Cor 003 - Ikalawang Termino - Set B

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa COR 003 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

PANGALAN: ________________________________________ PUNTOS: _________________


SEKSYON: __________________ PERMIT NUMBER: ___________________ PETSA: ___________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag, paglalarawan o katanungan ng bawat bilang.
Piliin ang pinakaangkop na kasagutan. Ang anumang pagbura ay nangangahulugang MALI NA.

A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

________1. Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para
masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
a. Manuel at Medel (1976) b. Calderon at Gonzales (1993) c. Kerlinger, 1973 d. Sevilla (1998)

________2. Katangian ng mananaliksik na tumutukoy na kailangan maging maayos mula sa pangangalap ng datos
hanggang pagsusuri ng mga datos
a. napapanahon b. datos c. masinop d. makabuluhan

________3. Ang mga sumusunod ay mga mungkahing batayan sa pagpili ng paksa, maliban sa:
a. panahon b. makabuluhan c. sanggunian d. napapanahon

________4. Ginagamit ang pananaliksik na ito sa pag-alam sa mga kaso gaya ng mga pangyayari sa usaping
panghukuman, pag-alam sa kaso ng isang pasyente na nagkaroon ng problema.
a. Palarawan b. Historikal c. Eksperimental d. Case Study

________5. Alin sa mga sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik?
a. ang mananaliksik ay may pananagutan c. ang mananaliksik ay magaling magsiyasat
b. ang mananaliksik ay masistema d. Lahat ng nabanggit

________6. Ito ay tumutukoy sa pagsasaisip na sa pagpili ng paksa isaalang-alang ang mga babasa nito.
a. napapanahon b. datos c. masinop d. makabuluhan

________7. Tumutukoy sa katangian ng pananaliksik batay sa angkop at sistematikong pammaaraan o prinsipyo,


makatwirang pag-aaral ng mga proseso upang mahalaw ang katanggap-tanggap na kongklusyon.
a. Lohikal b. Obhetibo c. Kritikal d. Emperikal

________8. Katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa siyentipikong kaalaman o teorya.


a. Lohikal b. Obhetibo c. Kritikal d. Emperikal

________9. Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga isyu o mga pangyayari tungkol sa nakaraan.
a. Palarawan b. Historikal c. Eksperimental d. Case Study

________10. Kailangang ang paksa ay ____________ upang marami ang magka-interes na basahin ang ginawang pag-
aaral.
a. napapanahon b. malalim c. masinop d. makabuluhan

B. Isulat sa patlang ang PANANALIKSIK kung ang pahayag ay tama at MANANALIKSIK naman kung mali.

_______________1. Maging kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa paksa.


_______________2. Maaaring kopyahin ang isang pahayag mula sa isang teksto at angkinin nang buong-buo.
_______________3. Maging matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba‟t ibang mapagkukunan ng sandigan.
_______________4. Maging mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kuhanin.
_______________5. Maging maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan, sa
pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, komentaryo at
rekomendasyon.
_______________6. Maging responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng
mga ito at sa pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa
prosesong pagdadaanan.
_______________7. Maging matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinagaralan, sa
pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso sa kaninuman; at
sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
_______________8. Maging analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay nito.
_______________9. Kailangang banggitin ang pinaghanguan ng pahayag o di kaya‟y bigyan ito ng hawig (paraphrase)
upang maparatangan ng plagiarism.
_______________10. Gawing personal ang mga obserbasyon sa pananaliksik

C. Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang.

A. Pahina na Bibliograpi F. Pahina ng Talaan ng Nilalaman


B. Pamagating Pahina G. Fly leaf 2
C. Fly leaf 1 H. Pahina ng Pasasalamat
D. Pananaliksik I. Mananaliksik
E. Pahina ng Pagpapatibay J. Pahina ng Biograpi

_____1. Dito nakatala ang mga ginagamit na reperensya na nakatulong sa pagbuo ng pananaliksik
_____2. Ito ang bakante at pinakaunang pahina ng pananaliksik.
_____3. Ito ang pahina na nagkukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro sa pamanahong
papel.
_____4. Tumutukoy sa taong nagsasagawa ng isang pag-aaral o pananaliksik.
_____5. Pahina ito ng maikling talambuhay ng mananaliksik.
_____6. Isang sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at
pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema.
_____7. Nakasaad sa pahinang ito ang pamagat ng pananaliksik, ang pangalan ng mananaliksik at ang asignaturang
nangangailangan nito maging ang panahon ng pagkabuo nito.
_____8. Sa bahaging ito inilalagay ng mananaliksik ang kanyang pasasalamat at pagkilala sa mga indibdwal na nagbigay
sa kanya ng tulong at inspirasyon.
_____9. Blangkong pahina sa hulihang bahagi ng papel pananaliksik.
_____10. Dito nakatala ang mga paksa at ang kaukulang pahinang katatagpuan sa mga ito.

D. Ayusin ang mga hakbang sa pagbubuo ng sulating pananaliksik ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
Gamitin ang bilang 1-6.

_______a. Magplano ng gawin at itakda kung kilan ito dapat gawin.


_______b. Tukyuin ang mga dokumentaryong angkop gamitin.
_______c. Bumuo ng tentatibong balangkas.
_______d. Tukuyin ang paksa.
_______e. Bumuo ng tesis.
_______f. Simulan ang pagtatala at pangangalap ng datos.

E. Tukuyin ang bilang ng kabanata batay sa nilalaman ng pananaliksik.

______________1. Ang suliranin at kaligiran ng pag-aaral.


______________2. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
______________3. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
______________4. Pamamaraan at Metodolohiya.
F. PAGPAPALIWANAG: Gamit ang 3-7 pangungusap, sagutin ang katanungang nasa ibaba at sundin ang
pamantayan sa pagpupuntos.

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS

Organinsasyon ng mga ideya 10 pts.

Wastong paggamit ng salita at bantas 10 pts.

Kabuuan: 20pts.

Ano ang kabuluhan o pakinabang na matatamo sa pagsasasagawa ng isang Pananaliksik?

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

“Ang Sarili Mong Pagsisikap, Katalinuhan at Katapatan,


Ang Susukat ng Tunay Mong Kagalingan”

You might also like