Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 122

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Uri ng Gender, Sex
at Gender Roles sa Iba’t Ibang
Bahagi ng Daigdig

CO_Q3_AP10_Module1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Uri ng Gender, Sex at Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi
ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Einee B. Camota Raquel C. Cruzada
Jherry L. Faustino Alexis B. Pidlaoan
Editor: Leizl S. Cancino Markconi F. Taroma
Perpetua V. Barongan Cristina C. Aquino
Tagasuri: Gemma M. Erfelo Renato S. Santillan
Editha T. Giron Gina A. Amoyen
Tagaguhit: Dennis A. Evangelista
Tagalapat: Lemuel Dino V. Visperas, Katherine Obrero Cordora
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Arlene A. Niro Venus Maria SM. Estonilo
Gina A. Amoyen Renata G. Rovillos
Editha T. Giron
Editha T. Giron
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Uri ng Gender, Sex
at Gender Roles sa Iba’t Ibang
Bahagi ng Daigdig
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Binabati kita at matagumpay mong nakamit ang mahahalagang kaalaman


tungkol sa mga dahilan at epekto ng globalisasyon. Lalo mo ring nahinuha ang
kalagayan ng mga manggagawa sa ating bansa at ang kanilang kinahaharap na
suliranin at mga tugon sa isyu ng paggawa.

Ngayon matutunghayan mo sa unang bahagi ng Aralin I ang pagkakaiba ng


kahulugan ng terminolohiyang kasarian (gender), seks (sex) at gender roles.

Ang gender, sex at gender roles ay mga terminolohiya na ginagamit natin sa


ating pang-araw-araw na buhay, kaya marapat lamang na malaman natin ang
kahulugan at pagkakaiba ng mga ito. Ang pag-intindi sa pagkakaiba-iba ng tatlong
konsepto ay may implikasyon din kung paano natin tignan ang hindi
pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki. Mahalagang malaman ang mga
konseptong ito upang malaman ang mga papel na ginagampanan ng mga tao sa
lipunan base sa papel na ito, binibigyan ito ng pagpapahalaga ayon sa kultura.

Ang Aralin I ng markahang ito ay nakatuon sa mga uri ng kasarian (gender)


at seks (sex) at gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksa.

Paksa 1: Kahulugan at Katangian ng Kasarian (gender) at Seks (sex)


Paksa 2: Uri ng Kasarian (gender) at Sex (sex)
Paksa 3: Gender Roles sa Iba’t-Ibang Bahagi ng Daigdig

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Natatalakay ang uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig. (MELC1)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

1. Nabibigyang kahulugan ang terminolohiyang gender at sex


2. Naipapaliwanag ang uri ng gender at sex
3. Natatalakay ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan
at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
4. Napapahalagahan ang gampanin ng bawat kasarian sa lipunang
ginagalawan

Handa ka na ba para sa panibagong


kaalaman? Halina’t sabay nating
tuklasin ito!

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Subukin

Bilang panimula, sagutan mo ang mga tanong sa ibaba upang masukat ang iyong
kakayahan sa paksa.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa World Health Organization (WHO) (2014) ito ang tumutukoy sa biyolohikal
at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
a. Sex c. Bi-sexual
b. Gender d. Transgender

2. Bukod sa lalaki at babae, mayroon na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang
ibig sabihin ng acronym na LGBT?
a. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy
b. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
c. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy, Queber, Intersex Plus
d. Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender

3. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng


lipunan para sa mga babae at lalaki ayon sa World Health Organization (2014).
a. Sex c. Gender
b. Male d. Female

4. Ito ang simbolo ng kasarian ng kababaihan.

a. b. c. d.

5. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki
ay hindi. Ito ay katangian ng ______.
a. Sex c. Gender
b. Male d. Female

6. May mga panahon na ang bansang Saudi Arabia ay hindi nagpapahintulot sa


kababaihan na magmaneho ng sasakyan. Ito ay isang halimbawang katangian ng?
a. Sex c. Gender
b. Male d. Female

CO_Q3_AP 10_ Module 1


7. Alin ang simbolo na kumakatawan sa LGBT?

a. b. c. d.

8. Ito ay tumutukoy sa masculinity at femininity ng isang indibiduwal.


a. Sex c. Gender
b. Male d. Female

9. Ang kulay pula sa watawat ng LGBT ay nangangahulugan ng _________________.

a. Buhay b. Pag-ibig c. Kalikasan d. Kapayapaan

10. Ito ang simbolo ng kasarian ng kalalakihan.

a. b. c. d.

11-15 Ibigay ang kahulugan ng mga kulay sa watawat ng LGBT. Piliin ang tamang
kasagutan sa loob ng kahon sa ibaba.

Red- _______________________________________

Orange- ____________________________________

Yellow- _____________________________________

Green- ______________________________________

Blue- _______________________________________

Love Wisdom

Spirit and Gratitude Vitality and Energy

Harmony and Artistry Serenity and Nature

Healing and Friendship Life and Sexuality

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Aralin Mga Uri ng Gender, Sex at

1 Gender Roles sa Iba’t Ibang


Bahagi ng Daigdig
Sa nakaraang modyul napag-usapan at napag-aralan ang tungkol sa
Globalisasyon at Migrasyon, mga gawaing kaakibat ng mga ito at kung paano
lumaganap at nababago ang kaisipan at pag-uugali ng mga tao. Natitiyak kong
sasang-ayon ka sa ideya na ang migrasyon ay may tuwirang ugnayan sa konsepto
ng pagkatao ng isang babae o lalaki.

Mula sa araling ito ay tatahakin natin ang isang makulay na paksa. Ito ay ang
patungkol sa gender, sex at gender roles. Narinig mo na ba ang mga terminolohiyang
nabanggit? Iisa ba ang kahulugan ng mga nasabing terminolohiya? Alam mo ba kung
saan at kailan dapat gamitin ang mga nabanggit na terminolohiya?

Sa iyong pagsilang ay mayroon ka nang pagkakakilanlang bayolohikal o


pisikal. Ngunit may mga ibang tao na habang nagkakaisip at nagkakaedad ay
nababago ang kanilang pananaw sa kung anong katangian ang taglay nila. Marahil
ito ay epekto ng kapaligirang kanilang ginagalawan at madami pang rason. Sa
pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang lalawak ang iyong kaalaman sa kung
ano nga ba talaga ang gender, sex at gender roles o ang gampanin ng kalalakihan at
kababaihan sa ating lipunan.

Balikan

Pansinin mo ang iyong sarili. Ano ang kapansin-pansin sa pisikal mong anyo?
Ano ang iyong kasarian (gender)? Ano ang iyong isinasagot kapag tinatanong ang
iyong seks (sex)? May pagkakaiba ba ang gender sa sex? Natitiyak mo ba ang iyong
mga sagot? Tutulungan kita sa pamamagitan ng inihanda kong maikling teksto.
Handa ka na ba? Kung ganun ay simulan mo na ang iyong pagbabasa.

Konsepto ng Gender, Sex at Gender Roles


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ayon sa World Health
Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender
naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Ang gender ay hindi lamang nahahati sa
dalawang kategorya ito ay mayroong iba’t ibang uri.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Katangian ng Sex
Ang sex ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao
mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao. Ang taglay
na mga katangian ng lalaki at babae ay makikita sa anumang lahi, kultura, lipunan
at panahon. Ang mga ilang bayolohikal at pisikal na katangian ng lalaki at babae ay
ang mga sumusunod:

Lalaki

• May adams apple


• May bayag/titi at testicles
• May XY chromosomes
• May androgen at testosterone

Babae

• May developed breast


• May puki at bahay bata
• May xx chromosomes
 May estrogen at progesterone

Katangian ng Gender
Ang gender naman ay isang social contract at nakabatay sa mga salik
panlipunan (social factors).
Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga panlipunang gampanin at tungkulin,
kapasidad, intelektual, emosyonal at panlipunang katangian at katayuan na
nakaatas sa mga babae at lalaki at iba pang kategoryang itinakda ng kultura at
lipunan. Maaaring ikaw ay feminine o masculine depende sa tingin sayo ng lipunan.
Malaki ang epekto ng mga salik na ito sa katangian ng gender katulad ng mga
sumusunod:
 Ito ay natutunan. Ang mga gender roles ay natutunan sa pamamagitan
ng iba’t-ibang social institutions kagaya ng pamilya, eskuelahan, mass
media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho.
 Ito ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon.
 Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


May panahon na ang bansang Saudi Arabia lamang sa buong mundo ang
hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang pag-aresto at pagkulong sa isang Saudi Arabian women's
rights activist na si Aziza Al Yousef.

Si Aziza Al Yousef ay nakulong matapos lumabas sa


Women Driving Ban sa Saudi Arabia. Si Al Yousef ay
kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa
pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
Siya ay nakulong nang mahuling nagmamaneho kasama
si Eman Al-Nafjan, sadya nilang ginawa ito. Silang
dalawa ay magkapareho ang adbokasiya na alisin ang
driving ban para sa kababaihan sa Saudi. Matapos nilang
pumirma sa isang kasunduan na hindi na nila ulit ito
gagawin, sila ay nakalabas ng kulungan.

Sanggunian: http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/meast/saudi-arabia-
female-drivers-detained/

Ngunit ayon sa New York Times noong 2018 ay nabigyang karapatan ang
mga kababaihan na makapagmaneho. Makikita sa ibaba ang orihinal na artikulo
tungkol dito.

Saudi Arabia Granted Women the Right to Drive.


A Year on, It’s Still Complicated.

By Megan Specia
 June 24, 2019

Saudi Arabia granted women the right to drive one year ago, a historic move
that cracked open a window to new freedoms for women who have long lived
under repressive laws. The measure was enacted by the country’s de facto leader,
Crown Prince Mohammed bin Salman, who also eased other restrictions on
women, leading some to hail him as a feminist reformer.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


But behind the celebrations lay larger issues. Despite renewed freedoms on
the road, in the year since the ban was ended, Saudi women remain subject to strict
guardianship laws that prohibit them from making many basic decisions without
the permission of a male relative.

And some of the very activists who fought for their rights have been
languishing behind bars. Here’s what to know a year after the ban on female
drivers was lifted.

Tens of thousands of Saudi women are driving.

Officials say they have issued tens of thousands of driver’s licenses to Saudi
women since last year. A few driving schools catering to women have popped up
and dozens of women have shared celebratory photos with their licenses in hand.

Sanggunian: https://www.nytimes.com/2019/06/24/world/middleeast/saudi-
driving-ban-anniversary.html

Mga Simbolo
Sa panahon ng mga Griyego kilala ang kalalakihan sa larangan ng
pakikipagdigma gamit ang kanilang espada at pana. Samantalang ang kababaihan
ay sumisimbolo ng kagandahan at pagiging modelo ng kanilang makulay na kultura
sa larangan ng pagpipinta. Ito ang naging basehan ng simbolo ng gender o kasarian.
Ang pana ang naging batayan ng simbolo ng lalaki at ang imahen ng salamin ang
naging simbolo ng babae. Samantalang ang pinaghalong simbolo ng lalaki at babae
ang siyang kumakatawan sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).

LALAKI

BABAE

LGBT

Sa Pilipinas, isang mahaba at masalimuot ang kasaysayan ng LGBT


community. Bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila sa bansa ay
nakapaloob na sa ating kultura at tradisyon ang usaping pangkasarian. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang konsepto ng mga babaylan, kung saan kadalasan ang mga
lalaking babaylan ay nagkukunyari at nag-aanyong mga babae upang kalugdan ng
diyos.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Malinaw na ba sa iyo ang konsepto ng kasarian (gender) at seks (sex)? Magaling!
Ngayon, pagtuonan mo ng pansin ang sumusunod na watawat ng LGBT at ang
kahulugan nito.

Kahulugan ng mga Kulay sa Watawat ng LGBT


(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)

• Red – Life and Sexuality

• Orange – Healing and Friendship

• Yellow – Vitality and Energy

• Green – Serenity and Nature

• Blue – Harmony and Artistry

• Violet – Spirit and Gratitude

Sanggunian: https://www.pinterest.ph/pin/431923420497219442/

Gender Roles
Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian.
Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae
at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan. Ayon sa isang artikulo na
mula sa Hesperian Health Guides ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng
komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa
bawat tao na mag-isip, makadama at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila’y
babae o lalaki. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na isinulat sa nasabing
artikulo.
 Ang babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig
at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner.
 Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay
para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at
magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
Sanggunian:
https://fil.hesperian.org/hhg/Where_Women_Have_No_Doctor:Papel_batay_sa_kas
arian_at_gender

Kumusta ang iyong pagbabasa, nadagdagan ba ang mga kaalaman mo


patungkol sa gender at sex? Kung gayon ay handa ka na para sagutin ang susunod
na inihandang pagsasanay. Halika’t umpisahan mo na.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Gawain 2: Kahulugan Ko, Itala Mo.
Panuto: Suriin ang dayagram sa ibaba, mula rito ay bumuo ng iyong sariling
pakahulugan sa dalawang terminolohiya. Isulat sa sagutang papel ang
iyong kasagutan.

SEX GENDER

Lalaki Babae Masculine Feminine


(Male) (Female)

Ang sex ay tumutukoy sa _________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Ang gender ay tumutukoy sa ______________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Ang gender roles ay tumutukoy sa _________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Magaling! Nagawa mong bumuo ng iyong sariling pakahulugan sa mga


terminolohiya gamit ang dayagram. Halina’t sabay pa nating pag-aralan ang mga
mahahalagang paksa na may kaugnayan sa gender at sex. Handa ka na ba? Ituon
mo ang iyong pansin sa susunod na gawain.

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Tuklasin

Gawain 3: Katangian Ko, Ako Ito!

Panuto: Iguhit ang kung ang sumusunod na pangungusap ay naglalarawan ng


katangian ng isang babae at kung ang pangungusap ay naglalarawan
ng katangian ng isang lalaki. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_______1. Dinadatnan ng regla

_______2. May adams apple

_______3. May XY chromosomes

_______4. May titi/bayag/at testicles

_______5. May developed breast

_______6. May kakayahang magdalang tao

_______7. May androgen at testosterone

_______8. May obaryo

_______9. May xx chromosomes

_______10. May may estrogen at progesterone

Pamprosesong mga tanong:


1. Nararanasan mo ba ang mga pagbabagong ito bilang lalaki at bilang
babae?
2. Lalo mo bang nakikilala ang iyong pagkatao dahil sa mga pagbabagong
ito?
3. Mahalaga ba sa iyo bilang lalaki at babae ang mga pagbabagong ito?
Pangatwiran.

Suriin

Ang iyong pagsagot sa mga naunang gawain ay nagpapatunay ng iyong inisyal


na kaalaman tungkol sa paksa. Sa puntong ito ay lalo pa nating palalawakin ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga inihandang teksto sa ibaba. Layunin ng
bahaging ito na malaman mo ang iba’t ibang uri ng gender at sex.

10

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Halina’t simulan mo nang tuklasin ang mga kaalaman sa paksang ito at
ipakita mo ang iyong galing sa pagsagot ng mga inihandang gawain.

Paksa 1: Uri ng Gender at Sex

Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGIE)?

Ayon sa GALANG, isang organisasyon sa Pilipinas na naglalayong ipagtanggol


ang karapatang ng mga nasa laylayan na miyembro ng LGBT at ayon din sa
Yogyakarta Principles (2006), ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Samantalang ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian
(gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. Kabilang na dito ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili,
sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy
kung kanino ka naaakit, kung siya ay lalaki o babae o pareho o wala. Ang
oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heteroseksuwal, homoseksuwal,
at biseksuwal, atbp. Samantalang ang gender identity and expression ay nagsasaad
ng identipikasyon o pagkakakilanlan o pagpapahayag sa sarili. Ito ay depende sa tao
at karanasan nya sa lipunanag ginagalawan nya.

 Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng


kanyang kasarian.

 Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang


kasarian.

 Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya


ay AC-DC, silahis, atbp.

 Intersex –tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi


akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit
mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay
hermaphrodite.

 Lesbian–babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa


kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.

 Gay–lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya


ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.

 Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa


ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag
sa kanya ay transwoman, transman, atbp.

11

CO_Q3_AP 10_ Module 1


 Queer – tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o
nag-iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang.

Gawain 4: Buuin Mo Ako!


Panuto: Isulat sa loob ng puzzle ang kasagutan gamit ang mga gabay na tanong sa
susunod na pahina. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

1 4

7 8

10

6 3

PATAYO
1. Mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang
kasarian.

4. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong


apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong

12

CO_Q3_AP 10_ Module 1


ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit
sa isa. (Sexual__________________)

6. Mga tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa


lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang
male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite.

7. Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian


ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan.
(Sexual __________________)

8. Mga tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung
ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya
ay transwoman, transman, atbp.

PAHIGA
1. Mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.

2. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.

3. Lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay


bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.

9. Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng


lipunan para sa mga babae at lalaki.

10.Tumutukoy sa bayolohikal at pisyolohiko na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki.

Kahanga-hanga ka, tunay ngang bihasa ka na sa paksa tungkol sa uri ng


kasarian (gender) at sex. Ngayon ay handa ka na para sa susunod na paksa.

