IISA LANG ANG TUNAY NA IGLESIA - Katolika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

IISA LANG ANG TUNAY NA IGLESIA, ANG

TUNAY NA RELIHIYON – AT HINDI ANG


IGLESIA NI CRISTO O IGLESIA PROTESTANTE
KUNDI “IGLESIA KATOLIKA”
Sa panahon ngayon, mababanaag natin ang kalituhang nararanasan ng tao dahil sa napakaraming pangkating-
relihiyon na nakatatag sa mundo at may ilan na patuloy pang bumabangon. Ang iba bumabangon sa America at
ang iba naman ay bumabangon sa Pilipinas at nag-aangkin na sila raw ang totoong “iglesia”. Totoo ba ito?

Ang lalong nakakalito pa ay lahat sila ay nag-aangkin na sila ay sa Diyos, sila ay tunay, at nasa kanila ang
kaligtasan kaya ang tao ay nahulog sa maling paniniwala na lahat ng relihiyon ay pare-parehong sa Diyos at
patungo sa langit dahil lahat naman daw sila ay kumikilala sa Diyos at lahat daw ng mga isinasagawang pagsamba
ay patungkol lamang sa iisang Diyos. Totoo ba ito? Lahat ba ng relihiyon ay si Cristo mismo nagtayo?

Magsuri ka, kapalig at huwag magpapaloko! Huwag gumaya kay Eva na nagpadala sa tukso ng ahas na kainan
ang masarap na prutas. (Genesis 3:1–7)

Lahat ba ng pagsamba o alay ay tatanggapin ng Dios? HINDI basahin ang (Genesis 4:1-5).
Lahat ba ng tao ay maliligtas basta maypananampalataya lang? HINDI basahin ang (Genesis 6:19)
++++++++++++++++++

A. Totoo kaya na ang lahat ng relihiyon ay sa Diyos? Totoo kaya na ang lahat ng relihiyon ay
si Cristo ang nagtayo?
▪ Mahalaga na makilala ng tao ang tunay na relihiyon. Bakit mahalaga at alin ang tunay na
relihiyon? Ganito ang mababasa nating pagtuturo ni Apostol San Pablo sa 1 Timoteo 3:15-16:
o “Upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong
kabilang sa SAMBAHAYAN NG DIYOS NA BUHAY, sa IGLESYA NA HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN. Hindi
maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating RELIHIYON: Siya’y nahayag nang maging tao, pinatunayang
matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa
kalangitan.”
▪ Napakaganda ang mensahe ni Apostol San Pablo. Mahalaga na makilatis ng tao ang tunay
na relihiyon sapagkat ito ang “haligi at saligan ng katotohanan”. Ang tunay na relihiyon
ay ang relihiyong kinaaniban ng mga apostol – ang iglesia na sambahayan ng Diyos.
Samakatuwid, ang tunay na iglesia ay siya ring tunay na relihiyon. Iisa lamang ang tunay na
relihiyon at ito ay ang iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo (Mateo 16:18)
o “At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA
at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.”
▪ Pagmasdan paano pinakita ng ating Panginoong HesuCristo ang pagtatayo ng kanyang
“iisang iglesia” at hindi “aking mga iglesya”. Patunay lamang ito na talagang iisa lamang
ang tunay na iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo at ito ay ang iglesiang kinaaniban
ng mga apostol. Tanong: Kanino itinayo ang Iglesia? Kay PEDRO, Hindi kay Felix Manalo,
Hindi kay Ellen Gold White, Hindi kay Joseph Smith, Hindi kay Quiboloy, Hindi kay Aglipay,
at hindi kahit kanino, kundi kay? SAN PADRO. Sino ba si San Pedro? Siya lang naman ang
UNANG SANTO PAPA NG “IGLESIA CATOLICA”. Kaya dito natin makikita ng diritso kung
ang isang groupo ba ay TUNAY o HUWAD na mga Kristiano, makikita natin sa pasimula ng
kanilang simbahan.
▪ Ang sabi naman ng iba ay hindi na mahalaga ang iglesia. Ang kailangan lang raw ay relasyon
o kaugnayan kay Cristo. Ito ay malaking MALI. Bakit? Dahil kung sa gayun hindi nasana
pumarito si Cristo upang magtayo ng Simbahan at mag utos na turoan ang lahat ng mga tao
upang sila ay maligtas. (Mateo 18: 19, 20).

