Filipino Dula Dulaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Group 4; Maikling Dula-dulaan

(Filipino 9)

Mga gaganap:
Joshua – Eddie Ramirez (Tatay) JJ – Enrique Ramirez (Anak)
Elaiza – Elaine Grace Ramirez (Ina) Lance – Matthew Batumbakal
Jerl – Amelia Lorraine Ramirez (Anak) Carl – Narrator/Doc. Resano

Scene 1: Vision

Carl: Ihahatid ng mag-ina ang tatay sa pintuan at kakaway ng pamamaalam dahil


maghahanap ito ng mapapasukang trabaho.

Nanay Elaine: Ingat ka mahal!


Amelia at Enrique: Ingat tatay!

Carl: Habang naghihintay ng kaniyang oras para tawagin sa interbyu, biglang dumaan
ang isang matikas at pormadong lalaki, at masasabi mong ito ay may magandang buhay.
Nakaramdam ng inggit at pagnanais si Tatay Eddie na maging ganoon din siya balang
araw. Naputol ngalang ang kaniyang pag-iisip ng tawagin na siya para sa interbyu.

Scene 2: Nag aapply

Sir Matthew: Congratulations! Welcome sa aming kompanya, you’re hired!


Tatay Eddie: Salamat Sir! Asahan niyo po na pag-iigihan ko.
Carl: Gayon na lang ang tuwa ni Tatay Eddie ng siya ay matanggap, ang papasukan niya
lang naman ay ang isa sa pinakasikat na real-estate company sa bansa. At doon na
nagsimula ang iba’t ibang pagbabago sa kanilang buhay.

Scene 3: Family Breakfast (pangmayaman attire)

Nanay Elaine: Honey, dahan-dahan naman sa pagkain. Kumain ka muna ng mabuti


bago ka pumasok.
Tatay Eddie: Hindi na Honey, ako ay nagmamadali at may iko-close akong deal
ngayon. Mahalaga iyon at pag nagkataon, malaking komisyon ang makukuha ko at tiyak
malaking pera iyon.
Nanay Elaine: May family day nga pala ang mga bata sa susunod na araw, may
programs sila sa skul.
Amelia: Sana makadalo ka tatay, lagi ka nalang busy. Laging si Nanay na lang ang
umaattend. Hindi kami nakakasali sa mga palaro kasi hindi tayo buo.
Enrique: Oo nga tatay. Kapag hindi ka pupunta, tutuksuhin na naman ako ng mga
kaklase ko at iinggitin na sila ay may tatay at ako ay wala.
Tatay Eddie: Oo, sige mga anak, titingnan ko kung maisisingit ko sa schedule ko.

Scene 4: Nag-aaway na
Nanay Elaine: Ano ba Eddie, wala ka ng oras sa amin ng pamilya mo. Halos hindi ka na
mapirmi dito sa bahay, madalang ka ng umuuwi! Ni hindi mo na alam ang mga
nangyayari dito lalo na sa mga anak mo. Kailangan kita, kailangan ka ng mga anak mo!
Tatay Eddie: Ano na naman ba ito Elaine? Lahat ng ginagawa ko para sa atin!
Nagtatrabaho ako ng maigi para bigyan kayo mg marangyang buhay. Kahit wala ako,
andiyan ka naman para sa mga anak natin. Pasalamat kayo at lahat ng luho nyo
naibibigay ko!
Nanay Elaine: Iba pa rin ang presensiya mo bilang ama. Hindi mapapalitan ng pera o
luho iyon kahit kailan!
(nagring ang cp)
Tatay Eddie: Hello Mr. Sy! Yes sir, I’m coming. See you!

