Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

YUNIT III PANAHON NG KASTILA

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD,


GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop. Mahahati ang
panitikan sa dalawa sa panahong ito una ay pamaksang pananampalataya
at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang Asal

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila,


karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang
pananampalataya. Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat
sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan.

Halimbawa: ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang
gaya ng mga pasyong inaawit.
Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw
sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing
tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa

Halimbawa: ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo


at karagatan

Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso


Halos ang mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino. Nalathala ang mga pahayagang
propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889.

Si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na "Laong Laan" ay


naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad at may akda ng:
Nobela: Noli Me Tangere at El Filibusterismo at Makamisa (hindi natapos)

Sanaysay: Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang


Dalaga sa Malolos
Ang mga bayaning sina Marcello H. Del Pilar (Plaridel), Graciano
Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio
Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Impluwensiya ng Kastila sa Panitikang Filipino

• Ang “Alibata” na kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng


alpabetong Romano.
• Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga
gawang makarelihiyon.
• Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino
• Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa
Tagalog at sa ibang wikain.
• Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang
Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano, at Bisaya.
• Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga
panahong yaon.
Mga Unang Aklat

Doctrina Christiana

Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593,


sa pamamagitan ng siklograpiko (isang uri ng sining na kung saan umuukit
ka sa kahoy para sa pag-imprenta). Akda ito nina Padre Juan de Placencia
at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila.
Nagtataglay lamang ng 87 pahina ang akdang it at nilalaman nito ang
Pater Noster, Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos
ng Sta. Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal, at
Katesisimo.

Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na ito na


matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados
Unidos.

Nuestra Señora Del Rosario

Ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito ay akda ni Padre


Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan
ng Sto. Tomas. Naglalaman ito ng mga talambuhay sa mga santo, nobena
at mga tanong at sagot sa relihiyon

Barlaan at Josaphat

Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinalin sa tagalog mula


sa wikang Griyego ni Padre Antonio de Borja. Hango ang aklat sa isang
napakapopular na kuwento ng kabanalan noong Edad Midyibal sa Europa.

Tungkol ito sa kumbersiyon ng isang prinsipe sa India, si Josaphat, na


ikinulong sa isang palasyo at binigyan ng lahat ng layaw ng amang hari dahil
sa tákot na maganap ang hula na magiging isang Kristiyano ang anak at
magiging higit na makapangyarihan kaysa kaniya.

Ngunit nalungkot sa gitna ng mga layaw si Josaphat, nag-isip lumabas


sa palasyo, at nang makalabas ay nakatagpo ng mga kinatawan ng
paghihirap, sakit, katandaan, at kamatayan. Lalong naguluhan ang isip ng
prinsipe. Sa kabilang dako, kinausap ng Langit si Barlaan, isang ermitanyo
at inatasang tulungan si Josaphat. Sa tulong ng Langit, nakapasok sa
palasyo si Barlaan at naaralan sa Kristiyanismo si Josaphat. Naganap ang
hula at sa dulo’y sumuko ang hari sa karunungan ng anak.

Urbana at Feliza

Aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikong


Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na
sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman
ng aklat na ito, kaya malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga Pilipino.

• Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal.

• Ang pangalang “Feliza” ay galing sa kastilang salita na “feliz” na


nangangahulugang maligaya. Sinasagisag nito ang kaligayahang
natatamo sa pagiging mabuti at masunurin.

• Si Urbana ay nasa Manila upang mag aral at si Feliza ay nasa


Paombong Bulacan.

• Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-budi at karangalan.

Mga ilang importanteng asal ayon kay Urbana:

• Ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng ulong


papatongan, at di ang ulo ang dapat humanp ng koronang ipapatong.
• Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na
tungkulan
• Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igagalang ng tao
• Huwag kalilimutan ang katungkulang lumingap sa lahat, mahal man o
hindi
• Katapatan ng loob sa kaibigan, mapag-ampon sa mababa, maawain
sa mahirap at ang tumutupas sa katungkulan ay pupurihin ng bayan
Pagdating sa bahay

• Bumati ng magandang gabi o magandang umaga sa may bahay


• Huwag magpapatuloy sa kabahayan hanggang di inaanyayahan
• Bago umupo ay hintayin muna pagsabihan at huwag pipili ng mahal
na luklukan
• Iwasan mamintas, itago na lamang sa sarili.

