Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

UNIT II - KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

Ayon kay Michael A.K. Halliday may anim ng tungkulin o gamit ng wika na kailangan pagtuunan ng
pansin.

• Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng paki-usap, pagtatanong


at pag-uutos.
• Regulatoryo - kumokontrol or gumagabay sa kilos at asal ng iba.
• Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagtatag ng relasyong sosyal.
• Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
• Heuristiko - naghahanap ng mga impormasyon o datos.
• Impormatibo - pagbibigay ng impormasyon sa paraan ng pasulat o pasalita.

Ayon naman kay Jakobson (2003)

• Pagpapahayag ng Damdamin o Emotive - palutangin ang karakter ng nagsasalita.


• Paghihikayat o Conative - ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos.
• Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan o Phatic - panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
• Paggamit bilang Sanggunian o Referential - ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
• Pagbibigay ng kuro-kuro o Metalingual - ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo o batas.
• Patalinghaga o Poetic - masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa atbp.

Adbertisment sa Kapaligirang Pinoy

Adbertisment - isang maikling pelikula o isang nakasulat na impormasyon na ipinalalabas o ipinakikita sa


publiko upang makatulong na mabili ang produkto. Layon nito na magbigay ng maayos na impormasyon
sa mga mamimili.

• Adbertisment sa Bus - Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit
pangmedikal, at iba pa ang makikitang adbertisment sa bus. Naniniwala ang mga adbertayser na
malaking panghikayat kung sa bus ay maglalagay rin sila ng adbertisment sapagkat bawat
makakikita nito ay hindi maaaring hindi mapalingon lalo na kung maganda ang pagkakagawa, na
bentahe para magkaroon ng interes at lumaon ay mahikayat na bilhin ang isang produkto.
Madali ring maunawaan ang gamit ng wika. Bukod sa nakapanghihikayat ang adbertisment sa
bus, nakapagdudulot din ito ng karagdagang kagandahan sa disenyo ng bus.
• Adbertisment sa Telebisyon - Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing
adbertisment. Ito ang sinasabing pinakaepek- tibong uri ng adbertisment sapagkat halos lahat ng
tao ay may panahon sa panonood ng telebisyon. Iba-iba ang register na gamit nang ayon sa
produkto o sitwasyon.
• Adbertisment sa Radyo - Epektibo ring paraan ang radyo upang mahikayat sa isang produkto
ang isang mamimili. Tulad din sa telebisyon kailangan ang airtime sa estasyon o network upang
marinig ang mga komersiyal kaugnay ng adbertisment. Sa radyo ay nagkukuwento o parang
nakikipag-usap na daan sa ma- bisang pag-aadbertays ng anumang produkto.
• Adbertisment sa Online - Isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online gamit ang
Internet at World Wide Web upang ipahayag ang husay at ganda ng produktong inaadbertays.
• Adbertisment sa Billboard - Malalaking estruktura ang billboard na makikita sa mga
pampublikong lugar na nagpapakita ng adbertisment sa mga motorista at pedestrian na
dumaraan tungkol sa isang produkto. Karaniwang makikita sa mga pangunahing lansangan kung
saan dumaraan ang maraming tao.
Mga Salitang Ginagamit sa Usapan na may Batayan

Mahalaga ang gamit ng mga salita sa isang usapan. Maaaring batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar,
panahon, layunin, at grupong kinabibilangan ng mga nag-uusap. Maiuugnay sa kasanayang ito ang
mabisang konsiderasyon sa komunikasyon ni Dell Hymes na may akronim na SPEAKING.

• Setting (lugar ng pag-uusap)


• Partisipant (sino ang nag-uusap)
• Ends (layon ng pag-uusap)
• Act sequence (ang takbo ng pag-uusap)
• Keys (pormal o di-pormal ang pag-uusap)
• Instrumentalities (pasalita o pasulat ba ang usapan)
• Norms (paksa ng pag-uusap)
• Genre (nagsasalaysay, naglalarawan, nagpapaliwanag, o nangangatuwiran ba ang pag-uusap)

Mga Tuntunin sa Pagsulat ng Sanaysay

1. Panimula/Introduksyon - Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng
mambabasa ang pagbasa sa akda.

Paraan ng pagsulat ng Panimula

• Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit


na detalye.
• Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa
sanaysay at para isipin niya.
• Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa.
• Sipi - isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba pang
sanaysay.
• Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
• Kasabihan - isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay.
• Salaysay - isang ekplenasyon ng iyong sanaysay.

