Professional Documents
Culture Documents
Lipunan, Kultura at Wika
Lipunan, Kultura at Wika
. Masistemang Balangkas
Pinipili at Isinasaayos
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay maysariling
kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalianng isang
pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)
Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sakanilang
kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at ibapang mga
bagay na nag-ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyangnagpapalaganap ng
kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009)
May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo ngmateryal na
kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mgakasangkapan,
kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon,panitikan, musika,
sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
(Delmirin, 2012)
1. Paniniwala o Beliefs
2. Pagpapahalaga o Values
ito ay batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang
hindi.
3. Norms
4. Folkways
Pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan.
5. Mores
6. Simbolo
LIPUNAN
Ayon kay Charles Cooley ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba
pang miyembro ng lipunan.
ELEMENTO NG LIPUNAN
1. Tao o Mamamayan
-ang pinaka mahalagang elemento ng lipunan nananinirahan sa isang tiyak na teritoryo o lupang sakop
ng lipunan.
2. Teritoryo
3. Pamahalaan
4. Soberanya
Ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan ay lahat sila ay mahalaga upang magkaroon ng pagkakaisa at
kaugnayan ang bawat tao sa lipunan.
Ang wika ang sinasabing ugat ng pagkakaunawaan at komunikasyon ng mga tao sa lipunan. At sa isang
lipunan, mayroon namang nabubuong mga kultura at pagpapahalaga sa pamamagitan ng wika.
Dahil may ugnayan na ang mga tao sa lipunan, nagiging maayos na rin ang pagpapayaman at pagpasa ng
kultura.
Ang kulturang nabubuo ay nagiging malaking bahagi ng lipunan at pagkakakilanlan ng bawat isa. Kung
may pagkakaunawaan ang bawat bahagi ng lipunan, siguradong ang lahat ay makakamit ang inaasam na
kaunlaran.