Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG KAWALANG-KATARUNGAN

:‫الخطبة األولى‬

Mga alipin ng Allah, katotohanan na kasama sa pagiging makatarungan ng Allah,

pagiging Maawain Niya, at pagkakumpleto ng Kanyang kabutihan ay ang Kanyang

pagbabawal ng kawalang-katarungan sa Kanyang sarili; kaya naman, Kanya ring

ipinagbawal ang kawalang-katarungan sa Kanyang mga alipin. Tulad ng nabanggit

sa Hadith Al-Qudsi na sinabi ng Propeta ‫ﷺ‬:

"‫حمرما فال تظاملوا‬


ً ‫حرمت الظلم على نفسي وجعلته بينكم‬
ُ ‫ إين‬:‫ يا عبادي‬:-‫عز وجل‬- ‫"قال اهلل‬

“Sinabi ng Allah ‫ ﷻ‬: O Aking mga alipin, tunay na Aking ipinagbawal sa Aking

sarili ang kawalang-katarungan at Akin itong ginawang bawal sa pagitan ninyo

kaya’t huwag kayong gumawa ng kawalang-katarungan sa bawa’t-isa”

Katotohanan na ang kawalang-katarungan ay may maraming uri ngunit ang

pinakamasama nito at pinakamapaminsala ay ang pag-usig sa kung anuman ang

nasa ibabaw ng lupa ng walang katanggap-tanggap na dahilan. Ang pag-usig sa

mga tao; ng kanilang relihiyon, ng kanilang mga sarili, kayamanan, dangal, pag-

iisip, at ng kanilang kalayaan, sa kahit anumang paraan ay siyang ikinamuhi,

ikinainis, at ikinagalit ng mga taong nasa tamang pag-iisip. Kanilang iniwasan at

kinamuhian ang sinumang gumawa nito sa mga tao. Kaya naman, ipinagbawal ng

Allah ang pag-usig gamit ang Ayah sa Qur’an na nagpapaliwanag ng mga

pinagmumulan ng maraming kasamaan. Upang ipaalam na ang pag-usig ay may

kaakibat na napakalaking kasalanan. Sinabi ng Allah:


]33:‫ﱩ ﮀ ﮁ ﮂ ﮃ ﮄ ﮅ ﮆ ﮇ ﮈ ﮉ ﮊ ﮋ ﮌ ﮍ ﮎ ﮏ ﮐ ﮑ ﮒ ﮓ ﮔ ﮕ ﮖ ﮗ ﮘ ﮙ ﮚ ﮛ ﮜ ﮝ ﱨ [األعراف‬

“Sabihin mo, O Muhammad: “Ang ipinagbabawal lamang ng aking Panginoon ay

ang mga kahalayan, anomang nakahayag nito at anomang nakatago, at kasalanan

at pag-usig ng walang katarungan, at ang inyong pagtatambal sa Allah (sa


pagsamba) na wala naman Siyang ibinabang kapahintulutan, at ang inyong

pagsasabi ng anuman sa Allah na wala naman kayong nalalaman.”

At nangako rin ang Allah ng matinding kaparusahan sa mga nang-aapi at

gumagawa ng mga kasalanan. Kanyang sinabi sa Qur’an:

]42:‫ﱩ ﯨ ﯩ ﯪ ﯫ ﯬ ﯭ ﯮ ﯯ ﯰ ﯱ ﯲﯳ ﯴ ﯵ ﯶ ﯷ ﯸ ﱨ [الشورى‬

“Ang dahilan ng pagkakasala ay laban lamang sa mga mapaggawa ng di-

makatarungan sa mga tao at nang-api (naniil, nagmalupit) sa kalupaan ng walang

katuwiran. Sila yaong mga magtatamo ng mahapding parusa.”