2. Katawan - Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita
ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang
mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Paraan ng pagsulat ng Katawan

• Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari


• Paanggulo - Pinapakita ang bawat anggulo o “side" ng paksa.
• Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang paksa
• Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa

3. Wakas/Konklusyon - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas

• Tuwirang Pagsabi – Mensahe ng sanaysay


• Panlahat na Pahayag - pinakaimportanteng detalye ng sanaysay
• Pagtatanong - winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong
• Pagbubuod - Ang summary ng iyong sanaysay

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng


kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal
naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng
may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.
Sanaysay na Pormal

• Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.


• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay. ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan,
nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o
magpaliwanag.
• Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa
isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
• Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.

Sanaysay na Di-Pormal

• Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
• Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng
sumulat nito.
• Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng
may-akda.
• Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o
mangganyak.
• Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
• Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

Kakayahang Lingguwistiko

• Kakayahang Lingguwistiko - abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at


makabuluhang pangungusap.
• Kakayahang komunikatibo - abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa
hinihingi ng isang interaksyong sosyal (Hymes 1972).
• Kakayahang Lingguwistiko-Noam Chomsky (1965) - isang ideyal na sistema ng di-malay o likas
na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika.
• Lingguwistikong pagtatanghal (linguistic performance) - ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman
sa pagsusulat o pagsasalita.

Kakayahang Linggwistiko sa Wikang Filipino-Santiago (1977) at Tiangco (2003) - sampung bahagi ng


pananalita sa makabagong gramatika.

• Pangngalan - nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, at iba
pa.
• Panghalip - pamalit o panghalili sa pangngalan.(ako,siya,sila)
• Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.
• Pang-uri - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
• Pang-abay - nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-abay. Ang
pang-abay ay nagsasabi ng kung ano, kailan, saan, at gaano.
• Pangatnig - nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay (halimbawa at, pati, ni, subalit,
ngunit)
• Pang-ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita. (ukol sa, laban sa, hinggil sa,
ayon kay, tungkol kay)
• Pang-angkop - katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. (na, -ng, ng, -g)
• Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. (si, ang, ang mga)
• Pangawing - salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri. (ay)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

Kakayahang Sosyolingguwistiko - kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
Dapat matutuhan ng mga hindi taal na tagapagsalita kung paano "lumikha at umunawa ng wika sa iba't
ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng
kausap, layunin ng interaksyon, at itinakdang kumbensiyon ng interaksiyon" (Freeman at Freeman
2004).

Etnograpiya - sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at


pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.

(Farah 1998) - ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa


kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon.

Interference Phenomenon - isang tiyak na wikang nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita,


nakaiimpluwensya ito sa kaniyang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang Filipino. Ito ang
siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino.

Interlanguage o Mental Grammar (Constantino 2002) - nababago ng tagapagsalita ang gramatika sa


pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin.

Variability Concept (William Labov) - likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng
mga varayti ng isang wika.

KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Kakayahang Pragmatiko (Lightbown at Spada 2006) - ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa


paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may
paggalang.

Speech Act - ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang
karanasan kundi "paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita " o speech act.

Tatlong Sangkap ng Speech Act

Sangkap Kahulugan Halimbawa


Illocutionary force Sadya o Pakiusap, utos,
intensiyunal na pangako
papel
Locution Anyong Patanong,
lingguwistiko pasalaysay
Perlocution Epekto sa Pagtugon sa hiling,
tagapakinig pagbibigay
atensiyon
Interlanguage Pragmatics - pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na
wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng kanilang intensiyon
sa pamamagitan ng iba't ibang speech act.

BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Strategic - ang kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na uri ng komunikasyon sa paghahatid ng
mensahe. Tinutukoy ng berbal na komunikasyon ang wikang pasalita o pasulat; samantalang ang hindi
berbal ay hindi gumagamit ng wika.

Gramatikal - tinutukoy ng kahusayang, ang wastong baybayat bigkas ng mga salita; gayundin ang
paggamit ng wastong balarila sa pangungusap. Bahagi rin nito ang pagpili ng mga angkop na salitang
gagamitin sa pagpapahayag.

Berbal na Komunikasyon - uri ng komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat
man.

Mga Uri ng Di-Berbal na Komunikasyon

• Haptics - paghawak
• Oculesics - ekspresyon na ginagamitan ng mata
• Vocalics - tono ng boses
• Kinesics - aksyon na pisikal o mas tinatawag na body language.
• Proxemics - distansya na komunikasyon
• Chronemics - oras sa pakikipagkomunikasyon
• Objectives - komunikasyon na ginagamitan ng mga bagay.

Kakayahang Diskorsal

Diskurso - pag-uusap at palitan ng kuro.

Kakayahang Diskorsal - tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.

URI NG KAKAYAHANG DISKORSAL

• Kakayahang Tekstuwal - tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa


ng iba't ibang teksto.
• Kakayahang Retorikal - tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon.