Paksa 2: Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Paano natutunan ang Gender Role sa Pilipinas


Ang Gender Role ay ipinapasa ng mga magulang sa mga anak natutunan ito
sa pamamagitan ng magkaibang trato ng mga magulang sa kanilang anak na babae
at lalaki. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mag-anak nasusubaybayan ng mga
bata ang kanilang mga magulang sa kanilang mga gawi at kilos, pagtrato sa isa’t-isa
at papel sa komunidad na kanilang kinabibilangan. Dahil dito, tinanggap ng mga
bata ang mga naturang papel para mapasaya ang kanilang mga magulang.
Tumutulong din ang gender role na malaman ng mga bata kung sino sila at
kung ano ang inaasahan sa kanila. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago rin
ang mga papel batay sa gender role. Isang halimbawa nito ang pagbabago ng gender
roles ng mga kababaihan at kalalakihan mula noong panahon ng Kastila, Hapones,
Amerikano at hanggang sa kasalukuyan. Basahin at suriin ang matrix sa ibaba.

13

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Pre-kolonyal Ang kababaihan bagamat na maaaring maging pinuno
ng pamahalaan ay tumatamasa pa rin ng mga maliit
na lebel ng karapatang pantao sapagkat ang mga
kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng madami, at
maaaring makipaghiwalay sa mga babae at may
karapatan ding kunin ang ari-arian na una nang
naibigay sa babae.
Panahon ng Kastila Ang mga kababaihan ay dapat na maging mahusay sa
gawaing bahay. Inaasahan din sila na magkaroon ng
malaking pakikipagugnayan sa relihiyon at simbahan.
Ang mga kalalakihan ang madalas na kumikita at
bumubuhay sa kanilang may bahay at pamilya.

Sa panahon ng pag-aalsa ang mga kababaihan ay


naging parte rin ng pagkamit ng kalayaan laban sa
mga Kastila. Ang iba ay naging mga bayani, tulad na
lamang ni Gabriela Silang.
Panahon ng Amerikano Ang pinakamalaking pagbabago sa panahon ng
Amerikano ay ang pantay na pagtanggap ng mga
paaralan sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga
kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa
sarilli nilang pamamaraan. Kasabay nito ang
pagbibigay karapatan sa mga kababaihan na bumoto.
Panahon ng Hapones Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at
kababaihan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Kasalukuyan Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng mga tao


tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan sa
kahit na anong kasarian.

Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig

Sa mga iba’t-ibang rehiyong ng mundo, ay iba iba ang gender roles ng mga
lalaki at babae. Hindi maitatatwa na mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo
na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng
mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto.
Nito lamang Ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa
at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng
Saudi Arabia sa paghihigpit sa kababaihan hanggang dumating ang taong 2015
nang pormal na naibigay sa mga kababaihan ng Saudi Arabia ang karapatang
bumoto ayon sa ulat ng BBC News, Disyembre 12, 2015. Ayon din sa datos ng World
Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang
Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga
babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng
tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.

14

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan sa Kanlurang Asya
Africa

Lebanon (1952) Egypt (1956) Syria (1949, 1953)


Tunisia (1959) Yemen (1967) Mauritania (1961)
Iraq (1980) Algeria (1962) Oman (1994)
Morocco (1963) Kuwait (1985, 2005) Libya (1964)
Sudan (1964) Saudi Arabia (2015)
*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong
2005.

Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari


ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan. Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao
ng kababaihan.
Sa South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga Lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa
rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong
taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga
miyembro ng LGBT.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

Taong 1931 nang ang Antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa
na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang
pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili
roon nakatagpo nila ang 3 pangkulturang pangkat: Arapesh, Mundugamur, at
Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito,
nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging
sa Estados Unidos. Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na
nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na
ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga
anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Samantala sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin
sa tawag na Biwat). Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente
at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling
pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga lalaki
ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilarawan
nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap
ng makakain ng kanilang pamilya, samantalang ang mga lalaki naman ay inilarawan
bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Sanggunian: (A) Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies. HarperCollins
Publishers, 1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html

15

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Gawain 5: Lakbayin Mo, Gampanin Ko
Matapos na mabasa ang teksto tungkol sa gender roles sa Pilipinas punan
ang matrix sa ibaba na magpapatunay ng iyong natutunan. Itala ang mga
panlipunang gampanin (gender roles) ng mga kalalakihan at kababaihan sa ibat-
ibang panahon. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

PILIPINAS
PANAHON LALAKI BABAE

KASTILA

AMERIKANO

HAPONES

KASALUKUYAN

Pagyamanin

Binigyang-diin sa bahagi ng modyul na ito ang gender roles sa iba’t ibang


panig ng daigdig. Marami ka bang nalaman sa paksang tinalakay? Kung gayon
patunayan mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa inihandang
gawain sa ibaba.

Gawain 6: Isip! Isip!


Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Itala ang sagot sa sagutang papel.

________1. Maliban sa mga bansa sa kanlurang Asya, anong kontinente ang


kabilang na pinayagan ang kababaihan na bumoto.
________2. Siglo kung saan pinayagan ang mga bansa sa Kanlurang Asya na bumoto
ang kababaihan.
________3. Ang bansa na kung saan naipagkaloob noong 2015 ang karapatang
bumoto.
________4. May panahon na hindi natamasa ng mga kababaihan ang karapatan sa
pagmamaneho at pagboto at hindi rin natamasa ng mga kababaihan sa
ilang bansa sa Kanlurang Asya at Africa ang ___________.
________5. Taon kung kailan ibinigay ang karapatang bumoto ng kababaihan sa
bansang Lebanon.
________6. Bansang natamasa ang karapatang bumoto ng kababaihan sa taong
1956.

16

CO_Q3_AP 10_ Module 1


________7. Bansang binawi ang karapatang bumoto ng mga babae at bumalik noong
2005.
________8. Sa bahagi ng bansang ito, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain.
________9. Ayon sa World Health Organization, ilang milyon ng kababaihan ang
biktima ng Female Genital Mutilation.
________10. Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan.

Pamprosesong mga Tanong:


1. May mabuti bang dulot ang female genital mutilation o FGM sa mga babae? Ano
sa palagay mo ang epekto sa: a) emosyonal, b) sosyal, at c) sikolohikal na
kalagayan ng mga babaeng sumailalim dito?
2. Bakit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang
Asya?
3. Ayon sa binasa, pantay ba ang pagtingin sa kababaihan at mga miyembro ng
LGBT sa Africa at Kanlurang Asya? Magbigay ng patunay.
4. May kalayaan bang magpahayag ng damdamin ang kababaihan at mga miyembro
ng LGBT sa bahaging ito ng mundo? Patunayan ang sagot.

Gawain 7: Sino Kaya?


Panuto: Tukuyin kung anong pangkat nabibilang ang sumusunod na gampanin.
Titik lamang ang isulat sa patlang. Gumamit ng sagutang papel.

A. Arapesh B. Mundugumor C. Tchambuli

_______1. Walang mga pangalan ang mga tao sa pangkat.

_______2. Maalaga at mapag-aruga sa kanilang anak.

_______3. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga.

_______4. Ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gawain.

_______5. Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang at agresibo.

_______6. Ang mga babe ay dominante kaysa sa mga lalaki.

_______7. Nangangahulugang tao.

_______8. Kilala sa tawag na Chamri.

_______9. Kilala sa bansag na Biwat.

_______10. Ang mga lalaki sa pangkat na ito ay abala sa pag-aayos sa sarili at mahilig
sa kuwento.

17

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Binabati kita dahil nagawa mong sagutan ang mga gawain na lalong
nagpayaman sa iyong kaalaman. Sa puntong ito patunayan mo ang iyong galing sa
pagsagot ng mga inihandang katanungan.

Isaisip

Ako ay nagagalak dahil narating mo ang bahaging ito ng modyul. Malapit mo


na itong matapos kaya sagutin mo ang sumusunod na gawain bilang patunay na
lubos mo nang naunawaan ang mga konsepto at kaalaman na dapat mong
matutuhan sa paksang ito.

Gawain 8. Halina’t Magsaliksik


Ngayong alam mo nang may mga katutubong pangkat sa New Guinea kung
saan ang mga babae at lalaki ay may kakaibang gampanin o papel, subukin mo
naman ngayon na magsaliksik kung mayroon din ganitong pangkat sa Pilipinas.
Gamiting gabay ang kasunod na impomasyon:

Gender Roles ng katutubong Pangkat sa Pilipinas


________________________________________________________________________________

Maikling Paglalarawan

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Gampanin ng Lalaki Gampanin ng Babae

Website na maaaring gamiting sanggunian:


Tattooed women of Kalinga:
http://www.onetribetattoo.com/history/filipino-tattoos.php
http://www.everyculture.com/No-Sa/The-Philippines.html
Ang mga mag-aaral ay maaari ring humanap ng ibang sanggunian.

18

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Isagawa

Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa


paksa. Inaasahan ding sa bahaging ito ay kritikal mong masusuri ang mga
konseptong iyong napag-aralan na may kinalaman sa gender, sex at gender roles sa
lipunan ng Pilipinas at ng ibang bansa.

Bilang patunay ng iyong matibay na kaalaman sa paksa, isagawa mo ang


Gawain 9: Magtanong-tanong.

Gawain 9: Magtanong-Tanong
Panuto: Magsagawa ng sarbey sa loob ng inyong tahanan. Alamin at itala ang
gampanin ng bawat miyembro ng inyong pamilya. Gawing gabay ang
kasunod na format. Gawin ito sa sagutang papel.
MIYEMBRO NG PAMILYA GAMPANIN

Tatay

Nanay

Kuya

Ate

Bunso

Iba pang kasapi ng pamilya

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang napansin mo sa kanilang sagot? Mayron bang pagkakaiba?
2. Malinaw ba ang gampanin ng bawat isa sa loob ng inyong tahanan? Ipaliwanag.

19

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Tayahin

Tunay ngang ikaw ay magaling, pinatunayan mo ito sa pamamagitan ng


pagsagot ng tama sa lahat ng gawain. Bilang pagtatapos ng araling ito, sagutin mo
ang lahat ng katanungan sa bahagi ng tayahin. Kaya mo yan.

Gawain 10: Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang


papel ang titik ng tamang sagot.

_____1. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang


27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin
nito?
a. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
b. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
c. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-
pantay ng mga LGBT.
d. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa
pang-aabuso at karahasan.
_____2. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?
a. Sex Orientation and Gender Identity and Expression.
b. Same sex Orientation and Gender Identity Expression.
c. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression.
d. Sexual Orientation and Gender Identification Expression.
_____3. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya,
iba sa kanya, o kasariang higit sa isa:
a. Gender Crisis
b. Gender Identity
c. Sexual Identity
d. Sexual Orientation
_____4. Ito ay malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang
siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling
katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.
a. Gender Crisis
b. Gender Identity

20

CO_Q3_AP 10_ Module 1


c. Sexual Identity
d. Sexual Orientation
_____5. Ito ay mga tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng
kanyang kasarian.
a. Asexual
b. Bisexual
c. Homosexual
d. Heterosexual
_____6. Ano ang gender roles?
a. Kamulatang pangkasarian
b. Pagkakaiba sa pagitan ng babae at lalaki
c. Pangkat ng mga pamantayan ng pag-uugali at panlipunan na
itinuturing na akma o angkop sa lipunan
d. Tumutukoy sa tungkulin o papel kung saan kaakibat nito ang
responsibilidad na kailangang gampanan ng bawat isa
_____7. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay
pinayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sakaling makita niya itong may
kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa
b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang
tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan
_____8. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation
(FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing
layunin nito?
a. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
b. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
c. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan
d. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay
makasal
_____9. Isa sa mga pangkulturang pangkat ng New Guinea na kung saan kilala rin
sila sa tawag na biwat. Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng New Guinea?
a. Arapesh c. Tchambuli
b. Chambri d. Mundugamur
_____10. May panahon na bukod sa hindi pagboto ng kababaihan sa ilang bansa sa
Africa at Kanlurang Asya isa din na ipinagbabawal sa nabanggit na mga
bansa ay ang
a. Paglalakbay c. Pagmamaneho
b. Pag-aasawa d. Paglabas ng gabi

21

CO_Q3_AP 10_ Module 1


_____11. Ang Arapesh ay nangangahulugang:
a. Tao c. Anak
b. Biwat d. Chambri
_____12. Anong karapatan ang matagal ng pinagkaloob sa kababaihan ng mga
bansa sa Africa at Timog Asya noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo?
a. Pagboto c. Pag-aasawa
b. Paglalakbay d. Pagmamaneho
_____13. Anong bansa ang pinayagan ang kababaihan na bumoto noong 1952?
a. Syria c. Lebanon
b. Yemen d. Saudi Arabia
_____14. Ang FGM ay nangangahulugang:
a. Fatal Genital Mutilation c. Female Genital Mutilation
b. Fetus Genital Mutilation d. Female Genitics Mutigation
_____15. May panahon sa bansang ito na kung saan hindi pinapayagang
magmaneho ang mga babae na walang pahintulot sa kamag-anak na
lalaki (asawa, magulang o kapatid), ngunit natamasa nila ang karapatang
ito noong 2018.
a. Egypt c. Africa
b. Syria d Saudi Arabia

Karagdagang Gawain

Gawain 11: Ipahayag Mo, Damdamin Mo!


Panuto: Patunayan mo ang iyong kaalaman at ilahad ang iyong punto sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang “hugot line” na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa gampanin ng lalaki at babae sa lipunan at maging sa
daigdig. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

Lalaki Babae

22

CO_Q3_AP 10_ Module 1


CO_Q3_AP 10_ Module 1
23
Karagdagang Gawain Tayahin Gawain 7: Sino Kaya?
1. c 1. a
2. c 2. a
Maaring magkakaiba 3. a
3. d
ang sagot ng mga 4. c
4. b
mag-aaral. Ang guro 5. b
5. d
ang bahalang 6. c
6. d
magpasya at magbigay 7. a
7. d
ng puntos 8. b 8. c
9. d 9. b
10. c 10. c
11. a
12. a
13. a
14. c
15. a
Gawain 6: Isip! Isip!
1. Aprika Gawain 3: Katangian Subukin
2. Ika-20 siglo Ko, Ako Ito! 1. a
3. Saudi Arabia 11. Babae 2. d
4. Paglalakbay 12. Lalaki 3. c
5. 1952 13. Lalaki 4. a
6. Egypt 14. Lalaki 5. a
7. Kuwait 15. Babae 6. c
8. South Africa 16. Babae 7. b
9. 125 milyon 17. Lalaki 8. c
10. Female Genital 18. Babae 9. a
19. Babae 10.c
20. Babae 11.Life and Sexuality
12.Healing and
Friendship
Gawain 5:Basa -Suri Gawain 2: Kahulugan 13.Vitality and Energy
Ko, Itala Mo. 14.Serenity and
Maaring magkakaiba Nature
Maaring magkakaiba 15.Harmony and
ang sagot ng mga mag- ang sagot ng mga mag-
aaral. Ang guro ang Artistry
aaral. Ang guro ang
bahalang magpasya at bahalang magpasya at
magbigay ng puntos magbigay ng puntos
Susi sa Pagwawasto
Gawain 4: Buuin Mo Ako!

H O M O S E X U A L

E R R E D N E G

T I

E E I T

R N D R

O T A S E X U A L

S A N N

E T X T S

X I E I G

U O S T E

A N R Y N

L E D

T S E X

N R

I G A Y

24

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Sanggunian
Mga Aklat:
Department of Education, “Kontemporaryong Isyu”, Modyul ng mga Mag-aaral,
2017 pahina 246-266

Department of Education, “Kontemporaryong Isyu”, Gabay ng mga Guro, 2017


pahina 244-249

Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three Primitive Societies. HarperCollins


Publishers, 1963. http://www.loc.gov/exhibits/mead/field-sepik.html

Websites
CNN 2013: 2 Saudi women detained for driving in ongoing bid to end ban
http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/meast/saudi-arabia-female-drivers-
detained/

Gender Roles and Statuses


http://www.everyculture.com/No-Sa/The-Philippines.html

The LGBT Pride Flag


https://www.pinterest.ph/pin/431923420497219442/

New York Times (2018): Saudi Arabia Granted Women the Right to Drive.A Year on,
It’s Still Complicated.
https://www.nytimes.com/2019/06/24/world/middleeast/saudi-driving-ban-
anniversary.html

Papel batay sa kasarian at gender


https://fil.hesperian.org/hhg/Where_Women_Have_No_Doctor:Papel_batay_sa_k
asarian_at_gender

Paano natututunan ang mga gender role


https://fil.hesperian.org/hhg/Where_Women_Have_No_Doctor:Papel_batay_sa_k
asarian_at_gender

GALANG: A Movement in the Making for the Rights of Poor LBTs in the Philippines
https://www.awid.org/sites/default/files/atoms/files/changing_their_world_2_-
_galang-_rights_of_poor_lbts_in_the_philippines.pdf

Yogyakarta Principles
https://en.wikipedia.org/wiki/Yogyakarta_Principles

BBC News 2015: Saudi Arabia's women vote in election for first time
https://www.bbc.com/news/world-middle-east-35075702

25

CO_Q3_AP 10_ Module 1


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


1
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

CO_Q3_AP 10_ Module 2


Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Einee B. Camota, Jherry L. Faustino, Raquel C. Cruzada,
Alexis B. Pidlaoan
Editor: Leizl S. Cancino, Perpetua V. Barongan, Markconi F. Taroma,
Cristina C. Aquino
Tagasuri: Editha T. Giron, Gemma M. Erfelo, Gina A. Amoyen,
Renato S. Santillan
Tagaguhit: Dennis A. Evangelista
Tagalapat: Lemuel Dino V. Visperas, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Arlene A. Niro
Gina A. Amoyen
Editha T. Giron
Venus Maria SM. Estonilo
Renata G. Rovillos

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region I

Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union


Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin
na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling malaking isyu at


hamon ang pagkapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa araling ito, ilalatag ang mga
impormasyong nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at
LGBT. Nakapaloob din sa araling ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing
diskriminasyon at ibat ibang isyus hinggil sa kasarian na nararanasan sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

Inaasahan na matutuhan mo lahat ang mga aralin na inihanda para sa iyo.


