Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng Alamat ng Sampaguita

Napaka-gandang dalaga nitong si Liwayway. Hindi na kataka-taka kung marami siyang naging manliligaw.

Nang minsang may isang binata na ang pangalan ay Tanggol na inatake ng baboy-ramo, dinala ito sa ama
ng dalagang si Liwayway upang mabigyan ng pangunang lunas.

Sa maikling panahon ay nagkaibigan sina Liwayway at Tanggol. Nang magaling na ang binata ay
nagpaalam itong uuwi muna sa kanila upang sunduin ang kanyang mga magulang at pormal na hingiin
ang kamay ng dalaga.

Lumapas ang maraming araw ngunit hindi pa rin bumabalik si Tanggol. Isang dating manliligaw ni
Liwayway ang siniraan si Tanggol at sinabing hindi na raw ito babalik dahil may asawa na ito.

Napuno ng sama ng loob, lungkot at pangungulila si Liwayway na siyang naging dahilan ng pagkakasakit
nito. Ilang linggo lamang ang lumipas ay namatay ang dalaga.

Bago namatay si Liwayway ay naiusal nito ang mga katagang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”

Makaraan ang ilang araw makalipas ilibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang kanyang mga
magulang. Hindi pala agad ito nakabalik dahil nagkasakit ang kanyang ina. Labis ang paghihinagpis ng
binata sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal.

Hindi na muling bumalik sa kanyang bayan si Tanggol. Sa halip ay araw-araw itong pumupunta sa puntod
ni Liwayway upang bisitahin. Nadilig ng kanyang luha ang puntod ng dalaga.

Isang araw ay napansin nitong may tumutubong maliit na halaman sa puntod ni Liwayway. Namulaklak
ang halaman at ito ay ubod ng bango. Tinawag ang halamang ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang
binigkas ni Liwayway bago namatay. Sa kalunan, ang ‘sumpa kita’ ay naging ‘sampaguita’.

Aral

Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng hindi totoong kwento tungkol sa
iba dahil wala itong mabuting maidudulot kaninuman.
Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga, siguradong may magandang
kahihinatnan ang iyong paghihintay.

You might also like