Ang masidhing kaparusahan na ito ay ang kanilang gantimpala sa huling araw,

ngunit mayroon din silang mabigat na kaparusahan dito sa mundo. Tulad ng

nabanggit sa Hadith na naiulat ni Abu Bakr radiyallahu anhu na sinabi ng Propeta

‫ﷺ‬:

"‫ لصاحبه العقوبة يف الدنيا مع ما يدخره له يف اآلخرة من البغي‬-‫تعاىل‬- ‫ما من ذنب أجدر أن يعجل اهلل‬

‫"وقطيعة الرحم‬

“Walang kasalanan ang mas karapat-dapat na padaliin ng Allah ‫ ﷻ‬sa gumagawa

nito ang kaparusahan sa Mundo at maliban pa rito ang naghihintay na

kaparusahan sa kabilang buhay, sa pag-usig at pagputol ng relasyong kamag-

anak”

Kasama sa pangunahing kaparasuhan na ito sa silang mga nang-aapi at mapang-

abuso ay ang pagbaliktad ng mundo sa kanila at pagbalik sa kanila ng mga

masasama nilang ginawa. Malalasap nila ang kahihiyan at kasakiman na kanilang

ginawa sa iba. Malalasap nila ang pagkatalo, at hindi nila maabot ang kanilang

pinapangarap. Tulad ng sinabi ng Allah sa Qur’an:

]23:‫ﱩ ﮕ ﮖ ﮗ ﮘ ﮙ ﮚ ﮛ ﮜ ﮝﮞ ﮟ ﮠ ﮡ ﮢ ﮣ ﮤﮥ ﮱ ﱨ [يونس‬
“Ngunit nang sila ay Kanyang iniligtas, pagmasdan! sila ay sumuway (sa Kanya)

sa kalupaan ng walang katuwiran. O sangkatauhan, ang inyong pagsuway ay

laban sa inyong mga sarili.”

Mga alipin ng Allah, ilang mga kasaysayan at kwento ba ang nasa ating mga kamay

patungkol sa silang mga naunang mga tao, sila ay nang-api, nag-abuso, nagmalabis,

at nanira sa kalupaan? Ilang mga kwento ba ang alam natin na mapagkukunan natin

ng leksyon? Ilang mga pruweba ba ang kakailanganin natin para mapatunayan at

maisaisip ang kaparusahan ng silang mga naminsala sa kalupaan? Ano nga ba ang

kinahinatnan ni Fir’awn? Nang siya ay nagmalaki at dinakila ang kanyang sarili dito

sa lupa; na kanyang pinahirapan ang kanyang mga kinasasakupang mga tao,

kanyang kinatay ang mga bata at inalipin ang mga kababaihan. Hanggang sa

makalimutan niyang isa siyang nilalang at tawagin niya ang kanyang sarili na

panginoon. Hindi ba ang kanyang kinahinatnan ay ang kanyang pagkasawi at

pagkawasak.

]40:‫ﱩ ﮠ ﮡ ﮢ ﮣ ﮤﮥ ﮦ ﮧ ﮨ ﮩ ﮪ ﮫ ﱨ [القصص‬

“Kaya, siya (si Fir’awn) at ang kanyang mga kawal ay Aming kinuha (hinablot), at

sila ay itinapon sa dagat. Kaya, inyong tunghayan kung paano ang naging wakas

ng mga mapaggawa ng kamalian.”

]92:‫ﱩ ﮃ ﮄ ﮅ ﮆ ﮇ ﮈ ﮉﮊ ﮒ ﱨ [يونس‬

“Na kung kaya, sa araw na ito, Aming ililigtas ang iyong (patay na) katawan

(mula sa dagat) upang ikaw ay maging tanda (aral o halimbawa) para sa mga

susunod (na salinlahi) sa iyo.”

At ano ang kinahinatnan ni Qaarun nang siya ay nagmalabis at nang-abuso sa mga

tao noong siya ay binigyan ng Allah ng napakaraming mga kayamanan? Hindi ba

ang kanyang kinahinatnan ay ang kanyang pagkasawi at pagkawasak.

]81:‫ﱩ ﮘ ﮙ ﮚ ﮛ ﮜ ﮝ ﮞ ﮟ ﮠ ﮡ ﮢ ﮣ ﮤ ﮥ ﮦ ﮧ ﮨ ﱨ [القصص‬
“Kaya, Aming pinangyaring siya at ang kanyang pamamahay ay lulunin ng lupa.

Kaya, wala siyang kasamahan upang tumulong sa kanya bukod sa Allah, at hindi

rin siya kabilang sa mga maaring magtanggol sa kanilang mga sarili.”

At ano ang kinahinatnan ng mga tao sa Thamoud na ang kanilang mga tahanan ay

kanilang ginawa sa mga matatayog at matitibay na bundok? Hanggang sa kanilang

sinabi:

]15:‫ﱩ ﮑ ﮒ ﮓ ﮔ ﮕﮖ ﮥ ﱨ [فصلت‬

“At sino pa nga ba ang mas malakas kaysa sa amin?”

