Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PAMAGAT: LIWANAG SA DILIM NG PANG AABUSO: KABATAAN DAPAT

BIGYANG AKSYON, REHABILITASYON BILANG SOLUSYON

PROPONENT NG PROYEKTO Children Counseling and Rehabilitation Organization


Honorio Lopez Boulevard, Barangay 147, Zone 13,
Tondo Manila
C2ROrganization@gmail.com
KATEGORYA NG PROYEKTO Outreach Program

PETSA Pebrero 3, 2023 – Setyembre 3, 2023

I. INTRODUKSYON NG PROYEKTO
Ang Children Counseling and Rehabilitation Organization(C2RO) ay grupo ng naglalayong
puksain ang sekswal na pang-aabuso sa mga kabataan ng Tondo, Manila.Ito ay itinatag noong ika-
2 ng Nobyembre taong 2021. Binuo ang organisasyon na ito upang mabigyan ng gabay ang mga
bata na nakaranas ng sekswal na pangaabuso. Bukod pa dito, maialis ang kanilang takot na kanilang
madilim na dinanas at ibalik ang kanilang normal na pamumuhay patungkol sa pisikal, emosyonal,
mental at ispiritwal. Mabigyan ng lakas ng loob na magsalita tungkol sa kanilang madilim na
sinapit laban sa taong nang-abuso sa kanila.
Maraming kabataan ang natatakot na magsabi sa kanilang mga magulang o malapit na
kamag-anak tungkol sa kanilang madilim na dinanas. Sapagkat maaaring pinangungunahan ng
takot at panghusga na kanilang matatanggap kung sila ay magsasalita tungkol sa sekswal na pang-
aabuso at dahil sa maaaring sila ay hindi paniwalaan. Ayon kay Rebecca Ratcliffe (Abril 2022),
Isa sa limang bata ang nasa tamang pag-iisip sa isang lugar na hanay ng 12 hanggang 17 na edad
ang nalantad sa mga malubhang okasyon ng online na sekswal na pagmamaltrato habang
kinasasangkutan ang web sa Pilipinas noong 2020, inirerekomenda ng pananaliksik. Ang pagsusuri
ay nagdaragdag sa mga alalahanin na ang pandemya ay nagpataas sa kahinaan ng mga bata sa
bansa, na sa puntong iyon ay tiningnan bilang isang pandaigdigang pokus ng naturang
pagmamaltrato. Natuklasan ng mga siyentipiko na nag-overview sa 950 bata na ang ikalimang
bahagi ng mga indibidwal na gumamit ng web ay nakaranas ng web-based na sekswal na
pagmamaltrato sa nakalipas na taon, halimbawa, pagiging extorted o napipilitan dahil sa pera upang
makilahok sa mga sekswal na gawain, o pagkakaroon ng pagbabahagi ng larawan.

Ginawa nang estado ang isang patakaran na pangalagaan ang mga bata mula sa
pagabandona, kapabayaan, pang-aabuso, at pagsasamantala. Gayunpaman, maraming pagkakataon
ng mga paglabag sa karapatan ng bata, bagama't imposibleng makakuha ng tumpak na ideya ng
pagiging kumplikado ng sitwasyon dahil sa mga hindi naiulat na insidente. Dito sa Pilipinas,
maraming kaso ng online child sexual abuse. Ito ang isa sa mga isyu ng bansang ito. Kailangan
nating tukuyin kung paano ito nangyayari. Ang pang-aabuso sa bata ay nangyayari sa halos lahat
ng aspeto ng buhay ng isang bata, maging sa bahay, paaralan, sa kalye, sa trabaho sa mga
institusyon.
II. LAYUNIN NG PROYEKTO
Ang panukalang proyekto na ito ay pinamagatang “Liwanag sa Dilim ng Pang-aabuso:
Kabataan Dapat Bigyang Aksyon, Rehabilitasyon Bilang Solusyon,” na naglalaman nang apat na
layunin na:

• Mabigyan ng lakas ng loob ang mga kabataan na magsalita tungkol sa kanilang madilim
na sinapit laban sa taong nang-abuso sa kanila.

• Magkakaroon ng pagkakaisa para sa patakaran ng proteksyon sa mga batang inaabuso.

