik, naghakot, umunlad
B. IMPERPEKTIBO
-kapag ang kilos ay nasimulan na ngunit hindi pa
natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.
Halimbawa: nagsasaliksik, naghahakot, umuunlad
C. KONTEMPLATIBO
- Kapag ang kilos ay hindi pa nasisimulan.
Halimbawa: magsasaliksik, maghahakot, uunlad
D. PERPEKTIBONG KATATAPOS
- Kapag ang kilos ay kayayari o katatapos lamang
bago nagsimula ang pagsasalita.
Halimbawa: kasasaliksik, kakahakot, kakakain
V. PANG-ABAY (Adverb)

- Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o


kapwa pang-abay.
Halimbawa: Halos Kasintaas ko na siya.
Totoong lubhang nagulat sila sa iyong
balita.
URI NG PANG-ABAY

A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pang-agam
E. Pang-abay na Kundisyunal
F. Pang-abay na Panang-ayon
G. Pang-abay na Pananggi
H. Pang-abay na Panggaano o pampanukat
I. Pang-abay na Kusatibo
J. Pang-abay na Benepaktibo
K. Pang-abay na Pang-kaukulan
VI. PANGATNIG (Conjunction)

- Isang kataga o salita o lipon ng mga salita na


nagsisilbing tagapag-ugnay ng dalawa o higit pang
sugnay.
URI NG PANGATNIG
a. Panimbang – tagapag-ugnay ng dalawa o higit pang
punong sugnay. Halimbawa: o, ni, at saka
B. Pantulong – tagapag-ugnay ng magkasalungat na
sugnay.
Halimbawa: nang, kung, na, dahil, para, kapag,
bagamat, datapwat, subalit, kung kaya’t
VII.
- Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
Halimbawa: ng; ni, nina, ayon sa, ukol sa, tungkol sa,
hinggil sa, laban kay, ayon kay, ukol kay, tungkol kay,
hinggil kay
VIII. PANG-ANGKOP (Connector/Ligature)

- Ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at


salitang tinuturingan.
Halimbawa: batang marungis
dahong malapad
mabait na kaibigan
IX. PANTUKOY (Article)
- Mga katagang lagging nangunguna sa ngalan o
panghalip na ginagamit na simuno o
kaganapang pansimuno o pamuno sa alinman
sa dalawa.
A. Pantukoy sa pantanging ngalan
Halimbawa: Si Kim ay matalinong mag-aaral
Halimbawa: Sina Susan at Fernando ay nagbakasyon sa
kanilang probinsya.

B. Pantukoy sa iba pang uri ng pangngalan


Halimbawa: Ang tao sa dilim ay biglang naglaho.
Ang mga mamamayang Pilipino ay nagdiriwang
ng kanilang Kalayaan.
X. PANDAMDAM (Interjection)
- Salitang nagsasaad ng matinding damdamin.
Halimbawa: Aray! Naku po! Diyos ko!
Maraming Salamat po!

You might also like