Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Layunin
Pagkatapos ng aralin na ito., ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon na kinaharap ng mga
Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Natatalakay ang naging pagtugon sa mga suliraning pangkaubuhayan
pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon nito

Aktibiti
Hulaan ang mga jumbled letters na nasa ibaba
SAGOT
1. LEUNAM SAXOR MANUEL ROXAS
2. ARRAN NARRA
3. LLEB EDART TCA BELL TRADE ACT
4. YTIRAP STHGIR PARITY RIGHTS

Analisis

Gabay na tanong
1. Ano ang napansin mo sa mga larawan na nakita mo?
2. Sa tingin mo, bakit nangyari ang mga ito?

Abstraksyon
Ang pamahalaang Ikatlong Republika ay pinamunuan ni Manuel Roxas na lutasin ang
mga suliranin tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan, katiwasayan, kaayusan, mababang
moralidad ng lipunan at bagong buhay ang bansa.
Mga Hamon at Suliranin sa Kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig naitala ang Pilipinas bilang isa sa
mga bansang pinaka napinsala ng digmaan. Dahil dito, ang lubos na kaligayahan ng
mga Pilipino sa pagkamit ng kalayaan ay naging kalakip ng pagharap sa matinding
hamon upang maisalba ang ekonomiya ng bansa. Kaya naman nang maging ganap na
Republika ang Pilipinas noong 1946 ay naharap ito sa malalaking suliranin.
1. Pagsasaagawa ng malawakang pagbabagong tatag upang muling maibangon at
maitayo ang mga nawasak na tirahan at gusali.
2. Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na
gagamitin sa pagsasaka na nangamatay sanhi ng digmaan.
3. Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling mapakinabangan at
mataniman.
4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pangkabangkarote ng mga pamahalaaan
sanhi ng pananakop ng mga Hapones.
5. Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagita ng pag-aangkat ng
bagong makinarya.
6. Sisema ng edukasyon
7. Pag-aangat sa pagpapahalagang moral at espiritwal ng mga Pilipinong lubos na
naapektuhan sanhi ng pananakop ng mga hapones at ng nagdaang digmaan
Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan
Sadyang nabago ang takbo ng kalakalan at kalinangan sa muling pagtatatag ng
lungsod matapos ang digmaan. Maraming nasunog ng gusali sa Maynila tulad ng
Philippine General Hospital, unibersidad at batasan.
Ang Intramuros na siyang kinagawiang sentro ng kultura at politika at naging bodega
ng mga kompanyang nagkakargamento at naging tirahan ng mga informal settler na
galling sa probinsya.
Dahil sa mga nagsilipat na mga tao sa Maynila galling sa probinsya at patuloy na
nagsikip ang kamaynilaan at ang lungsod ng Quezon. Nagdulot ng malaking suliranin
sa pagsisikip at kakulangan sa tirahan.
Marami din nagtayo ng kanilang tirahan sa mga estero, tabi ng riles ng tren, gilid ng
mga parke, sa mga ilalim ng tulay, at sa mga bakanteng loteng pag-aari ng bayan o ng
pribadong mamamayan. Naging laganap ang isyu ng “squatting”.
Upang masolusyunan ang suliraning “squatting”, itinatatag ng pamahalaan ang
pambansang pangasiwaan ng paglilipat-tirahan at pagsasaayos ng NARRA ( National
Resettlement and Rehabilitation Administration)
NARRA (National Resettlement and Rehabilitation Administration)
Ang samahang ito ang nangangasiwa sa paglilipat ng mga informal settler sa ibat ibang
pook sa labas ng Maynila at iba pang lungsod. Kaugnay nito, pinaunlad ng pamahalaan
ang rural na komunidad upang maganyak ang mga taong manatili at manirahan dito.
Noong 1954, maraming mga kalsada ang ipinagawa. Nagpagawa rin ang pamahallan
ng mga proyektong pang-irigasyon upang mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.
Philippine Trade Act
(Bell trade Act, Parity Rights)
Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa.

Philippine Trade Act o Bell Trade Act


1. Mas kilala bilang Bell Trade Act
2. Pinagtibay ng kasunduang ito ang malaking kalakalan sa pag-itan ng Pilipinas at
Amerika sa loob ng walong taon(1946-1954)
3. Hindi patas o makatarungan ang kasunduang ito sapagkat malayang nadadala na
Estados Unidos tulad ng bigas, asukal, tabako, niyog, langis at iba pa.
Parity Rights
Ang patakarang ito ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano
na gagamitin ang mga likas na yaman ng Pilipinas.

Ang Parity Rights ay isang tadhana sa batas Bell trade na nagbibigay ng karapatan sa
mga Amerikano sa pagtotroso, pagpapaunlad ng lahat ng lupang agricultural at likas na
yaman. Sa ipinagkaloob na parity rights sa mga Amerikano nabigyan din sila ng
karapatan na magnegosyo sa bansa kabilang ang negosyong nagbibigay serbisyo sa
publiko tulad ng edukasyon, telekomunikasyon, elektrisidad, media at iba pa.

Bunga ng mga karapatang ipinagkaloob ng Pilipinas sa Amerika ay madaling napaunlad


ng mga Amerikano ang pangangalakal at industriyang itinayo nito sa Pilipinas. Ang
pagtatatag ng mga industriyang Amerikano ay naging daan ng pagdagsa ng mas
maraming bilang ng mga produktong Amerikano sa pamilihan sa Pilipinas. Hindi
nakapagluwas ng maraming kalakal ang ating bansa dahil sa malaki ang pinsalang
natamo nito sa digmaan laban sa Japan. Dahil sa dami ng kalakal na mula sa United
States, mas Malaki ang dolyar na lumabas sa Pilipinas kaysa sa kinita nito.
Aplikasyon
Ebalwasyon
Takdang aralin

You might also like