“ Masdan mo ang mundo, nakikita mo ba sila na imbes libro ang hawak, ang pinagkakaabalahan ay alak. Nakikita mo ba sila? Sila ay mga pariwara, mga batang- ina, nagpapakatiwakal, at ginagawang biro ang buhay. Sila, oo sila, sila ang tagasira ng bayan at sila ay walang pag-asa. Tuluyan ng sumama sa kabaong ng pambansang bayani ang katagang, “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” “ Yan ang kanilang inaakala, na kapag napariwara ang iba, ang lahat ay bagsak na. Nakakatawa na imbis sila ang magturo ng tamang daan, sila pa itong hihila sa atin pababa para hindi mapatunayan ang tunay nating kakayahan. Nakikita niyo ang aming kamalian ngunit kailan niyo makikita ang aming kagalingan? Bakit hindi niyo buksan ang inyong mga mata at tignan ang aming layunin, buksan niyo ang inyong mga tainga at pakinggan ang aming mga hinaing sa bayan na pareho nating pinahahalagahan. Tanggapin niyo na ang kilos namin ay kakaiba, dahil kami ang magbibigay ng tunay na pag-asa, pag-asa na hindi para sa mga tulad niyong sakim kundi pag-asa para sa mga taong tunay na nahihirapan at hindi nakakatanggap ng pantay na Karapatan, na ipinagkakait niyo sa kanila. Hintayin niyo ang araw dahil iipunin namin ang susi at bubuksan ang totoong pag-asa Patutunayan namin na kami ang pag-asa ng bayaan, sa katanungan niyong “Kabataan pa ba ang pag-asa ng bayan?”