Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II

(Isinanib sa Edukasyong Pagpapahalaga)

I. Layunin

Pagkatapos ng 50-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matukoy ang iba’t-ibang uri ng pagdiriwang panrelihiyon,


2. maipakita ang kahalagahan ng pagdiriwang panrelihiyon at;
3. makaguhit ng larawan ng pagdiriwang na panrelihiyon.
Pagpapahalaga

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagdiriwang na Panrelihiyon

Pangunahing Kaisipan: Ang pagdiriwang na panrelihiyon ay ipinagdiriwang batay sa paniniwala


at relihiyon. Naging tradisyon na natin ang pagdiriwang na ito maging katoliko, Mouslim o iba pang
relihiyon.

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon

1. Ramadan – Ginugunita ang pagkakapahayag ng banal na aklat, ang Koran kay Mohammed, ang
propeta ng mga Muslim. Ito ang panahon ng kanilang pag-aayuno.
2. Mahal na Araw – Nagbabasa at umaawit ng pasyon bilang pag-alala sa pagpapakasakit,
pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
3. Araw ng mga Patay – Ito ay paggunita sa mga yumao. Ang mga tao ay naghahandog ng mga
bulaklak at nagtitirik ng kandila sa puntod ng mga namayapang mahal sa buhay.
4. Hariraya Puasa o Ed’l Ftr – Ito ang araw ng pasasalamat ng mga muslim sa pagtatapos ng
Ramadan.
5. Santa Sena – Isang pagdiriwang ng relihiyong Iglesia ni Kristo bilang paggunita sa banal na
hapunan.
6. Pista – Ito ay masayang pagdiriwang na panrelihiyon bilang parangal sa kaarawan ng mga
patron.
7. Pasko – Ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ni Hesukristo. Bilang paghahanda,
nagsasagawa ng simbang gabi sa loob ng 9 na araw bago magpasko.
8. Santakrusan – Ginaganap tuwing buwan ng Mayo. Tampok sa pagdiriwang ang Reyna Elena at
Constantino dahil sa pagkakatagpo sa banal na Krus.
9. Ati-atihan – Isinasagawa ito bilang pagdiriwang sa kapistahan ng Sto. Nino sa Kalibo, Aklan. Ito
ay isang etnikong sayaw na kung saan ang mga kalahok ay pinapahiran ng uling sa buong
katawan at ang kasuotan ay tulad ng isang katutubong ati.

Sanggunian: Modyul 4, Aralin 4.2 p. 109-116

Kagamitan: lobo, mga larawan, video clips


III. Pamamaraan ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paghahanda
1. Pagsasagawa ng pang-araw-araw na
gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pag-awit
2. Pagbabalik – Aral
Naaalala nyo pa ba ang paksang ating
tinalakay noong nakaraan?
Opo.
Ano na nga uli ang ating paksa? Gina.
Pagdiriwang na pangsibika po ang paksang
ating natalakay.
Tama.
Mayroon akong inihandang laro upang
tiyakin kung gaano nyo naunawaan ang
ating aralin.
Ano ba ang hawak ko?
Lobo po ang hawak niyo.
Eksakto.
Habang tayo ay kumakanta, pagpapasa-
pasahan ninyo ang mga lobong ito, sa
oras na huminto ang pagkanta, ang
dalawang bata na mahihintuan ay ang
syang pupunta sa harap at magsasabi ng
halimbawa ng pagdiriwang na pangsibika.
Maliwanag ba?
Opo, maliwanag po.
(pagpapasa-pasahan ng mga bata ang
dalawang lobo at ang mahintuan ay ang syang
pupunta sa harapan)

Enero 1 – Bagong Taon


Pebrero 25 – Edsa Revolution
Abril 9 – Araw ng Kagitingan
Mayo 1 – Araw ng mga manggagawa
Hunyo 12 – Araw ng Kalayaan
Agosto 29 – Araw ng mga Bayani
Nobyembre 30 – Araw ni Andre Bonifacio
Disyembre 30 – Araw ni Jose Rizal
Magaling.
Tama lahat ang inyong mga kasagutan. At
dahil dyan bigyan natin sila ng 5 palakpak.

3. Pagganyak
Mayroon akong inihandang larawan,
tukuyin nyo nga ang mga ito.
Ano ang nasa unang larawan? Jenna.

Christmas Tree po ang nasa unang larawan.


Tama.
Ano naman ang nasa sunod na larawan?
julius.

Larawan po ng puntod ang nasa larawan.

Tumpak.
Ano naman ang nasa ikatlong larawan?
Ulysses.

Ang nasa ikatlong larawan po ay ang simbang


gabi.

Magaling.
Tukuyin mo nga ang sunod na larawan,
Jelly.

