Professional Documents
Culture Documents
REVIEWER
REVIEWER
✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang Panitikang Filipino sa wikang Ingles sa pagitan ng taong 1941-1945 ay nabalam sa
kaniyang tuloy-tuloy na sanang pag-unlad nang muli tayong sakupin ng isa na namang
dayuhang mapaniil - ang mga hapones. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas dahil ito
ay nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos. Ngunit para sa karamihang manunulat
na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol
nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong
Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan
gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Maliban sa Tribune at Philippine Review, ang
lahat halos ng pahayagan sa Ingles ay pinatigil ng mga Hapones.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. Ang panahong ito sa
kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang
Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat
ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina
Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-
feministang maikling-kwento.
➢ Ang isang manunulat ay likas na manunulat.
➢ Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.
➢ Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P. Laurel upang
mangulo sa bayan sa kanilang “pamatnubay.”
Sa madaling salita, nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang panahong
ito. Marami ang mga nagsisulat ng dula, tula, maikling kwento, at iba pa. Ang mga
paksain ay pawing natutungkol sa buhay lalawigan.
Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panhong ito. Kinabibilangan ito ng:
a. Haiku
- Isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones. Ito’y
binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang
taludtod nito ay may limang pantig, ang ikalawa ay pitong pantig, at ang ikatlo
ay limang pantig (5,7,5). Maikli lamang ang haiku ngunit nagtataglay ng
masaklaw at matalinhagang kahulugan.
Halimbawa:
TUTUBI
Ni Gonzalo K.
Flores
Hila mo’y tabak ….
Ang
bulakl
ak
nangin
ig, Sa
paglap
it mo.
LAHAT NG ORAS
Ang kaibigan,
Iyong
maaasahan
Sa kagipitan
TAPAT
Kung
maghahanap
Iibi
gin
g
ka
us
ap
Da
pat
ay
tap
at.
b. Tanaga
- Tulad ng Haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod ay
may pitong pantig. Nagtataglay
din ng mga matatalinhagang kahulugan.
Halimbawa:
PALAY
Ni Ildefonso
Santos
Palay siyang
matino,
Nang
humangi’y
yumuko,
Nguni’t
muling
tumayo,
Nagkabung
a ng ginto.
PA
G-
IBI
G
ni
Em
elit
a
Per
ez
Ba
es
W
ala
iya
n
sa
pa
bal
at
at
sa
pu
so
na
kat
ata
k,
na
da
ra
ma
’t
nal
ala
sa
p
ang pag-ibig na matapat.
K
A
B
I
B
I
n
i
Il
d
e
f
o
n
s
o
S
a
n
t
o
s
T
A
G
-
I
N
I
T
n
i
Il
d
e
f
o
n
s
o
S
a
n
t
o
s
Alipatong lumapag
Sa lupa – nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso – naglagablab!
c. Karaniwang Anyo
- Ang katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral ng aklat na ito.
Halimbawa:
PAG-IBIG
Ni Teodoro Gener
Umiibig
ako, at ang
iniibig ay
hindi ang
dilag na
kaakit-akit
pagka’t kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nunungong langit?
Lumiliyag ako,
at ang nililiyag
ay hindi ang
yamang
pagkarilag-rilag
pagka’t kundi totoong
perlas lang ang hangad
di ba’t masisisid ang
pusod ng dagat?
Umiibig ako’t
sumisintang
tunay, di sa
ganda’t hindi 8ag
into ni yaman…
Ako’y umiibig,
sapagkat may
buhay na di
nagtitikim ng
kaligayahan…
Ang
kaligayahan ay
wala sa langit
wala rin sa
dagat ng
hiwang tubig…
ang
kaligayaha’y
nasa iyong
dibdib
na inaawitan ng aking pag-ibig…
✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay
natupad noong 1945. Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya
nang may higit na tatlong taon ay kasa-kasama na ng mga hukbong mapagpalaya ng
mga Amerikano.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito
isinauli ang Kalayaan. Ibinaba sa tagdan ng bandilang amerikano at mag-isang
winagayway ang bandilang Pilipino. Nawala ang tanikala, Nawala ang gapos. Sa unang
pagkakataon ay nagging Malaya sa turing ang mga Pilipino.
Tulad ng sinaunang may katuwaang biglang mag-iisa, naging napakabigat para sa mga
Pilipino ang naging labi ng digmaan. Marahil, kung hindi nagkadigma, naging maganda
sana kaagad ang pagsasarili ng Pilipinas.
Maraming mabigat na suliranin ang iniwan ng digmaan sa nagsasariling Pilipinas. Ang
ekonomiya ng bansa ay humantong sa kababaan.
May mga salaping ipinamudmod sa mga gerilya bilang gantimpala ng kagitingan at
pagkamakabayan, subalit walang pag-uukol ng pansing ginawa sa kabuhayang bansa.