B. Ang iba sumampalaya kalang “okay” na. Sambitin mulang angpangalan ni Hesus maliligtas
kana, ito ang salita ng mga iglesia protestante o born again. Ito ba ay tama? Ano ba sabi
ng Bibliya?
o “Not everyone who calls me Lord will enter God’s kingdom. The only people who will enter are those
who do what my Father in heaven wants. 22 On that last Day many will call me Lord. They will say, ‘Lord,
Lord, by the power of your name we spoke for God. And by your name we forced out demons and did
many miracles.’ 23 Then I will tell those people clearly, ‘Get away from me, you people who do wrong.
I never knew you.” (Matthew 7:21-23 Bible English Version)
▪ Nakita muna? Hindi lahat ng tumatawag na “praise the lord, lord lord,” ay mga totoong iglesia o
kabilang sa kawan ni Cristo. Dahil ang iba ay HINDI kinilala ni Hesus bilang sa kanya. So, ngayon
alam muna, sino ang mga taong ito?
▪ Pero kung ang Banal na Kasulatan ang ating tatanungin, sino lang ba ang may kaugnayan o
relasyon kay Cristo? Ito ay maliwanag na sinagot sa Efeso 5:32:
o “Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA.”
▪ Ano ulit ang sinabi? Ang relihiyon o iglesia na sinasabi sa Bibliya ay may “dakilang hiwaga” at
kaugnayan kay Cristo. Ang tanonng tanong sinabi ba diyan na “Lahat” nag simbahan? HINDI.
Kundi yun simbahan lang na siya mismo ang nagtatag at ang unang leader nito ay si San Padro.
Kung ang unang leader ng simbahan na ito ay hindi si Pedro magiging klaro na ang simbahang
ito ay isang PEKE o huwad lamang.
▪ Ayon pa rin sa Biblia, iisa lamang talaga ang may kaugnayan kay Cristo at ito ay ang iglesia
Kaniyang katawan na siyang ulo nito (Colosas 1:18). Ano sabi ng ating Katekismo sa English?
o [“Christ "is the head of the body, the Church." He is the principle of creation and redemption.
Raised to the Father's glory, "in everything he [is] preeminent," especially in the Church,
through whom he extends his reign over all things.”] (Catechism of the Catholic Church No.
792)
▪ Maliwanag pa sa sikat ng araw ang turo ng ating Simbahan, si Cristo ang ULO ng simbahan
hindi ang santo papa, bagkos ang santo papa ay siya lamang ang tagapangasiwa o
tagapangalaga.
o “Sumagot si Pedro(Unang Papa), “Opo, Panginoon, alam ninyong mahal ko kayo.” Sabi ni Jesus,
“Alagaan mo ang aking mga tupa(Simbahan).” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon,
anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal
mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, alam po ninyo ang lahat ng bagay; alam ninyong mahal ko
kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.” (John 21,15-17)

▪ Pinatutunayan lamang ng paglalarawang ito na talagang iisa lamang ang iglesiang katawan ng
ulong si Cristo kung paano iisa lang talaga ang katawan ng bawat ulo. Sinasabi naman ng iba na
hindi na kailangan ng iglesia dahil ang Panginoong Jesucristo ang Tagapagligtas. Hindi naman
kami tumututol diyan subali’t maliwanag namang pinatotohanan ng Biblia na hindi maaaring hindi
paglaanan ng kahalagahan ang iglesia sapagkat ito ang ililigtas ni Cristo :
o Efeso 5:23: “Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA,
NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”
▪ Kung papaanong pinatutunayan ng Biblia na si Cristo lamang ang Tagapagligtas ay
pinatutunayan rin ng Biblia na ang iglesia lamang ang ililigtas ng ating Panginoong JesuCristo.
Samakatuwid, ay iisa lamang ang tunay na iglesia, ang tunay na relihiyon at napakahalaga nito
sapagkat ito ay ang may kaugnayan kay Cristo at ito lamang ang pinatutunayan sa atin ng Biblia
na ililigtas ng Panginoong Jesucristo.
C. Kung gayon, alin ang tunay na iglesia na siyang ring tunay na relihiyon na kinaaniban ng
mga apostol? Dito natin ibubunyag ang sekritong lihim ng mga INC1914 ayon sa kanilang official
magazine, “PASUGO” ito ang nakasulat.
o “Ang IGLESIA KATOLIKA na sa panimula ay syang IGLESIA NI KRISTO.”
-Pasugo April 1966, page 46