• Pagbibigay-kapangyarihan, pagtuturo sa kanilang mga karapatan, personal na


kaligtasan at mga hakbang na maaari nilang gawin kung may problema .

• Mapababa ang porsyento ng sekswal na pang-aabuso sa kabataan.

III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Maraming kabataan ang nakakaranas ng pang-aabuso, isa na rito ang lugar ng NCR na kung
saan noong 2016 ayon sa resulta ng National Baseline Study on Violence Against Children in the
Philippines (2016), 17% porsyento ng mga kabataang may edad na 13 at hind i aabot sa 18 ang
nakaranas ng karahasang sekswal. Tinatayang limang 5% porsyento ng mga karanasang ito ay
naganap sa mga paaralan (Paunan, J., 2022)

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), dumarami ang mga krimen laban sa
mga kababaihan at kabataan noong magpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)
noong isang taon. Noong April 2020, umabot sa 1,284 na kaso ang naitala ng PNP, mahigit 500 sa
mga bata at higit 700 laban sa mga kababaihan habang tumaas ito noong Hunyo sa kaparehong
taon nasa mahigit 1,700 sa mga bata at mahigit 2000 naman sa kababaihan. Dahil sa hirap ng
kabuhayan dulot ng pandemya sa bansa ay maaring maging bunsod ito karahasan laban sa mga
kababaihan at mga kabataan. (Torno,S. 2021)

IV. MGA KALAHOK SA PROYEKTO


Ang proyektong ito ay tungkol sa pagligtas sa mga kabataang naabuso ang kanilang
sekswalidad. Upang maisakatuparan ang proyektong ito ay kinakailangan ng tulong mula sa mga
organisasyon ng Barangay, katulad ng Organisasyon ng mga Magulang, Sanggunian ng Kabataan,
Barangay Pulis, Kagawaran ng Hustisya (DOJ), Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad
Panlipunan (DSWD), Kagawaran ng Kalusugan (DOH), Child and Youth Welfare Program
(CYWP), Child protection program. Ang tulong na kanilang maihahatid ay maaaring magresulta
sa pagpabilis at sa pagpapaayos ng proyektong tungkol sa pagpuksa ng pang-aabuso sa mga
kabataan. Ang pakikilahok ng mga organisasyon nito ay nagpapakita ng pagkakaisa, pagbibigay
halaga, at proteksyon laban sa pang-aabuso.
V. DURASYON

Ang panukalang proyekto ay magsisimula sa ika-3 ng Pebrero taong 2023 at inaasahang


matatapos sa ika-3 ng Setyembre taong 2023. Ito ay masasagawa ng pitong buwan para matapos
ang proyekto. Simula sa pagpapasa ng papeles at paghahanda ng mga kinakailangang materyales
hanggang sa mabuo ang proyektong ito. Sa kabilang banda, ang Children Counseling and
Rehabilitation Organization ay ipagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa para sa layunin ng aming
proyekto at sisiguraduhing maibibigay ang mga kakailanganin sa panukalang proyekto na gagawin.

VI. BADYET
Ito ay pangmatagalang proyekto dahil aabutin ng mga buwan bago makumpleto at
maipatupad ang proyektong ito. Gayunpaman, tiyak na makakatulong ito sa mga bata na
nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang magulang at para sa mga bata upang hindi nila ito
maranasan. Matagal bago maipatupad ang aksyong ito dahil sa maselang proseso nito at kailangang
pag-isipan bago ito maipatupad.