Ang Aralin 2 ay tumutukoy sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan. Ito ay nahahati
sa sumusunod na paksa:

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga Kalalakihan, Kababaihan at LGBT


Paksa 2: Mga karahasan sa mga Kababaihan, Kalalakihan at LGBT

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang mga ibat ibang uri ng diskriminasyon sa kababaihan,


kalalakihan, at LGBT. (MELC2)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

1. nabibigyang kahulugan ang mga salitang karahasan at diskriminasyon;


2. natutukoy ang mga uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa mga
kababaihan, kalalakihan at LGBT;
3. natatalakay ang iba’t ibang anyo ng karahasan laban sa mga kababaihan,
kalalakihan, at LGBTQ; at
4. nakikilala ang mga personalidad na kabilang sa LGBT Community at ang
kanilang kontribusyon sa lipunan.

1 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Subukin

Bago simulan ang pag-aaral, sagutan ang paunang pagtataya upang masubok
ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Ito ay magsisilbing
gabay upang magkaroon ka ng ideya at mawari ang nilalaman ng modyul na ito.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik lamang ng wastong
sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat sa hiwalay na papel ang mga napiling
sagot.

1. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano
ang tawag sa anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksiyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat
ng kasarian ng kanilang mga karapatan at kalayaan?
A. Paghihiwalay
B. Pagbubukod
C. Diskriminasyon
D. Pag-uuri uri

2. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa kalalakihan.
C. Ang mga lalaki ay maaaring gawin ang mga gawaing bahay.
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang
naiiwan sa bahay.

3. Nag-aapply ng trabaho sina James at Mila sa isang kompanya. Natanggap si


James ngunit hindi natanggap si Mila kahit na mas mataas ang kanyang
kuwalipikasyon at nakapagtapos sa isang kilalang unibersidad. Napagalaman nila
na madalang kumuha ng empleyado na babae ang pribadong kompanya sapagkat
mabagal daw magtrabaho ang mga babae bukod sa madalas pa lumiban ang mga
ito kaysa sa mga kalalakikan. Sa Pilipinas, may batas na nagbabawal ng
diskriminasyon tungkol sa mga tuntunin at kundisyon ng pagtatrabaho na batay
sa kasarian. Alin sa mga batas ang tumutugon sa kaso ni Mila?
A. RA 6725 C. RA 7882
B. RA 9262 D. RA 7877

2 CO_Q3_AP 10_ Module 2


4. Bukod sa lalaki at babae lantad na rin ang mga tinatawag na LGBT. Ano ang
kahulugan ng inisyalismo na LGBT?
A. Lesbian, Gay, Bisexual, at Tomboy
B. Lesbian, Gangster, Bakla, Tomboy
C. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender
D. Lesbian, Guy, Bisexual at Transgender
5. Ang UN-OHCR o “Office of the United Nations High Commissioner for Human
Rights”, ay isang pandaigdigang samahan na nagusulong ng pantay na proteksiyon
ng mga karapatang pantao at Kalayaan na nakasaad sa Universal Declaration of
Human Rights. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng Katangian ng
Karapatang Pantao?
A. Ang mga Karapatang Pantao ay para sa lahat ng mga tao.
B. Ang mga Karapatang Pantao ay hindi maililipat kaninuman.
C. Ang mga karapatang pantao ay hindi natatangi.
D. Ang mga karapatang pantao ay hindi sapilitan.
6. Si Jennifer Laude ay isang transgender o transwoman na nagkaroon ng masaklap
na karanasan sa buhay. Nang natuklasan na siya ay hindi tunay na babae, siya
ay pinatay ni Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton, isang Amerikano na kabilang
sa Hukbong Kawal Pandagat ng Estados Unidos noong taong 2014. Sa iyong
palagay, ano ang maari mong gawing hakbang upang lalong maging katanggap-
tanggap sa lipunan ang mga LGBT Community?
A. Sumama sa lahat ng organisasyon na may kinalaman sa LGBT
B. Sumali sa mga demonstrasyon upang marinig ng pamahalaan ang hinaing
ng mga LGBT
C. Suportahan ang mga batas o polisiya na nangangalaga at nagpoprotekta sa
kapakanan ng LGBT
D. Sumang-ayon na lamang sa ipinaglalaban ng grupong nasalihan upang
maipakita ang pagsuporta sa LGBT
7. Nararanasan pa rin ang pandaigdigang karahasan at diskriminasyon sa mga
kababaihan at kalalakihan lalo na ang mga kasapi sa LGBT. Ano ang maari mong
gawin upang matugunan ang mga pandaigdigang isyung ito?
A. Sasabihin ko sa kinauukulan ang mga pangyayari sa aming barangay
B. Wala akong pakialam dahil hindi naman ako kasapi sa mga nakaranas ng
ganoong sitwasyon at diskriminasyon
C. Ipapalaganap ko sa sosyal midya ang mga karahasan at diskriminasyon na
nangyayari sa ating bansa upang sa ganoon ay makagawa ang ating
pamahalaan maging ang pandaigdigang samahan ng mga programa na
makapagpipigil ng karahasan at diskriminasyon
D. Maging mulat at mapagmasid
8. Nakita ni Kapitan Tiyago na inaapi o tinutukso si Angel, isang binabae o kasapi
ng LGBT. Bilang pinuno sa barangay, ano ang maaari mong gawin upang
maiwasan ang ganitong pangyayari?
A. Ipapakulong ko ang mga lumalabag sa karapatang pantao.
B. Pagsasabihan ko ang mga kabataan na mahuhuling lumalabag sa
kasunduan o ordinansa ng barangay.
C. Ipapatawag ko ang mga magulang at pagbabayarin ng danyos sa pamilya ni
Angel.
D. Magpapatawag ako ng isang pulong at magsasagawa ng isang seminar sa
kabataan patungkol sa nasabing problema.

3 CO_Q3_AP 10_ Module 2


9. Ikaw ay isang lider ng samahang LGBT, bagaman ikaw ay mabuting tao, hindi
maikakaila na marami pa rin ang gumagawa ng hindi naaayon sa gawi at kultura
ng lipunan. Ano ang puwede mong gawin upang mabago ang pananaw ng
karamihang tao tungkol dito?
A. Bilang pinuno sila ay pagsasabihan ko upang sila ay matauhan.
B. Wala akong gagawin na tugon sa isyung iyan dahil wala naman akong
ginagawang masama.
C. Sasabihan ko sila nang paulit-ulit na gumawa sila ng mabuti sa kapwa
habang nabubuhay sila
D. Hindi ko kontrol ang kanilang kilos o galaw ngunit aanyayahan ko sila sa
isang pagtitipon na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian
upang matututo sa kanilang ginagawa.
10. Ito ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan na tinutuligsa dahil sa
konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur’an; Nauugnay din sa
massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato sa kababaihan, at suicide
bombings.
A. NPA C. Talibanay
B. ISIS D. Al–Qaeda
11. Habang ikaw ay naglalakad papunta sa inyong silid aralan, nakita mo si Roy na
kapwa mo mag-aaral na pinagsasabihan ng masasakit na salita ni Bb. Rosalie
na inyong guro. Pinalabas siya sa klase sapagkat hindi siya nakasuot panlalaki.
Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin ko ang aming guro na huwag niyang pakialaman ang mga
kapwa ko mag-aaral sa kanilang pananamit.
B. Pagsasabihan si Roy na huwag na lang siyang magpatuloy sa pag-aaral
upang makaiwas sa gulo.
C. Kakausapin ko si Bb. Rosalie na papasukin pa rin sa klase si Roy dahil
karapatan niyang makapag-aral at magkaroon ng kasunduan sa tamang
pananamit.
D. Hahayaan ko si Bb. Rosalie sa kanyang desisyon at irereklamo ko siya sa
kinauukulan.
12. Nagising ka dahil narinig mong umiiyak ang iyong nanay. Sa pagsilip mo sa
kuwarto nila, pinagbubuhatan ng kamay ng lasing mong tatay ang iyong nanay.
Ano ang gagawin mo upang matulungan mo ang iyong nanay?
A. Makialam at suntukin mo rin ang iyong ama.
B. Gisingin ang iyong mga kapatid upang upakan ang inyong ama.
C. Puntahan ang mga nakatatandang kapatid ng iyong ama at ipabugbog o
ipakulong siya.
D. Ireport sa barangay ang pangyayari.
13. Naimbitahan mo si Kiko sa isang pormal na okasyon, ngunit ikaw ay nabigla
nang nakita mo siyang nakasuot pambabae. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko na siya kikilanin bilang kaibigan.
B. Magpapanggap na lang na hindi ko siya kilala.
C. Tuloy ang okasyon, hindi ako magbabago sa pagkakakilala ko sa aking
kaibigan.
D. Pagsasabihan ko siya na magpalit ng kasuotan upang hindi siya kahiya-
hiya.

4 CO_Q3_AP 10_ Module 2


14. Si Matmat ay isa sa mga tagapagtatag ng isang samahang LGBT. Anong
programa ang maaari niyang imungkahi sa kanilang lokal na pamahalaan upang
lalong makilala ang karapatan ng LGBT?
A. Magkaroon ng Beauty Contest tulad ng “That’s My Tomboy,” “Miss Gay” sa
kanilang lokal na pamahalaan.
B. Magkaroon ng feeding program sa kanilang barangay.
C. Magkaroon ng Fun Run ang lahat ng miyembro ng LGBT.
D. Magtayo ng isang organisayong LGBT upang mapigilan ang
diskriminasyon.
15. Kung isa sa iyong kapatid na lalaki ay kumikilos nang taliwas sa kanyang
kasarian, bilang kapatid ano ang iyong nararapat na gawin?
A. Tanggapin ang pagbabagong nangyayari sa kanya.
B. Huwag pansinin ang mga pagbabagong nangyayari sa kanya.
C. Hayaan na lamang ang pagbabagong nangyayari sa kanya.
D. Hindi katanggap-tanggap ang pagbabagong nangyayari sa kanya.

Aralin
Mga Isyu sa Kasarian at
1 Lipunan

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang pagtingin sa mga kalalakihan at


kababaihan sa iba’t ibang lipunan sa daigdig partikular na sa Africa at Kanlurang
Asya. Upang mapatunayan na ito ay naintindihan mo, iyong balikan ang dating
kaalaman at pag-unawa sa pamamagitan ng pagtupad sa gawain na nasa ibaba.

Gawain 2: Babae ako, Boboto ako!

Panuto: Punan ang talahanayan. Isulat ang taon kung kailan nabigyan ng
karapatang bumoto ang kababaihan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

5 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Kanlurang Asya Africa
Egypt
Lebanon
Tunisia
Syria
Mauritania
Yemen
Algeria
Iraq
Morocco
Oman
Libya
Kuwait

Sudan

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Tuklasin

Sa kasaysayan, ang mga kalalakihan ay higit na nabibigyan ng malawak na


karapatan kaysa sa kababaihan noong panahon ng mga Kastila. Isang halimbawa
nito ay ang pagbibigay ng priyoridad sa mga lalaki na makapag-aral kaysa sa mga
babae. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nakilala ang mga kababaihan
bilang katuwang ng mga kalalakihan at sa katunayan ay marami na ring mga babae
ang naging matagumpay sa iba’t ibang larangan. Matatalakay sa modyul na ito ang
paksa tungkol sa isyung diskriminasyon at ilang personalidad na nakilala sa iba’t
ibang larangan sa bansa at maging sa buong daigdig.

6 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 3: Iugnay Mo!

Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa diskriminasyon. Itala ang mga
ito sa loob ng arrow ng concept map sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

DISKRIMINASYON

Suriin

Ngayon ay babasahin mo ang teksto tungkol sa mga diskriminasyong


nararanasan ng mga kalalakihan, kababaihan, at LGBT sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Handa ka na ba? Simulan na natin!

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBT

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa


kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng
politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin
sila ng diskriminasyon at karahasan. Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination
of Violence Against Women (DEVAW) na: “Ang karahasan laban sa kababaihan ay
isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan
at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang
karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang
posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.”

7 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa
isang ulat noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development
Fund for Women (UNIFEM). Isinasaad dito na: “Nangyayari sa buong daigdig ang
karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Ayon pa
kay Annan isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng
pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang
buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.”

Ngunit hindi lamang ang kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at


karahasan, maging ang mga kalalakihan ay biktima nito. Sa katunayan, maraming
kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng
kanilang maybahay.

Sa panayam ni Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng


Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman, sinabi niya
na, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na
pananalita ng kanilang mga misis. Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible
minority” ang mga LGBT, sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at
marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap
sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High


Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at
matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa,
pamilya, komunidad at pamahalaan. Ang ganitong uri ng pagkatao ay nagkakaroon
ng diskriminasyon lalong lalo na sa oportunidad sa pagtatrabaho, pagkakaroon ng
karapatan sa pagpapakasal, o pagkakaroon ng sariling negosyo. Nagpapakita
lamang na kahit isinusulong ang pagkapantay-pantay sa bawat tao ay mayroon
paring diskriminasyon lalong lalo na sa mga LGBT.

Sa kabuuan, layon ng araling ito na pagtuunan ng pansin ang mga isyung


kinakaharap ng lipunan kaugnay sa mga karahasan at diskriminasyon kontra sa
mga kababaihan, kalalakihan at LGBT. Bagama’t may kapulungang nagtatanggal sa
lahat ng mga porma ng diskriminasyon laban sa kababaihan tulad ng Convention on
the Elimination of All Forms of Discriminations Against Women (CEDAW) na pinagtibay
noong 1979 ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa, may ilang mga
bansa at insidente pa ring hindi pantay ang pagtingin at pagtrato sa mga
kababaihan.

Sa susunod na bahagi ng aralin ay makikilala mo ang ilang mga personalidad


na naging tanyag sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa buong mundo.
Maaari ring mangalap ng iba pang impormasyon tungkol sa mga personalidad na ito
upang mas malawak na makilala ang kanilang buhay at kontribusyon bilang kasapi
ng lipunan.

Mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan

ELLEN DEGENERES (lesbian)


Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa
pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.
Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni Charice
Pempengco. Noong Nobyembre 2011, ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay
ginawaran siya ng isang importanteng sugo para sa Global AIDS Awareness.

8 CO_Q3_AP 10_ Module 2


TIM COOK (gay)
Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple
products. Siya ay pumasok sa kompanyang ito noong Marso 1998. Bago mapunta
sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang
may kinalaman sa computers.

DANTON REMOTO (gay)


Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at
mamamahayag. Siya ay tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing
Contest for Young People na naging dahilan kung bakit naging iskolar siya sa Ateneo
de Manila University. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan
na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (babae)


Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa
paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong
teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa kompanya, naitalaga siya sa
iba’t ibang matataas na posisyon. Noong taong 2015, siya ay pinangalanang ika-20
pinakamalakas na babae sa mundo ni Forbes. Taong 2017 siya ay napabilang sa
Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.

CHARICE PEMPENGCO (lesbian)


Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa
ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.”
Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid. Noong 2010, inilabas ang kanyang
unang internasyunal na studio album na Charice at pumasok ito sa ika-pitong
pwesto sa Billboard 200 na naging dahilan upang si Charice ang kauna-unahang
Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng
Billboard 200.

ANDERSON COOPER (gay)


Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent
open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kanyang
coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang
host at reporter ng Cable News Network o CNN.

PARKER GUNDERSEN (lalaki)


Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion
retailer na may sangay sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines,
Hong Kong, at Taiwan.

GERALDINE ROMAN (transgender)


Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan
ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng Anti-
Discrimination Bill sa Kongreso. Siya ay nakapagtapos ng kursong European
Languages major in Spanish and French sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng
Master’s Degree in Journalism sa Unibersidad del Pais Vasco sa Northern Spain.

9 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang halimbawa ng
diskriminasyong kinakaharap ng lalaki, babae at LGBT.

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksiyon


batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan

Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang


siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012
dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae
sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka
sa buhay ni Malala. Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas
ang pagbaril sa kanyang ulo.

Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan.


Tinutuligsa ang Taliban sa konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur’an.
Itinuturing ng Estados Unidos na terorista ang grupong Taliban. Ilan sa mga
akusasyong ibinabato sa Taliban ay massacre, human trafficking, di-pantay na
pagtrato sa kababaihan, at suicide bombings.

Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa


Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong
2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon
ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim.
Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga
babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na
muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang
babae pa lamang si Malala na nangangarap na makapag-aral. Nagsimula ang mga
pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga
pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay
ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang
paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.

Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng


edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang mga
pagkilala at parangal ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang
mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng
daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon
na makapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon.
Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo para sa edukasyon ng
mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si
Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon

10 CO_Q3_AP 10_ Module 2


para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan,
patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga
batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa
mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at non-
government organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa.

Gawain 4: Kahulugan sa bawat Letra!

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang salitang diskriminasyon gamit ang mga letra nito.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

11 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 5: Oranisasyon, Inspirasyon para sa Edukasyon!

Panuto: Batay sa kuwento ng buhay at pakikipaglaban ni Malala Yousafzai sa mga


Taliban sa Pakistan, maglista ng mga adbokasiya ng ibat ibang
organisasyon na may layuning magbigay inspirasyon sa mga batang babae
at kababaihan hinggil sa kahalagahan ng edukasyon. Gamitin ang internet
at sosyal midya upang mas mapalalim ang pag-unawa sa paksa. Ilagay ang
sagot sa hiwalay na papel.

__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__.______________________________________________________________________________
_______________

Gawain 6: Sino siya?

