Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________ Pangkat/ Baitang: _____________ Iskor: _____________

Paaralan: _______________________________ Guro: ____________________ Asignatura: EsP 5


Manunulat: Kahressa Mae C. Oloroso Tagasuri: Lorelie C. Salinas/Jhun Ree M. Descartin
Paksa: Paggalang sa Karapatang Pantao Quarter 3 Week 5 LAS # 1
Layunin: Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan at paggalang sa karapatang pantao. EsP5PPP-IIIf-29 `
Sanggunian: Peralta, G., Ylarde, Z., 2016, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Quezon City,
Philippines, Vibal Group, Inc., pp. 150
Nilalaman
Paggalang sa Karapatang Pantao

Dito sa ating bansa, may mga programa at alituntunin tayong sinusunod ayon sa itinakdang batas ng ating
pamahalaan. Ito’y naglalayong mapapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan.
Ang mga batas na nauukol sa karapatang pantao ang siyang nagbibigay sa bawat indibidwal ng dignidad
anuman ang kanyang disposisyon sa buhay at kaniyang pinaniniwalaan. Ito din ang nagbibigay ng proteksyon
para sa karapatang nararapat sa bawat isa.
Ang pagsunod at paggalang sa mga karapatang pantao ay mahalaga upang maiwasan ang pang-aabuso
at mapanatili ang kaayusan. Kung kaya’t tayo ay makiisa at makilahok sa mga programa o proyektong
nakakatulong upang maging maunlad at mapayapa ang ating komunidad.
Mga halimbawa ng karapatang pantao na dapat nating igalang:
1. Karapatang pumili ng relihiyon/paniniwalang sasalihan
2. Karapatang magkaroon ng edukasyon
3. Karapatang makapagpahayag ang sariling saloobin at opinyon.
4. Karapatang magdesisyon kung alin ang tama at mali.

Gawain 1. Panuto:Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pakikiisa sa mga programa ng
pamahalaan. Lagyan ng √ ang patlang kung ito ay nagpapanatili ng pakikiisa at X kung hindi.

_________ 1. Pagdiriwang ng kapistahan

_________ 2. Pagsunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng ating lokal na gobyerno.

_________ 3. Paglabag sa batas trapiko upang mapabilis ang inyong pagdating sa pupuntahan.

_________ 4. Pagtulong sa kampanyang “One Million Voice for Peace in the Philippines (OMVP) para

sa pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.

_________ 5. Sabay-sabay na pagpatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras bilang pakikilahok sa Earth

Hour.

Gawain 2. Panuto:Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa kahon na makikita sa ibaba.

1. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang paggalang sa mga karapatang pantao? Bakit?

2. Ano kaya ang mangyayari kung ang mga tao ay hindi sumusunod sa COVID -19 health protocols na
ipinapatupad ng ating pamahalaan?

You might also like