Larawan po ito ng Fiesta.

Mahusay.
Ano ang napansin nyo sa mga larawan na
ito? Deli.
Ang mga larawan po ay mga pagdiriwang.
Tama.
Ang mga nasa larawan ay ang mga
pagdiriwang na panrelihiyon. Ano na nga
muli ang mga nasa larawan? Sheena.
Ang mga nasa larawan po ay ang pagdiriwang
na panrelihiyon.
Magaling.
Sa tingin ninyo, bakit mahalaga na
pahalagahan natin ang mga pagdiriwang
na ito? Vanne.
Dahil po ito ay parte na ng kultura natin at
dapat pahalagahanat pangalagaan.
Mahusay.
Dapat nating pangalagaan at laging
pahalagahan ang mga pagdiriwang na ito.
Dahil ito ay parte na ng kasaysayan at
ating kultura na hindi dapat mawala.

B. Mga Panlinang na Gawain

1. Panimula
Ano na nga muli ang mga larawang
inyong nakita? Karen.
Ang mga nasa larawan po ay mga pagdiriwang
na panrelihiyon.
Tama.
Ito ang ating tatalakayin ngayong araw,
mga pagdiriwang na panrelihiyon.
Ano muli ang ating tatalakayin? Pagdiriwang na panrelihiyon po.

Tumpak.
Ang pagdiriwang na panrelihiyon ay
pinagdiriwang batay sa paniniwala at
relihiyon.
Ano na nga muli ag pagdiriwang na
panrelihiyon Joan? Ang pagdiriwang na panrelihiyon ay
pinagdiriwang batay sa paniniwala at relihiyon.

Magaling
2. Pamatnubay na mga Tanong
May inihanda akong panuorin o “video
clip” na may kaugnayan sa ating aralin.
Bago natin ito panuorin, isa-isahin nga
natin ang mga pamatnubay na tanong na
ating sasagutin pagkatapos.

Basahin mo nga ang unang tatlong


tanong, Jaja. Gabay na Tanong
1. Ano ang tawag sa pagdiriwang na batay sa
paniniwala at relihiyon?
2. Ano ang tawag sa pagdiriwang kung saan
ginugunita ang pagkakapahayag ng banal na
aklat ng mga muslim?
3. Ano ang tawag sa pagdiriwang kung saan
nagbabasa at umaawit ng pasyon?

Salamat.
Basahin mo naman ang sumunod na apat
na katanungan, Jane. 4. Ano ang tawag sa araw ng paggunita ng mga
yumao?
5. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng mga
Muslim pagkatapos ng Ramadan?
6. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng banal na
hapunan ng mga Iglesia ni Cristo?
7. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ginaganap
bilang parangal sa kaarawan ng mga patron?
8. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng araw ni
Hesukristo?

Salamat.
Pakibasa ang huling dalawang
katanungan, Wency. 9. Anong pagdiriwang ang ginaganao sa tuwing
sasapit ang Mayo bilang paggunita sa
pagkakatagpo sa banal na krus?
10.Anong pagdiriwang ang isinasagawa kung
saan ang mga kalahok ay pinapahiran ng uling
sa buong katawan?

Salamat.

3. Pagpapaalala sa mga Pamantayan sa


Panunuod

Bago manood ng video clip, ipaalala mo


nga sa klase ang mga pamatayan sa
panunuod, Bianca. Pamantayan sa Panunuod
1. Maupo ng maayos
2. Makinig ng mabuti
3. Isulat ang mahahalagang impormasyon
4. Unawaing mabuti ang pinapanood

Salamat.
4. Panonood ng Video Clip
Panoorin na natin ngayon ang video clip
na aking inihanda tungkol sa mga
pagdiriwang na panrelihiyon. (Panonoorin ng mga mag-aaral ang video clip
ng dalawang beses)

5. Talakayan
Atin ng sagutin ang mga pamatnubay na
tanong na inyong binasa kanina.
Basahin at sagutin mo nga ang unang
katanungan, Jenny. 1. Ano ang tawag sa pagdiriwang na batay sa
paniniwala at relihiyon?

Ang tawag po dito ay pagdiriwang na


panrelihiyon.

Mahusay.
Pakibasa at sagutan mo nga ang
ikalawang tanong, Joana 2. Ano ang tawag sa pagdiriwang kung saan
ginugunita ang pagkakapahayag ng banal na
aklat ng mga muslim?

Ramadan po ang tawag sa pagdiriwang na ito

Magaling.
Basahin at sagutin mo nga ang sumunod
na katanungan, Gio. 3. Ano ang tawag sa pagdiriwang kung saan
nagbabasa at umaawit ng pasyon?