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na personalidad batay sa kanilang kontribusyon


sa iba’t ibang larangan sa iba’t ibang panig ng mundo. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

______________1. Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
Apple products.

______________2. Nakilala siya sa pagtatag ng “Ang Ladlad”, isang pamayanan na


binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

______________3. Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso.

______________4. Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most


prominent open gay on American television.”

______________5. Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na


kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba
pang mga makabagong teknolohiya.

______________6. Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA.

12 CO_Q3_AP 10_ Module 2


______________7. Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa
pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen
Degeneres Show”.

______________8. Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa


longest-running Philippine TV drama anthology program Maalaala
Mo Kaya.
______________9. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa
sumikat na awit niya ay ang Pyramid.

______________10. Kilala bilang isang magaling na host at tinaguriang “Asia’s King of


Talk”.

Binabati kita at natapos mong pag-aralan ang unang paksa at nagawa mo ring
sagutan ang mga gawain na inihanda para sa iyo. Handa ka na bang pag-aralan ang
susunod na paksa? Muli mong lawakan ang iyong pang unawa at pag-aralan ang
mga karahasan na nararanasan ng lalaki, babae at maging ng mga LGBT.

Paksa 2: Mga Karahasan sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT

Sa bahaging ito ng aralin ay masasaksihan mo ang mga ibat ibang uri ng


karahasang kinakaharap ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT. Inaasahan din
na matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga
nasabing isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay, malinaw na pang-unawa sa
lahat ng mga isyus hinggil sa kasarian.

Ang ibat ibang anyo ng karahasan ay walang pinipiling kasarian. Ito ay


maaaring nangyayari sa paaralan, sa lansangan, sa pinapasukang trabaho maging
mismo sa loob ng ating tahanan, subalit inaakala ng iba na ito ay natural lamang at
bunga ng pagiging mahina ng kababaihan o maaring kawalan ng batas na nagbibgay
proteksiyon ng walang pagkiling sa kasarian.

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-


aalipusta, hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo at karahasan. Ang
mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na
naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

13 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Ang “foot binding” ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang
mga paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal.

Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga


buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang
milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa
simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan
ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.

Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng


panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito

Lotus Feet or Lily Feet

Ano ba ang karahasan sa kababaihan?

Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against


women) ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang
mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito
ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing
o breast flattening sa Africa.

14 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Ang breast Ironing/ breast flattening sa Africa ay isang matandang kaugalian
sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe
ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na
pinainit sa apoy.

May pananaliksik ang Cameroonian women’s organization at Germany’s


Association for International Cooperation noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga
batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak
na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang upang maiwasan ang:

(1) maagang pagbubuntis ng anak;

(2) paghinto sa pag-aaral; at

(3) pagkagahasa.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi


pati na rin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang
International Day for the Elimination of Violence Against Women. Dito sa Pilipinas
itinakda naman ang Nobyembre 25 hanggang December 12 na tinaguriang 18 Day
Campaign to End VAW na ayon sa mandato ng proclamation 1172 s. 2006. Ang
adbokasiyang ito ay may layuning ipaalam ang iba’t ibang uri ng karahasan sa mga
kababaihan at kung paano ito mapipigilan.

ISTATISKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN


(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng Philippine Statistics
Authority)

1. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na
pisikal.

2. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

3. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at/o pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga asawa.

4. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal o sekswal na


pang-aabuso sa loob ng 12 buwan, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng
pananakit.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,


Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
“Seven Deadly Sins Against Women”. Ang mga ito ay ang:

15 CO_Q3_AP 10_ Module 2


1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health,
7. sex trafficking at prostitusyon.

Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng


karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan at LGBT ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri
ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o makilala. Ang ganitong
uri ng karahasan ay maaring emosyonal, seksuwal, pisikal, at ibang banta ng pang-
aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual
na relasyon.

Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga ganitong


pangyayari:

1. tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto;

2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;

4. sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano


ang iyong mga isusuot;

5. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

6. madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan;

7. pinagbabantaan ka na sasaktan;

8. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka;

9. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at

10. sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo


ang ginagawa niya sa iyo.

11. pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala
ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

16 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 7: Kapag may katuwiran, Ipaglaban mo!

Panuto: Itala ang iyong saloobin sa sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa


sagutang papel.

1. Kapag ang babae ay inaabuso ng kaniyang asawa, anong payo ang maaari mong
sabihin sa kaniya?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

2. Nakita mong inaabuso ang iyong kamag-anak, kaibigan, o maging sinuman, ano
ang nararapat mong gawin?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Sa inyong tahanan, si tatay ang naiiwan at gumagawa ng mga gawaing bahay.


Maituturing mo ba itong diskriminasyon sa kasarian?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Bilang isang anak, ano ang iyong dapat gawin kapag madalas mong marinig sa
iyong lola na sabihan ang iyong ama na isang palamunin?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

5. Ano ang iyong mararamdaman kapag nalaman mong tomboy pala ang iyong
kaibigan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

17 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Pagyamanin

SEVEN DEADLY SINS

Malinaw na tinalakay sa modyul na ito ang kahulugan ng diskriminasyon,


mga uri ng karahasan na nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Gayundin ang mga ilang personalidad na nakilala sa ibat’ ibang larangan, at ang
kanilang mga kontribusyon sa pagsulong ng LGBT community. Maliwanag na ba sa
iyo ang mga natalakay?

Kung ganun, binabati kita! Ngunit hindi pa nagtatapos ang mga gawain na
inihanda para sa iyo upang lubos mong maunawaan ang aralin. Ang sumusunod na
gawain ay makatutulong sa iyo upang mapagyaman mo pa ang iyong natutuhan
tungkol sa paksa.

Gawain 8: Seven Sins!


Panuto: Punan ang diagram ng wastong sagot ayon sa tinawag na Seven Deadly
Sins ng grupong GABRIELA. Gawin ito sa sagutang papel.

18 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 9: Oo o Hindi!

Panuto: Isulat ang Oo sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng anumang


uri ng karahasan, isulat ang Hindi kung hindi ito nagpapakita ng anumang
karahasan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_________1. Ikaw ay iniinsulto sa harap ng maraming tao.

_________2. Ikaw ay hinahayaang mag-aral ng iyong mga magulang.

_________3. Hindi ka pinagbabawalang magsimba.

_________4. Pinipigilan kang pumasok sa trabaho.

_________5. Lagi kang pinagseselosan.

_________6. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya at kaibigan.

_________7. Iginagalang ka ng iyong kasintahan.

_________8. Ikaw ay sinasabihang bayolente.

_________9. Ipinapaalam ka sa iyong mga magulang kung kayo ay mamamasyal.

_________10. Pinagbabantaan kang sasaktan ka.

Isaisip

Napakagaling at narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul! Ibig


sabihin malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito ay kailangan mong ipakita na
naiintindihan mo na at tumatak sa iyong isipan ang mga kaalamang ibinahagi ng
modyul kasama ang mga layunin nito.
Halika na at tapusin ang natitira pang mga gawain. Alam kong kayang-kaya
mo!

19 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 10: Saloobin Mo, Mahalaga!

Panuto: Ang sumusunod na pahayag sa ibaba ay karaniwang nagaganap at


napapansin sa ating mga tahanan, naririnig sa radio, napapanood sa
telebisyon at maging sa simpleng pag-uusap ng mga tao. Sumasang-ayon
ka ba o hindi sang-ayon sa mga ganitong pahayag? Isaad ang iyong
saloobin. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong kasagutan.

1. “Babae kasi, kaya mabagal kumilos.”


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. “Bawal dito ang mga babae!”


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. “Anak-mayaman kasi, kaya laki sa layaw.”


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. “Para sa bahay lang naman kayong mga babae kaya huwag na kayong mag-
aral.”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. “Mga lalaki talaga, bolero, babaero, lasinggero!”


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Isagawa

Ngayon, ganap na ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Batid kong nakita
mo na ang ugnayan ng mga ito sa iyong buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga
paksa na iyong natutuhan? May kabuluhan nga ba ang mga ito?

Bilang isang mag-aaral, may gampanin ka sa pagharap ng mga isyu tungkol


sa kasarian at lipunan. Inaasahan ko na masasagutan mo nang maayos ang
susunod na gawain.

20 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Gawain 11: Ilahad Mo!

Ang gawaing ito ay paglalahad ng mga malilikhaing paraan at hakbang na


maaring isagawa ng mga kabataang tulad mo upang maipakita ang iyong suporta at
maiwasan ang paglaganap ng diskriminasyon.

Nakatala sa ibaba ang mga gawaing maaari mong pagpilian. Pumili lamang
ng isa. Ilagay ito sa hiwalay na papel.

a. blog
b. tula
c. pagsulat awit

21 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Tayahin

Mahusay! Iyong napatunayan ang iyong galing sa pagsagot sa mga gawain sa


modyul na ito. Huling hirit na. Sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong
mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng tinalakay na nakapaloob sa modyul
na ito.

Gawain 12: Panghuling Pagtataya


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang breast ironing o breast flattening ay isang uri ng karahasan laban sa mga
batang babae sa Cameroon. Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon,
isinasagawa rin ang nakakapinsalang kasanayan ng pagyupi ng suso sa
sumusunod na bansa maliban sa _____________.
A. Benin C. Zimbabwe
B. Kenya D. Uganda
2. Itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of
Violence Against Women upang ________________.
A. mapalaganap ang kaalaman tungkol sa karahasan sa mga kababaihan at
kung paano ito matatanggal o malilimitahan
B. maalala ang kabutihan ng mga babae
C. malaman ang kagandahan ng mga babae
D. makilala ang mga nagawa ng mga kababaihan
3. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
mga batang kababaihan nang walang anumang benepisyong medikal. Ano ang
pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
Africa at Kanlurang Asya?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala.
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan.
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.
4. Ang breast ironing o breast flattening ay isang tradisyonal na kaugalian ng
sapilitang pagyupi o pagbayo sa suso ng mga batang babae gamit ang mga maiinit
na bagay upang mapigilan ang pagbuo nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi
malinaw na dahilan kung bakit ito ginagawa?
A. upang maiwasan ang mga sakit
B. upang maiwasan ang pagkagahasa
C. upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral
D. upang maiwasan ang maagang pagbubuntis

22 CO_Q3_AP 10_ Module 2


5. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig. Ang kaugaliang foot binding noon sa China ay
naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan. Pinaniniwalaan na ang
pagkakaroon ng “lotus feet” ay nangangahulugan ng __________ maliban sa isa.
A. simbolo ng ganda
B. simbolo ng yaman
C. karapat-dapat sa pagpapakasal
D. karapat-dapat sa marangyang pamumuhay
6. Sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa
kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang
katawan. Ano ang tawag dito?
A. Burga C. Niqab
B. Purdah D. Malong
7. Ang karahasan na nakabatay sa kasarian ay isang karahasan na nakadirekta
laban sa isang tao dahil sa kanilang kasarian. Parehong kababaihan at
kalalakihan ang maaring maging biktima. ngunit ang karamihan sa mga biktima
ay kababaihan at babae. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad at nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
C. Madalas sinasabi na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasakal o sinasaktan ang mga anak o alagang hayop.
8. Ang GABRIELA ay isang pambansang alyansa ng samahan ng mga kababaihan
sa Pilipinas, na lumalaban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan.
Pokus ng kampanya ay tinaguriang “Seven Deadly Sins Against Women”. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kasama rito?
A. Pambubugbog C. Panggagahasa
B. Pagnanakaw D. Pananakit
9. Ang sumusunod ay nagpapakita ng karahasan sa lahat ng kasarian. Alin sa mga
ito ang nagpapakita ng “domestic violence”?
A. Patuloy na tinatanggihan ang mga saloobin, ideya at opinyon.
B. Nagmumura kapag nakainom ng alak o gumagamit ng droga.
C. Nagsasabi na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender.
D. Nananakit o nambubugbog ng asawa dahil sa selos.
10. Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay nagsasaad na ang same- sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo. Aling
bansa ang nagpapahayaag nito?
A. India C. Uganda
B. China D. Saudi Arabia

23 CO_Q3_AP 10_ Module 2


11. Taon na tinanggal ang sistemang foot binding sa China ay panahon ng
panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa hindi mabuting dulot ng tradisyong ito?
A. 1911 C. 1913
B. 1912 D. 1914
12. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga
babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso C. pagsasamantala
B. diskriminasyon D. pananakit
13. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo.
Masyado ka raw mailap sa kanya. Sa pag-aalala mong iiwan ka niya, tinanong
mo siya kong ano ang kailangan upang mapatunayan mong hindi ka niya iiwan.
Tinitigan ka niya at tinanong, kung talagang mahal mo ako, handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang
mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin mo?
A. Magtatanong o kokonsulta sa guidance counselor.
B. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi pa handa sa nais niya.
C. Isusumbong ko siya sa kanyang mga magulang.
D. Kakausapin siya at sasabihing hindi ka pa handa para sa ganitong uri ng
ugnayan.
14. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa
kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal. Ano ang tawag sa pinaliit na paa ng
mga sinaunang kababaihan sa China.
A. FGM C. Lotus Feet
B. Sharo D. Sunna
15. Si Raul ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod at may awtoridad sa
pamilya. Anong uri ng diskriminasyon ang ipinapahayag dito?
A. edad C. kulay ng balat
B. kasarian D. lahi

Teka lang, teka lang! Isa pang hirit! Upang maipakita mo na talagang malalim
ang pag-unawa mo sa mga isyu sa kasarian at lipunan, isagawa ang karagdagang
gawain na inihanda para sa iyo.

24 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Karagdagang Gawain

Gawain 13: Google pa more!

Panuto: Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa diskriminasyon na nararanasan ng


mga kalalakihan, kababaihan at LGBT Maaaring magmasid sa inyong
komunidad, tahanan paaralan, at sa mga pinapasukang trabaho. Maglatag
ng paraan kung paano ito masosolusyonan. Gumamit ng hiwalay na papel
para sa iyong kasagutan.

Paaralan Tahanan Kumonidad Pinapasukang Solusyon


Trabaho

kalalakihan

kababaihan

LGBT

25 CO_Q3_AP 10_ Module 2


CO_Q3_AP 10_ Module 2 26
Panimulang Panghuling
Pagsusulit Pagtataya
1. C
2. C 1. D
3. A 2. A
4. C 3. D
5. D 4. A
6. C 5. D
6. B
7. C
7. A
8. D
8. B
9. D 9. B
10. C 10. C
11. C 11. A
12. D 12. B
13. C 13. D
14. D 14. C
15. A 15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Center for Women's Resources. (2012, March 12). Seven deadly sins against
women. https://cwrawe.wordpress.com/2012/03/12/seven-deadly-sins-
against-women/

Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Modyul ng mga mag-


aaral (pp. 283-309).

Department of Education. (2017). Kontemporaryong isyu: Gabay ng mga


guro (pp. 262-291).

Driscoll, E. T. (2011). Class and gender in the Phillippines: Ethnographic interviews


with female employer female domestic dyads [Unpublished doctoral
dissertation]. Syracuse University.

Malala Yousafzai. (2016, May 20). Malala


Yousafzai. https://mylifemystory27.wordpress.com/

Mayo Clinic. (2020, February 25). Recognize the signs of domestic violence against
women. https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-
depth/domestic-violence/art-20048397

Mead, M. (2016). Sex and temperament: In three primitive societies. HarperCollins.

National FGM Centre. (n.d.). Breast flattening – National FGM centre. National FGM
Centre – Developing excellence in response to FGM and other Harmful
Practices. https://nationalfgmcentre.org.uk/breast-flattening/

Philstar. (2003, September 29). Lalaki biktima rin ng 'verbal abuse'.


Philstar.com. https://www.philstar.com/bansa/2003/09/29/222465/lalak
i-biktima-rin-ng-verbal-abuse

UNDP, & USAID. (2014). Being LGBT in Asia: The Philippines country
report. https://pdf.usaid.gov/pdf_docs/PBAAA888.pdf

World History Encyclopedia. (2017, September 27). Foot-binding. Ancient History


Encyclopedia. https://www.ancient.eu/Foot-Binding/

27 CO_Q3_AP 10_ Module 2


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tugon ng Pamahalaan at
Mamamayang Pilipino sa mga
Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

CO_Q3_AP 10_ Module 3


Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Tugon ng Pamahalaan at Mamamayang Pilipino sa mga
Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Einee B. Camota Raquel C. Cruzada
Jherry L. Faustino Alexis B. Pidlaoan
Editor: Leizl S. Cancino Markconi F. Taroma
Perpetua V. Barongan Cristina C. Aquino
Tagasuri: Editha T. Giron Gina A. Amoyen
Gemma M. Erfelo Renato S. Santillan
Tagaguhit: Dennis A. Evangelista
Tagalapat: Lemuel Dino V. Visperas, Elizalde L. Piol
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Arlene A. Niro Venus Maria SM. Estonilo
Gina A. Amoyen Renata G. Rovillos
Editha T. Giron

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region I
Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tugon ng Pamahalaan at
Mamamayang Pilipino sa mga
Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Sa nakaraang aralin natunghayan mo ang ilang halimbawa ng mga


karahasang kinakaharap ng mga kababaihan, kalalakihan at LGBT. Walang
pinipiling edad, kasarian o gender/sex, kulay, etnisidad, oryentasyong seksuwal
(sexual orientation) at Pangkasariang Pagkakakilanlan (gender identity) ang mga
biktima nito.
Sa araling ito ay pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng
mga pandaigdigang organisasyon, pamahalaan at mamamayang Pilipino upang
matugunan ang mga isyu at hamon sa kasarian (gender identity) sa isyung
panlipunan.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang tulungan at gabayan kang
matutunan ang paksa ukol sa mga Tugon ng Pamahalaan at Mamamayang Pilipino
sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon. Nakapaloob sa modyul na ito ang
mahalagang kompetensi alinsunod sa K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayang Pilipino sa mga
isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 3)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
 Natutukoy ang mga tugon ng pandaigdigang organisasyon sa mga isyu sa
gender identity at mga isyung panlipunan;
 Naipaliliwanag kung paano nakakatulong ang mga Yogyakarta Principles sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT;
 Naisa-isa ang mga hakbang ng CEDAW bilang International Bill for Women
sa pagsugpo ng diskriminasyon sa mga kababaihan;
 Natutukoy ang tugon ng pamahalaan at mamamayang Pilipino sa mga isyu
sa kasarian at lipunan;
 Naipaliliwanag ang mga batas at programa ng pamahalaan bilang tugon sa
mga isyu ng karahasan at diskriminasyon;
 Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang papel ng pamahalaan sa
pagpapatupad ng mga batas;
 Nakamumungkahi ng mga paraan upang wakasan ang karahasan at
diskriminasyon sa kababaihan at mga bata.