At ano ang kinahinatnan ng mga tao sa ‘Aad, silang mga tao na walang katulad ang

kanilang higanteng pangangatawan at pambihirang lakas?!

]8-5:‫ﱩ ﯟ ﯠ ﯡ ﯢ ﯣ ﯤ ﯥ ﯦ ﯧ ﯨ ﯩ ﯪ ﯫ ﯬ ﯭ ﯮ ﯯ ﯰ ﯱﯲ ﯳ ﯴ ﯵ ﯶ ﯷ ﯸ ﯹ ﯺ ﯻ ﯼ ﯽ ﯾ ﯿ ﰀ ﰁ ﱨ [احلاقة‬

“Kaya (tungkol) sa (mga Tribo ng) Thamoud, sila ay winasak ng isang (kakila-

kilabot at nakatutulig na) pagsabog. At (tungkol) sa (mga mamamayan ng) ‘Aad;

sila ay winasak ng isang nagngangalit (na ihip) ng hangin. Na Kanyang itinalaga

(ipinataw) sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya iyong

makikita ang mga tao roon na nakalugmok na tila sila ay mga puno ng datiles na

nakahandusay. Kaya, may nakikita ka bang alinman sa kanilang mga naiwang

(buhay)?”

At anong kinahinatnan ng pang-aapi ni Namrud, at ng mga lider ng Roma at

Persiyano? Anong kinahinatnan ni Abu Jahl, ni Umayyah bin Khalaf, ni ‘Uqbah bin

Abi Mu’eet, at ng silang mga tao na nagyabang at nagmalaki dito sa mundo. Na sila

ay nang-abuso at nag-api sa mga taong mahihina at sa mga naniniwala sa Allah.

Katunayan na kanilang natanggap ang kasamaan at sakit ng kaparusahan.


At noong hindi na nakapagtiis ang mga tao, at umabot na sa kasukdulan ang

pagmamalabis, pang-aabuso, at pang-aapi ng mga kalaban ay itinaas ng Propeta

Muhammad ‫ ﷺ‬ang kanyang mga kamay sa langit at kanyang ipinalangin:

"‫ اللهم عليك بفالن وفالن‬،‫ اللهم عليك بعقبة ابن أيب معيط‬،‫ اللهم عليك بأيب جهل‬،‫"اللهم عليك بقريش‬

“O Allah, parusahan Mo ang Qurasysh, O Allah parusahan mo si Abu Jahl, O

Allah parusahan mo si Uqbah bin Abi Muiyt, O Allah parusahan mo si fulan at si

fulan”

Hanggang sa nabanggit ng Propeta ‫ ﷺ‬ang pitong mga pangalan.

At dumating nga ang tugon ng Allah ‫ ﷻ‬sa panalangin ng Propeta ‫ﷺ‬. Na noong

labanan sa Badr ay lahat ng pitong tao na kanyang binanggit ay namatay at

nakaranas ng matinding pagpanaw. Hanggang sa naiulat na ang kanilang mga

katawan ay lumubo dahil sa sama ng kanilang pagkamatay.

Kaya napaka-masalimoot na buhay para sa silang mga lubos ang kanilang

pandaraya sa kanilang mga sarili. Gumagawa sila ng mga kasalanan sa bawat araw

at gabi. Kanilang sinusunod ang kanilang mga pagnanasa at pansariling interes,

ngunit ang kanila lamang makukuha ay wala kundi ang maraming kasalanan na

magpapahirap sa kanila sa araw ng paghuhukom.

Mga alipin ng Allah, huwag kayong magpalinlang at magpatalo sa lakas ng silang

mga mandaraya, silang nang-aapi at nang-aabuso. Huwag rin kayong mawalan ng

pag-asa at matakot sa dami ng kanilang kasakiman at sa haba ng kanilang

kasamaan, dahil katotohanan na ang kanilang kahihinatnan ay ang kanilang

pagkawasak at pakgkasawi.