Sa Lamesa

• Huwag makikiupo sa matatanda


• Sa pagkain ay iwasan ang pagubo, pagsinga o pagbahin
• Huwag magpapauna sa matanda sa pagsubo
• Iwasan kumaing namumuno ang bibig, dalas dalas at malalaki ang
subo
• Masama ang mahalatang maibigan sa alak
• Huwag magpahuli sa lahat sa pagkain at huwag naming
mapagpapauna ng pagtindig.

Sa Pagalis

• Bago umalis sa bahay ay magpasalamat sa Diyos, ang dapat


mamuno sa paglabas ay ang may-bahay.
• Magpasalamat sa may-bahay.
D. Mga Akdang Pangwika

Arte y Regalas de la Lengua Tagala


• Sinulat ni Padre Blancas de San Jose at isinalin sa tagalog ni Tomas
Pinpin noong 1610.

Compendio De La Arte Lengua Tagala


• Ini-akda ni Padre Gaspar de Agustin noong 1703.

Vocabulario de la Lengua Tagala

• Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de


San Buena ventura noong 1613

Vocabulario De la Lengua Pampango

• Unang aklat na pangwika sa kasaysayan ni Padre Diego Bargano

Vocabulario de la Lengua Bisaya

• Pinaka mahusay na aklat pangwika na isinulat ni Mateo Sanchez noong


1711.

Arte de la Lengua Bicolana

• Unang aklat pangwika sa bikol na isinulat ni Padre Marcos Lisboa noong


1754.

Arte de la lengua Iloka


• Kauna-unahang bararilang Iloko na isinulat ni Francisco Lopez.
E. Mga Dulang Panlibangan

Tibag

Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang


paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni hesus sa pamamagitan
ng pagtitibag ng bundukbundukan.

Lagaylay

Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipunipon


kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. Abril pa lamang,
namimili na si Kikay, ang anak ng sakristan mayor ng mga dalagang sasali
rito. Kung minsan, ipiniprisinta na ng mga magulang ang kanilang anak
kahit hindi pa dalaga, dahil sa isang panata na ginawa dahil sa
pagkakasakit o isang pabor na nais makamtan.

Sinakulo

Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating


Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “Pasyon.”

Pasyon - nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan,


pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay.

Panunuluyan

Isang pagtatanghal ito na isinagagawa bago mag-alas dose ng gabi


ng kapaskuhan. Natutungkol ito sa paghahanap ng matutuluyan ng Birheng
Maria at ni Joseph upang doon iluwal ang sanggol na si Hesukristo.
Ang Panginoong Hesus ay isinilang sa isang sabsaban, kung tawagin ay
sa Bethlehem.
Panubong
Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o
kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa
isang panauhin o may kaarawan. Ang unang bahagi ay sinisimulang awitin
sa may tarangkahan ng bahay ng may kaarawan. Ang ikalawang bahagi ay
inawit habang umaakyat sa hagdan ang mga kumakanta. Ipinaliliwanag
nila rito ang halaga ng bawat baitang.

Karilyo

Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng


mga aninong ginawa mula sa karton , na pinanonod na gumagalaw sa likod
ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na
siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.

Moro-Moro
Tulad ng sinakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa isang
ipinasadyang entablado. Ito’y itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o
ng nayon upang magdulot ng aliw sa tao at laging ipaalala sa mga ito ang
kabutihan ng relihiyong Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari’t reyna
at mga mandirigmang kawal.

Karagatan

Ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya


sa dagat sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at
ang makakuha’y pakakasalan niya.
Duplo

Ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas


at pangngatwiran na patula. Ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa
mga sawikain, at mga kasbihan. Karaniwang nilalaro ito sa paglalamay sa
gunita ng isang namatay.

Kurido

Ang kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa


katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga
tauhan. Karamihan sa mga paksa ay galing sa Europa at dinala lamang
dito ng mga Kastila.

Isang halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna na ang may akda ay si


Jose dela Cruz o mas kilalang "Huseng Sisiw.

Saynete

Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon


ng pananakop sa atin ng mga Kastila ang Saynete. Ang paksa ng dulang
ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa
kaniyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Ang “La India
Elegante Y El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa
sa mga nakaaaliw na libangang saynete nang panahong ito.

Sarsuela

Ang sarsuela ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing


yugto. Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin. Naglalarawan din ito ng
pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Ang ama ng sarsuwela ay walang iba ay si "Severino Reyes.

You might also like