1
CO_Q3_AP10_Module3
Subukin

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

Gawain 1. Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang nagsabi ng pahayag na: “LGBT rights are human rights?”
a. Emma Watson
b. Kofi Annan
c. Ban Ki-moon
d. Gloria Steinem

2. Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring


lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing
tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Bakit binuo ang Principles of
Yogyakarta?
a. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
b. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa mga taong
may kapansanan
c. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong mag-aangat sa kalagayan ng
mga nasugatan na sundalo sa pakikipaglaban
d. Upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa mga babaeng
nakakaranas ng pang-aabuso
Para sa bilang 3-8, tukuyin ang prinsipyong isinasaad ng bawat pahayag.

3. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ng tao ay isinilang na


malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na
ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
a. Principle 16
b. Principle 25
c. Principle 2
d. Principle 1

2
CO_Q3_AP10_Module3
4. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na dapat kilalanin na ang lahat ay
pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anomang
diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat.
a. Principle 12
b. Principle 2
c. Principle 4
d. Principle 25

5. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang parusang kamatayan ay


hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong
nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang
pagkakakilanlan.
a. Principle 1
b. Principle 12
c. Principle 16
d. Principle 4

6. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ay may karapatan sa


disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga
kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis-empleyo at
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang
pagkakakilanlan.
a. Principle 2
b. Principle 25
c. Principle 12
d. Principle 16

7. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na ang lahat ay may karapatan sa


edukasyon nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.
a. Principle 16
b. Principle 2
c. Principle 4
d. Principle 25

8. Sa anong Yogyakarta Principles nakasaad na bawat mamamayan ay may


karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa
kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at
trabaho sa mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa
pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong
seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
a. Principle 2
b. Principle 12
c. Principle 14
d. Principle 25

3
CO_Q3_AP10_Module3
9. Ang Anti-Violence Against Women ay binuo upang bigyang proteksyon ang
kababaihan at mga bata. Alin sa sumusunod ang HINDI sinasaklaw ng
kahulugan ng women sa ilalim ng batas.
a. kasalukuyan o dating asawang babae
b. babaeng walang karelasyon at mga anak
c. babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon
d. babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki

10. Ang RA 9262 ay kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children
Act of 2004. Alin sa sumusunod ang hindi sinasaklaw ng kahulugan ng
Children sa ilalim ng batas?
a. mga anak ng babaeng inabuso
b. mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man
o hindi
c. mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang
pangangalaga
d. mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na may
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili

11. Sino-sino ang maaring makasuhan ng pang-aabuso sa ilalim ng RA 9262 o


Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004?
a. Ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki
b. Mga kasalukuyan at dating kasintahan
c. Mga kasalukuyang kinakasama o dating kinakasama
d. Mga abusadong kamag-anak

12. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng hangarin ng batas RA 9262?


a. Matulungan ang kababaihan na biktima ng pang-aabuso o karahasan
b. Maparusahan ang kalalakihan na mahilig mambabae
c. Maproteksiyunan ang kababaihan at mga anak nito laban sa pang-
aabuso.
d. Maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga kababaihan na biktima ng
pang-aabuso

13. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at maisakatuparan


ang RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children?
a. Ipapaubaya ko na lang sa pamahalaan dahil ito ay kanilang trabaho
b. Sasama na lang ako sa mga kaibigan ko para gawin ang aming takdang
aralin
c. Ipaparating ko sa mga kababaihan at sa mga anak na tulad ko ang
tungkol sa Anti-Violence Against Women gamit ang social media
d. Maging aktibo sa mga gawain na ang layunin ay maipabatid at
maisakatuparan ang RA 9262.

14. Layunin ng batas na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
kanyang potensiyal sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
a. Magna Carta of Women
b. Universal Declaration of Human Rights

4
CO_Q3_AP10_Module3
c. Prohibition on Discrimination Against Women
d. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
15. Sino ang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta of Women?
a. Ang gobyerno ng Pilipinas
b. United Nations
c. Ang GABRIELA
d. Department of Health

Aralin Tugon ng Pamahalaan at


Mamamayang Pilipino sa mga
1 Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

Balikan

Gawain 2: Larawan-Suri:
Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang ipinapakita sa larawan?


2. Ano ang opinyon at saloobin mo sa magandang pagsasama ng mag-asawa?
3. Paano kaya maisasakatuparan ang magandang pagsasama ng mag-asawa?
(Tandaan ang iyong mga sagot dito. Makakatulong ang mga ito sa pag-unawa
sa mga susunod na aralin.
5
CO_Q3_AP10_Module3
Tuklasin

Handa ka na bang matuto? Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagutan mo


ang lahat ng mga inihandang gawain para sa iyo. Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala, sa larawang- suri tulad ng isang kuwento, awitin, tula, gawain o isang
sitwasyon.

Gawain 3: Larawan-Suri
Sa susunod na pahina, suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Gumamit ng sagutang papel.

1. Ano ang mga nakikita sa larawan?


2. Bakit kaya may mga samahang Pandaigdigan na binuo para sa ikakabuti ng
mga tao?
3. May alam ka bang mga batas na ginawa para sa proteksyon sa karapatan ng
kababaihan at mga bata.

Suriin

Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon


naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
na inihanda upang maging batayan mo ng iyong pagkatuto.

6
CO_Q3_AP10_Module3
Tandaan mo na anumang kaalamang mapupulot mo sa bahaging ito ng
modyul ay iyong magagamit sa pagtala ng iyong mga kasagutan sa mga susunod
pang mga gawain, kaya basahin at unawain mo ito nang mabuti.
PAKSA 1: Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa mga Isyu sa Karahasan at
Diskriminasyon

“LGBT rights are Human Rights” Ito ang mga katagang


winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki-moon upang hikayatin
ang mga miyembro ng Nagkakaisang Bansa na mawakasan ang
mga pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga LGBT. Naniniwala
ka ba na "ang mga karapatang LGBT ay mga Karapatang Pantao
rin”?
http://www.un.org/sg/img/bankimoon/ban_ki-moon_portrait.jpg

Ang patuloy na pakikilahok at pakikibaka ng mga LGBT sa usaping


panlipunan ay nagpapalakas ng kanilang mga boses upang matugunan ang kanilang
mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 29 na eksperto
sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan (sexual orientation at
gender identity) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa
Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang
pagtibayin ang mga Yogyakarta Principle na makatutulong sa pagkakapantay-
pantay ng mga LGBT. Narito ang ilan sa mga mahahalagang Yogyakarta Principle.
Mga Batayang Simulain ng Yogyakarta sa Oryentasyong Seksuwal, Pangkasariang
Pagkakakilanlan at Pagpapahayag (SOGIE).

Principle 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan
ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

Principle 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang
pagkakakilanlan. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa
proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na
iba pang karapatang pantao.

Principle 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na
lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa
oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan
ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa “consensual sexual activity” (gawaing
seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong nasa wastong gulang o batay
7
CO_Q3_AP10_Module3
sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

Principle 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa
makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban
sa dis-empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan.

Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag-


uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.

Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko;
kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may
kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-
publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya; kabilang ang pagseserbisyo sa
pulisya at militar nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan.

Gawain 4: Opinyon mo Itala Mo!


Punan ang talahanayan ng sariling paliwanag kung paano makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT ang mga prinsipyong nakapaloob sa
Yogyakarta? Ipaliwanag ang kasagutan. Isulat ito sa hiwalay na papel.

YOGYAKARTA PRINCIPLE PALIWANAG


Principle1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Principle 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-
PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Principle 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Principle 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Principle 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Principle 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-
PAMPUBLIKO

8
CO_Q3_AP10_Module3
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang naging resulta ng pagpupulong ng mga eksperto sa sexual orientation
at gender identity o SOGI na ginanap sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6
hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006?
2. Bakit mahalagang maisulong ang karapatan ng sinuman, anuman ang
kasarian (gender identity) nito?
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang mga Yogyakarta Principle na binuo
para sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT?

Gawain 5: Arrow Up o Arrow Down!


Iguhit ang Arrow Up sa patlang kung ang sitwasyon o pahayag ay naaayon
sa layunin ng Yogyakarta Principle at Arrow Down naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

________1. Si Marga ay nag-apply sa isang kompanya. Isinumite niya ang lahat ng


kailangan para siya ay matanggap. Subalit laking gulat niya nang hindi
napasama ang pangalan niya sa mga natanggap dahil siya ay
nagdadalang tao.

________2. Tinitiyak ni Glenn na malaya niyang nagagawa ang kanyang mga


karapatan para igiit sa mga kinauukulan ang gusto niyang pagbabagong
mangyari sa lipunang kanyang ginagalawan.

________3. Pinigilan ang mga grupo ng LGBT na makapasok sa isang pagtatanghal


dahil ang palabas ay para lamang sa mga tunay na lalaki at tunay na
babae.

________4. Si Marlon ay isang gay, nakapagpatayo siya ng kanyang beauty salon


dahil sa programa ng kanilang lokal na pamahalaan.

________5. Ayon sa inilabas na ulat ng kapulisan, tumataas ang bilang ng mga


napapatay na miyembro ng LGBT.

________6. Ang grupo ng magkakaibigan ay bumuo ng organisasyon na may


layuning itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng lahat anuman ang
kasarian.

________7. Madalas binubully si Kyle ng kanyang mga kaklase dahil siya ay kabilang
sa LGBT community.

________8. Aktibong nakikilahok ang mga miyembro ng LGBT sa pangangalaga ng


kalikasan.

________9. Si Madonna ay isang tomboy. Gusto niyang pumasok sa politika dahil


ito ang kanyang kinagigiliwan. Subalit pinigilan siya ng mga taong
nakapaligid sa kanya dahil lamang sa kanyang gender.

________10. May mga programang inilunsad ang kanilang lokal na pamahalaan para
sa ikabubuti ng mga miyembro ng LGBT.

9
CO_Q3_AP10_Module3
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women (CEDAW)

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for
Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for
the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan
na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang
CEDAW noong Disyembre 18,1979 sa panahong UN Decade for Women. Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,
1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot
na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005. Ang
Pilipinas ay isa sa mga lumagda o state parties. Unang ipinatupad ang kasunduan
noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa
lang ang nakakaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa


kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring
bawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa


kababaihan, anomang layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal ng
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng


karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyonan ito.

May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang


karapatan ng kababaihan.

Ang mga state parties ay inaasahang:

1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;

10
CO_Q3_AP10_Module3
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;

3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang,


kondisyon at karampatang aksiyon; at

4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga


isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Gawain 6: You Complete Me!


Kompletuhin ang mga open ended na pahayag. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women


(CEDAW) ay
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

May tungkulin ang state parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang


karapatan ng kababaihan. Ang mga state parties ay inaasahan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER


Punan ang graphic organizer sa ibaba upang makompleto ang impormasyong
hinihingi. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mga hakbangin ng CEDAW


para wakasan ang
diskriminasyon sa
kababaihan:

? ? ? ? ?
11
CO_Q3_AP10_Module3
Gawain 8: BINAGONG TAMA o MALI
Gamit ang iyong sagutang papel, isulat ang letrang T kung ang ipinapahiwatig
ng pangungusap ay TAMA at palitan ang salitang may salungguhit kung ang
ipinapahiwatig ng pangungusap ay MALI.

__________1. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong


Hulyo 15, 1980 sa panahong UN Decade for Women.

__________2. Unang ipinatupad ang Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women (CEDAW) noong Nobyembre 9, 2006.

__________3. Bilang State party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin


ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng
babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.

__________4. Isinasaad sa Principle 12 na walang sinouman ang maaaring basta na


lamang pagkaitan ng buhay sa anoumang dahilan, kabilang ang may
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang
pagkakakilanlan.

__________5. Nakasaad sa Principle 16 ang lahat ay may karapatan sa edukasyon


nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.

PAKSA 2: Anti-Violence Against Women and Their Children Act ng 2004

Sa paksang ito ay lilinangin ang iyong kaalaman, kasanayan, at pang-unawa


tungkol sa mga batas na nagbibigay halaga at proteksiyon sa kababaihan at sa
kanilang anak, gayundin ang mga hakbang na ginawa ng ating pamahalaan upang
matugunan ang mga isyu sa karahasan at diskriminasyon na nararanasan ng
kababaihan.
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang
batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang
mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan
o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-
walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-
walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit
at maaaring kasuhan ng batas na ito?

12
CO_Q3_AP10_Module3
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim
ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan
at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak
sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Ano ang Magna Carta of Women?
Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong Agosto
14, 2009 na naglalayon na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Ang MCW o ang Mgna Carta of Women ay isang komprehensibong batas ng
karapatang pantao para sa kababaihan na naglalayong tanggalin ang
diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala, pagbibigay proteksyon at katuparan
at pagsulong ng mga karapatan ng mga kababaihang Pilipino, lalo na ang mga
kabilang sa mga marginalized na sektor ng lipunan.
Layunin ng batas na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.

Anong mga karapatan ang binibigay ng batas na ito?


1. Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.
2. Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng
estado.
3. Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis
at sakuna.
4. Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships
at iba’t ibang uri ng pagsasanay. Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o
paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong
institusyon ng edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa
naikakasal.
5. Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports)
6. Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno,
hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa.
7. Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit
anong uri ng media.
8. Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may
bayad sa mga babae na sumailalim sa isang medikal na operasyon,
pagbubuntis o gynecological na mga sakit.
9. Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga bagay at usapin
kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping pampamilya.
10. Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi
ng politika at pamumuno at itulak ang ilang mga agenda na kaugnay sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype
at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig ng hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

13
CO_Q3_AP10_Module3
Sino ang saklaw ng Magna Carta of Women?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulang ethnicity ay saklaw ng Magna
Carta. Higit napagtutuunan ng pansin ng batas ang kalagayan ng mga batang babae,
matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized
Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang Magna Carta of Women ay tumutukoy sa mga marginalized na sektor
bilang yaong kabilang sa pangunahing, mahirap, o mahina na grupo na karamihan
ay nabubuhay sa kahirapan at may maliit o walang access sa lupa at iba pang mga
mapagkukunan, pangunahing mga serbisyong panlipunan at pang-ekonomiya tulad
ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, tubig at kalinisan, oportunidad sa
trabaho at pangkabuhayan, seguridad sa pabahay, pisikal na imprastraktura at ang
sistema ng hustisya.
Kasama rito, ngunit hindi limitado sa mga kababaihan sa mga sumusunod
na sektor o grupo: Mga maliliit na magsasaka at mga manggagawa sa kanayunan,
Fisherfolk, Mahirap sa lunsod, Mga Manggagawa sa pormal na ekonomiya, Mga
Manggagawa sa impormal na ekonomiya, Migrant na manggagawa, Mga Lumad na
Tao, Moro, Mga Bata, Senior mga mamamayan, Mga taong may kapansanan, at mga
magulang ng Solo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang
mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o mahirap na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment,” “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

Responsibilidad ng Pamahalaan
Ang Pamahalaang Pilipinas ay may pangunahing tungkulin sa pagpapatupad
ng nasabing batas. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tanggapan ng
gobyerno, kabilang ang mga pamahalaang lokal. Ang mga pagmamay-ari at
kontroladong korporasyon ng gobyerno ay dapat managot na ipatupad ang mga
probisyon ng Magna Carta of Women sa ilalim sa kanilang mandato, partikular ang
paggarantiya ng mga karapatan ng kababaihan na nangangailangan ng tiyak na
aksyon mula sa Estado.
Tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksiyunan ang kababaihan
sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga
babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang
pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.

14
CO_Q3_AP10_Module3
Gawain 9 - Tsart ng Anti Violence Against Women and Their
Children Act
Panuto: Gamit ang tsart, isulat ang sinasaklaw ng kahulugan ng Women and
Children sa ilalim ng batas na ito. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

1.
Women 2.
3.
1.
Children 2.
3.
4.

Pagyamanin

Gawain 10: Impormasyon! Itala Mo!

Panuto: Isulat sa matrix ang mga hinihinging kasagutan na nakapaloob sa mga


gabay na tanong. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Magna Carta of Women


Mga Gabay na Tanong Mga Kasagutan
1. Ano ang Magna Carta of Women?
2. Sino ang tagapagpatupad ng
batas na ito?
3. Sino ang pinoprotektahan ng
batas na ito?
4. Ilahad at ipaliwanag ang mga
kabutihang dulot ng batas na ito.

15
CO_Q3_AP10_Module3
Gawain 11: VENN DIAGRAM
Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ng mahahalagang impormasyon ang
Venn Diagram gamit ang mga gabay na tanong upang maipakita ang pagkaka-iba at
pagkakatulad ng “marginalized women” at “women in especially difficult
circumstances.” Gawin ito sa iyong kuwaderno o notbuk.