BILANG NG HALAGA NG KABUUAN


MATERYALES PRESYO NG
MATERYALES
PER PIRASO
Lupa 850 sqm Php 1.3 million

C2RO OPISINA
-Semento 30 piraso Php 250 Php 7,500
-Hallow blocks 1K piraso Php 10.50 Php 10,500
-Bakal 50 piraso Php 150 Php 4,500
-Plywood 5 piraso Php 350 Php 1,750
-Cocolumber 40 piraso Php 100-120 Php 4,000
-Kawad 5 kilo Php 80 Php 400
-Yero 12 piraso Php 350 Php 4,200
-Buhangin 2 elf trak Php 2,800 Php 5,600
Bayad sa Mangagawa
-Mason 2 na tao 800 isang araw Php 96,000
-Labor 6 na tao 700 isang araw Php 252,000
Muwebles para sa
C2RO OPISINA
*Meeting Area
-Conference Chair 8 piraso Php 11,075 Php 88,600
-Conference Table 1 piraso Php 130,633 Php 130,633
*Accomodating Area
-Long Couch 1 piraso Php 750 Php 750
-Small Couch 2 piraso Php 760 Php 1,520
*Dining Area
-Mahabang Mesa 1 piraso Php 15,708 Php 15,708
-Plastic Chair 8 piraso Php 10.50 Php 84
C2RO REHAB 200 piraso
-Semento Php 250 Php 50,000
2,500 piraso Php 10.50 Php 26,250
-Hallow blocks 150 piraso
-Bakal Php 150 Php 22,500
10 piraso Php 350 Php 3,500
-Plywood 100 piraso
-Cocolumber Php 100-120 Php 10,000
15 piraso Php 80 Php 1,200
-Kawad 20 piraso
-Yero Php 350 Php 7,000
1 dump trak at 2 elf Php 3,000 Php 5,600 at 6,000
-Buhangin at Graba trak
Bayad sa Mangagawa
-Mason 4 na tao 800 isang araw Php 960,000
-Labor 10 na tao 00 isang araw Php 1,260,000