Walanag puhunang ibinigay sa mga pangunahing Gawain tulad ng pagsasaka,
pangingisda, pag-aalaga ng hayop, at pagtatatag ng mga pabrika o pagawaan. Sa
madaling salita, walang naging balangkas sa ekonomiya ng bansa bago ito pinalaya.
Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na binubuo ng pangkat ng mga
gerilyang may pagkiling sa komunismo, ay isa pang pamana ng digmaan na naging
malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiko. Maraming bayan sa
gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong pamahalaan ng huk” na nakapaniningil ng
buwis, nakapagpapakalat ng mga kautusan, nakapagpapataw ng parusa laban sa
sariling paglilitis. Maraming mga naging tiwangwang na bukirin sa mga bayang
nalaganapan ng mga huk. Ngunit ang pakikipaglaban ng mga Huk ay naging daan ng
maraming pagbabago para sa mabuting pamumuhay ng mga mamamayan. Nakakilala
ng kahit bahagyang katarungan ng mga dukha.
✓ KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang mga
naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga
kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas.
Marami ring akda ang naisulat sa panahong ito ngunit dahil sa ang mga akda’y mahigpit
na ipinagbawal sa una palang na paglalathala at karamihan sa mga umakda’y
kailangang lapitan pa’t makapanayam, ang pangangalapa at pagpapahalaga ng mga
akdang ito ay ipinauubaya na ng mga naghanda ng aklat na ito sa mga mananaliksik at
palaaral.
May sukdulan ang kaniyang pagtitimpi, sumasabog parang Taal, kung puno na sa
ngitngit ang matimping kalooban.
DUGO? Ano ang dugo ng isang tao kung ihahambing sa Dugong ibinuo upang ikulay sa
pula ang ating bandila?
BUHAY? Ano ang buhay kung itatapat sa habang panahong hintutrong nakatundos sa
mukha ng isang duwag at di magkaroon ng paninindigan para sa sarili at gayun din sa
kasunduan na sanlahi?
“Marahil madahop ang diwa ko upang isaulo’t ipaliwanag. Ang panaginip at kamatayan ng
sanlaksang anak-pawis”
“Saksi ako sa palahaw ng mga dalagitang tila kinakatay na babaoy habang ginagahasa ng mga
hayok na pulitiko’t negosyante”
“Sa sabuyan ng putik ng mga kongresistang pagkuwan, kapiling ang kani-kanyang alipures at
tagapayong Puti ay nag-uunahang ibenta
ang bayan.”
“Ano ang silbi ng kabayanihan? Ng limos na laurel at ginto? Ipangalan sa iyo’y isang kalyeng
baku-bako o kaya’y lumuting monumentong
ihian ng mga lasenggo.”
Dito rin dumagsa ang mga komiks at iba pang babasahin na ang mga larawang
iginuhit ay walang mga saplot sa katawan.
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagsimula ang Panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972.
Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak.
Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda
tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong
pagkain (nutrition), “drug addiction,” polusyon, at iba pa. Pinagsikapan ng Bagong
Lipunan na maputol ang mga malalaswang babasahin, gayundin ang mga akdang
nagbibigay ng masamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan. Ang lahat ng
pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang
pampaaralan.
Naging laganap din ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga
ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. Ang mga lingguhang
babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay malaki ang naitulong sa
pagpapaunlad ng panitikan. Naging lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang
kanilang mga akda. Tahasang masasabi na naging maningning ang Panitikang Filipino
sa panahong ito.
Itinanghal din ang “Tales of Manuvu” na isang makabago o istilong rock na operang
ballet at ` nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977. Ito’y tinampukan nina
Celeste Legazpi, Leah Navarro, Hajji Alejandro, Boy Camara, Anthony Castelo, Rey
Dizon, Gina Mariano, at iba pa. Sinulat ito ni Bienvenido Lumpera.
Si Imee Marcos na anak ng ating ng Pangulo ng bansa ay isa ring artista ng dulaan sa
kanyang pagkakaganap bilang pangunahing papel sa “Santa Juana ng Koral” at “The
Diary of Anne Frank.
Ang mga dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na tinagkilik ng marami ay ang
Gulong ng Palad, Flor de Luna, Anna Liza at iba pa.
MGA PELIKULA:
1. “Maynila…Sa mga Kuko ng Liwanag”
- sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka sa
pangunguna ni Bembol Roco.
4. “Insiang”
- pinangunahan ni Hilda Coronel
5. “Aguila”
- pinangunahan ni Fernando Poe Jr., Jay Ilagan, at Christopher de Leon.
Ngunit hindi pa rin napahindian nang panahong ito ang mga pelikulang nahihinggil sa
seks na kinagiliwan ng mga tao. Mula sa mga inangkat na pelikula sa ibang bansa na
natutungkol dito at maging ang mga pelikulang Pilipino ay ito ang naging kasangkapan
ng mga prodyuser sa pagkita ng salapi mula sa takilya.
Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na
siyang kinagigiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Pilipino
2. Klasik
3. Hiwaga
4. Espesyal 5. Love Life