Pagkakaiba
Women in
Marginalized Especially
Women Difficult
Circumstances
Pagkakatulad

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng dalawang konsepto?


2. Paano naman sila nagkakaiba?
3. Paano natutugunan ng pamahalaan ang kanilang pangangailangan?

Gawain 12: Ang Aking Mungkahi


Sa bahaging ito, magmungkahi ng mga paraan na iyong natutuhan sa mga
hakbang ng pamahalaan at mga pandaigdigang organisasyon upang mawakasan ang
karahasan at diskriminasyon na nababatay sa kasarian at oryentasyong sekswal.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

Ang Aking Mungkahi

16
CO_Q3_AP10_Module3
Isaisip

Binabati kita! Narating mo na ang bahaging ito ng modyul. Ibig sabihin


malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na
naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa isipan
mo. Tapusin ang mga nakalaang gawain. Kayang-kaya mo!

Gawain 13: “Tandaan Mo!”


Dugtungan ang sumusunod na mga kaisipan. Ilagay ang sagot sa hiwalay na
papel.

1. Ang Anti Violence Against Women and their Children Act ay ________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. Ang Magnacarta of Women ay _____________________________________________


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. Ang saklaw ng Magna Carta ay ____________________________________________


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4. Ang responsibilidad ng pamahalaan ng Pilipinas ay ________________________


___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

17
CO_Q3_AP10_Module3
Isagawa

Gawain 14: TEKS-TO-INFORM-DISCUSSION WEB CHART


Upang matiyak ang iyong pagkatuto sa binasang teksto, sagutin ang
“discussion web chart” sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Mahalaga ba ang papel ng


pamahalaan sa pagpapatupad ng
mga batas gaya ng Anti-Violence
Against Women and Their
Children Act?

DAHILAN DAHILAN

Sapagkat________________ Sapagkat________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
____ ____

KONKLUSYON
_______________________
_______________________
_______________________
_________________

18
CO_Q3_AP10_Module3
Tayahin

Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul


na ito. Dahil diyan kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang higit
mong mapatunayan ang iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa
modyul na ito. Kayang-kaya di ba?

Gawain15. Panghuling Pagtataya


Panuto: Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Nasa 29 na eksperto sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang


pagkakakilanlan (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia.
Kailan naganap ang pagbuo ng Yogyakarta Principles?
a. ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006
b. ika-6 hanggang ika-9 ng Disyembre, 2006
c. ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2007
d. ika-6 hanggang ika-9 ng Disyembre, 2007

2. Ang 29 na Yogyakarta Principles ay nakaayon sa___________________.


a. Local Government Code
b. Universal Declaration of Human Rights
c. Republic Act 9710
d. Lahat ng nabanggit

3. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
a. UDHR
b. CEDAW
c. GABRIELA
d. WRMP

4. Kailan unang ipinatupad ang CEDAW?


a. Hulyo 15, 1980
b. Setyembre 3, 1980
c. Setyembre 3, 1981
d. Agosto 5, 1981

19
CO_Q3_AP10_Module3
5. Ang sumusunod ay mga hangarin ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon
sa kababaihan maliban sa isa.
a. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at
kanilang mga anak
b. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaabuso sa
kababaihan, anomang layunin ng mga ito
c. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may
mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi
nito maaaring bawiin
d. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.

6. Ano ang mabuting epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?


a. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang
estado na solusyunan ito
b. Kinikilala ng Pilipinas ang papel ng iba’t ibang organisasyon na
nagtataguyod sa kapakanan ng tao anoman ang kasarian nito
c. Kinikilala ng Pilipinas na bumababa na ang kaso ng diskriminasyon at
di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng kababaihan dahil sa mga
programa ng pamahalaan
d. Kinikilala ng Pilipinas na bahagyang bumababa na ang diskriminasyon
at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin
pa rin ang estado na solusyonan ito

7. Bilang State party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may
tungkulin ang estado na solusyonan ito. May tungkulin ang State parties na
igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Alin sa
sumusunod ang HINDI inaasahang tungkulin ng isang state party?
a. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
nagdidiskrimina
b. Nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima ng karahasan
c. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.
d. Wala sa nabanggit.

8. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng Magna Carta of Women?


a. Si Mila na isang Badjao
b. Si Ariesha na isang dalagang Muslim
c. Mga babaeng dayuhan na bumisita sa Pilipinas
d. Si Aling Corazon na walang pinag-aralan

20
CO_Q3_AP10_Module3
9. Sino-sino ang tinatawag na “marginalized women”?
a. Negosyanteng kababaihan
b. Mga maralitang tagalungsod
c. Kababaihan na maluho sa buhay
d. Kababaihan na nasa politika

10. Sino-sino ang tinatawag na “women in especially difficult circumtances” sa


sumusunod MALIBAN sa isa?
a. Si Matilda na isang prostitute
b. Mga batang babae na naiipit sa sigalot
c. Si Malou na laging binubugbog ng kanyang asawa
d. Si Madonna na isang pulis at ipinaglalaban ang karapatan ng mga
babaeng biktima ng illegal recruitment.

11. Saan sa Pilipinas karaniwang may diskriminasyon?


a. sa reproductive health
b. sa politika
c. sa trabaho
d. lahat ng nabanggit

12. Saklaw ng Magna Carta of Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang
pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga
may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. “Marginalized Women,”
at “Women in Especially Difficult Circumstances.” Alin sa mga sumusunod
ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
a. Maralitang tagalungsod
b. Kababaihang Moro at katutubo
c. Magsasaka at manggagawa sa bukid
d. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

13. Ang sumusunod ay batas na nagsusulong higit para sa kapakanan ng


kababaihan. Alin ang HINDI kabilang?
a. Magna Carta of Women
b. Yogyakarta Principles
c. Anti-Violence Against Women
d. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women

14. Ang mga batas tulad ng Anti-Violence Against Women at Magna Carta of
Women ay makakatulong upang_________________________.
a. Upang sumigla ang kalakalan sa ating bansa
b. Upang maitaguyod ang lahat ng ninanais gawin ng isang tao
c. Upang magkaroon ng magandang oportunidad sa trabaho ang lahat
anoman ang kasarian nito
d. Upang maitaguyod ang pagtanggap, paggalang at pagkakapantay-
pantay ng tao bilang isang kasapi ng pamayanan
21
CO_Q3_AP10_Module3
15. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang
karahasang nararanasan ng mga kababaihan na tinagurian Seven Deadly
Sins Against Women. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
tinaguriang Seven Deadly Sins Against Women?
a. Pambubugbog
b. Pangangaliwa ng asawang lalaki
c. Sexual Harrassment
d. Sex Trafficking

Karagdagang Gawain

Sa modyul na ito natutunan mo ang mga tugon ng pandaigdigang samahan


at ang pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng kasarian at lipunan.

Gawain 16: Ang Aking Repleksiyon


Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa Ang Tugon ng Pamahalaan at
Mamamayang Pilipno sa mga Isyu ng Kasarian at Diskriminasyon, ano ang iyong
naging repleksiyon? Ano-ano ang natutunan mo sa mga nabanggit sa Yogyakarta
Principles? O pagnilayan ang ilan sa mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan sa
trabaho. Gawin ito sa hiwalay na papel

22
CO_Q3_AP10_Module3
CO_Q3_AP10_Module3
23
Gawain 9
Gawain 1 Gawain 7 Kababaihan
1. c 11. c 1. Nailalayon nitong itaguyod 1. kasalukuyan o dating
2. a 12. c ang tunay na asawang babae
3. d 13. c pagkakapantay-pantay sa 2. babaeng may
4. b 14. a kababaihan. Inaatasan kasalukuyan o nakaraang
5. d 15. a nito ang mga estado na relasyon sa isang lalaki
6. c magdala ng konkretong 3. babaeng nagkaroon ng
7. a resulta sa buhay ng anak sa isang karelasyon
8. d kababaihan. Mga Anak
9. b 2. Kasama rito ang prinsipyo 1. mga anak ng babaeng
10. d ng obligasyon ng estado. inabuso
Ibig sabihin, may mga 2. mga anak na wala pang
Gawain 2 responsibilidad ang labing-walong (18) taong
Malayang sagot ng mga estado sa kababaihan na gulang, lehitimo man o
magaaral. kailanma’y hindi nito hindi
Bahala na ang guro sa maaring bawiin. 3. mga anak na may edad na
pagwawasto 3. Ipinagbabawal nito ang labing-walong (18) taon at
lahat ng aksiyon o pataas na wala pang
Gawain 3 patakarang kakayahang alagaan o
Malayang sagot ng mga umaagrabyado sa ipagtanggol ang sarili
magaaral. kababaihan, anomang 4. kabilang na rin ang mga
Bahala na ang guro sa layunin ng mga ito. hindi tunay na anak ng
pagwawasto 4. Inaatasan nito ang mga isang babae ngunit nasa
state parties na sugpuin ilalim ng kaniyang
Gawain 4 ang anomang paglabag sa pangangalaga
Malayang sagot ng mga karapatan ng kababaihan
magaaral. hindi lamang ng mga Gawain 10
Bahala na ang guro sa institusyon at opisyal ng 1. Ang Magna Carta for
pagwawasto gobyerno, kundi gayundin Women ay isinabatas
ng mga pribadong noong Hulyo 8, 2008
Gawain 5 indibidwal o grupo. upang alisin ang lahat ng
1. arrow down 5. Kinikilala nito ang uri ng diskriminasyon
2. arrow up kapangyarihan ng kultura laban sa kababaihan at
3. arrow down at tradisyon sa pagpigil ng sa halip ay itaguyod ang
4. arrow up karapatan ng babae, at pagkakapantay-pantay
5. arrow down hinahamon nito ang State ng mga babae at lalaki sa
6. arrow up parties na baguhin ang lahat ng bagay
7. arrow down mga stereotype, 2. Ang pamahalaan
8. arrow up kostumbre at mga gawi na 3. Lahat ng babaeng Pilipino,
9. arrow down nagdidiskrimina sa babae. anoman ang edad, pinag-
10. arrow up aralan, trabaho o
Gawain 8 hanapbuhay, propesyon,
Gawain 6 1. Disyembre 18, 1979 relihiyon, uri o
Malayang sagot ng mga mag- 2. Setyembre 3, 1981 pinagmulan ethnicity
aaral. Ang guro na ang 3. T 4. Malayang sagot ng mag-
magwawasto ayon sa 4. Prinsipyo 4 aaral. Bahala na ang
rubriks. 5. T guro sa pagwawasto.
Susi sa Pagwawasto
CO_Q3_AP10_Module3
24
Gawain 14 Gawain 12 Gawain 11
Malayang sagot ng mga mag- Malayang sagot ng mga mag- Ang tinatawag na
aaral. Ang guro na ang aaral. Ang guro na ang Marginalized Women ay ang
magwawasto ayon sa magwawasto ayon sa mga babaeng mahirap o nasa
rubriks. rubriks. hindi panatag na kalagayan.
Gawain 13 Sila ang mga wala o may
Gawain 15 Malayang sagot ng mga mag- limitadong kakayahan
Tayahin aaral. Ang guro na ang matamo ang mga batayang
1. a magwawasto ayon sa pangangailangan at serbisyo.
2. b rubriks. Kabilang dito ang
3. b kababaihang manggagawa,
4. c maralitang tagalungsod,
5. a magsasaka at
6. a manggagawang bukid,
7. b mangingisda, migrante, at
8. c kababaihang Moro at
9. b katutubo.
10. d
11. d Ang tinatawag
12. d namang Women in
13. b Especially Difficult
14. d Circumstances ay ang mga
15. b babaeng nasa mapanganib
Gawain 16 na kalagayan o masikip na
Malayang sagot ng mga mag- katayuan tulad ng biktima ng
aaral. Ang guro na ang pang-aabuso at karahasan at
magwawasto ayon sa armadong sigalot, mga
rubriks. biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment,” “human
trafficking” at mga babaeng
nakakulong.
Pagkakatulad
Parehong saklaw ng
Magnacarta for Women
Sanggunian
Department of Education, “Kontemporaryong Isyu”, Tugon sa mga Isyu sa Kasarian
at Lipunan, p. 310-322, Modyul ng mga mag-aaral, 2017
Introduction to the Yogyakarta Principles.
https://yogyakartaprinciples.org/introduction
Republic Act 9710: Magna Carta of Women. Retrieved from
https://pcw.gov.ph/republic-act-9710-magna-carta-of-women/
Tripon, O.H. (2006). Kalagayan at Karapatan ng kababaihan: CEDAW primer.
Retrieved from
https://www.coa.gov.ph/gad/resources/downloads/CEDAW/CEDAW
Tagalog.pdf

25
CO_Q3_AP10_Module3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Mga Hakbang na Nagsusulong ng
Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian

CO_Q3_AP 10_ Module 4


Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Mga Hakbang na Nagsusulong ng Pagtanggap at
Paggalang sa Kasarian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Einee B. Camota, Jherry L. Faustino, Raquel C. Cruzada,
Alexis B. Pidlaoan
Editor: Leizl S. Cancino, Perpetua V. Barongan, Markconi F. Taroma,
Cristina C. Aquino
Tagasuri: Editha T. Giron, Gemma M. Erfelo, Gina A. Amoyen,
Renato S. Santillan
Tagaguhit: Dennis A. Evangelista
Tagalapat: Lemuel Dino V. Visperas, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino
Arlene A. Niro
Gina A. Amoyen
Editha T. Giron
Venus Maria SM. Estonilo
Renata G. Rovillos

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region I
Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Mga Hakbang na Nagsusulong ng
Pagtanggap at Paggalang sa
Kasarian
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang bawat tao anoman ang kasarian o gender identity ay dapat igalang dahil
ang lahat ay mayroong pantay-pantay na karapatan. Kaya naman sa araling ito,
inaasahan na ang mga mag-aaral ay makagagawa ng mga hakbang na magsusulong
ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkapantay-pantay
ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na nakatuon sa iyo. Nakapaloob


sa modyul na ito ang mahalagang kompetensi alinsunod sa K to 12 Curriculum ng
Kagawaran ng Edukasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. (MELC4)

Layunin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang:

 Natatalakay ang iba’t ibang mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at


paggalang sa kasarian;
 Nasusuri ang epekto ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa kasarian sa mga mamamayan sa lipunan;
 Nabibigyang halaga ang mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa kasarian; at
 Nakagagawa ng mga programa at aktibidad na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa kasarian.

1
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang
papel.

1. Ang layunin nito ay ang pantay-pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat


ng uri ng kasarian.
a. SOGIE Bill c. HeForShe.org
b. Gender Equality d. Human Rights

2. Ano ang nais iparating ni Geraldine Roman sa kanyang sinabi na “Ang pagtakbo
sa kongreso ay hindi isyu ng kasarian kundi isyu kung sino ang makakatulong sa
bayan?”
a. Ang kasarian ay may epekto sa serbisyo na maipagkakaloob ng isang politiko.
b. Ang pagsali sa politika ay nararapat sa babae at lalaki basta sila ay
makatutulong sa bayan.
c. Kahit ano pa man ang kasarian, ang bawat isa ay may karapatan na tumakbo
sa halalan.
d. Ang kasarian ay hindi basehan sa pagpili ng lider, kundi ang serbisyo na
maipagkakaloob niya sa bayan.

3. Ito ay pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagkakapantay-pantay ng


kasarian.
a. HeForShe.org c. Human Rights
b. SOGIE Bill d. Gender Equality

4. Si Andrew ay kabilang sa LGBT community. Siya ay mahilig magsuot ng damit


pambabae sa tuwing siya ay nagpupunta ng mall dahil ito ay naaayon sa kaniyang
damdamin. Subalit dahil din dito ay madalas siyang kutyahin ng ilang tao sa
kanilang lugar. Anong panukalang batas ang maaaring makatulong kay Andrew
upang maiwasan na ang ganitong uri ng pangyayari?
a. Human Rights c. HeForShe.org
b. SOGIE Bill d. Gender Equality

5. Ayon sa HeForShe.org, kinakailangan ang tulong ng mga kalalakihan upang


malabanan ang di-pantay na pagtrato sa mga kababaihan. Bakit kailangan itong
gawin?
a. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil mas kaunti ang bilang ng
kababaihan kaya hindi nila kakayanin na isulong ang kanilang karapatan.
b. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil higit ang kanilang bilang na may
posisyon sa pamahalaan.
c. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil sila ay mayroong direktang ugnayan
sa isyung ito.
d. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil magkatuwang ang babae at lalaki
sa buhay.