Introduksyon sa Pananaliksik

Pananaliksik - sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa


at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

• Aquino - isang sistematikong paghahanap sa mga impormasyon hinggil sa tiyak na paksa o


aralin.
• Good - ang kahulugan ng pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong pagtatawag at
paghapuhap ng sagot sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at
kalagayan ng suliranin.
• Medel at Manuel - isang proseso ng impormasyon na gumagamit ng siyentipikong pamamaraan
sa paglutas ng isang particular na suliranin.
• Parel - ang pananaliksik ay isinasagawa sa paraang sistematiko.
• E. Trece at J.W. - ang pananaliksik ay isang kontroladong sitwasyon para sa layuning prediksyon
at pagpapaliwanag.
• Calderon at Gonzales (1993) - purposive, sistematik na proseso, sa pagkuha, pag-aanalisa,
klasipikasyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng mga datos para sa mga
solusyon ng problema, maaaring prediksyon, imbensyon, pagdiskubreng katotohanan o kaya ay
ang para sa ekspansiyon or beripekasyon ng mga kaalaman upang mapreserba at mabago ang
kalidad ng buhay.

Mga Katangian ng Pananaliksik

• Sistematiko - Ito'y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.


• Kontrolado - Ito'y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti
at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
• Empirikal - Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
• Pagsusuri - Ito'y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
• Kwantitatibo - nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
• Kwalitatibo - tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
• Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal - Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na
batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
• Ginagamitan ng hipotesis - Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa
lamang ng pag-aaral.
 Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang
tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganapna o
magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng
suliranin sa isasagawang pag-aaral.
Mananaliksik - may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging
matagumpay sa gagawing pananaliksik.

Katangian ng Isang Mananaliksik

• Masigasig - Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang


impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
• Masinop - Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.
• Masistema - Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng
gagawin niya sa pananaliksik.
• Mapamaraan - Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.
• Magaling Magsiyasat - tinitimbang na mabuti kung nararapat o di-nararapat isama.
• May Pananagutan - mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi
maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.

Mga Layunin ng Pananaliksik

• Maka-diskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na.


• Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas.
• Makadebelop ng episyinting instrumento kagamitan o produkto.
• Makatuklas ng mga bagong substance o elemento at lalo pang makilala ang kalikasan na mga
dating substance o elemento.
• Makalikha ng mga batayan o palatuntunan na maaring gamitin sa iba’t ibang larangan.
• Patagunan ang puryosity, interest, at pagtatangka ng isang pananaliksik.
• Maragdagan, mapalawak, maberify ang mga kasalukuyang kaalaman.
• Orihinal na akda na matiyaga na isinasagawa at sinulat sa iskolarly na pamamaraan.

Responsibilidad ng isang Mananaliksik

1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay Atienza atbp.,
ang plagiarism ay:

• Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng bantas na panipi at


hindi binanggit ang pinaghanguan
• Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi
kinilala ang pinaghanguan
• Pamumulot ng mga ideya mula sa iba't ibang mananaliksik at pinagsama-sama lamang ang mga
ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos
• Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang mga ito
• Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang
pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mga datos na
ito

2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.

3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o
mga impormasyon.

4. Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit na sanggunian.

5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.

6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

Mga Bahagi ng Pananaliksik

1. Kaligiran ng Pananaliksik

• Panimula - mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Binabanggit din sa


bahaging ito ang saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral.
• Paglalahad ng Suliranin - makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag- aaralan. Bukod
dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang masagot sa sulating pananaliksik.
• Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral - tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong
pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
• Batayang Konseptwal/Teoretikal - ipinaliwanag ni Kerlinger na ang teoretikal/ konseptwal na
balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na
konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng
phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
• Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralan - inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang
tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito gagawin. Ipinaliwanag nina
Sevilla atbp. na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng pagsisiyasat na makaiimpluwensya
sa resulta ng pag-aaral na maaaring makasama subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
• Kahulugan ng mga Katawagan - may dalawang paraan.
 Konseptwal na Pagpapakahulugan - matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang
akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
 Operasyonal na Pagpapakahulugan - eksperimental at nasusukat.

2. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral

Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na kailangan sa pananaliksik:

• Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.


• Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
• Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa paksa.

3. Pamamaraan

• Ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disensyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng


pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kaya'y eksperimental. Ipinapakita rin dito ang
paraan ng pagkuha ng datos gaya ng pagbuo ng talatanungan, pagsasagawa ng sarbey,
pagmamasid o case study.

4. Pagsusuri, Paglalahad, at Interpretasyon ng mga Datos

• Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik.

5. Paglalagom, Konklusiyon at Rekomendasyon

• Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mga
mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na ginawa.

You might also like