Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kakayahang Komunikatibo

Dell Hathaway Hymes


Alam mo ba?
- Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensyang lingguwista at
anthropologist na maituturing na "higante" sa dalawang nabanggit na larangan. Siya ay
inilalarawan bilang sociolinguist, anthropological linguist, at linguistic anthropologist.
- Ang terminong kakayahang pang komunikatibo o communicative competence ay nagmula sa
linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland, Oregon, United States na is
Dell Hymes noong 1966.
- Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes “Ang nagsasalita ng wika ay hindi lamang dapat
magkaroon ng kakayahang panglingguwistika o gramatikal upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng
paggamiit ng wika ng lingguwistikang komunidad.
- Hindi sapat na matutuhan lamang ang tuntuning panggramatika.
- Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na
sitwasyon upang maging maayos ang sitwasyon.
- Maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor ang isang taong nagtataglaay ng
communicative competence o kakayahang komunikatibo.

John J. Gumperz
- Siya ay isang Amerikanong lingguwista at academic na kasamahan ni Dell Hymes sa pagbuo
ng communicative competence.

Noam Chomsky (1965)


- Pangunahing tagasulong ng kakayahang panglingguwistiko.
- Naniniwalang ang tao ay may (LAD) Language Acqusition Device.
- (LAD) Language Acqusition Device.
- Responsible sa natural na pagkatuto at paggamit ng wika.

Bagaric et al. 2007


- “Ang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito
kundi kahusayan, kasanayan at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo.”

Higgs at Clifford 1992


- “Sa pagtamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isinaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang
ginagamit sa teksto.”

Dr. Fe Otanes 2002


- “Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangan idudulot nito sa mag-aaral na
matutuhan ang wika upang makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal at
kapaki-pakinabang.”

Shuy 2009
- “Ang kakayahang komunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto lipunan at
kultura.”
- “Ang kakayahang komunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto lipunan at
kultura.”

Cantal-Pagkalinawan 2010
- “Ang isang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng
guro at estudyante at estudyante sa kapuwa estudyante.”
Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo

Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal

CANALE AT SWAIN (1980-1981)


- Sila ang nagmungkahi ng 3 komponent ng kakayahang pangkomunikatibo.
- Sinabi nila na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho din ng
kakayahang gramatikal na sinundan na rin ni Savignon (1983).

CANALE (1983-1984)
- Nagsalin siya ng ilang elemento sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat
na komponent, ito ang kakayahang diskorsal

MGA KOMPONENT
- GRAMATIKAL
- SOSYOLINGGUWISTIKO
- ISTRATEDYIK
- DISKORSAL

Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal


- Ito ay ang pag-unawa at paggamit ng kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks,
semantika gayundin ang tuntuning pangortograpiya.

CELCE-MURCIA, DORNYEI AT THURELL (1995)


- SINTAKS
- MORPOLOHIYA
- LEKSIKON
- PONOLOHIYA
- ORTOGRAPIYA
- SEMANTIKA

PONOLOHIYA
- Maka-agham na pag-aaral ng yunit ng tunog.
- Segmental - (patinig, katinig, tunog)
- Suprasegmental - (diin, intonasyon, hinto o antala)

MORPOLOHIYA
- Maka-agham na pag-aaral ng yunit ng salita.
- Iba’t ibang bahagi ng pananalita
- Pagbuo ng mga salita
SINTAKS
- Maka-agham na pag-aaral ng pagbuo ng pagsasam-sama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan.
- Estruktura ng pangungusap
- Uri ng Pangungusap ayon sa gamit - (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
- Uri ng Pangungusap ayon sa kayarian - (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)

SEMANTIKA
- Maka-agham na pag-aaral ng kahulugan ng pahayag o pangungusap.
- Denotatibo – literal na kahulugan
- Konotatibo – malalim na kahulugan

LEKSIKON
- Bokabularyo ng mga salita.
- Pagkilala sa mga:
- Content words: (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
- Function words: (panghalip, pang-ugnay, pang-ukol, pang-angkop)
- Kolokasyon – pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)

ORTOGRAPIYA
- Pag-aaral tungkol sa pagbabaybay ng mga salita.
- Mga grafema (titik at ‘di titik)
- Pantig at palapantigan
- Tuntunin sa pagbaybay
- Tuldok
- Mga bantas
- Libro: Manwal sa Masinop na Pagsulat Ni: Virgilio Almario

You might also like