Mahal na araw po ang tawag dito.

Tama.
Ikaw naman ang bumasa at sumagot sa
sumunod na katanungan, Aris 4. Ano ang tawag sa araw ng paggunita ng mga
yumao?

Ito po ay ang Araw ng mga Patay.


Mahusay.
Basahin at sagutin mo nga ang sumunod
na tanong, Ces. 5. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng mga
Muslim pagkatapos ng Ramadan?

Hariraya Puasa o Eid’l Ftr po ang tawag dito

Tama.
Basahin at sagutan mo nga ang ika-anim
na katanungan. Gen 6. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng banal na
hapunan ng mga Iglesia ni Cristo?

Ang tawag po dito ay Santa Sena.


Magaling.
Basahin at sagutin mo nga ang sumunod
na katanungan, Joshua 7. Ano ang tawag sa pagdiriwang na ginaganap
bilang parangal sa kaarawan ng mga patron?

Fiesta po ang tawag sa pagdiriwang na ito


Mahusay.
Basahin at sagutin mo nga ang sumunod
na tanong, Clyde. 8. Ano ang tawag sa pagdiriwang ng araw ni
Hesukristo?

Ito po ay Pasko.

Tama.
Ikaw naman ang bumasa at sumagot sa
sumunod na katanungan, Ace. 9. Anong pagdiriwang ang ginaganao sa tuwing
sasapit ang Mayo bilang paggunita sa
pagkakatagpo sa banal na krus?

Ang tawag dito ay Santakrusan

Mahusay.
Basahin at sagutin mo nga ang huling
tanong, Dave. 10.Anong pagdiriwang ang isinasagawa kung
saan ang mga kalahok ay pinapahiran ng uling
sa buong katawan?
Ito po ay ang Ati-Atihan.
Magaling.
C. Paglalahat
Ibigay mo nga ang ating paksang
tinalakay, Rose. Pagdiriwang na panrelihiyon po ang paksang
ating tinalakay.

Tama.
Ano ba ang ibig sabihin ng pagdiriwang
panrelihiyon, Jaja? Ang pagdiriwang na panrelihiyon ay
pinagdiriwang batay sa paniniwala at relihiyon.

Mahusay.
Magbigay ka nga ng dalawang halimbawa
ng pagdiriwang na panrelihiyon, Grace. Ramadan at Mahal na Araw po ay halimbawa
ng pagdiriwang na panrelihiyon.
Magaling.
Magbigay ka nga ng dalawa pang
halimbawa , Jenny. Araw ng mga Patay at Eid’l Ftr po ay halimbawa
ng pagdiriwang na panrelihiyon.
Mahusay.
Ikaw naman nga ang magbigay ng tatlong
halimbawa ng pagdiriwang na
panrelihiyon, Aimee. Santa Sena, Pista , at Pasko po ay halimbawa ng
pagdiriwang na panrelihiyon.

Tama.
Ano pa ang ibang pagdiriwang na
pangrelihiyon? Jessy. Santakrusan, at Ati-Atihan po.

Magaling.
D. Paglalapat

Panuto: Hanapin ang kahulugan o deskripsyon sa Hanay B ng mga pagdiriwang na panrelihiyon


sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
a. Ito ang araw ng pasasalamat ng
1. Pasko
mga Muslim pagkatapos ng Ramadan.
2. Pista
3. Santa Sena b. Ito ang pagdiriwang na ginaganap
4. Santa Krusan bilang parangal sa kaarawan ng mga
5. Eid’l Ftr patron
6. Ati-Atihan
7. Mahal na Araw c. paggunita sa banal na hapunan ng
8. Araw ng mga patay mga Iglesia ni Cristo.
9. Ramadan
d. Paggunita sa pagkakapahayag ng
banal na aklat ng mga Muslim

e. Paggunita sa mga yumaong mahal


sa buhay

f. ginaganap tuwing buwan ng mayo


bilang paggunita sa pagkakatagpo sa
banal na krus.

g. Ipinagdiriwang ang araw ng


kapanganakan ni Hesukristo.

h. pagdiriwang kung saan pinapahiran


ng uling ang katawan ng mga kalahok

i. pagdiriwang kung san bumabasa at


umaawit ng pasyon.

IV. Pagtataya

Panuto: Bumuo ng Limang pangkat na may anim na miyembro. Bawat pangkat ay


bibigyan ng puzzle na kanilang bubuuin.

V. Takdang Aralin

Magtala sa kwaderno ng limang pagdiriwang na panrelihiyon na isinasagaw sa inyong

lugar.

Ipinasa ni :
FAYE MARIE S. ILANO
Student-Teacher
Ipinasa kay:
MAY P. PADILLA
Resource Teacher

You might also like