2
CO_Q3_AP 10_ Module 4
6. Ito ay isang panukalang batas na naglalayong maiwasan ang diskriminasyon ano
pa man ang oryentasyong seksuwal ng isang indibidwal.
a. Human Rights c. SOGIE Bill
b. Gender Equality d. HeForShe.org

7. Ito ay paniniwalang ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng


pantay na karapatan at oportunidad.
a. Sexualism c. Masculinity
b. Feminism d. Gender Sensitivity

8. Si Roy ay miyembro ng isang organisasyong lumalaban at naglalayong mabigyang


ng patas na pagkakataon at pagtingin ang lahat ng tao, sila man ay babae, lalaki
o LGBT. Ano ang ipinaglalaban ni Roy?
a. Gender Sensitivity c. Gender Equality
b. Feminism d. Sexualism

9. Isa kang may mataas na katungkulan sa inyong paaralan, nakakita ka ng isang


miyembro ng LGBT na nilalait ng kanyang kamag-aral. Ano ang maaari mong
gawin upang maiwasan ang ganitong pangyayari?
a. Makialam at sumama sa panlalait sa kanya
b. Hayaan na lang siya dahil hindi ka naman kasapi sa LGBT
c. Pagsabihan ang mga mag-aaral na huwag siyang i-bully sa loob ng paaralan
d. Ipatawag sa opisina ang mga mag-aaral na nanlalait at pagsabihan na huwag
na nila itong ulitin dahil lahat ng tao ay may damdamin at pantay na karapatan

10. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng LGBT, ano ang puwede mong gawin upang
higit na maitaas ang dignidad ng iyong grupo na kinabibilangan?
a. Magkaroon ng programa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan
b. Huwag ng pansinin ang sinasabi ng iba basta’t gumagawa ka ng tama
c. Maging magandang halimbawa o modelo sa bawat isa
d. Lahat ng nabanggit

11. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?


a. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression
b. Sex Orientation and Gender Identity or Expression
c. Social Orientation and Gender Identity or Expression
d. Social Operations on Gender Identity and Expression

12. Bakit kinakailangang magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang lahat ng


tao kahit ano pa ang kanilang kasarian?
a. Dahil lahat ng tao, anoman ang kasarian ay mabubuti
b. Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad
c. Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa
d. Dahil ang lahat, anuman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan

13. Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng kababaihan sa politika ay higit na mababa


kumpara sa kalalakihan. Dalawang babae ang naging Presidente ng bansa at sa
ika-18 kongreso, 7 lamang sa 24 na senador ang babae. Sa Edukasyon, higit na
marami ang babaeng nakapag-enrol sa elementarya at sekondarya. Sa taong
2015, ang female net enrollment ratio (NER) sa pribado at pampublikong

3
CO_Q3_AP 10_ Module 4
mababang paaralan ay nasa 91.96% habang ang ay male NER ay nasa 90.2%.
Samanatala, batay sa Labor Force Survey o LFS noong Enero 2021, mas mataas
ang Labor Force Participation Rate ng mga lalaki (73.9%) kaysa sa mga babae
(46.9%). Ano ang mahihinuha mo sa talata?
a. Ang partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan ay walang pinagkaiba.
b. Ang partisipasyon ng kababaihan ay higit na mataas kumpara sa kalalakihan.
c. Pantay ang partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang aspekto
ng ating lipunan.
d. Mas mataas pa rin ang bilang ng partisipasyon ng kalalakihan kaysa sa
kababaihan sa larangan ng sa politika at sa trabaho.

14. Ang SOGIE bill ay pagpapapakita ng pagsunod ng ating pamahalan sa mga


sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
a. Commission on Human Rights
b. Universal Declaration of Human Rights
c. International Covenant on Civil and Political Rights
d. International Covenant on Economic Social and Cultural Rights

15. Ano ang ibig sabihin nito? “Both men and women should feel free to be sensitive.
Both men and women should feel free to be strong. It is time that we all perceive
gender on a spectrum, instead of two sets of opposing ideal.” –Emma Watson
a. Ang kababaihan ay higit na sensitibo kumpara sa mga kalalakihan.
b. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan.
c. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay at
magkasundong pananaw tungkol sa kasarian.
d. Ang kababaihan ay dapat bigyan ng higit na karapatan kumpara sa
kalalakihan dahil sila ang kalimitang nakararanas ng diskriminasyon.

Aralin
Tugon sa mga Isyu sa
1 Kasarian at Lipunan

Balikan

Sa bahaging ito, iyong babalikan ang mga dating kaalaman at pag-unawa


tungkol sa tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa gawain na nasa
ibaba.

4
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Gawain 1: Deskripsiyon at Kahalagahan!
Isulat ang nilalaman ng mga batas at ng prinsipyo na nasa ibaba at ipaliwanag
ang kahalagahan ng mga ito upang maiwasan ang karahasan sa anomang kasarian.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

BATAS DESKRIPSIYON KAHALAGAHAN

Yogyakarta Principles

Convention on the
Elimination of All Forms
of Discrimination Against
Women (CEDAW)

Anti-Violence Against
Women and Their
Children Act

Magna Carta for Women

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

5
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Tuklasin

Sa araling ito ay matatalakay natin ang iba’t ibang mga hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian upang maitaguyod ang
pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Kaya kung handa ka na,
simulan mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa ibaba.

Gawain 2: WQF (Words, Questions, Facts) Diagram


Gumawa ng WQF (Words, Questions, Facts) Diagram tungkol sa paksang
“Iba’t ibang hakbang tungo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian.” Sundin ang
sumusunod na panuto sa paggawa nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Itala sa kahon na nasa ibaba ng “W” ang mga salitang maiuugnay mo sa paksa
na nabanggit sa itaas.
2. Sa kahon ng “Q,” bumuo ng 3-5 na tanong na nais mong masagot tungkol sa
paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa bilog “F.” Babalikan ito pagkatapos ng talakayan.

W Q F

6
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Suriin

Ngayon ay babasahin mo ang mga teksto tungkol sa mga hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian. Handa ka na ba? Simulan na
natin!

Iba’t ibang hakbang tungo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian

Gender Equality

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa


kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng
politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin
sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa
diskriminasyon at karahasan, maging ang mga kalalakihan rin ay biktima nito.
Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga
LGBT, ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng
pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at
maging sa kasaysayan. Kaya naman ang gender equality o pantay na karapatan at
oportunidad sa lahat ng kasarian ay dapat isulong at paigtingin sapagkat kung hindi
magiging pantay ang turing sa bawat kasarian o kung ito ang magiging basehan ng
pagkatao ng isang indibidwal, ito ay maaaring magdulot ng hindi pantay na pagtrato.

Ayon sa dating senador na si Loren Legarda (Senate Women's Month Privilege


Speech, 2011) ang papel na ginagampanan ng mga babae sa ating lipunan ay patuloy
na nagbabago. Matapos mabigyan ng pagkakataong makapag-aral, ang mga babae
ay naging aktibong bahagi na ng puwersang manggagawa, kadalasa'y gumagawa ng
trabahong dati'y laan lang para sa mga lalaki. Isang magandang halimbawa ay ang
hakbang ng ilang bus companies na kumuha ng babaeng driver na tinuruang
magmaneho ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at
rekomendado ng Metro Manila Development Authority. Ayon pa rin sa kanya, hindi
komo maraming babae na ang nakapagtatrabaho ay sapat na ito. Hindi komo
nakikibahagi na sila sa paggawa ng desisyon sa pamilya, sa komunidad at sa bansa,
ay nangangahulugang pantay na sila sa mga lalaki.

Noong 2018, inilabas ng Forbes Magazine ang kanilang “Most Powerful People
in the World.” Sa 75 na tao na nasa listahan, lima lamang dito ang babae. Sina Angela
Merkel, Chancellor ng Germany; Theresa May, Prime Minister ng United Kingdom;
Christine Lagarde ng International Monetary Fund; CEO ng General Motors na si
Mary Barra at si Abigail Johnson, CEO ng Fidelity Investments. Sa kabuuang 49.6%
na populasyon ng babae sa mundo, limang tao lamang ang napabilang at itinuturing
na pinakamakapangyarihan sa mundo.

Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng kababaihan sa politika ay higit na


mababa kumpara sa kalalakihan. Dalawang babae ang naging presidente ng bansa
at sa ika-18 kongreso, 7 lamang sa 24 na senador ang babae. Sa edukasyon, higit
na marami ang babaeng nakapag-enrol sa elementarya at sekondarya. Sa taong
2015, ang female net enrollment ratio (NER) sa pribado at pampublikong mababang

7
CO_Q3_AP 10_ Module 4
paaralan ay nasa 91.96% habang ang ay male NER ay nasa 90.2%. Samanatala,
batay sa Labor Force Survey o LFS noong Enero 2021, mas mataas ang Labor Force
Participation Rate ng mga lalaki (73.9%) kaysa sa mga babae (46.9%) (Philippine
Statistics Authority, 2021).

Gawain 3: SURI-SIMBOLO
Suriin ang simbolo na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong mga simbolo ang makikita sa itaas? Umpisahan mula sa kaliwa.


2. Ano ang nais iparating ng mga simbolong ito?
3. Nararapat bang mangyari ang mensahe na ipinaparating ng mga simbolo sa
itaas? Ipaliwanag.

Kampanyang HeForShe.org

Ang HeForShe.org ay pinag-isang kampanya ng UN Women para sa


pagkakapantay-pantay ng kasarian. Ito rin ay naglalayong isama ang kalalakihan sa
laban sa di-pantay na pagtrato sa kababaihan at para rin sa karapatan ng
kababaihan. Noong ika-20 ng Setyembre taong 2014 sa punong tanggapan ng United
Nations, pinangunahan ni Emma Watson ang isang kampanya para sa
HeForShe.org. Ito ang kanyang pahayag:

“Today we are launching a campaign called HeForShe. I am reaching out to you


because we need your help. We want to end gender inequality, and to do this, we need
everyone involved. This is the first campaign of its kind at the UN. We want to try to
mobilize as many men and boys as possible to be advocates for change. And, we don’t
just want to talk about it. We want to try and make sure that it’s tangible”.

“I was appointed as Goodwill Ambassador for UN Women six months ago. And,
the more I spoke about feminism, the more I realized that fighting for women’s rights
has too often become synonymous with man-hating. If there is one thing I know for
certain, it is that this has to stop”.

“For the record, feminism by definition is the belief that men and women should
have equal rights and opportunities. It is the theory of political, economic and social
equality of the sexes”.

8
CO_Q3_AP 10_ Module 4
“I started questioning gender-based assumptions a long time ago. When I was
8, I was confused for being called bossy because I wanted to direct the plays that we
would put on for our parents, but the boys were not. When at 14, I started to be
sexualized by certain elements of the media. When at 15, my girlfriends started
dropping out of sports teams because they didn’t want to appear muscly. When at 18,
my male friends were unable to express their feelings”.

“I decided that I was a feminist, and this seemed uncomplicated to me. But my
recent research has shown me that feminism has become an unpopular word. Women
are choosing not to identify as feminists. Apparently, I’m among the ranks of women
whose expressions are seen as too strong, too aggressive, isolating, and anti-men.
Unattractive, even. Why has the word become such an uncomfortable one? I am from
Britain, and I think it is right I am paid the same as my male counterparts”.

“But sadly, I can say that there is no one country in the world where all women
can expect to see these rights. No country in the world can yet say that they achieved
gender equality. These rights, I consider to be human rights, but I am one of the lucky
ones”.

“We don’t often talk about men being imprisoned by gender stereotypes, but I
can see that they are, and that when they are free, things will change for women as a
natural consequence”.

“If men don’t have to be aggressive in order to be accepted, women won’t feel
compelled to be submissive. If men don’t have to control, women won’t have to be
controlled”.

“Both men and women should feel free to be sensitive. Both men and women
should feel free to be strong. It is time that we all perceive gender on a spectrum,
instead of two sets of opposing ideals”.

“If we stop defining each other by what we are not, and start defining ourselves
by who we are, we can all be freer, and this is what HeForShe is about. It’s about
freedom I want men to take up this mantle so that their daughters, sisters, and mothers
can be free from prejudice, but also so that their sons have permission to be vulnerable
and human too, reclaim those parts of themselves they abandoned, and in doing so,
be a more true and complete version of themselves”.

“You might be thinking, “Who is this Harry Potter girl, and what is she doing
speaking at the UN?” And, it’s a really good question. I’ve been asking myself the same
thing”.

“All I know is that I care about this problem, and I want to make it better. And,
having seen what I’ve seen, and given the chance, I feel it is my responsibility to say
something. Statesman Edmund Burke said, “All that is needed for the forces of evil to
triumph is for good men and women to do nothing.”

“In my nervousness for this speech and in my moments of doubt, I told myself
firmly, If not me, who? If not now, when? If you have similar doubts when opportunities
are presented to you, I hope those words will be helpful”.

9
CO_Q3_AP 10_ Module 4
“Because the reality is that if we do nothing, it will take seventy-five years, or
for me to be nearly 100, before women can expect to be paid the same as men for the
same work. 15.5 million girls will be married in the next 16 years as children. And at
current rates, it won't be until 2086 before all rural African girls can have a secondary
education”.

“If you believe in equality, you might be one of those inadvertent feminists that
I spoke of earlier, and for this, I applaud you. We are struggling for a uniting word, but
the good news is, we have a uniting movement. It is called HeForShe. I invite you to
step forward, to be seen and to ask yourself, “If not me, who? If not now, when?”

Si Emma Watson ay isang aktres mula sa United Kingdom na nakilala


sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula ng Harry Potter series bilang
Hermione Granger. Itinalaga si Watson ng UN Women, isang ahensya ng United
Nations para sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at sa ikabubuti ng
kababaihan, bilang UN Goodwill Ambassador. Pinangungunahan niya ang
kampanyang HeForShe.

Gawain 4: SURI-BALITA
Basahin at unawain ang sumusunod na balita. Pagkatapos ay sagutin ang
pamprosesong mga tanong sa sagutang papel.

10
CO_Q3_AP 10_ Module 4
ALAMIN: Batayang karapatan ng kababaihan
Posted at Mar 08 2018 06:37 PM | ABS-CBN News

Ipinagdiriwang ngayon ang International Women's Day habang kinikilala


ang buwan ng Marso bilang buwan ng kababaihan. Ngunit ano nga ba ang ilan
sa mga batayang karapatan ng kababaihan sa ilalim ng batas? Ito ay tinalakay
sa programang 'Usapang de Campanilla' sa DZMM nitong Miyerkoles.

Isa sa mga karapatang ito ay ang pagtitiyak na walang diskriminasyon sa


mga babaeng nagtatrabaho, ayon kay Emmeline Verzosa, Executive Director ng
Philippine Commission on Women. Aniya, may mga batas na nagbabantay sa
karapatan ng kababaihan pagdating sa pag-a-apply sa trabaho tulad ng mga
labor code at ang Republic Act 6725. Layon ng RA 6725 na labanan ang
diskriminasyon sa kababaihan pagdating sa mga kondisyon sa trabaho.
Nakasaad din sa Magna Carta of Women na dapat ay walang diskriminasyon sa
mga empleyada.

Ang Department of Labor and Employment ang nagbabantay kung


mayroong "gender-based discrimination" sa pribadong sektor, habang ang Civil
Service Commission naman sa sektor ng gobyerno, ayon kay Verzosa. Dagdag pa
rito, marami pang ibang karapatan ang kababaihan.

"Kasi comprehensive ito, social, political, cultural, economic. Sa economic,


dapat ang kababaihan may right to livelihood, credit, technology, training, skills,
decent work," ani Verzosa.

"Kung gusto niyang magtrabaho, kailangan mayroon siyang


mapagkukuhanan ng trabaho na disente. Kunwari gusto niyang magnegosyo,
mayroon siyang mga serbisyo na matatangap or mapagkukuhanan para umunlad
ang kaniyang negosyo," dagdag ni Verzosa.

Para naman masigurong sapat ang mga programa at serbisyo sa


kababaihan, kailangan aniya ay maglaan ng 5 porsiyento ng kanilang budget ang
mga ahensiya ng gobyerno para sa "Gender and Development Plan and Budget" o
GAD. Halimbawa, maaaring gamitin ang GAD para sa pagpapatakbo ng mga
Women's Desk sa mga estasyon ng pulis.

Pinagkunan: https://news.abs-cbn.com/news/03/08/18/alamin-batayang-karapatan-
ng-kababaihan

Pamprosesong mga tanong:

1. Tungkol saan ang balita?


2. Ano-anong mga karapatan ang dapat makamit ng kababaihan ang nabanggit?
3. Ano-anong mga batas ang nabanggit sa balita na may kinalaman sa
karapatan ng kababaihan?
4. Paano sinisiguro na walang diskriminasyon laban sa kababaihan na
nagaganap?
5. Ano ang pagkakatulad ng nilalaman ng kampanyang HeForShe.org at ng
balita?

11
CO_Q3_AP 10_ Module 4
SOGIE Bill at Politikal na Paglahok ng LGBT

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High


Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011, may mga LGBT (bata at
matanda) na nakaranas ng di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa,
pamilya, komunidad at pamahalaan. Kaya naman sa paglipas ng panahon, hindi
lamang karapatan ng kalalakihan at kababaihan ang ipinaglalaban ng iba’t ibang
indibidwal o grupo. Kabilang din sa mga isinusulong ay ang karapatan ng mga
miyembro ng LGBT community kaya naman mayroong panukalang batas na
naglalayong magsulong nito, ito ang SOGIE bill.

Ang SOGIE bill, base sa nilalaman ng panukala ni Senator Riza Hontiveros ay


naglalayong maiwasan ang anomang anyo ng diskriminasyon base sa sexual
orientation and gender identity or expression ng isang tao. Base pa rito, ang
panukalang batas na ito ay pagpapakita ng pagsunod ng pamahalaan sa Universal
Declaration of Human Rights (UDHR), International Covenant on Civil and Political
Rights (ICCPR), at sa International Covenant on Economic Social and Cultural Rights
(ICESCR) na nagsasaad na dapat matamasa ng bawat tao ang patas at epektibong
proteksiyon laban sa diskriminasyon sa kahit anomang basehan katulad ng lahi,
kulay, kasarian, wika, relihiyon, politikal at iba pang opinyon; pambansa o
panlipunang pinagmulan, kapanganakan, at iba pang estado sa buhay.