Ayon kay Abu Musa Al-Ash’ariy radiyallahu anhu na sinabi ng Propeta ‫ﷺ‬:
َّ
"‫"إن اهلل ميلي للظامل فإذا أخ َذه مل يفلته‬

“Katotohanan na ang Allah ay hinahayaan muna at hindi agad paparusahan ang

gumagawa ng kawalang-katarungan at kung siya ay Kanyang paparusahan

hinding-hindi siya makakaligtas”

Pagkatapos ay binasa ng Propeta ang sinabi ng Allah sa Qur’an:


]102:‫ﱩ ﮍ ﮎ ﮏ ﮐ ﮑ ﮒ ﮓ ﮔﮕ ﮖ ﮗ ﮘ ﮙ ﮚ ﱨ [هود‬

“At ganyan ang pananalanta ng iyong Panginoon nang Kanyang salantain (o

patawan ng parusa) ang (mamamayan ng) mga bayan habang sila ay gumagawa

ng kamalian. Katotohanan, ang Kanyang pananalanta ay mahapdi, (at) matindi.”

Mga alipin ng Allah, kapag tumindi na ang pagmamalabis at pang-aabuso ng silang

mga nang-aapi, nang-aabuso at mga mandaraya, kapag naging mas delikado na ang

kanilang mga ginagawa, at kapag mas lumalaki at lumalawak na ang kanilang

paghihimagsik at pang-aalipusta, ay katunayang senyales na ‘yon ng kanilang

pagkatalo at pagkabigo. Katunayang ito ay Sunnah ng Allah para sa kanila, o ang

normal ng takbo ng buhay dito sa mundong ibabaw para sa mga namuno, mga lider

ng bawat pamayanan na kanilang inakalang magpapatuloy ang kanilang

pagkakaroon ng pansamantalang kapangyarihan. Ito na ay Sunnah ng Allah na

katapusan ng mga mandaraya, mapang-api, at mapang-abuso sa kasaysayan ng

mundo.

At katunayan na ang kaparusahan ng silang mga mandaraya sa huling araw ay

napakasidhi at napakatindi. Sinabi ng Allah sa Qur’an:


]42:‫ﱩ ﯶ ﯷ ﯸ ﯹ ﯺ ﯻ ﯼﯽ ﯾ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃ ﰄ ﱨ [إبراهيم‬

“At huwag mong isipin kailanman, na ang Allah ay hindi nakakatalos sa

anumang ginagawa ng mga mapaggawa ng kamalian, sila ay Kanyang binibigyan

(lamang) ng (sapat na) palugit hanggang sa Araw na ang mga mata ay nakatulala

sa ligalig (sanhi ng matinding sindak).”


:‫الخطبة الثانية‬

Mga kapatid sa Islam, katotohanan na hinding-hindi magtatagumpay ang

kawalang-katarungan; walang mananatiling hari o lider sa kanyang pwesto kapag

siya ay gumawa ng kawalang-katarungan at walang sibilisasyon ang uunlad o

lalago kapag laganap ang kawalang-katarungan rito. At katotohanan na ang

katarungan naman ay isang kayamanan at proteksyon ng isang hari, at kapayapaan

para sa silang kanyang mga kinasasakupan. Ang lahat ng tao ay mapapanatag ang

kanilang kalooban kapag alam nilang ang katarungan ay siyang laganap at

nasusunod sa kanilang pamayanan. At kahit na ang isang hari o lider ay kaafir kung

siya naman ay makatarungan ay maliligtas siya sa kasamaan. Sinabi ng Allah:

]117:‫ﱩ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃ ﰄ ﰅ ﰆ ﰇ ﱨ [هود‬

“At kailanman, hindi wawasakin ng iyong Panginoon ang mga pamayanan (o

mga bayan) nang di-makatarungan kung ang mga mamamayan nito ay

mapaggawa ng matuwid.”

Sinabi ni Imam Ibn Taimiyah rahimahullah, “Katotohanang ang Allah ay Kanyang

itatayo ang isang bansang makatarungan kahit pa ito ay bansa ng mga hindi

naniniwala. At hindi niya itatayo ang isang bansang kawalang-katarungan kahit pa

ito ay bansa ng mga Muslim.” At nagsabi nga ng totoo ang ating Imam patungkol

rito, dahil nakasulat na rin ito sa kasaysayan ng mundo.

]23:‫ﱩ ﯽ ﯾ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃﰄ ﰅ ﰆ ﰇ ﰈ ﰉ ﰊ ﱨ [الفتح‬

“Ito ang pamamaraan ng Allah (na umiral na) noon pa man. At kailanman, wala

kang matatagpuang alinmang pagbabago sa kaparaanan (o landas) ng Allah.”

