Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REVIEWER IN AP 6- QUARTER 2

Noong Agosto 23, 1901, dumating ang naunang grupong gurong Amerikano. May bilang na 600 ang sakay ng barkong
Thomas, kung kaya’t tinawag silang Thomasites.

Sa Panahon ng Amerikano, pinairal ang patakarang edukasyon para sa lahat. Walang bayad ang pag-aaral at libre ang mga
aklat, lapis at kwaderno. Kaya ang mga mag-aaral ay naakit pumasok.

Dalawang pamantasan ang nabuksan para sa kababaihan, ito ay Escuela de Seňoritas na itinatag ni Librada Avelino at
Philippine Women’s University na itinatag ni Francisco Benitez noong 1933.

Lumikha ng isang Lupon ng Publikong Kalusugan ang mga Amerikano sa kadahilanang upang mapabuti ang kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino. -Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit at mapabuti ang kalusugan ng mga tao.

Isa sa mahalagang kontibusyon ang naiambag ng mga Amerikano sa pangkabuhayan ng mga Pilipino. Ito ay ang
Industriyalisasyon.

Sa Batas Payne - Aldrich, nagsimulang pumasok ang mga kalakal ng Pilipinas sa Amerika nang walang buwis. Pinagtibay
ng patakaran ito ang libreng pakikipagkalakalan o tinatawag na Free Trade Policy.

Ang batas na ito ang nagtatadhana ng pagkakaroon ng halalan at ipagpatuloy ang kampanya para sa kalayaan.- Batas ng
Pilipinas 1902

Ang batas na ito ang tumutukoy na pagkilala sa kalayaan ng Pilipinas at inalisan ang Amerika ng kapangyarihan at
mamuno sa Pilipinas.- Batas Jones 1916

Ang batas na ito ay pinagtibay upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas at pagiging neutralisado o walang kinikilingang
bansa.- Batas Tydings – McDuffie

Ang batas na ito ang lalong nagpatibay na magkapagsarili at maging malaya na ang Pilipinas sa kadahilanan na idinagdag
ang salitang complete o ganap sa kasulatan.- Batas Hare – Hawes – Cutting

Isa sa pamahalaan itinatag ng Amerika sa Pilipinas ay ang Pamahalaaang Militar Ito ay naglalayon na pamumuno sa
bansa na nasa ilalim ng mga military.

Mga patakarang pinatupad ng United States sa Pilipinas.: Patakarang Pang-ekonomiya, Patakarang Pulitikal at Patakarang
Panlipunan.

Ang Saligang Batas ng 1935 ang nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na magkakahiwalay subalit magkaka-pantay
ang mga tungkulin at pananagutan. Ito ay pinamunuan ni Claro M. Recto.

Ang Pambansang halalan noong Setyembre 17, 1935, nabuo muli ang Partido Nacionalista dahil sa pagkapanalo ng
karamihang dito. Nahalal bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Pamahalaaang Komonwelt ay si Manuel Luis M.
Quezon.

Sa panahon ito ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamamahala ni Pangulong Manuel Quezon na nagtatag ng ibat
ibang kagawaran sa Pilipinas.- Pamahalaang Komonwelt

Programa ni Quezon sa Panahon ng Komonwelt: Itinatag ang National Rice and Corn Corporation, Naitatag ang
National Power Corporation at Naitatag ang National Economic Council.

Dumating sa Pilipinas ang Unang Komisyon noong Marso 1899. Ito ay pangunguna ni Schurman Komisyon.

Noong Disyembre 10, 1898 naganap ang kasunduan na ibibigay ng mga Kastila ang Pilipinas sa Estados Unidos sa
halagang-
$ 20,000,000.

Sa kasunduan ito, ang naging dahilan ng pagtatapos ng digmaang Espanyol – Amerikano. Itong kasunduan ay tinatawag
na Treaty of Paris

Noong Marso 31, 1899, bumagsak sa kamay ni Heneral Arthur MacArthur ang Malolos, ang Kapital ng Republika.

You might also like