Kasaysayang NG Wikang Pambansa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANAHON NG KATUTUBO

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa pilipinas may sarili nang kultura ang
pilipinas. Mayaman sa sining at panitikan ang mga Pilipino noon. Sila ay may sariling
pamahalaan at batas na ipanatupad. Mayroon din silang wikang ginagamit sa
komunikasyon at pangangalakal. Marunong din sila bumasa at sumulat. Gamit nila
pagsulat ay balat mg punong kahoy at matutulis na bakal bilang panulat. At ito ay
napatunayan ni Padre Chirino. At isinulat niya ito sa librong pinamagatang “Relacion de
las Islas Filipinas (1604). Dito nakasulat na may sariling sistema ng pagsulat ang mga
katutubo noon na tawag ay baybayin. Ang baybayin ay binubuo ng labimpitog titik –
tatlong patinig at labing-apat na katinig. Karamihan sa ginawa nila noon ay hindi na
makikita sapagkat sinunog na ito ng mga espanyol. At ang rason dito ay kagagawan ito
ng diyablo at sagabal ito sa pagpalaganap ng Katoliko.

PANAHON NG KASTILA/ESPANYOL
Nang sinakop ng mga Kastila/Espanyol ang Pilipinas, nahati ang mga Pilipino. Ang
paraan sa pananakop ng mga Kastila ay paghiwa-hiwalayin ang mga Pilipino. At walang
wikang ipinatipad noon sapagkat sa halip ay ituro ang wikang Espanyol. Ang paring
Espanyol ang nag-aral ng katutubong wika. Para mahulog ang loob ng mga katutubo sa
mga Espanyol nagplano ang mga Espanyol na gamitin ang Kristiyanismo para
matagumpay na magawa ang kanilang mga adhikain. Ang mga misyonerong Espanyol
ay nag-aral ng wikang katutubo dahil inikala nila na magiging mabisa ang pagalaganap
ng Kristiyanismo. Ginamit nila ang relihiyon upang mahulog ang loob ng mga katutubo.
At dahil dito napalapit sa kanila ang mga katutubo at sila naman ay napalayo sa
pamahalaan dahil sa wikang Espanyol. Inutos ni Haring Felipe II, ang pagturo sa ng
wikang Espanyol Sa katutubo pero siya ay nabigo. Sunod din nito, nilagdaan ni Carlos
IV ang isa pang utos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag. At
nanganib din noon ang wikang katutubo na naging sanhi ng pagkawatak-watak. At
naging matagumpay ang pananakop ng Espanyol.
PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO
Dahil sa pananakop ng mga Espanyol, namulat sa ang mga Pilipino sa katotohanan.
Natuto ang mga Pilipino lumaban para sa kanilang karapatan na kinuha ng mga
Espanyol sa higit nna 300 taon. Sa panahon namang ito nagkaroon sila ng damdaming
nasyonalismo. Nag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa upang madagdagan ang
kanilang katalinuhan. Itinatag ni Andres Bonifacio at kanyang mga kasamahan ang
Katipunan. At ginamit nila ang wikang Tagalog sa kanilang kautusan at mga pahayagan
bilang unang hakbang sa pagtataguyod ng wikang Tagalog. Nagkaroon sila ng kilusan
ng propaganda na naging umpisa ng paghihimagsikan laban sa mga Espanyol. At dito
nagawa ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. Pinalakas ang
Konstitusyon ng “Biak na Bato” bilang unang samahang pagkilos ng mga Pilipino.

PANAHON NG AMERIKANO
Pagkatapos ng pananakop ng Espanyol, Amerikano na naman ang pumalit sa mga
Espanyol na pinamumunuan ni Almirate Dewey. Gamit ang wikang Ingles bilang
pantalastasan at wikang panturo sa antas ng primary hanggang kolehiyo. At ang guro
sa bawat antas ay mga sundalo at Thomasites sa pagturo ng Ingles. Ang Thomasites ay
grupo ng 600 na Amerikanong guro na pumunta sa Pilipinas. Ang wikang Ingles ay
ginamit bilang bilang wikang panturo sa paaralang pambayan. Dahil hindi naging madali
ang pagutro ng tatlong R ( reading, writing, arithmetic) kaya ipinagamit ang
berknakular bilang wikang panturo.

You might also like