Muwebles para sa
C2RO REHAB
*Accomodating Area
-Long Couch
-Small Couch 1 piraso Php 750 Php 750
-Small Table 2 piraso Php 760 Php 1,520
*Counseling Area 1 piraso Php 3,514 Php 3,514
-Mesa
1 piraso Php 2,300 Php 2,300
-Upuan
3piraso Php 10.50 Php 31.50
-Long Couch
1 piraso Php 750 Php 750
*Church
-Plastic Chairs
52 piraso Php 10.50 Php 546
-Table Php 1,500
1 piraso Php 1,500
*Study Hall
-Plastic Chairs 51 piraso Php 10.50 Php 535.50
-Long Tables 2 piraso Php 23,999 Php 47,998
-Blackboard 1 piraso Php 1,417 Php 1,417
*Dining Area
-Plastic Chair 50 piraso Php 10.50 Php 525
-Mahabang Mesa 2 piraso Php 23,999 Php 47,998
*Bedroom Area
-Double Deck Bed 100 piraso Php 2,799 Php 279,900
Pangunahing 1,600 1 bundle Php 54,400
pangangailangan
(100-200 na mga 30 Php 109,500
bata) -
Damit
17 bundle shorts at t-
200 Php 280,000
-Tubig shirt
3,650 gallons (10
gallons consumed per
-Gamot day) 1,400 na bote
Enervon
Multivitamins 30
tablets
(7 na bote consumed
per day)
Kabuuang Gastos Php 5,107,889.00
VII. PROSIDYUR
Hakbang 1. Pagpasa ng mga papeles tungkol sa plano.
Ang Children Counseling and Rehabilitation Organization(C2RO) ay gagawa ng permit
patungkol sa gagawing panukalang proyekto. Ang mga papeles ay kailangang pag-isipang mabuti
upang ang mga plano ay may magandang kalalabasan. Ito ay kinakailangang maipasa at
maaprubahan sa lalong madaling panahon at magkasundo sa mga planong gagawin sapagkat ito ay
para sa kapakanan ng mga batang inabuso o naaabuso.
Hakbang 2. Simula sa pagpapatayo ng mga establisyemento.
Pagnaaprubahan ang mga papeles ay sisimulan ito sa paghahanap ng kontraktor at
mangagawa na gagawa ng Counseling and Rehabilitation Center.Magtatag ng isang eksklusibong
lugar para sa mga bata na may palaruan na maaaring maglaro at magsaya. Simbahan upang
maibaling nila ang kanilang loob sa paggawa ng mabuti at pati na rin sa panginoon upang hindi
maligaw ang kanilang landas na tinatahak, Study Hall upang sila ay matuto at makabasa ng mga
kwentong pambata. Ang lugar na ito ay may opisina para sa miyembro ng organisasyon na may
Rehabilitation and Counseling center na kinabibilangan ng mental at health care na sinusuportahan
ng gobyerno.
Hakbang 3. Pagsasagawa ng mga patakaran na may naaangkop na mga parusa at mga plano para
sa mga establisyimento.
Mag-hire ng isang mahusay na abogado upang gabayan at lumikha ng mga patakaran sa
pamamagitan ng mga parusa upang mabigyan ng hustisya ang mga inaabusong bata. Ang Children
Counseling and Rehabilitation Center(C2RO) ay magsisilbing tahanan para sa mga bata kapag
nakakaranas ng malupit na pagtrato ng kanilang mga tagapag-alaga. Ang mga bata ay maaaring
lumapit sa itinatag na organisasyon upang bigyan sila ng tamang paggamot tulad ng pagbibigay sa
kanila ng mental at pangangalagang pangkalusugan upang matiyak na hindi sila ma-trauma sa
kanilang naranasan. Ang organisasyong ito ay magbibigay din sa lahat ng mga bata ng kanilang
mga pangunahing pangangailangan at tulong pinansyal. Ang mga nahuli at naiulat na pang-aabuso
ay makukulong o pagmumultahin ng 2,000 hanggang 5,000 pesos sa unang pagsuway at kung
paulit-ulit nilang gagawin ay makukulong nang 20 taon at hindi makakabayad para makalabas sa
kulungan. Kapag ang mga patakaran ay naaprubahan ng pamahalaan, ipatupad ito kaagad sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng isang programa sa pagpupulong sa lahat upang ipaalam sa kanila
ang tungkol sa organisasyon na mga patakaran at parusa.
Hakbang 4. Pagsagawa ng Seminar sa mga residente ng Tondo, Manila.
Gumawa ng anunsyo sa eksaktong araw at oras kung saan ang mga bata, kabataan at matatanda ay
tatawagin sa parehong lugar tulad ng gym o covered court. Magsagawa ng pagpupulong sa mga
tao na nagbabalangkas sa mga karapatan ng mga bata, upang talakayin kung ano ang maaaring
maging kahihinatnan ng pag-abuso at sabihin sa kanila ang plano ng Children Counseling and
Rehabilitation Organization(C2RO) upang wakasan ito. Bukod pa dito, tatalakayin sa seminar ang
mga tamang gawin kapag nakakakita ng pang-aabuso sa bata, ano ang mga posibleng parusa at
hotline na maaari nilang tawagan kapag sila ay nakakaranas ng pangaabusong sitwasyon.
Hakbang 5. Magsisimula sa pagkuha sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Pagkatapos ipaalam sa mga residente ang nasabing proyekto at nakakuha ng permiso sa
mga magulang o tagapag-alaga na kuhanin ang mga batang biktima ng pang-aabuso. Upang dalhin
sa ipinatayong Counseling and Rehabilitation Center at isasagawa na ang pagtulong na ialis ang
kanilang takot sa kanilang madilim na dinanas at ibalik ang kanilang normal na pamumuhay
patungkol sa pisikal, emosyonal, mental at espiritwal. Ang mga bata na naging maayos na ay
ibabalik sa kanilang sariling tahanan.
Hakbang 6. Pagtiyak na ang lahat ng mga patakaran at plano ay epektibo.
Magsasagawa ng surbey para malaman na ang mga ipinatupad na patakaran ay tiyak na
natutugunan at dapat na sundin dahil maraming kabataan o bata ang madadamay kung hindi ito
masusunod ay walang mangyayari. Tuwing anim na buwan ay magkakaroon ng surbey para
malaman na ang mga layunin ng proyekto ay natupad o hindi.

VIII. INDIKASYON NG KATUPARAN NG PROYEKTO


Ang “Liwanag sa Dilim ng Pang-aabuso: Kabataan Dapat Bigyang Aksyon, Rehabilitasyon
Bilang Solusyon” proyektong iminumungkahi ng Children Counseling and Rehabilitation
Organization ay idedeklarang matagumpay kung ang mga sumusunod ay makakamit: Ang mga
residente sa lugar ng Tondo, Manila ay nagkaroon ng pagkakaisa na mapahalagahan ang mga
karapatan ng mga bata. Nabigyan ng proteksyon at kaukulang hustisya ang mga batang
biktima. Samantala, ang kaso ng sekswal na pang-aabuso sa mga kabataan o anumang uri ng
pang-aabuso ay bumaba ang porsyento nito.

You might also like