Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa gitna ng isang malawak na gubat, may isang kaawa-awang lalaking nakagapos sa isang puno ng

Higera.

Florante: AHHHHHH!!!!!! Panginoon ko! Bakit?! Bakit mo ito hinayaang mangyari?!

Siya si Florante anak ni Duke Briseo ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona.

Florante: Bakit mo hinayaang pagtaksilan ni Adolfo si Haring Linseo at patayin ang aking ama?

Florante: Siguro ito na ang aking katapusan.

Sa hindi inaasahang panahon, may isang Moro na naglalakad sa gubat at may narinig na tinig.

Gererong Moro: Oh Tadhana! Kay lupit mo! Kinuha mo ang aking minamahal, kinuha mo si Flerida!

Florante: Paalam kahariang Albanya. Paalam mahal kong Laura.

Gererong Moro: Saan kaya nanggaling ang boses na iyon?

Napatay ni Aladin ang dalawang tigre at tinulungan niya ang lalaking nakagapos.

Gererong Moro: Parang nakita ko ang taong ito.

Florante: Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?

Gererong Moro: Magpahinga ka muna, ako ang nagligtas sa iyo.

Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway? Magkatunggali ang kahariang ating


pinanggalingan! Isa kang Moro!

Gererong Moro: Hangal! Dinadagan mo lang ang iyong pasakit.

Florante: Kung gayon, salamat.

Gererong Moro: Maaari ko bang malaman kung bakit ka napadpad dito?

Florante: Halika’t hayaan mo akong magsalaysay ng aking buhay.

Florante: Ako si Florante anak ni Duke Briseo ng Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona.

Prinsesa Floresca: Tulong! Tulong!

Menalipo: Isang Buwitre! Lumayo ka sa aking pinsan! Ito ang para sa’yo!!

Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?

Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo sa doon sa Atenas. Kung hindi siya mag-aaral, paano
na ang kinabukasan niya?

Prinsesa Floresca: Sino na ang mag-aalaga sa kaniya? Sino na ang mag-aalaga sa anak ko?

Duke Briseo: Huwag kang mag-alala aalagaan siya ng mga guro doon.

Pumayag si Florante na doon siya pag-aralin sa Atenas.


Atenor: Florante, maligayang pagdating, ako nga pala si Atenor ang magiging guro mo.

Florante: Salamat po aking guro.

Atenor Huwag kang mag-alala Florante magugustuhan mo din dito sa Atenas.

Atenor. Binabati kita Florante dahil naipakita mo ang iyong galing.

Florante: Salamat po.

Doon na nagalit at kinain ng selos si Adolfo kay Florante. Isang hapon, tinipon ni Atenor ang kaniyang
mga estudyante.

Atenor: Si Florante at Adolfo ang mauunang magsasadula.

Menandro: Ano ba itigil mo na yan!

Mabuti nalang napigilan ni Menandro si Adolfo at tinulungan si Florante.

Isang taon pa ang nakalipas, nakatanggap si Florante ng sulat galing sa kaniyang ama.

Florante: Aking ina, hindi man lang tayo nagsama ng matagal.

Florante: Aking guro, paalam na po.

Atenor: Florante palagi mong tatandaan kailangan kang magingat kay Adolfo.

Florante: Salamat aking guro. Hindi ko po iyan makakalimutan.

Menandro: Paalam Florante.

Atenor: Menandro mas mabuti kung samahan mo si Florante sa Albanya.

Menandro: Maraming salamat guro.

Umuwi si Florante sa Albanya kasama si Menandro. Nakatanggap si Duke Briseo ng isang sulat mula
kay Haring Linceo

Duke Briseo: Mahal na hari, ito nga pala ang aking anak na si Florante.

Haring Linceo: Ang binata sa aking panaginip, ikaw ang papalit sa aking trono.

Florante: Mahal na hari, maaari ko bang malaman ang pangalan ng binibining iyan?

Haring Linceo: Siya ang anak ko na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap kami ng iyong ama.

Florante: Magandang umaga sa’yo binibini kanina pa kita napapansin dito.

Laura: Magandang Umaga rin sayo Florante palagi kang ikinukwento ng aking ama.

Florante: Sana makilala pa kita ng lubusan.

Laura: Ganoon din sayo, ngunit ilang araw nalang ay aalis kana.

Florante: Tama ka. Halika na’t magsisimula na ang piging.


Pagkatapos ng tatlong gabing piging.

Florante: Laura

Laura: Mag-iingat ka sa digmaan Florante.

Florante: Pangako babalik ako.

You might also like