▪ Kitams, panimula pala ibig sabihin mula sa umpisa ito ang Iglesia ni Cristo na totoo
meaning itinatag ni Cristo. Dagdag pa nito, mula pa din sa Pasugo….
o “The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in
the second century…” (Pasugo March-April 1992, page 22)
o “The Church of Christ has truly became the Catholic Church, the Writers and Historians
continue to treat both as synonymous (Pasugo, January-March 1995 page 8)

▪ Eh ano ang nakasulat sa (Roma 16:16) na ito raw ang tumutukoy sa ibang groupo? Ano ba
ang nakasulat? Basahin natin…
o Roma 16:16: “Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (NPV)
• Walang mali sa bersikulo ang mali ang utak ng pag-intindi. Tama ang nakasulat
pero mali ang interpretasyon ng iba. Ano ba dapat? Ang Roma 16:16 ay isunulat ni
Apostol Pablo PARA sat aga Roma hindi para sa taga Pilipinas. Roma 16:16 ay
tumutukoy sa iglesiang NASA Roma at hindi ang nasa Pilipinas na nitong 1914
lang lumitaw. Wala pang iglesia ni Manalo sa Pilipinas may Iglesia na ni Cristo sa
Roma. Anong Iglesia ba meron ang Roma? I search natin sa internet ang sagot ay?
IGLESIA KATOLIKA at hindi iglesia ni Cristo1914. Iglesia Katolika ay nasa Roma.
Kaya ang sabi ni Pablo ang lahat ng iglesia o simbahan ni Cristo sa mundo ay
BUMABATI sa iglesiang nasa Roma ang Iglesia Katolika.
▪ Kung atin pang suriin ito ang nakasulat sa Cebuano Version,
o “Pagpangomustahay kamo pinaagi sa inigsoon nga halok. Nangomusta kaninyo ang tanang mga
simbahan ni Cristo”
•Kita na? Ang lahat ng Simbahan ni Cristo na totoo “kinamusta ang
simbahan” sa Roma. Tanong: Ginawa ba ito ng mga iglesia ni cristo sa
simbahang katolika? HINDI bagkos kinaaway pa nila at ginawan ng kung
ano-ano.
▪ Ang tunay na iglesia Ni Cristo ay ang relihiyong kung saan sila kabilang hanggang kamatayan
at kasalukuyan. Ano ba sabi ng Bibliya?
o “Having been built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus Himself being the
cornerstone” (Ephesians 2:20)
o In tagalog, [Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga
propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus.]
▪ Kaya mas lumiwanag pa, ang simbahang tatag ni Cristo ay doon din kabilang ang mga Apostolis,
bagkos ang mga Apostolis panga ang mga HALIGI nito. Ngayon, anong relihiyon lang ba meron
ang mundo na pwedi natin ibalik sa nakaraan sa mga apostolis sa pamamagitan ng History? Ang
sagot ay ONLY the Catholic Church.
o “The greatest legacy of Spain to the Filipino people is Christianity, specially the Catholic Religion
strangely this religion was ancient in origin being founded by Jesus Christ in Palestine. (The Philippines:
A Unique Nation by Dr. Zonia Zaide (Historian) page 123)

