Professional Documents
Culture Documents
Filipino Project No.2.1
Filipino Project No.2.1
Filipino Project No.2.1
isang makipot at maduming kalye, dahil sarado ang kalsada sapagkat ito ay inaayos pa at
hindi niya magamit ang sasakyan. Siya si Robert Santos, isang mayamang negosyante at
mabuting ama’t asawa sa kaniyang mga anak at mapagmahal na asawa. Habang siya ay
paglalakad at nang lilingon siya sa kaniyang likod upang tingnan kung sino ang sumigaw…
biglang may nagtutok ng baril sa ulo niya at may isang lalaking nagsabing “Huwag kang
lilingon kung hindi ay babarilin ko ang ulo mo”,doon na niyang nalaman na isa pala iyong
holdap. Bigla siyang kinapkapan ng isang lalaki at kinuha ang wallet at telepono niya. Hindi
lamang iisang lalaki ang nangholdap sa kaniya dahil may mga naririnig siyang mga boses
ng iba pang mga lalaki sa likuran niya, at habang nagpapakaabala ang mga lalaki upang
kunin ang laman ng wallet niya ay, mayroong siyang narinig na tunog ng telpono na tila
mayroong tumatawag dito. Nang sagutin ito ng isang lalaki narinig niya ang sinasabi ng
lalaki doon sa kausap niya sa telepono. Ang sabi ng lalaki ay ”Boss mayroon na po kaming
pangbayad sa utang namin sa inyo po”,at pagkatapos magsalita ng kausap niya ay sinabi
niyang “Maraming salamat po boss”. Napaisip tuloy si Robert “Mayroon palang naguutos sa
kanila upang gumawa ng masama”. Habang si Robert ay nakatayo habang nagiisip, ang isa
sa mga lalaking nang holdap, ang pangalan niya ay Marco o “Mark”,ang kadalasang tawag
sa kaniya. Kinuha niya ang wallet sa isa sa mga kasamahan niya para tingnan kung sino
ang kanilang na holdap at pagbukas niya ng wallet ay nakita niya ang litrato nito. Nang
kinuha niya ang litrato nakita niyang mayroon pang isa pang litrato sa likod nito. Ang
litratong iyon ay ang litrato ni Robert nang siya ay bata pa. At bigla siyang nagtaka dahil
kamukha ng litratong iyon ang mukha ng dati niyang matalik na kaibigan noong bata pa
siya at upang makumpirma niyang siya nga iyon ay hinanap niya kung mayroong pangalan
na nakasulat doon sa wallet. Mayroon siyang nakitang pangalan doon sa tape na nakadikit
maipaglayo sa isa’t isa. Sabay sila sa maraming bagay tulad ng paglalaro, pagaaral,at
hanggang sa pagkain. Ngunit makalipas ang ilang taon ay kinakailangan nilang maghiwalay
dahil kailangan ituloy ni Robert ang pagaaral niya sa America. Wala pa namang ibang
Mahirap lang ang pamilya nina Marco noon habang may kaya naman ang pamilya nina
Robert noon kaya hindi sila nakapagusap. Mula noon nakalimutan na nila ang isa’t isa.
Napaluha si Marco nang maalala niya ang mga pangyayaring iyon kaya naisipan niya
magsulat doon sa tape. Habang palalim ng palalim ang gabi, nagisip si Marco kung paano
niya patatakasin ng buhay si Robert. Nakaisip siya ng paraan, sinabi niya sa mga
kasamahan niya “Tara na mga pare kunin na lamang natin ang laman ng wallet at iwanan
na lamang natin siya dito at tumakas na tayo dahil baka mayroon pang makakita sa atin”,
“sige”,sabi ng isa sa mga kasamahan nila. Binato ni Marco ang wallet sa lupa habang dala-
dala ang pera at telepono ni Robert.Tumakbo ang mga lalaki palayo kay Robert, habang si
Robert mismo ay napagaan ang loob. Habang tumatakbo si Marco kasama ang mga
kaibigan niya palayo kay Robert, sinabi niya sa isip niya “Sana magkita tayo muli
kaibigan”, Habang si Robert naman ay pinulot ang wallet niya at binuksan, pagkabukas
niya ng wallet mayroon siyang napansin na nakasulat sa tape, sabi ”Pasensya na kaibigan,
kahit na matagal na tayo hindi nagkita hindi, pa rin kita nakakalimutan”,at ipinagtuloy
niya ang lakad pauwi ng may pagiingat. Nang makauwi na si Robert sa kaniyang bahay
ikinuwento niya ang pangyayari sa kanyang pamilya. Nagdesisyon siyang huwag nang
isumbong sa pulis ang nangyari, napaisip si Robert tungkol doon sa nakasulat sa wallet niya
“Totoo ng ba, ikaw nga ba iyon Marco”. At doon na nagtatapos ang kuwento na ito.
WAKAS