Scene 5: iniignore ang father


(susuntukin si Enrique, aawat si Elaine at kate)
Tatay Eddie: Enrique!(sabay suntok) Ano bang pumasok sa utak mo para gumamit ng
ipinagbabawal na gamot?! Mabuti at kilala ko ang General, dahil kung hindi, nabalita na
ang pangalan natin sa tv! Ang laking kahihiyan non sa akin! Hindi mo ako nirerespeto!
Enrique: Sino ka? Ang alam ko wala na akong ama matagal na. Kung anuman ang gusto
kong mangyari sa buhay ko, wala ka na doon!(walout)
(titingnan lang ni nanay Elaine at kate si tatay Eddie tas aalis)

Scene 6: Isinugod sa ospital si nanay elaine


(Doc. Resano with nurse lance)
Kate: (gustong sundan ang nanay sa icu) Nay!
Doc Resano: hija, hindi ka pwedeng pumasok sa loob.
Kate: doc, tulungan mo ang nanay ko please! Gawin nyo po ang lahat mabuhay lang siya.
Doc Resano: huwag kang mag-alala hija, gagawin namin ang aming makakaya. May awa
nag Diyos.

Scene 7: (Dumating tatay)


Tatay Eddie: anak, kumusta ang nanay mo?
Kate: himala, andito ka tatay?
Tatay Eddie: kakauwi ko lang ng bahay, galling pa ako sa States. Nalaman ko kay
manang Doray ang nagyari sa nanay mo at ang kalagayan niya. Matagal na pala siyang
maysakit at wala ng lunas. Hindi ko alam.
Kate: wala ka naman po talagang alam. Wala ka namang pakialam lalo na sa amin. Mas
mahalaga ang pera sa iyo kaysa sa amin. See? Hindi mo alam na maysakit si nanay? Sa
buhay ko may alam ka ba? Wala din diba? Sa palagay mo tatay, bakit napariwara ang
buhay ng kapatid kong si Enrique? Wala ka naman kasi sa tabi namin parati. Akala mo
pag nabigay mo ang mga kailangan at luho namin, mabuting ama ka na. Aanhin natin ang
maraming pera kung wasak naman ang pamilya natin? Presensiya, oras at pagmamahal
ang mas kailangan namin mula sa iyo. Pero ipinagkait mo yun. Ang damot-damot mo sa
part ng pagbibigay ng oras sa amin.
Tatay Eddie: Anak, patawarin niyo ko. Habang bumabiyahe ako papunta ditto,
napagtanto ko ang mga pagkukulang ko sa inyo. Labis akong nabulag sa mga pangarap
ko. Nakaligtaan ko kayo.
Kate: mabuti naman po at nakapag-isip-isip kayo. Pero mahirap na po sigurong ibalik sa
dati ang lahat. Yung sama ng loob namin mula pagkabata dala-dala namin hanggang
paglaki, hanggang sa maging galit na.Ipagdasal niyo po na umayos ang lagay at mabuhay
si nanay. Bakasakaling mapapatawad namin kayo. Dahil kung hindi, magkalimutan na
tayo.
(papasok sa scene si Doc Resano)
Doc Resano: ikinalulungkot ko pero hindi na namin naisalba ang buhay ng nanay mo.
Hindi na kinaya ng katawan niya. I’m sorry…
Tatay Eddie: HINDIII!!! Doc, hindi totoo iyan! Buhayin mo ang asawa ko, magbabayad
ako kahit magkano!
Doc Resano: I’m sorry sir….

(titingin si tatay Eddie kay Kate pero tatalikuran lang sya nito)

Lance: Kung wala pang may nangyaring masama sa asawa ni tatay Eddie, ay hindi pa ito
matatauhan sa mga naging pagkukulang niya sa kanyang pamilya. Maraming
pagkakataon amg kanyang napalampas upang sana ay maipadama man lang niya ang
kanyang pagmamahal at pagiging ama sa mga anak at pagiging asawa. Nakakalungkot
isipin na kung kailan huli na ang lahat, doon pa lng siya nagdesisyon na bumawi at
magbago. Ika nga, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Hinimo ni Jerl  .

You might also like