Mga alipin ng Allah, nalaman na natin kung gaano kasama ang kawalang-

katarungan at ano ang kahihinatnan ng silang mga gumagawa nito. Alam na rin
natin na wala silang patutunguhan maliban na mahaharap at malalasap nila ang

kaparusahan ng Allah dito sa mundo at sa kabilang buhay.

Kaya naman, nararapat na alisin natin ang salitang kawalang-katarungan at iwasan

natin itong mangyari. At siguro ay makakatulong ang mga bagay na ating

babanggitin upang maalis ang kawalang-katarungan sa ating paligid;

Una; ang pagiging maayos ng bawat indibidwal, ang pagiging maayos ng kanilang

mga puso at mga gawain. Dahil kapag ang isang tao ay magiging mabuti o maayos,

ay magiging maayos rin ang kanyang pamilya, at pagkatapos ay magiging maayos

rin ang buong pamayanan.

]117:‫ﱩ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃ ﰄ ﰅ ﰆ ﰇ ﱨ [هود‬

“At kailanman, hindi wawasakin ng iyong Panginoon ang mga pamayanan (o

mga bayan) nang di-makatarungan kung ang mga mamamayan nito ay

mapaggawa ng matuwid.”

Dahil katunayan na bago mo kamuhian ang pandaraya at silang mga mandaraya ay

tignan mo muna ang iyong sarili. Ikaw ba ay kasama sa mga mabubuti at mga

maayos na tao?

Pangalawa; ang hindi pagsali sa pandaraya at mga mandaraya at hindi pag-kampi

sa kanila, hindi sa salita o gawa. Dahil isa ito sa mga dahilan ng paglaganap ng mga

pandaraya. Sinabi ng Allah sa Qur’an:

]113:‫ﱩ ﮗ ﮘ ﮙ ﮚ ﮛ ﮜ ﮝ ﮞ ﮟ ﮠ ﮡ ﮢ ﮣ ﮤ ﮥ ﮦ ﮧ ﮨ ﱨ [هود‬

“At huwag ninyong kampihan ang mga walang pananampalataya na mga

masasama, dahil masusunog kayo sa Impiyernong-Apoy, at walang sinuman ang

makatutulong sa inyo ni mangangalaga bukod sa Allah, sa gayon, kayo ay hindi

matutulungan.”
At ang pagkampi sa kanila ay ang pananahimik sa kanilang kasamaan, kawalang-

katarungan, pang-aapi at pang-aabuso.

Pangatlo; ang paglayo, pag-iwan, at pag-iwas sa kawalang-katarungan at sa silang

mga gumagawa nito, at ang hindi pagtulong sa kanila. Sinabi ng Allah:

]68:‫ﱩ ﯷ ﯸ ﯹ ﯺ ﯻ ﯼ ﯽ ﯾ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃﰄ ﰅ ﰆ ﰇ ﰈ ﰉ ﰊ ﰋ ﰌ ﰍ ﰎ ﰏ ﱨ [األنعام‬

“At kapag nakita mo, O Muhammad, yaong mga nakikipagtalo (ng may

panunuya) hinggil sa Aming mga kahayagan (ng Qur’an), ikaw ay lumayo sa

kanila hanggang kanilang baguhin ang paksa. At kung ipang-adya ng satanas na

ikaw ay makalimot, huwag kang manatiling nakikiupo sa mga taong mapaggawa

ng kamalian pagkaraan mong maalala.”

Pang-apat; ang pananalangin na maalis ang kawalang-katarungan at silang mga

gumagawa nito. At sa Hadith ay sinabi ng Propeta ‫ﷺ‬:

"‫"واتّ ِق دعوة املظلوم؛ فإنه ليس بينها وبني اهلل حجاب‬

“Katakutan mo ang panalangin ng taong inapi, dahil tunay na walang harang sa

pagitan nito at ng Allah”

Kaya naman, ang lahat ng mga Propeta at mga Sugo ay kapag nawalan na sila ng

pag-asa sa silang mga masasamang tao; mapang-api at mapang-abuso ay nagdu-

Dua na lang sila sa Allah at pinapaubaya na lang nila ang kanilang kasamaan sa

Allah. Tulad ng nabanggit sa Qur’an patungkol kay Propeta Nuh alayhis-salam:

]28:‫ﱩ ﰁ ﰂ ﰃ ﰄ ﰅ ﰆ ﰇ ﰈ ﰉ ﰊﰋ ﰌ ﰍ ﰎ ﰏ ﰐ ﰑ ﱨ [نوح‬

“Aking Panginoon, patawarin Mo po ako at ang aking mga magulang at ang

sinomang pumasok sa aking tahanan bilang isang naniniwala, at ang mga

naniniwalang lalaki at ang mga naniniwalang babae. At huwag Mo pong

dagdagan ang mga mapaggawa ng kamalian maliban sa kapariwaraan.”