Bukod sa nasabing panukalang batas, makikita rin natin ang patuloy na


paglaban ng mga grupo ng LGBT para sa pantay-pantay na karapatan, oportunidad
at pagtanggap sa pamamagitan ng politikal na paglahok. Dito sa ating bansa, ang
natatanging partido politikal para sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender
(LGBT) community ay ang Ladlad. Sila ang tumitingin sa mga kapakanan ng nasabing
komunidad. Sila ay sumubok tumakbo upang makakuha ng posisyon sa Kongreso
noong 2007, 2010, at 2013. Ang kanilang plataporma ay ang sumusunod:

1. Re-filing of the Anti-Discrimination Bill, which gives LGBT Filipinos equal


opportunities in employment and equal treatment in schools, hospitals,
restaurants, hotels, entertainment centers, and government offices.
2. Re-filing of the bill to repeal the Anti-Vagrancy Law that some unscrupulous
policemen use to extort bribes from gay men without ID cards.
3. Setting up of micro-finance and livelihood projects for poor and differently-
abled LGBT Filipinos.
4. Setting up of centers for mature-aged gays, as well as young ones driven out
of their homes. The centers will also offer legal aid and counseling, as well
as information about LGBT issues, HIV and AIDS, and reproductive health.

Gumawa rin ng kasaysayan si Geraldine Roman noong siya ay nagwagi sa


Eleksiyon 2016 bilang kongresista ng unang distrito ng lalawigan ng Bataan. Siya
ang kauna-unahang transgender woman na naluklok bilang kinatawan ng kongreso.
Ayon sa kanya, ang pagtakbo sa kongreso ay hindi isyu ng kasarian kundi isyu kung
sino ang makakatulong sa bayan. “People look beyond the gender and look at what
you offer and what’s in your heart.” Dagdag pa niya.

12
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Gawain 5: ITALA MO!
Sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba, magtala ng mga bagay na sa
tingin mo ay dapat makamit ng mga miyembro ng LGBT community. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

LGBT

Pagyamanin

Gawain 6: MODIFIED FACT OR BLUFF


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang FACT
kung ito ay tama at BLUFF kung ito ay mali. Kung ang iyong sagot ay
BLUFF, ipaliwanag sa baba ng bawat aytem ang dahilan kung bakit ito
mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian o Gender Equality ay naglalayon


ng pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat anuman ang
kasarian.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______2. Higit na mas marami ang kababaihan na kinilalang


pinakamakapangyarihan sa daigdig ng Forbes Magazine kumpara sa
kalalakihan.

13
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______3. Batay sa Labor Force Survey, higit pa rin ang bilang ng kalalakihan na
nakapagtatrabaho kumpara sa kababaihan.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______4. Ang HeForShe.org ay isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa


pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______5. Ayon kay Emma Watson ang feminism ay tungkol sa paniniwala na dapat
ang kababaihan ay higit na nakakaangat kaysa sa kalalakihan.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______6. Sa ating bansa, ang bilang ng mga babaeng nahahalal sa iba’t ibang
posisyon ay mas kaunti pa rin kumpara sa kalalakihang naluloklok.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______7. Ang SOGIE Bill ay isang panukala na naglalayong maiwasan ang


anomang anyo ng diskriminasyon base sa sexual orientation and gender
identity or expression ng isang tao.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______8. Ang SOGIE Bill ay isang panukalang isinusulong ni Senator Riza


Hontiveros.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_______9. Ang bawat indibidwal ay maaari lamang makamit ang pagkapantay-


pantay kung siya ay nasa sarili niyang bansa.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

______10. Dapat makamit ng bawat tao ang patas at epektibong proteksiyon laban
sa diskriminasyon kahit ano pa man ang basehan.
Paliwanag:___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

14
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Gawain 7: GABAY NA LAYUNIN!
Tukuyin ang layunin ng mga konsepto sa ibaba at ipaliwanag kung paano mo
ito magagamit bilang gabay upang makagawa ng mga hakbang na magsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gender
Equality

LAYUNIN GABAY
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
________________________ ________________________

Kampanyang
HeForShe.org

LAYUNIN GABAY
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
________________________ ________________________

15
CO_Q3_AP 10_ Module 4
SOGIE BILL

LAYUNIN GABAY
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
________________________ ________________________

Isaisip

Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga


konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa iyong isipan. Maaari mo nang
balikan ngayon ang WQF Diagram na pinasagutan sa simula ng araling ito. Sa
puntong ito, sagutan ang bahagi ng “Fact” base sa mga natutuhan mo sa modyul na
ito at pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

W Q F

16
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Pamprosesong mga tanong:

1. Nasagot ba ang iyong mga katanungan? Bakit o Bakit hindi?


2. Base sa mga nabasa mo sa modyul na ito, nararapat bang bigyan ng pantay
na karapatan lahat ng tao kahit anoman ang kanilang kasarian? Ipaliwanag.
3. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang at pagtanggap sa ibang tao na
hindi mo katulad ang kasarian?

Isagawa

Gawain 8: AKSIYON NGAYON!


Panuto: Mag-isip ng 2-3 programa/aktibidad na maaari mong gawin na
magpapakita at magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian at
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. Sundin ang mga direksiyon sa ibaba at isulat ang sagot sa
sagutang papel:
 Isulat ang pangalan ng naisip mong programa/aktibidad.
 Isulat ang mga layunin nito o mga bagay na nais mong makamit dito.
 Isa-isahin mo ang mga hakbang na iyong isasagawa upang makamit
ang iyong mga layunin.
 Isulat mo kung sino-sino ang makikinabang at kasapi sa
programa/aktbidad na ito.
 Ipaliwanag ang inaasahang resulta ng naisip mong
programa/aktibidad. (Tiyaking ang inaasahang resulta ay magiging
kapaki-pakinabang upang maituturing itong mahalaga)
 Gamitin ang criteria sa ibaba bilang gabay sa pagsasagawa ng bawat
panuto.

Programa/ Makikinabang/ Inaasahang


Layunin Mga Hakbang
Aktibidad Kasapi Resulta

17
CO_Q3_AP 10_ Module 4
CRITERIA SA PAGMAMARKA

KATEGORYA PUNTOS
Orihinal na programa 30%
Kalinawan ng layunin 20%
Kalinawan ng mga hakbang 20%
Kahalagahan ng programa 30%
Kabuoan 100%

Gawain 9: PLEDGE OF COMMITMENT


Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng
ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anoman ang kasarian nito. Sa
pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment. Ipagpatuloy mo
ang pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bilang isang mabuting Pilipino/mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang


mga natutuhan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng…….
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

18
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang
papel.

1. Isinasaad ng mga ito na dapat matamasa ng bawat tao ang patas at epektibong
proteksiyon laban sa diskriminasyon sa kahit anomang basehan katulad ng lahi,
kulay, kasarian, wika, relihiyon, politikal at iba pang opinyon; pambansa o
panlipunang pinagmulan, kapanganakan, at iba pang istatus kaya naman ang
mga ito ang pinagbasehan ng panukalang batas na SOGIE. Alin dito ang hindi
kabilang?
a. Commission on Human Rights
b. Universal Declaration of Human Rights
c. International Covenant on Civil and Political Rights
d. International Covenant on Economic Social and Cultural Rights

2. Ano ang kahulugan ng acronym na SOGIE?


a. Sexual Orientation and Gender Identity and Expression
b. Sex Orientation and Gender Identity or Expression
c. Social Orientation and Gender Identity or Expression
d. Social Operations on Gender Identity and Expression

3. Maiwasan ang diskriminasyon, ano pa man ang oryentasyong seksuwal ng isang


indibidwal ang isinusulong ng panukalang batas na ito.
a. Human Rights c. SOGIE Bill
b. Gender Equality d. HeForShe.org

4. Ang hakbang na ito ay naglalayong magkaroon ang iba’t ibang kasarian ng pantay-
pantay na karapatan at oportunidad.
a. SOGIE Bill c. HeForShe.org
b. Gender Equality d. Human Rights

5. Ano ang nais iparating ni Geraldine Roman sa kanyang sinabi na “Ang pagtakbo
sa kongreso ay hindi isyu ng kasarian kundi isyu kung sino ang makakatulong sa
bayan?”
a. Ang kasarian ay may epekto sa serbisyo na maipagkakaloob ng isang politiko
b. Ang pagsali sa politika ay nararapat sa babae at lalaki basta sila ay
makatutulong sa bayan
c. Kahit ano pa man ang kasarian, ang bawat isa ay may karapatan na tumakbo
sa halalan
d. Ang kasarian ay hindi basehan sa pagpili ng lider, kundi ang serbisyo na
maipagkakaloob niya sa bayan

6. Ang UN Women ay nagkaroon ng pinag-isang kampanya para sa pagkakapantay-


pantay ng kasarian. Ano ito?
a. HeForShe.org c. Human Rights
b. SOGIE Bill d. Gender Equality

19
CO_Q3_AP 10_ Module 4
7. Ano ang puwede mong gawin upang higit na maitaas ang dignidad ng LGBT
community na iyong kinabibilangan?
a. Magkaroon ng programa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan
b. Huwag ng pansinin ang sinasabi ng iba bastat gumagawa ka ng tama
c. Maging magandang halimbawa o modelo sa bawat isa upang makita ng
lipunan na karapat-dapat din silang respetuhin
d. Lahat ng nabanggit

8. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “Both men and women should feel free
to be sensitive. Both men and women should feel free to be strong. It is time that
we all perceive gender on a spectrum, instead of two sets of opposing ideal.” –
Emma Watson
a. Ang kababaihan ay higit na sensitibo kumpara sa kalalakihan
b. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan
c. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay at
magkasundong pananaw tungkol sa kasarian
d. Ang kababaihan ay dapat bigyan ng higit na karapatan kumpara sa
kalalakihan dahil sila ang kalimitang nakararanas ng diskriminasyon

9. Ang kababaihan at kalalakihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan at


oportunidad. Ano ang paniniwalang ito?
a. Sexualism c. Masculinity
b. Feminism d. Gender Sensitivity

10. Si Andrew ay kabilang sa LGBT community. Siya ay mahilig magsuot ng damit


pambabae sa tuwing siya ay nagpupunta ng mall dahil ito ay naaayon sa
kaniyang damdamin ngunit din dahil dito ay madalas siyang kutyahin ng ilang
tao sa kanilang lugar. Anong panukalang batas ang maaaring makatulong kay
Andrew upang maiwasan na ang ganitong uri ng pangyayari?
a. Human Rights c. HeForShe.org
b. SOGIE Bill d. Gender Equality

11. Ikaw ay kabilang sa organisasyon ng inyong paaralan at nakasaksi ka ng mga


nilalait na miyembro ng LGBT, ano ang dapat mong gawin?
a. Makialam at sumama sa panlalait sa kanya
b. Hayaan na lang siya dahil hindi ka naman kasapi sa LGBT
c. Pagsabihan ang mga mag-aaral na huwag siyang i-bully sa loob ng paaralan
d. Ipatawag sa opisina ang mga mag-aaral na nanlalait at pagsabihan na huwag
na nila itong ulitin dahil lahat ng tao ay may damdamin at pantay na
karapatan

12. Ayon sa HeForShe.org, kinakailangan ang tulong ng kalalakihan upang


malabanan ang di-pantay na pagtrato sa mga kababaihan. Bakit kailangan itong
gawin?
a. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil mas kaunti ang bilang ng
kababaihan kaya hindi nila kakayanin na isulong ang kanilang karapatan
b. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil higit ang kanilang bilang na may
posisyon sa pamahalaan
c. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil sila ay mayroong direktang
ugnayan sa isyung ito
d. Kailangan ang tulong ng kalalakihan dahil magkatuwang ang babae at lalaki
sa buhay

20
CO_Q3_AP 10_ Module 4
13. Bakit kinakailangang magkaroon nang pantay-pantay na karapatan ang lahat
ng tao kahit ano pa ang kanilang kasarian?
a. Dahil lahat ng tao, anoman ang kasarian ay mabubuti
b. Dahil ito ay ipinaglalaban ng mga kilalang personalidad
c. Dahil lahat tayo ay mamamayan ng ating sariling bansa
d. Dahil ang lahat, anoman ang kasarian ay dapat igalang at pahalagahan

14. Si Roy ay miyembro ng isang organisasyong lumalaban at naglalayong


mabigyang ng patas na pagkakataon at pagtingin ang lahat ng tao, sila man ay
babae, lalaki o LGBT. Ano ang ipinaglalaban ni Roy?
a. Gender Sensitivity c. Gender Equality
b. Feminism d. Sexualism

15. Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng kababaihan sa politika ay higit na mababa


kumpara sa kalalakihan. Dalawang babae ang naging Presidente ng bansa at sa
ika-18 kongreso, 7 lamang sa 24 na senador ang babae. Sa Edukasyon, higit na
marami ang babaeng nakapag-enrol sa elementarya at sekondarya. Sa taong
2015, ang female net enrollment ratio (NER) sa pribado at pampublikong
mababang paaralan ay nasa 91.96% habang ang ay male NER ay nasa 90.2%.
Samanatala, batay sa Labor Force Survey o LFS noong Enero 2021, mas mataas
ang Labor Force Participation Rate ng mga lalaki (73.9%) kaysa sa mga babae
(46.9%). Ano ang mahihinuha mo sa talata?
a. Ang partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan ay walang pinagkaiba.
b. Ang partisipasyon ng kababaihan ay higit na mataas kumpara sa kalalakihan.
c. Pantay ang partisipasyon ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang aspekto
ng ating lipunan.
d. Mas mataas pa rin ang bilang ng partisipasyon ng kalalakihan kaysa sa
kababaehan sa larangan ng sa politika at sa trabaho.

21
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Karagdagang Gawain

Gawain 10: PROGRAMA NG BAYAN!


Magsiyasat ng limang programa ng barangay, lokal o pambansang
pamahalaan na naglalayong isulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Antas/lawak ng
pagpapatupad (barangay, Layunin at deskripsiyon
PROGRAMA
lungsod/munisipalidad, ng programa
probinsiya, o pambansa)
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 11: TULA NG PAGTANGGAP!


Magsulat ng isang malayang tula na may tatlong saknong tungkol sa
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang
gabay.

Nangangailangan
Katamtaman
Napakagaling (10) Magaling (8) ng pagsasanay
(6)
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
makahulugan ang makahulugan ang may lalim literal ang
kabuoan ng tula kabuoan ng tula ang kabuoan kabuoan ng tula
ng tula
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig simbolismo/pahiwatig 1-2 pagtatangkang
na nakapagpaisip sa na bahagyang simbolismo ginawa upang
mga mambabasa. nagpaisip sa mga na nakalito makagamit ng
Piling-pili ang mga mambabasa. May sa mga simbolismo.
salita at pariralang ilang piling salita at mambabasa.
ginamit pariralang ginamit. Ang mga
salita ay di-
gaanong pili.

22
CO_Q3_AP 10_ Module 4
CO_Q3_AP 10_ Module 4 23
Subukin Pagyamanin Gawain: GABAY NA
1. b Gawain 6: LAYUNIN!
2. d Gender Equality — Layunin nito ang
3. a
MODIFIED
FACT OR pagbibigay ng pantay na karapatan at
4. b oportunidad sa iba’t ibang kasarian na
5. c BLUFF kabilang sa lipunan.
6. c 1. FACT
7. b 2. BLUFF SOGIE Bill — ito ay naglalayong
8. c 3. FACT maiwasan ang anumang anyo ng
9. d 4. FACT diskriminasyon base sa sexual
10.d 5. BLUFF orientation and gender identity or
11.a 6. FACT expression ng isang tao.
12.d 7. FACT
13.d 8. FACT Kampanyang HeForShe.org —
14.a 9. BLUFF layunin nito ang pagakakapantay-
15.c 10. FACT pantay ng kasarian. Ito rin ay
naglalayong isama ang kalalakihan sa
laban sa di-pantay na pagtrato sa
kababaihan at para sa karapatan ng
kababaihan.
Tayahin
1. a
2. a
3. c
4. b
5. d
6. a
7. d
8. c
9. b
10. b
11. d
12. c
13. d
14. c
15. d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Books:

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Modyul ng mga


mag-aaral.

Philippine Statistics Authority. (2021, March 9). Employment situation in


January 2021 | Philippine Statistics
Authority. https://psa.gov.ph/content/employment-situation-january-
2021

Websites:

https://www.senate.gov.ph/press_release/2011/0308_legarda3.asp

http://www.senate.gov.ph/lisdata/3043527277!.pdf

http://legacy.senate.gov.ph/senators/sen18th.asp

https://jelloyoppasite.wordpress.com/2017/10/17/pagsulong-ng-gender-equality-
sa-pilipinas-isang-posisyong-papel/

http://sociology.about.com/od/Current-Events-in-SociologicalContext/fl/Full-
Transcript-of-Emma-Watsons-Speech-on-Gender-Equality-at-theUN.htm

https://outragemag.com/ladlad-partylist-nine-years-of-fighting-for-lgbt-rights/

https://radyo.inquirer.net/30563/transgender-wagi-bilang-kongresista-sa-bataan

https://www.google.com/search?q=gender+equality&source=lnms&tbm=isch&sa=
X&ved=2ahUKEwizs_yu_MfsAhXCLqYKHRKmBHwQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1366
&bih=625#imgrc=XBF5axo_T1txHM

https://news.abs-cbn.com/news/03/08/18/alamin-batayang-karapatan-ng-
kababaihan

https://mapstat-
psa.opendata.arcgis.com/datasets/4953a6f2f4394342b79afc04806b4c96_0?selecte
dAttribute=FEMALE15
https://mapstat-
psa.opendata.arcgis.com/datasets/4953a6f2f4394342b79afc04806b4c96_0?selecte
dAttribute=MALE15
https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-
survey/title/2020%20Annual%20Preliminary%20Estimates%20of%20Labor%20For
ce%20Survey%20%28LFS%29
https://www.forbes.com/powerful-people/list/

https://ourworldindata.org/gender-ratio

24
CO_Q3_AP 10_ Module 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like