▪ At ibinuking nanaman ng PASUGO na ang Katoliko ang tanging simbahan na pwedi nating
maibabalik sa mga Apostolis. Ito ang nasulat.
o “Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostle, leading
to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” (Pasugo July-August 1988,
page 6)
▪ Maliban sa kanilang PAG-AMIN at PATOTOO sa Pasugo ay merun ding MABIBIGAT na mga
reperensya na nagpapatunay din nito na ang Catholic Church ay syang itinatag ni Cristo sa
Jerusalem…
o “Catholic a member of a Christian church tracing its history back to the apostles.” (Merriam
Websters Elementary Dictionary)
• Kayat, magdiwang ka Kapalig na Katoliko! Hindi itinayo ni Cristo ang iglesia ni cristo dahil
1914 lang ito at itinayo ni Felix Manalo at HINDI ni Cristo. Hindi rin born again, hindi rin saksi ni
Jehovah o sabadista.
o “On July 27, 1914, Brother Felix Manalo founded Iglesia ni Cristo (INC), largest homegrown
Christian Church in the Philippines, in Punta, Sta. Ana, Manila.” (Philippine News Agency)
• Balikan ulit natin ang Mateo 16:18-19
o “At sinasabi ko (Hesus) rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking
iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng
paghahari ng langit. Anuman ang iyong tatalian sa lupa ay tatalian sa langit. Anuman ang iyong kalagan
sa lupa ay kakalagan sa langit.”
• Sino nag tayo sa tunay na Iglesia o Simbahan? Si CRISTO mismo.
• Kanino itinayo? kay Apostol Pedro hindi kay Felix Manalo.
• Saan? Sa Jerusalem hindi sa Pilipinas.
• Kaylan? 33.A.D hindi 1914.
• Ano sab isa Bibliya? Mag-ingat sa mga Bulaang Propeta o mga Pekeng Pastor o mga
pekeng ministro tulad ng INC at Born Again at iba pa. Kaylanmay HINDI sila isunugo
ng Dios.

o Matthew 7:15; 24:11 at 24:24.


"MAGBANTAY laban sa mga HUWAD NA PROPETA. DUMARATING SILA na nakadamit tupa pero sa loob
sila ay MABABANGIS NA ASONG GUBAT."
• Nakakalungkot ang pahayag ni Kristo sa Mt 24:11. Ang sabi niya, "MARAMING huwad na
propeta ang LILITAW at LILINLANG ng MARAMI." Kayat maraming naakay sa iglesia ni
cristo na mga Katoliko at ang iba ay napunta sa mga born again or Pentecostal churches.
Sila ay mag biktima ng mga bulaang propeta o pekeng relihiyon.
o 1 Pedro 5:8
“Maging handa kayo at magbantay. Ang dyablo, ang kaaway ninyo ay parang leon na
umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila.”
• Kaya mag handa, mag bantay, paano? Mag-aral ng Katekismo ng ating Simbahan at Makinig
sa Turo ng Simbahan. Laging magdasal at magsimba. Basahin ang Bibliya.
• Aaligid – kayat maraming pumupunta sa bahay o kahit saan-saan na mga pastor o mga
ministro huwag magpadala.
o Lucas 21:8
“Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman. Marami ang darating sa aking pangalan
at magsasabi, “Ako ang Kristo” at “Dumating na ang panahon!” Huwag kayong maniwala sa
kanila.”
• “kami ang tunay na iglesia ni Cristo!” Oh diba sounds familiar? Sila raw ang tunay pero
HINDI SI KRISTO ang nagtayo.
o Jeremias 23:21
“Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko sinugo ang mga propetang iyan, lumakad sila nang hindi ko
inutusan. Nagpahayag sila sa aking pangalan gayung wala naman akong sinabi sa kanila.”
• Muli, HINDI sila itinayo ni Cristo kayat HINDI sila ang sinugo.
• Pumunta sa mga bahay-bahay at nag tayo ng simbahan na hindi naman sila
inutusan ni Hesus.

********************
▪ Ibahagi ang Katotohan Kapalig! Magsuri at Maging Alerto!
▪ Viva Iglesia Katolika Apostolica Roma!
▪ Viva Maria! Viva Hesus! <3

You might also like