At si Propeta Musa alayhis-salam naman ay kanyang ipinaubaya rin ang kasamaan

ni Fir’awn sa Allah.

]88:‫ﱩ ﯧ ﯨ ﯩ ﯪ ﯫ ﯬ ﯭ ﯮ ﯯ ﯰ ﯱ ﯲ ﯳ ﯴ ﯵ ﯶﯷ ﯸ ﯹ ﯺ ﯻ ﯼ ﯽ ﯾ ﯿ ﰀ ﰁ ﰂ ﰃ ﰄ ﰅ ﱨ [يونس‬

“At sinabi ni Musa: “O Allah na aming Panginoon, tunay na ikaw ay nagkaloob

kay Fir’awn at sa kanyang mga punong-kawal ng karangyaan at yaman ng buhay

sa mundong ito, Aming Panginoon, upang kanilang mailigaw (ang mga tao) mula

sa iyong landas. Aming Panginoon, sirain (pawiin) Mo po ang kanilang yaman, at

patigasin Mo po ang kanilang mga puso, upang sila ay hindi maniwala hanggang

kanilang makita ang mahapding parusa.”

At ang Propeta Muhammad ‫ ﷺ‬ay kanya ring ipinagdu-Dua sa kanyang Salah ang

silang mga masasamang loob; mga mapanggawa ng kawalang-katarungan, mapang-

api at mapang-abuso. Kanyang sinasabi:

"‫ اللهم عليك بقريش‬،‫"اللهم عليك بقريش‬

“O Allah parusahan Mo ang Qurasyh, O Allah parusahan Mo ang Quraysh”

At kanyang binanggit ang mga pangalan ng mga taong gumagawa ng kawalang-

katarungan.

Panglima at panghuli; ang paghikayat sa kanila ng makatarungan at maayos,

payuhan sila ng mabuti, at kausapin sila ng mahinahon. Tratuhin sila ng maayos sa

pananalita at pakikipagkapwa. Sinabi ng Allah sa Qur’an:


]125:‫ﱩ ﮦ ﮧ ﮨ ﮩ ﮪ ﮫ ﮬﮭ ﮮ ﮯ ﮰ ﮱﯓ ﯔ ﯕ ﯖ ﯗ ﯘ ﯙ ﯚ ﯛ ﯜ ﯝ ﯞ ﯟ ﱨ [النحل‬

“Hikayatin mo, O Muhammad, ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo, (ang

sangkatauhan) sa landas ng iyong Panginoon ng may karunungan at mahusay na

talakayan, at makipagtalo sa kanila sa paraang pinakamahusay. Katotohanan, ang

iyong Panginoon ay Lubos na Nakakabatid kung sino ang napaligaw mula sa

Kanyang Landas, at Kanyang Lubos na nakababatid kung sino ang (matuwid na)

napatnubayan.”
Kaya nararapat lang sa bawat tao na mag-Tawbah o magbalik-loob sa lahat ng mga

pandaraya na kanyang nagawa, at sa lahat ng uri ng kasalanan sa kanyang sarili at

sa ibang tao. Dahil katotohanan na ang kawalang-katarungan ay kadiliman sa

huling araw. At hindi mapapatawad ang silang mga gumagawa ng kawalang-

katarungan; mapang-abuso at mapang-api, maliban na sila ay magbalik-loob sa

Allah at kanilang ibalik ang inagaw nilang mga karapatan at humingi sila ng tawad

sa kanilang mga nasaktan.

Hilingin natin sa Allah na gabayan tayo at alagaan sa lahat ng ating mga ginagawa,

at tulungan tayong maayos ang lahat ng mga bagay-bagay, at biyayaan tayo na

makagawa at makapagsalita ng mga ikalulugod Niya.

You might also like